English Version (Click Here)
Kamakailan lang ay ipinahayag ng Makati City government na magbibigay sila ng P5,000 cash aid o ayuda para sa mga citizens ng Makati city. Ito ang tinatawag nilang “MAKA-tulong 5k for 500K+ Makatizens program”. Para malaman ang mga detalye tungkol dito, basahin mo lang ang mga links na ito:
- Makati to give P5,000 aid each to 500,000 residents
- Makati to give P5,000 per qualified resident under economic aid program
Pwede kang magapply sa Barangay niyo pero pwede rin kayong magapply online. Paano magapply para sa P5,000 cash aid o ayuda online? Basahin mo ang guide namin dito!
Paano Mag-Apply para sa Ayuda ng Makati?
Ano ang iyong kailangan?
- Ikaw ay 18 years old pataas.
- Ikaw ay residente ng Makati city o sa mga relocation sites nila sa Calauan, Laguna o San Jose del Monte, Bulacan.
- Kailangan rehistrado ka sa Makati city bilang isang Makatizen cardholder, Yellow card holder ng Makati Health Plus Program, o isang botante ng Makati.
- Kailangan mo ng Valid IDs (Makatizen card, Yellow card, Comelec ID, Passport, Driver’s License, o iba pang valid ID).
- Kailangan mo ng VERIFIED GCash Account na nakapangalan sa iyo*. Basahin mo ang guide tungkol sa kung paano gumamit ng GCash dito.
- Cellphone, tablet o computer na may internet connection.
*Ang bawat miyembro na magaaply para sa cash aid ay kailangan ng sarili nilang GCash account. Hindi papasok ang pera kung magkaiba ang pangalan ng GCash account at ng Makati citizen na nagaapply para sa ayuda.
Ano pa ang iyong kakailanganin? Klarong profile picture at klarong picture ng iyong valid ID na iuupload mo sa Makatizen app o sa website nila.
Paano Mag-apply Online
Pwede mo itong gawin sa kanilang Makatizen App na mahahanap mo sa Google Play Store o sa Apple App Store. Magregister sa App at i-click and MAKA-TULONG button sa ibaba.
Babala: Noong sinubukan kong gamitin ang Makatizen app, hindi ko maupload ang aking profile picture dahil parang may error sa app. Nakapagapply ako gamit ang aking computer.
Steps para mag-apply online
- Pumunta sa kanilang website: https://www.makatulong.com/
- I-click ang “MAKA-tulong” button at i-click ang “Apply Now!” link.
- Piliin kung ikaw ay Yellow Card holder o Voter at isearch mo ang iyong pangalan at Barangay.
- Babala: Basahin mong mabuti ang instructions tungkol sa paglagay ng pangalan. Para sa voter, kailangan walang space ang pagtype mo sa iyong pangalan at kung higit sa isa ang iyong first name, ang unang dalawang pangalan lang ang iyong dapat gamitin (wala pa ring space).
- Babala: Basahin mong mabuti ang instructions tungkol sa paglagay ng pangalan. Para sa voter, kailangan walang space ang pagtype mo sa iyong pangalan at kung higit sa isa ang iyong first name, ang unang dalawang pangalan lang ang iyong dapat gamitin (wala pa ring space).
- Sa step 1, iupload mo ang iyong profile picture at itype mo ang iyong mga personal na detalye.
- Sa mga detalyeng walang asterisk (*) tulad ng extension name (“Jr.”/”Sr.”) o building name, kung wala kang impormasyon dito na mailalagay tulad ng kung wala kang “Jr.” o “Sr.” sa pangalan, wala kang “building name” dahil nakatira ka sa sarili mong bahay, o single ka at wala ka pang asawa na ilalagay sa “spouse details”, pwede mo silang iwanan na blanko.
- Sa step 2, iupload mo ang picture ng iyong valid ID, contact numbers, GCash cellphone number, at iba pang detalye tungkol sa iyong trabaho at edukasyon.
- Sa step 3, ilagay ang detalye ng “person to contact in case of emergency” at mga detalye tungkol sa iyong asawa kung meron man (kung wala, iwanan mo itong blanko).
- Sa step 4 na para lamang sa mga senior citizens, kailangan mong ilagay ang detalye ng iyong beneficiary. Iwanan mo itong blanko kung hindi ka pa senior citizen.
- Sa step 5, tignan mong mabuti at ikumpirma mo kung tama ang mga detalye na nailagay mo.
- BABALA: MAGHANDA KA NG PAMPICTURE O PANG-SCREENSHOT dahil lalabas sa popup ang iyong tracking number. Kung hindi mo ito napicturan, hindi mo machecheck ang progress ng iyong cash aid. (Nangyari sa akin ito. Hindi ko alam ang aking tracking number dahil hindi ko ito napicturan agad. Sana nai-text o email na lang ng system nila ang tracking number sa akin, pero wala.).
Pagkatapos noon, kailangan mo na lang maghintay kung maaapprove ang application mo para sa cash aid ng Makati. May matatanggap ka namang text mula sa GCash kung may pumasok na pera sa account mo. Ito ang natanggap kong text noong nagbigay sila ng ayuda:
Pagkatapos noon, kailangan mong gamitin kahit piso ng ayuda sa loob ng 30 days dahil kung hindi babawiin daw ito sa account mo. Dahil may GCash ka naman, pwede mo itong gamitin pambili ng kaunting load o pambayad ng iyong bills para lang matapos ang requirement na iyon.
Bukod pa doon, pwede mong itransfer ang pera sa iyong Bank account. Pumunta ka lang sa GCash, “Send Money”, tapos “Send to Bank”. Piliin kung anong partner bank ang bank account mo, ilagay ang detalye at pindutin ang “Send Money”.
Dito na muna tayo magtatapos. Sana makatulong sa iyo ang guide na ito! Hanggang sa muli!
View Comments (0)