English Version (Click Here)
Paano ba kumita sa YouTube bilang isang vlogger (video blogger)? Ang isang paraan ay ang YouTube Partner Program o YPP na gumagamit din ng Google AdSense. Noong nakaraang linggo, may isang reader na nagtanong sa akin kung paano maaapprove ang kanilang Google AdSense account. Nagsulat na ako ng guide tungkol doon dati, pero ang reader pala na iyon ay nanghihingi ng tulong sa paglagay ng AdSense sa kanilang YouTube channel. Ibang iba ang proseso nito kumpara sa paglalagay ng AdSense sa isang WordPress blog.
Gayunpaman, tinulungan ko pa rin siya at marami rin akong natutunan tungkol sa YPP dahil dito. Ang isang mahalagang detalye sa reader kong iyon ay hindi siya ganoon kadalubahsa sa wikang ingles kaya ang Tagalog na article na ito ay makatutulong nang husto sa mga Pinoy na katulad niya na gusto ring maging vlogger.
Kung gusto mong matutunan kung paano kumita sa YouTube bilang isang vlogger at gamitin ang YouTube partner program, narito ang isang maikling guide tungkol sa mga kailangan mong gawin.
Paano Kumita sa YouTube
Unang una, maraming paraan para kumita ng pera sa YouTube tulad ng pagiging popular na vlogger at kumuha ng mga sponsorships, channel memberships, merchandise (mga gamit na ibebenta mo), super chat, kita mula sa YouTube premium, at iba pa. Sa article na ito, paguusapan natin kung paano kumita mula sa AdSense sa YouTube.
Ano ang kailangan mo:
- Isang Google account. Kung may Gmail o PlayStore account ka na sa iyong Android phone, pwede mo iyong gamitin. Gagamitin mo ito para magregister ng…
- Isang Google AdSense account. Mag-login ka lang sa iyong Google account, pumunta sa Google AdSense, at magsign-up nang libre (ang mahirap ay ang maaprobahan ang iyong account). Kailangan mo o ng legal guardian mo na maging 18 taong gulang o higit pa para makuha ang sweldo mo sa AdSense.
- YouTube account. Pwede mo ring gamitin ang Google account mo para gumawa ng account o channel sa YouTube.
Isang Munting Payo: Pumili ka ng magandang pangalan para sa channel na gusto mong gamitin bilang isang vlogger. Mabuting iwasan mo ang mga nakakadiri o hindi kaaya-ayang mga pangalan (hal. hairydude6969, cutiebabygurl1234) na mukhang ginawa ng isang 12-year-old na bata. Ang channel mo ay ang iyong “brand” at identidad, kaya mabuting gandahan mo ang gagamitin mong pangalan.
Siya nga pala, kung mayroon ka nang YouTube account at hindi mo na gusto ang pangalan ng iyong kasalukuyang account o channel, pwede kang gumawa ng bagong mga “Brand Account” sa iisang Google/YouTube account. Pwede ka ring lumipat mula sa mga ito kahit kailan mo gusto.
Ang YouTube Partner Program (YPP):
Kung gusto mong maging vlogger sa YouTube at kumita ng pera, pwede kang maglagay ng ads sa videos mo gamit ang YPP at AdSense. Alalahanin mo lang na medyo mahirap ang mga requirements nito lalo na kapag nagsisimula ka pa lang.
YouTube Partner Program minimum eligibility requirements:
- Kailangan sinusunod ng iyong channel o content (mga videos na ginawa mo) ang lahat ng YouTube Partner Program policies. Kung hindi, pwede kang maparusahan at matanggalan ng ads ang videos mo o pwede ring masuspinde ang iyong account.
- Kailangan nakatira ka sa isang bansa o rehiyon kung saan pwedeng magamit ang YPP. Kung binabasa mo itong Tagalog version ng article, oo, pwede ito sa Pilipinas.
- Kailangan mayroon kang higit 4,000 public watch hours sa loob ng nakaraang 12 buwan.
- Kailangan may higit 1,000 na subscribers ka sa iyong channel.
- Kailangan i-link mo ang YouTube account mo sa iyong Google AdSense account.
Sa palagay ko mahirap ang 4,000+ watch hours at 1,000+ subscribers na requirements, pero malamang magagawa mo ito lalo na kapag gustong gusto mo itong ginagawa mo at gumagawa ka ng dekalidad na content. Huwag mo lang iisipin na agad agaran mong makakamit ang tagumpay kung hindi ka pa sobrang galin at hindi ka pa ganoon kadalubhasa sa ginagawa mo. Sa ngayon, hindi muna ako makakapagkomento nang husto dito dahil hindi ko pa ito nasusubukan at hindi ko rin ito iniisip subukan sa madaling panahon.
Pangunahing YPP Rules at Policies:
Kapag nabasa mo na ang YPP requirements, alam mong kailangan mong sundin ang Community Guidelines ng YouTube, Terms of Service, Google AdSense program policies, at Advertiser-friendly content guidelines (nasa YPP requirements link sa taas ang lahat iyon). Isusulat ko ang basics dito, pero dapat talagang basahin mo ang kumpletong rules and regulations:
- Bawal ang nudity (kawalang damit), sekswal, o pornographic (malaswang) content.
- Bawal ang promosyon ng ilegal na droga o ilegal na substances. Maaring makasama dito ang pagbebenta ng alak, tobacco/sigarilyo, sandata at baril, pekeng produkto, at iba pa.
- Bawal ang mapanganib o nakakapinsala na content. Halimbawa nito ang mga mapanganib na gawaing pwedeng gayahin ng mga bata o mga bagay na pwedeng makapinsala kapag ginawa ng iba.
- Bawal ang sexist, racist, o iba pang hateful content. Mga salitang nakakasakit sa kasarian, lahi, o iba pang bahagi ng pagkatao ng iba.
- Bawal ang violent o graphic content (kung hindi sila bahagi ng isang documentary o educational na video).
- Bawal ang harassment, cyberbullying, o threatening na content, at huwag kang magpopost ng content na nakakaapekto sa privacy ng ibang tao (hal. pagpost ng buong pangalan, address, contact info., o iba pang impormasyon ng iba nang walang pahintulot). Pwede kang ireklamo dahil dito.
- Bawal ang spam at scams (mga modus o panloloko).
- Bawal ang copyright infringement. Kung plano mong magupload ng viral video na gawa ng ibang tao o magupload ng episodes ng mga palabas na gawa ng iba (hal. Game of Thrones episodes, full movies, copyrighted music, atbp.), pwede kang maparusahan dahil doon.
- Bawal mang-gaya ng identidad ng ibang tao o channels.
- Bawal ang child safety violations (hal. bayolente o sekswal na content na may mga bata).
- Iba pang policies: Iwasan ang sobrang pagmumura dahil pwedeng maging age-restricted ang iyong mga video. Bawal ang mga inactive o hindi ginagamit na accounts. Bawal pilitin o utusan ang ibang taong balewalain ang mga terms of service o patakaran ng YouTube sa iyong mga videos. Kailangan nasa tamang edad ka rin para magkaroon ng sarili mong Google Account (nasa 13+ hanggang 16+, pero depende sa kung saang bansa ka nakatira. 13+ ito sa Pilipinas).
Bukod sa policies ng YouTube, kailangan mo ring sundin ang AdSense program policies. Narito sa link na ito ang article namin tungkol sa basics ng Google Adsense, at ito ang maikling listahan ng mga hindi mo dapat gawin (bukod sa mga inilista namin sa itaas):
- Una, huwag mong icliclick ang mga ads sa sarili mong website.
- Huwag mong uutusan o sasabihin sa ibang tao na iclick ang mga ads mo.
- Huwag mong ilalagay ang mga Google ads sa nakakainis o parang spam na paraan tulad ng pop-ups, pop-unders, atbp.
- Bawal gumamit ng ilegal na traffic o view count generators.
- Bawal magnakaw ng impormasyon ng iba (hal. phishing at hacking).
- Bawal maglagay ng mga malware tulad ng viruses, trojans, at iba pang nakapipinsalang programs sa website mo.
- Bawal labagin ang Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA). Hindi ito masyadong kilala sa ilang bansa, pero mahalagang alamin ito lalo na kapag gagawa ka ng content para sa mga kabataan o mga menor de edad.
How to Setup YPP and Monetize your YouTube Account:
- Mag-Login sa iyong Google Account kung saan mo ginagamit ang AdSense at mag-login din sa iyong YouTube account na gagamitin mo sa YPP.
- Pumunta sa YouTube.com.
- I-click mo ang iyong portrait sa itaas at kanang bahagi ng iyong screen. I-click mo ang “Settings”.
- Sa “Account” section, i-click ang “View additional features”.
- Sa “Channel”, i-click ang “Monetisation”.
- Basahin at i-accept ang terms, i-link ang iyong AdSense account, at i-set ang iyong preferences.
- Irereview nila ang content mo kapag nagawa mo na ang minimum requirements na higit 4,000+ watch hours sa nakaaraang 12 na buwan at 1,000+ subscribers (makikita mo ang mga stats na iyon sa “Monetisation” page).
Kapag naaprobahan na ang account mo at sapat na ang kinita mo sa withdrawal threshold (minimum $100), pwede mo nang kuhanin ang kinita mo sa AdSense. Basahin mo ang guide namin tungkol sa kung papaano kunin ang iyong Google AdSense payment gamit ang Western Union sa link na ito!
At iyon ang mga basics ng kung paano kumita ng pera sa YouTube gamit ang YPP. May kailangan ka pa bang malaman? Itanong mo lang sa comments section sa ibaba!
View Comments (8)
Paano ko po malalaman kung alin ang na violate ko sa rules and regulation?
Hello Luwee!
Madalas isesend nila yun sa email mo. Yung Gmail account na ginamit mo para makapagregister ng Google AdSense. Doon ko natatanggap mga emails nila noong dinedeny nila dati yung AdSense ko (bago maapprove).
Regards,
Ray L.
Pwede nyo po ba ako turuan Kung pano magkaron o makagawa Ng account sa Google AdSense?
Sure! May article na kaming isinulat diyan. Eto yung link sa tagalog version ng "how to get your google adsense account approved" na guide namin.
Magiistart ka muna sa paggawa ng google account. Pwede mong gamitin yung nasa Android phone mo na Gmail account, tapos ilogin mo yun sa PC (sa phone pwede din). Tapos punta ka sa website ng Google AdSense at doon ka sa "Get started" magregister. Kailangan mo ng sarili mong website at email address. Doon magsisimula yung proseso.
Kung kailangan mo pa ng tulong, itanong mo lang sa akin dito at tutulungan kita hangga't makakaya ko.
Regards,
Ray L.
Sir tanong ko lang po kasi channel ko dipo siya approve kasi may reuse content po ako so binigyqn po ako 30days para mag re apply nagbura na kasi ako ng mga videos paano po pag diko nakuha ulit ung 4k wh with in 3odays po.balak ko na po sanang gumawa ng panibagong youtube account pero the same gmail okay lang po ba un salmat po sana mapansin komento kopo.godbless
Hello Geraldine!
Sadly di ko masyadong kilala ang YouTube Partner Program, though nababasa ko dapat 4,000 watch hours in the past 365 days dapat, hindi yung kung kailan ka nagstart.
Sa paggawa ng panibagong account, pwede mo atang i-move yung channel mo sa brand account under the same email. Check mo lang itong guide nila dito: "Move your YouTube channel to another account" https://support.google.com/youtube/answer/3056283?hl=en
I hope that helps!
Regards,
Ray L.
Salamat sa pag share! Bisitahin niyo rin blog ko nagsi-share din ako ng mga tips and tutorials kung paano maaring kumita ng pera online.
You're welcome, and sure! Ayus yung blog mo ah, pang YouTube yung specialty.