X

Paano Maaprove ang iyong Account sa Google AdSense [Philippines]

English Version (Click Here)

Ang isang popular na paraan para kumita ng pera online ay blogging, at ang pinakakilalang paraan para mamonetize o kumita mula dito ay ang paggamit ng Google AdSense (Philippines din gumagana na ito) para maglagay ng mga ads sa iyong website. May ilang mga nagtanong sa akin sa forums at sa email kung paaano maaprove sa AdSense kaya ikukuwento ko sa iyo ang karanasan ko pati ang mga pwede mong subukan para ikaw ay maaprove din.

Google AdSense Philippines Account Approval (Ano ang ginawa ko):

Una, alamin mo kung ano ang AdSense at kung compatible ba ang topic ng website mo:

  1. Alamin mo ang Policies ng AdSense. (Huwag mo iclick and sarili mong ads o pilitin ang iba na iclick iyon, atbp.)
  2. Alamin ang content guidelines. Huwag kang maglalabas o maglilink sa mga ipinagbabawal na content sa iyong website.
  3. Kung ang website mo ay gumagamit ng wika na hindi English, tignan mo muna kung kasama ito sa AdSense supported language list. (Good news sa mga Pinoy: Filipino/Tagalog ay supportado ng AdSense mula Aug. 10, 2016.)

Ikalawa, ihanda mo ang iyong website:

  1. Siyempre, kailangan mo munang gumawa ng sarili mong website. Maraming guides sa internet, kaya maghanap ka lang ng magtuturo sa iyo kung paano mo ito madaling gagawin. Pwede kang gumamit ng blogger para libre, o pwede ka ring gumamit ng self-hosted wordpress na website (yun ang ginagamit ko).
  2. Gumawa ka ng Privacy Policy page na may link na mahahanap sa iyong front page.
  3. Gumawa ka ng “About” page na nagkukuwento tungkol sa iyong website/organization/sarili.
  4. Gumawa ka ng “Contact Us” page na naglalaman ng iyong contact details.
  5. Mag-Sign up sa Google Webmasters, tapos gumawa at magsubmit ka ng Sitemap para sa iyong website.
  6. Mag-Sign up sa Google Analytics.
  7. Gumawa ka ng MARAMING original articles o posts sa iyong website. Kailangan ang mga ito ay higit 300 words bawat isa, pero mas mabuti ang higit sa 500 hanggang 1,000 words. May mga exceptions din naman para sa mga website na puro pictures.

Ikatlo, Magsign up para sa Google AdSense account. Kailangan mong maglagay ng sample ads sa iyong website para mareview ng AdSense. Ito ang ilang magagandang plugins para doon:

  1. Google AdSense plugin by Google (Napakaganda nito para sa iyong front page, at napakadali din nitong gamitin. Ito ang unang rekomendasyon).
  2. Ad Inserter by Igor Funa (Ginagamit ko ito para ayusin ang paglabas ng ads sa mga posts, post types o categories. Kinailangan ko ito noong hindi pa suportado ang Tagalog/Filipino ng AdSense. Dahil maganda ito sa layout, ito ay ginagamit ko pa rin.)
  3. WP Pro Ad System by Tunafish (Paid plugin, pero maganda ito. Kapareho nito ang Ad Inserter, pero mas complex at customizable.).
Sa huli, ang Google AdSense ay magsesend sa iyo ng email para iconfirm kung ikaw ay approbado (o kung may kailangan ka pang pagbutihin sa iyong website).

Mga payo para sa iyong Google AdSense Philippines Account Approval:

Alam natin na mahirap ang maaprove. Ako mismo naREJECT ng SIYAM na beses sa loob ng limang buwan. Sa bawat isa noon, pinagbuti ko ang aking website bago ako naaprove noong December 31, 2015. Ito ang mga ginawa ko at baka makatulong din ito sa iyo:

  1. Gumawa ka ng Google+ account para sa iyong website/blog. Ito ang akin.
  2. Gumawa ka ng aktibong Facebook Page para sa iyong website/blog. Ito nga uli yung akin. Buffer ang ginagamit ko para makapagschedule ng posts sa dalawang pages ng libre.
  3. Kung mayroon kang AdSense account, ilink mo ito sa Google Analytics.
  4. Gumawa ka ng  Google AdWords account. Napakahalaga ng keyword research tool. Siya nga rin pala, kapag mas-maraming Google services ang ginagamit mo, mas makikita ka nila bilang seryosong blogger. Haka haka lang iyon, pero kung nakakatulong, bakit hindi mo din gamitin?
  5. Gumawa ka ng Webmasters account sa Bing (Microsoft).
  6. Tanggalin mo ang lahat ng ads mula sa ibang networks sa iyong website. Halimbawa, kung mayroon kang maraming Amazon Associates banners na nakakalat sa page mo, mabuting tanggalin mo lang ang mga ito habang nirereview ang account mo (Ang mga Amazon Associate links gaya nito ay pwede. Mayroon akong ilan sa aking website at naaprobahan pa rin ako).
  7. Linisin mo ang website mo. Kung napakaraming bagay sa iyong mga sidebar o pangit ang layout, baka mareject ito (posible na tao at hindi mga bots lang ang nagrereview ng mga applications).
  8. Gumawa ka ng mga backlinks para sa iyong website. Magcomment ka sa ibang mga blogs tungkol sa iyong topic at siguraduhin mong ang mga comments ay may links papunta sa iyong website. Gawin mo rin ito sa iyong mga forum signatures. Siya nga pala, iwasan mong magbayad o bumili mula sa mga “backlink booster” services. Madalas naglalagay sila ng napakaraming links sa low-quality o spam websites ng sabay sabay at pinapababa nito ang authority mo sa Google (ang Google ay gumagamit ng backlinks para madetermine ang authority ng isang website at malalaman nila kung sinusubukan mong mandaya).
  9. Ang isa pang pwedeng makatulong ay ang pagsign up sa Alexa.com. May ibang nagsasabi na hindi ito kailangan, pero nagsign up ako ng ilang buwan para sigurado.
  10. Gumawa ka ng NAPAKARAMING ORIGINAL content. Huwag mo nang subukang gumamit ng mga wordspinners o magkopya o plagiarize mula sa ibang websites. Malalaman ito ni Google, kaya mabuti nang iwasan mo ang ganoong risk at baka mablacklist ka. Sa karanasan ko naman, nagsulat ako ng isang 500-1,000 word article linggo linggo mula August, kaya noong December mayroon na akong mga 36 articles bago ako naaprove.

Ang approval ng aking ikalawang blog

Habang inabot ang YourWealthyMind.com ng halos anim na buwan at 36 articles bago ito maapprove, ang aking travel and adventure blog OneAdventurer.com ay inabot lamang ng tatlong buwan at 9 articles (Aug. 30 hanggang Dec. 11, 2019) bago ito maapprove. Nakakuha ako ng “no content” warning noong una ko itong sinubukan noong Sep. 2019, pero naapprubahan ito sa susunod kong pagsubok nito sa Disyembre.

Posible rin naman na mas mabilis ang review dahil ginamit ko ang kaparehong AdSense account na ginagamit ko dito sa YourWealthyMind.com.


Yun ang akin karanasan sa pagkuha ng approved Google AdSense account. May mga tanong ka pa ba? May mga tips ka rin ba para sa ibang mga bagong bloggers? Isulat mo lang sa comments section sa ibaba!

Kung gusto mong matuto pa tungkol sa blogs at blogging, basahin mo ang iba naming articles dito sa ibaba!

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (50)

    • Hindi po. Iisa lang ang blog account at AdSense account ko.

      Ang main point po dito ay dapat mataas ang quality ng inyong blog bago maapprove ang inyong AdSense account.

  • Hi po, ask ko lang.. Yung nasa blog ko po original po lahat ng articles ko doon pero po kung ano po yung articles na nasa blog ko.. Yun din po yung articles na nasa wattpad page ko po.. Tapos po yung link ng wattpad ko every article ko sa blog ko. Pinopost ko din po doon.. Saka yung mga picture po sa blog ko copy ko lang po sa google images PERO po kahit copy ko lang siya .. Nilalagay ko naman po doon ang source link. Kung saan ko nakuha ang link na yun.. Yung articles ko original pero yung image QOUTES po galing pong google.. Ask ko lang .. Me pag asa po kayang ma.approve yung adsense ko?? Newbie lang po ako saka nag paplano palang po ako sa pag aadsense.. Sa ngaun nag aaral palang ako at nag susuri tungkol sa adsense.. Sa adsense lang po ako newbie pero po sa pag ba blog hindi po.. Thanks po... ???

    • Hello Casi!

      Nagcheck ako ng blog mo at base sa nakikita ko, mahihirapan kang maapprove sa AdSense. Matanda na ang blog kasi 2014 pa ata first posts mo, pero medyo kulang ang content at hindi ka rin madalas magpost. Last post mo rin 2016 pa ata. Sa case ko, inabot ako ng 36 articles with 500-1,000+ words each bago ako naapprove. Once a week ako nagpopost so almost 6 months din na non-stop trabaho yun. (Edited because of the typo. Thanks for telling me Josh!)

      So tips ko:

      1. Post more content. Magsulat ka pa ng mas-maraming articles, at magsulat ka palagi. Dapat original content.
      2. Gumamit ka rin ng maraming pictures. Kung pwede, dapat CC0 pictures (ako kumukuha ako sa pixabay.com) tapos ikaw ang maglagay ng text. Kapag gumamit ka ng unauthorized picture, pwede kang yariin dahil sa copyright infringement kahit may source link ka.
      3. Try mo ring gumamit ng iba o mas-modern na blog template o theme. Yung tiled quote pics sa background at neon pink and thin black text ay mahirap basahin at medyo masakit sa mata.

      Yun muna ang tips ko ngayon. Baka within the week o next week, iuupdate ko yung blogging guide ko dito, so icheck mo next week kung may time ka. That's all for now. I hope it helps, and good luck!

      • hello sir, you mean 36 articles per week for 6 months before kayo naapprove ni google adsense? that's roughly 5 articles per day.

        • Ah! May typo, thanks for telling me.

          Hindi 36 per week. Ibig sabihin ko diyan one per week at naka 36 articles ako in almost 6 months na non-stop weekly posting bago ako naapprove. Edit ko muna yung una kong comment para mas klaro. Thanks again!

          • salamat sa clarification bro, ask ko lang kung paano ang ginagawa mong seo promotion para magka visit tong blog mo? nag umpisa na ko eh. salamat in advanced.

          • Hello Josh! Sa simula sinundan ko lang yung basic tips:

            - Social media: FB at Twitter. Pinterest din, kaya sa mga post ko may napakalaking picture na may title palagi. Aside from that, sumnasagot din ako sa Quora at may links yung mga sagot ko sa articles ko.
            - Comment ako sa ibang blogs, tapos may link sa homepage ko. Filipino blogs tapos iba ibang finance at self-improvement blogs at website na nakalist sa Stumbleupon dati. Dapat yung comments pwedeng lagyan ng link.
            - Forum commenting with links to my blog at may link din sa signature. Kailangan maging established ka muna sa community at wag munang magspam ng links bago ka pwedeng magpost ng meron.
            Ang isang hindi ko ginawa ay guest posting sa ibang blogs.

            After that, iba pang SEO tips: Internal links. Dapat articles may links sa iba mo pang articles. External links. Yung mga articles mo naglilink din sa articles ng iba, especially articles na nasa front page ng Google.

            Most important na nagawa ko: Combination ng Tagalog keywords (easy to rank), plus Yoast SEO plugin para madaling lagyan ng keywords at snippet, and Google Adwords Keyword Planner kung saan naghahanap ako ng Tagalog keywords. It's useful for some ideas, pero yung ilang articles ko nagrarank sa keywords na hindi ko mahanap sa Keyword planner. Nadidiscover ko lang sila sa Google Webmaster tools, nalalaman ko na lang yung articles ko nagrarank sa keyword na iyon.

            I hope that helps!

  • salamat bro, sensya na nawala ung link na Reply sa taas kaya new comment na lang. May yoast ako kaso puro pulahan, i think di nya naiintindihan ang tagalog eh... nag sset ako ng focus keyword na tagalog kaso pula talaga, even ung readability. any more advice tips in using yoast for tagalog articles? thank you ulit in advanced.

    • Pula din palagi yung readability ko sa mga Tagalog articles so hindi ko pinapansin yun. Mas mahalaga yung "SEO".

      As for the rest, usually ginagawa ko:
      1. Focus keyword nasa title din.
      2. Inuulit ko yung title (na may focus keyword) sa article mismo, naka size 4 or h4 or larger.
      3. Nilalagyan ko ng pictures yung article, usually may "title" picture ako at nasa "alt text" ng image yung buong title ng article.
      4. Sa "edit snippet" ng article, pwedeng iedit yung meta description. Usually nilalagay ko summary ng article at naroon din yung focus keyword.
      5. Articles ko almost always 500 words pataas. Siguro 70% ng lahat ng articles ko, nasa 1,000 words or so sa English (mas mahaba yung Tagalog translation).
      6. May mga internal links (naglilink sa ibang article sa website ko) at external links (naglilink sa ibang articles online) din sa article.

      Check mo yung "Analysis" part ng Yoast SEO, usually may mga suggestions sila doon.

      • salamat bro malaking tulong ka sa gaya kong naguumpisa sa blog, nag try ako mag apply kahapon sa adsense para makita kung ano yung posibleng masita sa blog ko, insufficient content ang findings ni google hehe, sampo pa lang posts non, pero may pages ako na siguro 6 na. sinunod ko din yung mga tips mo dito, mayron na kong analytics, privacy policy page, about us, contact us etc... wala lang ako nong adwords medyo di ko kasi magets pa. Mag-update ako dito kung ano maging status ng site ko in the next few months. pero mag popost pa rin ako dito if may tanong pa. salamat ulit!

        • Nice! Congrats on your blog! Yung AdWords, ginagamit ko lang for KeyWord Planner (nasa "tools" yun sa taas). Anyway, nakailang insufficient content din ako bago ako naappove. Just keep trying every month or after ilang posts (basta wag lang mag-spam ng requests kasi baka mablock). Good luck and have fun!

      • hello bro may bago kong tanong, hehe. napansin ko sa blog posts mo may tagalog version, and when i click it it's the same url as the english one. paano mo to ginagawa? at naccrawl ba to ni google as two separate posts?

        • Ah, yun? Yeah, dalawang posts yan, and yes, nacracrawl yun as separate posts kasi separate posts nga sila. Usually format ko, Yourwealthymind(dot)com/"articlename", then Yourwealthymind(dot)com/"articlename-tagalog" para sa Tagalog version. Another thing, sa English version English yung keywords. Sa Tagalog version, Tagalog yung keywords. Mas madaling magrank sa Tagalog keywords, thankfully.

          • thank you bro hehe di ko siguro napansin yung -tagalog sa mga url na inobserbahan ko sau hehe. pakicheck mo daw tong blog ko if pasado sa standards mo bro tutal naman ikaw na sa ngayon ang sinusundan ko hehe http://worldofjosh.com

          • Kakacheck ko lang and it looks nice! Ngayon ka lang nagstart? Ayos din na Tagalog yung content. Mas madali magrank sa Google at marami rin ang nangangailangan ng Tagalog guides.

            May napansin akong picture ng Power Rangers. Google ba galing or ikaw ang kumuha sa con? Ingat lang sa mga ganon kasi baka tamaan ka ng copyright kung hindi ikaw ang kumuha ng pics. Yung mga pics ng gundam ok kasi pics mo yun I think (may mga kakilala din akong nagbubuild ng Gundam. Sumasali pa yung isa sa mga contest.). Icheck mo lang itong story dito: https://www.contentfac.com/copyright-infringement-penalties-are-scary/

            For pics, ginagamit ko pixabay para CC0. Usable kahit saan ko gusto. The pics usually aren't that good, pero ok na.

            Ano pa ba pwedeng isuggest... more pictures sa homepage? Then again, unti unti namang dadami ang elements at magkakaroon din ng pics kapag may AdSense na.

            Some recommended plugins na baka magustuhan mo: Easy social share buttons, mailchimp, Ad Inserter Pro (may free din, kaso hindi masyadong kailangan kung gagamitin mo AdSense auto-ads). Pwede ka rin magregister sa Topblogs.com.ph. Backlinks din yun at may rankings pa. Eto yung article ko, I think nakuha mo na yung pinaka important (search, google webmasters, etc.). https://yourwealthymind.com/best-blogging-tools-plugins/

  • hello mga bloggers d aq masyado mkarelate kasi bago palang aq gumawa ng website q sa infinity free net tapos d q alam pano q gagamitin z infinity tapos ngdownload aq wordpress tapos nkagawa aq ulit website doon honga lang dba well days palang aq sa mundo ng website tapos gumawa aq adsense d naman na aprove d q alam kung bakit at kung saan q b ipaste ung code sino po mkakahelp sakin para ma improved q pagblog q po sa infinity at wordpress ito po ung wordpress site q https//armymamaliving.com at https//motherhood.com

    • Oh cool! Ngayon ko lang nakita yang InfinityFree(dot)net na yan! Matignan nga. Useful yun for new bloggers especially kapag magiging self-hosted ang dating.

      As for posting ads sa Wordpress, ang ginawa ko:
      1. Sign in to AdSense. My Ads > New Ad Unit (ikaw na bahala. Text and display ad na responsive muna for testing). Copy mo yung code.
      2. Login ka sa Wordpress admin.
      3. Appearance > Widgets > Custom HTML tapos ilagay mo sa Sidebar. Doon mo ilagay yung AdSense code. Then save.

      May isa pang method (AdSense Auto Ads), kaso hindi ko alam admin settings ng theme mo.
      1. Sign in to AdSense. My Ads > Auto Ads.
      "Setup Auto Ads" then "Copy Code Snippet."
      2. Login ka sa Wordpress admin. Sa akin, hinanap ko theme settings > Header and Footer Scripts (baka iba yung location ng sa iyo, kailangan mahanap mo yung "Header and Footer Scripts")
      3. Sa header scripts, doon ko inilagay yung script ng auto ads. Then save.

      • ray pakisilip ung site q mga blogs q if tama ba if may mali pude pkisabi sakin para madelete q bago palang aq ngblog eh pati website n ganito gusto q sana tagalog kaso ppwede b un

        • Kakacheck ko lang. Pagelevel ads (or auto ads) ata yung nilagay mo sa page. Ad banners dapat.

          Sign in to Adsense> "My Ads" > "Ad Units" ka dapat pipili at yun ang ilalagay, hindi "Auto Ads".
          (Kung wala ka pang Ad Unit, click mo lang yung "New Ad Unit" button sa may itaas, then gamitin mo yung "Text and Display ads".)

          Don't worry. Ganyan din ako noong nagstart ako magblog. Nakakalito yung mga codes at kung saan ilalagay, at ilang oras din ako sa google naghahanap ng solutions. Sanayan lang to. Once malaman mo na ang mga dapat gawin, magiging madali na.

  • thank u bro hehe, yup CC0 yung power ranger na pic sinearch ko yan gamit ang advanced google image search na naka filter for freeusage and free modiication without attribution. salamat talaga sa tips, nag karon ako ng gana sa pag bblog ulit. 10 years na ko sa pag wwebdesign ngaun lang ulit ako naging active ng ganito.

    • You're welcome! At ngayon ko lang din nalaman yang freeusage at free modifications filter sa Google ah. Cool! Macheck nga rin yun.

      Web designer ka nga pala so malamang mas experienced ka sa ganun.

      • salamat bro, approved na adsense ko hehe, kaso bakit ganun nung una lumalabas ung mga in-article ads, ngaun sidebar na lang ung lumalabas. tinignan ko sa settings ng adsense ko naka-on naman ung in-articles. btw auto ads gamit ko.

        • Nice! Congrats sa pagkaapprove! Nakikita ko rin may ads ka na. Nakikita ko rin sa sidebar meron, at meron din sa taas ng title/breadcrumbs (nakalimutan ko tawag doon). Di rin ako sure kung bakit wala mga in-article ads mo. Kung ayaw lumabas in-article, temporary solution ay gumamit na lang ng ad inserter na plugin. Yung free version ng "Ad Inserter Pro" ang ginamit ko dati noong wala pang auto ads para maglagay ng banners sa top ng post (under title), sa gitna ng article, at sa bottom. Pwede mong itry just in case, pero baka rin gumana yung in-article ads after a while.

          • salamat talaga sa advices bro, hehe. and thank u sa pag bigay ng tips sa ad plugin na yan, ttry ko yan pag ayaw talaga lumabas ng in articles. ang mission ko ngayon ang pag drive ng traffice sa site. haha hindi ko alam kung san mag uumpisa bro, binasa ko naman ung advice mo nung umpisa, kaso talaga di ko alam kung pano ko sisimulan. any advice for first step of promotion? yung tipong magaan lang muna baka kasi mabigla hehe magalit si google.

          • You're welcome, and nice, ngayon ko lang nanotice na nailalagay mo na yung website mo sa comments. As for website promotion, old school lang yung ginawa ko:

            Special note: Wag gagamitin yun mga "pay $$$ for 1000+ backlinks" services. Magagalit daw si Google doon sa mga trash/spam backlinks, though I think naresearch mo na yun.
            1. Social media. Yung mga posts ko may "Buffer.com" sharing sa mga social media pages ko. Facebook, Twitter, at GooglePlus. Although personally hindi ako masyadong active sa social media. Baka may iba kang kilalang expert doon, mas makakatulong sila. Nagshashare ako for the backlinks. Pinterest din, kaya manonotice mo may napakalaki akong picture sa bawat article. Para sa pinterest yun.
            2. Comments sa ibang website na kaparehas ng niche mo. Dahil personal finance yung akin, nagcocomment ako dati sa pinoymoneytalk, fitzvillafuerte, investmentjuan01, smartpinoyinvestor, etc. Nagcocomment din ako sa ibang websites na international pero pareho ang niche ko. Note: Dapat may add link to website yung pagcocommentan, kasi otherwise it's useless.
            3. Nagregister ako sa napakaraming websites at webmaster stuff: Wordpress.com (at Gravatar), Google webmasters, bing webmasters, alexa, blogengage, topblogs(ph), at mga web directories (naggoogle lang ako at nagrequest ng listing).
            4. Forums. Nagviviral marketing ako dati, pero hindi na ngayon. Pacomment comment sa forum threads, tapos paminsan minsan, 1 out of a 100 comments nilalagyan ko ng link sa website ko (at yung forum signature may link din). Kailangan maingat ka dito kasi baka maban ka ng mods kung nahalata nilang nagmamarket ka ng blog.

            Iba pang ginawa ko, at nagawa ko sila kasi may English content ako:

            5. ViralContentBee. Kapag mayroon ka nang malakas at well-established social media pages, pwede kang magshare ng posts ng iba to earn points. Tapos pwede mong gamitin ang points na yun para ipashare sa social media ng iba yung mga posts mo. Mga spam social media accounts yun, but hey, mga links nga rin naman.
            6. Quora. Minsan kapag sumasagot ako sa mga tanong doon, naglalagay ako ng link sa blog post ko na makakasagot sa question nila.
            7. Internal links sa iba mong blog articles. External links sa mga maayos na pages/websites at sources.

            Ang hindi ko nagawa (kasi ayaw ko at tinatamad ako), guest posting sa ibang websites.
            Sabi ko nga rin kanina hindi ako magaling sa social media so halos wala akong traffic from those (baka may makilala kang ibang experts/influencers, sila tanungin mo). Karamihan sa traffic ko organic dahil sa Tagalog keywords.

            Anyway, yun muna. Share sa social media ka muna at comment sa ibang blogs (like what you're doing here). I hope it helps, and good luck!

  • sensya na bro ha hehe baka napapagod ka na sumagot. kasi naman wala akong matanungan, lahat ng mga kinocommentan ko ikaw lang masipag sumagot, kaya eto medyo makulit hehe sensya na talaga. nacruious lang ako sa pinterest, kasi nag install din ako ng plugin na kagaya ng sayo. iyun na ba ung use non? may lilitaw na pinterest logo? tas pag cnilick dadalin ka sa pinterest site?

    • Haha! Ayos lang. Nakakatuwa ding tumulong sa iba, at nakakatulong din ata itong comment activity (plus backlinks din to sa site mo). And yes, yung plugin na yun, para lang maipin ng mga gumagamit ng Pinterest yung articles mo sa mga boards nila. Ginagamit ko kasi ang Pinterest para magpromote ng budget/savings articles ko so ako mismo gumagamit noon para sakin. Ikaw bahala kung gusto mo rin gamitin. Optional lang naman siya.

      • sige salamat bro, baka last comment ko na muna to hehe. next na ulit pag may tanong. naglike na din ako sa fb page mo sarap din magbasa eh haha. nga pala bro if need mo basic logo design igagawa kita libre lang, para naman may pambawi ako sayo. thank you ulit ha. ttys.

  • sir ray kapag sa wordpress b pede kagad mg apply sa Adsense kahit bago? thanks..payment na lang kasi sa akin ang kulang di ko makuha ky misis yung card..hehehe

    • Hello Vic!

      Naku, hindi. Medyo mahirap maapprove ng AdSense (at least sa experience ko. Baka mas madali na ngayon). Kailangan marami rami kang posts na original at maganda quality ng posts mo. Still, kung seryoso ka talaga sa pagblog, yes mabuti nang bumili ng self-hosted and then work until maapprove. Ako inabot ako halos 6 months bago ako magkaAdSense, but it's worth it. Try mo maghanap ng cheaper web hosting muna. Sakin gamit ko pa rin yung murang Namecheap.com na webhosting. Yung ibang hosts kasi tulad ng Hostgator at Bluehost sobrang mahal lalo na kapag beginner pa lang.

      I hope it helps!

  • hi po . maguumpisa palang po ako sa yt kaya ask ko po sana kung ano ba yung "url site" na tinatanong sa google adsense kapag mag sa sign up ? ano po ba dapat kong ilagay dun

  • Policy enforcements
    AdSense account disabled for invalid traffic

    sir kapag ganyan po..tama po b na naview ko sya kasi eh sishare ko sya sa FB page ko

    • Ah, invalid traffic. Maraming reasons daw yan. Bawal kasi ang:
      - Magclick sa ads sa sariling blog/website.
      - Ipaclick o refresh ng page sa kakilala ang ads sa sariling blog/website.
      - Paggamit ng automated/bot traffic o pay to click services.
      - (Marami pang iba. Check mo lang sa link na ito: "Top invalid traffic and policy violations that lead to account closure")

      Basahin mo muna yung mga examples nila at icheck kung alin yung nagawa mo kung meron.

      Iresolve mo muna. Next, basahin mo yung nandito sa "AdSense account disabled for invalid traffic" page at puntahan mo yung "Can my account be reinstated after being disabled for invalid traffic?"

      Naroon yung "appeal form" nila. Be careful ah, dapat naresolve mo na yung issue bago ka mag-appeal, kasi kung hindi baka permanent na yung pagblock sa account mo. Kung mangyari yun, ibang ad network na lang ang pwede mong gamitin. Marami namang alternatives to adsense so isearch mo na lang sa net if ever.

      Sa ngayon, hanapin mo muna yung nagcause ng "invalid traffic" sa site mo at ayusin bago mo gamitin yung "appeal form".

  • Hello po ask ko lang na reach ko napo ang 4k subscriber at amg 4k watch time nasa 6k napo subs ko and 700k ang watch time wla pa pong email sakin si adsense in review pa daw po ang channel ko so hindi pa po ako mkkpag lagay ng ads ksi di pa po approved at for review pa channel ko?????yun po ba yun?

    • Sa YouTube Partner Program yan no? Kung nagawa mo na yung main requirements na 4k public watch hours in the last 12 months, 1,000+ subscribers (nasa 4k ka na), at yung country at program policies, kailangan mo na lang sigurong maghintay for a while. May nabasa akong update sa "YouTube Partner Program overview, application checklist, & FAQs" nila:

      Updated March 8th, 2019:
      YouTube Partner Program applications are currently taking longer than 1 month. We understand that this is frustrating, but we have a limited number of specialists who handle YPP reviews. We’re trying to get through your applications as quickly as possible. You can check back here for updates.
      Learn more about our review process.

      Yun siguro ang dahilan kaya natatagalan.