English Version (Click Here)
Kung kailangan mong gumawa mga bagay tulad ng pagbukas ng mga bank account o paggawa ng investment accounts, malamang kakailanganin mo ng government ID. Maraming kang pwedeng gamiting valid ID kang tulad ng driver’s license, passport, voter’s ID, postal ID , at iba pa.
Ang isa sa pinakamahalagang ID na pwede mong magamit ay ang Social Security System (SSS) Unified Multi-Purpose Identification (UMID) o SSS UMID. Matagal ko nang nakuha ang SSS number ko. Wala akong UMID dahil noong 2010 lang ito nagsimula. Kung nasa sitwasyon kang ganoon, ang guide na ito ay para sa iyo.
Kailangan may SSS number ka na bago ka makakuha ng UMID, pero pag nagkaroon ka na madali lang makakuha nitong SSS ID na ito. Eto ang paraan kung paano makakuha ng SSS UMID card.
Paano Kumuha ng SSS UMID
1. Bago ka pumunta sa SSS branch, siguraduhin mong handa ka.
- Tandaan mo ang SSS number mo.
- Alamin mo kung bukas ang SSS branch na pupuntahan mo at kung mayroon silang UMID enrollment facilities (eto ang listahan). Hindi bukas ang mga government offices tuwing weekends at holidays.
- Agahan mo ang pagpunta sa branch. Kung marami ang tao, baka hindi ka makapasok sa cutoff dahil limitado ang dami ng tao na pwede nilang iproseso bawat araw.
- Magdala ka ng mga valid IDs. Isa (1) dito sa nakalista: Driver’s License, Passport, PRC Card, o Seaman’s book. Kung wala ka noong mga iyon, tignan mo ang listahan sa ibaba at magdala ka ng dalawa. Dapat valid pa ang mga ID mo at hindi pa ito expired.
- Kung kaya, magdala ka ng extra IDs. Kahit hindi naman ito kakailanganin, mabuti nang sigurado.
- Subukan mo ring magrehistro ng My.SSS online account. Pumunta ka lang sa https://www.sss.gov.ph/. Pwede mong tignan ang mga contributions, mag-apply sa salary loans, at gumawa ng marami pang ibang bagay dito.
Habang nasa SSS branch ka, kumuha ka ng UMID application form at isulat mo ang mga kinakailangang impormasyon. May mga kopya dapat sila sa front desk o sa ibang bahagi ng opisina, at ganito ang itsura ng form. (Nag-save ako ng kopya para makita mo ang mga impormasyong kakailanganin mo.)
2. Pag nailagay mo na ang impormasyon, hanapin mo ang UMID application window (itanong mo sa front desk kung nasaan ito, at kumuha ka rin ng number para sa pila kung kailangan tulad ng sa SM Aura branch). I-submit mo ang form mo doon.
Libre dapat ang una mong SSS UMID application. Kung naiwala mo ang ID o kukuha ka ng bago, kailangan mong magbayad ng P200 (o higit pa).
3. Pagkatapos mong ibigay ang iyong form, papupuntahin ka sa biometrics area kung saan kukunin nila ang picture, fingerprints, at signature mo. Kailangan nila ang mga iyon para sa UMID mo.
4. Pagkatapos ng iyong biometrics, tapos ka na! Idedeliver ang UMID mo sa bahay mo (tulad ng nangyari sa akin). Madalas daw dalawang buwan ang kailangan mong hintayin. Kumuha ako ng aking UMID noong Desyembre ng 2018 at naideliver ang ID ko sa bahay namin noong Enero (January) 2019. Ito ang itsura ng sulat at ID na natanggap ko:
Picture ng SSS contribution schedule kung kailangan mo itong makita.
Ilang disclaimers: Hindi ako nagmamay-ari ng mga SSS forms, graphics, at logos dito. Iyon ay mga pagmamay-ari ng SSS sa Pilipinas. Ang ilang impormasyon dito ay pwede ding maging outdated. Kung may mga nagbago man, sabihin mo sa akin para maayos natin ito!