post

Paano gumawa ng Layunin sa Buhay: Ang Pangunahing Sangkap ng Tagumpay

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

“The key to success is to focus our conscious mind on things we desire, not things we fear.” – Brian Tracy

(Ang susi sa tagumpay ay ang pagfocus ng ating isipan sa mga gusto natin, hindi sa mga kinatatakutan natin.)

Alam mo ba na ang paggawa ng layunin gaya ng “gusto ko ng masayang buhay” o “gusto kong yumaman” ay hindi makabubuti? Hindi ko sinasabi iyon dahil imposible silang makamit. Ito’y dahil sila’y napakalabo na hindi ka makakauha ng impormasyong magagamit mo para makamit ang mga ito. Bukod pa doon, wala din silang nakatakdang hangganan kaya hindi mo malalaman kung tunay mo nga ba silang nagawa. Kung gusto mong makamit ang iyong mga pangarap at magtagumpay sa isang bagay, kailangan mong pag-aralan ang tamang paglikha ng layunin. Pag-aralan mong mabuti ang article na ito, at gumawa ka ng layunin gamit ang mga prinsipyo dito.

“Lack of direction, not lack of time, is the problem. We all have twenty-four hour days.” – Zig Ziglar

(Ang kakulangan ng direksyon, hindi ang kakulangan ng oras, ang problema. Tayong lahat ay mayroong 24 oras kada araw.)

 

[Read more…]

post

Sampung Success Quotes sa Productivity at Focus

English Version (Click Here)

Gustohin man nating isipin na ang pagsisikap lamang ang kailangan para magtagumpay, ang katotohanan ay kulang ito. Mas marami kang kailangan kaysa sa pagpipilit at pagpapagod. Ano ang kailangan mo para pagbutihin ang iyong gawain? Heto ang sampung mahahalagang aral mula sa sampung iba-ibang tao.

  1. “Never mistake activity for achievement.” – John Wooden

(Huwag kang magkamaling isipin na magkatumbas ang pagsisikap at pag-asenso.)

 

  1. “You’ve got to think about the big things while you’re doing small things, so that the small things go in the right direction.” – Alvin Toffler

(Kailangan pag-isipan mo ang mga malalaki o mahahalagang bagay habang ginagawa mo ang mga karaniwang bagay, para ang mga ito ay patungo sa tamang direksyon.)

 

  1. “So often, people are working hard at the wrong thing. Working on the right things is probably more important than working hard.” – Caterina Fake

(Madalas, marami ang nagtratrabaho o nagpapagod sa maling bagay. Ang pagtrabaho sa mga tamang gawain ay malamang mas mahalaga kaysa sa pagpapagod o pagsisikap.)

 

[Read more…]

post

Ang Isang Tanong para Makatipid ng Pera

English Version (Click Here)

“No man is rich whose expenditure exceeds his means; and no one is poor whose incomings exceed his outgoings.” – Thomas Chandler Haliburton

(Walang mayaman kapag ang gastos ay nakahihigit sa kakayahan; at walang mahirap kapag ang kita ay nakahihigit sa gastusin.)

Noong nakaraang linggo pumunta ako sa SM Aura, Market Market, at Bonifacio High Street para bumili ng ceramic non-stick frying pan para sa aking pamilya. Noong namimili ako, naisip ko ang mga bagay na gusto kong bilhin para sa sarili. Doon ko natutunan ang aral dito.

[Read more…]

post

Limang Aral sa Buhay mula sa Parkour Training

English Version (Click Here)

“Think you are weak, think you lack what it takes, think you will lose, think you are second class – think this way and you are doomed to mediocrity.” – David J. Schwartz, The Magic of Thinking Big

(Isipin mong mahina ka, na ika’y may pagkukulang, na ika’y matatalo, na ika’y second class lamang – mag-isip kang ganito at ikaw ay isusumpa sa pagiging mababang uri ng tao.)

Mga dalawang linggo na ang nakalipas, inimbita ako ng kaibigan ko sa Ninja Academy sa Las Pinas para magpractice ng parkour. Kung hindi mo alam kung ano iyon, isipin mo kung paano tumatakbo ang mga tao para umiwas sa mga obstacles o hadlang sa mga action movies. Panoorin mo saglit itong video na ito para malaman mo kung ano ang itsura noon:

Hindi lang astig na kakayahan, marami ka ring ibang matututunan sa parkour (at ibang sports) kapag ikaw ay nag-isip ng mabuti. Ito ang ilan sa mga aral na matututunan mo mula sa ilang oras ng pagsasanay:

[Read more…]

post

Tatlong MAHALAGANG dahilan kung bakit kailangan mong iwasan ang Masamang Utang

English Version (Click Here)

“Debt is like any other trap, easy enough to get into, but hard enough to get out of.” – Josh Billings

(Ang utang ay katulad ng ibang patibong, madaling pasukin, pero mahirap umalis.)

Isang hakbang palusong, dalawang paurong.  Isipin mo man na ok lang manghiram ng pera at lubusang gamitin ang credit cards, hindi ito totoo. Parang hindi ito masama sa simula, hanggang mangutang kang uli, at mangutang pa, at mangutang ng paulit-ulit hanggang nabaon ka na ng isang bundok ng utang. Kapag nawiwili kang gumastos ng sobra sobra at mangutang ng pera, alalahanin mo lang ang tatlong dahilan kung bakit dapat umiwas sa luho at sa masamang utang.

[Read more…]

post

Pinakamalaking Pagkakamali na pwede mong gawin bago ka MagInvest

English Version (Click Here)

Maraming taon na ang nakalipas, naaalala ko noong sumali ako sa isang forex trading seminar dati. Ang guro ay nagturo ng pangunahing kaalaman o basics tungkol sa kung paano gumagana ang pagtrade ng currencies. Ang ilan sa mga natutunan namin ay kung paano gumagana ang markets, paano naaapektohan ng news at ekonomiya ang exchange rates, at iba pang aral gaya ng kung bakit magkaiba ang buy at sell price ng currency pairs (“spread” ang tawag dito), paano gamitin ang MT4 program, atbp. Ang event ay nagtagal hanggang gabi dahil sa dami ng itinuro sa amin. Mas-mahalaga pa ang seminar na ito dahil sa kung ano ang natutunan ko mula sa mga nakausap ko pagkatapos.

[Read more…]

post

Karapatan mong Yumaman at Umasenso

English Version (Click Here)

Stress sa trabaho, mga babayarang gastusin, at napakarami pang problemang lumilitaw araw araw. Ang lahat ng ito ay parang nakakapagpawala ng pag-asa sa buhay. Malamang maiisip mo rin na kung ano man ang mayroon ka ngayon, buhay na isang kahig isang tuka, ang tangi mong makakamit. Maiisip mo din na ang mediocrity, pagkabigo, at pati kahirapan ay normal.

Hindi totoo iyon.

Ang DAPAT mong makamit at ang NAKALAAN para sa iyo sa buhay ay kayamanan at tagumpay. Karapatan mong yumaman, at gaano mo man isipin na hindi ito totoo, ito’y nararapat sa iyo kapag pinagsisikapan mo ito. Alalahanin mo ang mga quotes dito kapag ikaw ay nagdududa pa.

[Read more…]

post

Sampung Paraan para HINDI Makatulong (“The Ten Cannots” ni William J. H. Boetcker)

English Version (Click Here)

Bawasan ang unemployment, tumulong sa mga nangangailangan, ubusin ang kahirapan at nagugutom sa mundo. Ang mga iyon ang mga layuning karapat-dapat gawin. Kailangan nga lang nating mag-ingat dahil ang ibang solusyon ay higit na nakakasama kaysa makatulong. Basahin mo ang mga babalang ito mula sa “The Ten Cannots” ni William J. H. Boetcker.

“The Ten Cannots” (Sampung Hindi Pwede) ni William J. H. Boetcker
  • Hindi mo mapapalaganap ang kasaganaan sa pagtutol sa pagtitipid.
  • Hindi mo mapapalakas ang mahihina sa pagpapahina ng mga malalakas.
  • Hindi mo matutulungan ang mga karaniwang tao sa pagpupuna sa mga nagsikap.
  • Hindi mo mapapaasenso ang sumusuweldo sa pagpapababa sa nagbabayad ng sweldo.
  • Hindi mo matutulungan ang mahihirap sa paninira sa mga mayayaman.
  • Hindi ka makakagawa ng seguridad sa buhay gamit ang pangungutang.
  • Hindi mo matutulungan ang sangkatauhan sa pagpapalaganap ng galit sa kapwa.
  • Hindi ka makakalaya sa sakuna sa pagwawalgas ng higit sa iyong kinikita.
  • Hindi mo mabubuo ang mabuting pagkatao at lakas ng loob ng ibang tao sa paninira ng kanilang pagkukusa at tiwala sa sarili.
  • At hindi ka makakatulong sa iba sa paggawa ng mga bagay na kaya at nararapat nilang gawin ng kusa.

[Read more…]

post

5 Paraan para maging Magaling Makisama

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Para sa iyong negosyo man o career, o para sa iyong mga kaibigan at pamilya, ang pagiging magaling makisama ay isang kakayahang kailangan para magtagumpay sa buhay at magkaroon ng mabubuting pakikipag-ugnayan sa iba. Sayang lang at napakaraming tao ang nandadaya dito at gumagamit lamang ng pambobola at panloloko. Kung gusto mong magustuhan ka ng mga tao, kailangan gamitin mo ang tamang paraan: ang paggamit ng kabutihan at tapat na kalooban. Ito ang limang aral na kailangan mo ngayong pag-aralan.

[Read more…]

post

“Bakit hindi ko makamit ang Tagumpay?” Pitong dahilan kung bakit ikaw ay Nabibigo

English Version (Click Here)

“Magsikap ka at ikaw ay magtatagumpay.” Ilan nga ba sa atin ang nakarinig at sumunod doon sa payong iyon at umasa dito? Nagoovertime ka at nagdadagdag ng oras sa trabaho para makakuha pa ng extrang pera. Pagod at stressed ka sa pagtrabaho araw-araw, pero parang walang nagbabago. Tinanong mo na ba sa sarili mo “bakit hindi ko pa makamit ang tagumpay?” Kahit napakahalaga ng pagsisikap at seryosong pagpupunyagi ay kailangan, ang realidad ay mas-komplikado. Ito ang pitong dahilan kung bakit hindi mo pa nakakamit ang tagumpay.

[Read more…]

Click here to connect!