X

Gusto mong gumawa ng blog? 20 Best Blogging Tools at Plugins para sa WordPress

English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links. Alalahanin mo nga lang na ginagamit ko ang lahat ng tools dito sa YourWealthyMind.com at hindi ako magrerekomenda ng mga bagay na hindi ko pinagkakatiwalaan.

Para sa pagpapalaganap ng iyong brand o negosyo, kumita ng pera online, o ilabas ang iyong creativity at galing, ang paggawa ng blog ay isa pa rin sa pinakamabuti at pinaka-accessible na paraan para ikaw ay magpublish ng content sa internet. Nagblog ako ng seryoso ng higit isang taon at ito ang mga pinakamabuting blogging tools at wordpress plugins na ginagamit ko sa YourWealthyMind.com. Kung gusto mong gumawa ng blog, baka magustuhan mo ring gamitin ang mga ito.

20 Best Blogging Tools at Plugins para sa WordPress

*Siya nga pala, inaassume ko na gumagamit ka rin ng wordpress-based website. Kahit maraming libreng blogging websites sa internet, kung seryoso ka sa blogging, ang payo ko sa iyo ay magbayad ka para sa sarili mong self-hosted blog/website at gumamit ng magandang premium theme (gaya ng mga ito galing sa Studiopress – lalo na kung hindi ka magaling sa web design).

Google Website Tools:

*Ang Google ay may maraming magaganda at libreng tools at narito ang palagi kong ginagamit.

  1. Google AdSense (at Plugin) – Ito ang isa sa pinakapopular na paraan para magmonetize o kumita ng pera mula sa iyong blog. Kung gusto mong matutunan kung paano magkaroon ng google adsense account, basahin mo ang post ko tungkol dito.
  1. Google AdWords Keyword Planner – Ang isang pinakamabuting paraan para makakuha ng organic traffic ay ang pagrank sa keywords. Gamitin mo ang libreng tool na ito para makahanap ng search terms kung saan pwede kang magrank.
  1. Google Analytics – Ito ang isa sa pinakamabuting paraan para makita ang statistics sa iyong website upang makahanap ng mga bagay na pwede mo pang pagbutihin. Gamit ang tool na ito, pwede mong maobserbahan ang dami ng visitors sa iyong website, ang iyong bounce rate (ilan ang umaalis pagkatapos ng isang page), pinakapopular mong posts, at marami pang iba.
  1. Google Webmasters (at Bing Webmaster Tools) – Gaya ng analytics, pwede mong gamitin ang mga ito para matrack ang performance ng iyong website at makahanap ng mga problema. Nairerecord din nito ang traffic data at keywords, at pwede mong gamitin ang mga ito para ipaalam sa mga search engines ang mga updates mo sa iyong website.

WordPress Plugins:

*Note: Hindi ko na lalagyan ng links ang karamihan dito dahil mas mabuting hanapin mo sila sa WordPress Plugin search.

  1. Yoast SEO Premium – Kung gusto mong pagbutihin ang visibility ng iyong website sa internet, kailangan mong gumamit ng search engine optimization (SEO) plugin gaya nito. Kahit may libreng version ang Yoast, binili ko pa rin ang premium version para makapaglagay ng maraming keywords* sa bawat post.

*Kung hindi mo alam kung gaano kahalaga iyon, kailangan malaman mo na madalas, iisang set ng keywords lang ang pwede mong magamit sa ranking. Halimbawa, ang “magtipid” at “mag tipid” ay magkaiba ayon sa mga search engines at kailangan kong pumili ng isa. Kapag gamit ko ang premium version, pwede akong maglagay ng higit sa isang keyword set (pinakamarami ang lima) at subukang magrank sa lahat ng ito, at dahil dito dadami ang aking search traffic.

  1. Akismet – Ito’y popular na tool para harangan ang spam comments.
  1. Google Custom Search – Kahit may search function ang wordpress, mas-magaling pa rin ang sa Google kaya ginagamit ko ito sa aking website.
  1. Login Lockdown – Ito’y para pigilan ang brute force login ng mga hacker.
  1. Ad Inserter – Ginagamit ko ito para maglagay ng google ads sa lahat ng aking posts.
  1. Smart Slider – Ginagamit ko ang slider plugin na ito para mafeature ang aking latest posts. Ginagamit ko dati ang Meta Slider Pro, pero noong naging annual subscription ang payment nito at hindi one-time payment, naisip ko hindi na siya sulit. Ngayon, Smart Slider na gamit ko.
  1. JQuery Pin It Button – Kung gumagamit ka ng Pinterest (ifollow mo ang YourWealthyMind dito), ang plugin na ito ay naglalagay ng pin it button sa bawat image sa website mo. Magiging mas-madali ang pagpin ng mga post mo dahil dito.
(Ang karamihan sa premium plugins na gamit ko dito ay galing sa CodeCanyon. I-click mo lang ang link na ito para makita ang mga produkto nila dahil malamang may magugustuhan kang gamitin para sa iyong website/blog.)
  1. Easy Social Share Buttons – Nakikita mo ba ang floating social media share buttons sa gilid? Kung gusto mong mashare ang posts mo sa Facebook, Twitter, GooglePlus, at iba pang social media sites, ang plugin gaya nito ay makakatulong ng husto.
  1. Ninja Popups – Ito ang isa sa pinakamahusay at pinaka-customizable na popup plugins kaya ginagamit ko ito.
  1. WP Pro Advertising System – Ito’y isang premium plugin na ginagamit ko para sa mga espesyal at ispesipikong ads. Inirerekomenda ko ito dahil sa dami ng pwedeng pagpiliang display options (corner peel, layered, fly in, atbp.).
Third Party Services:
  1. MailChimp for WP – Isang tip na ibinibigay ng ibang bloggers ay kailangan mong bumuo ng mailing list. Inirerekomenda ko ang MailChimp lalo na kapag nagsisimula ka pa lamang dahil ito ang isang may offer ng libreng mailing list option. Marami rin palang ibang email providers at pwede mong basahin ang isang guide tungkol sa cloud based email services dito sa link na ito.
  1. Viral Content Bee – Kung gusto mong ishare ng ibang tao ang mga posts mo sa social media (Facebook, Twitter, Pinterest, Stumbleupon),  pwede mong gamitin ang libreng service na ito. Kapag nagshare ka ng posts ng iba, pwede kang makakuha ng points na magagamit mo para ipashare ang posts mo.
  1. Buffer – Ito’y libreng service na ginagamit ko para ischedule ang mga posts at tweets sa Facebook, Google Plus, at Twitter.
  1. Pixabay.com – Ang aking pangunahing pinagkukuhanan ng libre o CC0 na images.
  1. Amazon Affiliates – Ito’y isa pang mabuting paraan para kumita ng pera online. Sa bawat beses na may magclick ng link mo at bumili ng produkto, makakakuha ka ng maliit na komisyon mula dito. Ginagamit ko ito kapag nagrerekomenda ako ng mga librong nabasa ko na. Tignan mo ang dalawang libro sa ibaba para makita mo kung ano ang itsura ng affiliate links (Note: Nabasa ko na at inirerekomenda ko ang mga librong ito.).

  1. Ang Pinakamahalagang Kagamitan: Pen at Notebook para Magsulat ng mga Idea. May kasabihan, “ang pinakamalabong tinta ay mas-matibay pa sa pinakamatatag na alaaala.” Palagi mong isusulat ang iyong mga idea dahil malamang baka makalimutan mo sila habang buhay.

Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (0)