English Version (Click Here)
Dati kinailangang tumawag sa Department of Foreign Affairs (DFA) para makapagschedule ng appointment at magrenew ng passport. Sa panahon ngayon, pwede mo na itong gawin online, bayaran ang passport at appointment sa pinakamalapit na 7-11, Bayad Center, o lugar kung saan ka pwedeng magbayad ng mga utility bills, at ihanda na ang lahat para sa iyong personal appearance sa DFA.
Kung gusto mong kumuha ng Philippine passport o irenew ang iyong lumang passport, eto ang proseso para ischedule ang iyong appointment online sa website ng DFA.
Paano Kumuha ng Passport
Mga kailangang alamin:
- Kailangan mo ng confirmed appointment para makapagrenew. Kailangan mong ischedule ang iyong application online at bayaran ito bago maconfirm ang schedule mo. Hindi ito kailangan ng mga pwedeng makagamit ng courtesy lane (Senior Citizens, Persons With Disabilities (PWDs), atbp. Basahin ang listahang ito para malaman ang detalye).
- Kailangan mo ng Gmail account para makuha ang payment reference email at confirmation notification email. Ang ibang email providers ay nagkakaproblema sa sistema ng DFA at ang Gmail lang ang gumagana nang maayos.
- Note: Kung magrerehistro ka para sa isang grupo, kailangan ng bawat miyembro ng sarili nilang Gmail account.
- Ihanda mo ang iyong mga passport requirements, mga orihinal at photocopies nito, para sa iyong personal appearance sa DFA.
- Ang adult na bagong aplikante ay mangangailangan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Authenticated Birth Certificate at isang acceptable ID (iclick ang link na ito para sa listahan), habang ang mga magrerenew ng kanilang mga passport ay kakailanganin lang ng lumang passport.
- Ang mga menor de edad na bagong aplikante ay mangangailangan ng PSA Authenticated Birth Certificate, marriage certificate ng magulang kung mag-isa lang ang magulang na kasama ng bata, proof of filiation o guardianship (kung kailangan), valid ID ng magulang, at school ID ng bata kung mayroon sila nito. Para sa renewals, ang kailangan lang ay ang lumang passport ng bata at requirements ng magulang.
- Iba iba ang requirements sa bawat sitwasyon (adult, minor, new passport, renewal, lost passport, atbp.). Iclick mo itong link na ito para malaman ang mga detalye.
- Iprint mo ang iyong application form sa A4 paper at huwag mo muna itong pipirmahan. Makukuha mo ito sa email mo pagkatapos mong bayaran ang iyong online application.
- Special notice: “No show, no refund”. Piliin mong mabuti ang iyong appointment date at time dahil kung hindi, hindi mo na mababawi ang ibinayad mo. Pwede ka namang magreschedule kung kinakailangan.
Part 1: Pumunta sa Website ng Department of Foreign Affairs (DFA)
- Pumunta sa official website ng Department of Foreign Affairs (DFA): https://www.dfa.gov.ph/
- Sa “Consular Services”, iclick ang “Passport Appointment”. Mapupunta ka sa: https://www.passport.gov.ph/appointment
- Paalala: Siguraduhin na “HTTPS” ang nasa URL at hindi “HTTP” lang dahil mas-secure ito laban sa mga hackers at iba pang mga kriminal online.
- Basahing mabuti ang mga terms dahil may mga mahahalagang paalala dito (hal. gumamit ng Gmail email address). I-click ang checkbox kapag nabasa at naunawaan mo na ang mga terms and conditions.
- Iclick ang Start an Individual Appointment button kung mag-isa ka lang magpaparenew, o ang Start Group Appointment kapag may kasabay kang mga kaibigan o kamag-anak. Sa group appointment, kailangan mong ilagay kung gaano karami kayong pupunta.
- Piliin ang lokasyon (Region, Country, at Site) kung saan ka magpaparenew at iclick ang next.
- Piliin ang araw at oras ng iyong appointment (madalas weekdays lang ang pwede).
- Ilagay ang iyong personal na impormasyon, impormasyon tungkol sa iyong pamilya, impormasyon tungkol sa iyong aplikasyon, contact details, at group contact info kung magrerehistro ka para sa isang grupo.
- Kakailanganin mo ring piliin kung regular processing (P950) o expedited processing (P1,200) ang gagamitin mo. Piliin mo ang expedited kapag gusto mong mas mabilis makuha ang iyong passport. May dagdag ring P50 convenience fee kang babayaran.
- Pagkatapos ng prosesong iyon, makakakuha ka ng email na maglalaman ng iyong payment reference number. Kailangan mo itong bayaran para sa iyong appointment.
Part 2: Payment at Confirmation
- Buksan ang email account na ginamit mo para sa iyong passport appointment. (Tignan ang spam o junk folder kung kinakailangan).
- Buksan ang Payment Reference email na natanggap mo at isulat ang payment reference number. Kung gumamit ka ng group appointment system, ang bawat miyembro ay makakakuha ng sarili nilang payment reference number.
- Pumunta sa isang Bayad Center branch, 7-11, ECPay outlet, o iba pang DFA authorized partner tulad ng Robinsons Malls at Supermarkets, LBC, eBiz, Perahub, USSC, Truemoney, Villarica, atbp. I-click mo itong link para makita ang listahan ng kanilang mga authorized partners.
- Bayaran ang iyong appointment gamit ang iyong payment reference number. Sa group appointments, kailangan bayaran ang bawat isang payment reference number.
- Pagkatapos magbayad, makakakuha ka ng confirmation notification email. I-print ang nakaattach na passport application form (isa itong PDF file) sa mga A4 size na papel, pero huwag mo muna itong pipirmahan. Dalahin mo ito kasama ng iyong ibang mga requirements (orihinal at photocopies) sa iyong scheduled appointment sa DFA.
Babala: “No show, no refund”. Kung hindi ka makakapunta sa iyong appointment schedule, kailangan mong magpareschedule.
Part 3: Personal Appearance sa DFA
- Sundan ang dress code para sa iyong personal appearance o pagpunta sa DFA branch. Magsuot ng tamang mga damit at huwag magsuot ng sobrang daming alahas o sobrang kapal na makeup. Suriin mo rin mabuti ang mga requirements at photocopies mo.
- Maagang puntahan ang napiling DFA office. Dapat 30 minutes bago ang iyong appointment, nakapila ka na.
- Sa oras ng nakaischedule mong appointment, ihanda mo ang iyong passport application form para sa verification (Step A) sa DFA. Bibigyan ka ng number kapag naverify ka.
- Pumunta sa processing area at maghintay na tawagin ang iyong numero. Ihanda ang mga requirements at ang iyong lumang passport (sa mga renewals). Kukunin ng DFA officer ang iyong mga forms at photocopies, ididisable nila ang luma mong passport kung kailangan, at ikukumpirma nila kung gagamitin mo ang courier o hindi. Sasabihin rin nila sa iyo kung kailan mo makukuha ang iyong passport. Pagkatapos nito, pumunta ka sa encoding at kumuha ka ng number.
- Note: May passport payment step sa gitna ng processing at encoding. Dahil malamang binayaran mo na ang passport mo bago makuha ang confirmation, malamang ito ay para sa mga courtesy lane applicants na hindi na kailangan gumamit ng online appointment.
- Kapag tinawag ang numero mo sa encoding section, kukunin nila ang iyong letrato, signature, at fingerprints ng iyong hinlalaki (thumb) at hintuturo (index finger) sa dalawa mong kamay. Suriin mong mabuti ang impormasyon at ikumpirma sa DFA officer kung tama lahat ito. Pagkatapos nito, kunin mo ang iyong original receipt dahil kakailanganin mo ito sa pagkuha ng iyong passport.
- Pagkatapos ng encoding, may courier service sila na pwede mong bayaran kung gusto mong ideliver nila ang passport sa iyong bahay. Kung ayaw mo naman itong gamitin, pupunta ka lang sa DFA branch para kuhanin ang iyong passport.
Passport pickup: Tawagan mo muna ang iyong DFA branch para ikumpirma kung naroon na ang passport mo. Dalhin mo ang iyong resibo at lumang passport sa DFA branch at pumunta ka sa releasing section. Isubmit mo ang iyong mga dokumento at hintayin mong tawagin ka nila. Suriin mo ang iyong bagong passport at tignan kung mayroon bang mga error. Kung tama ang impormasyon, pirmahan mo ang mga release forms at hayaan mo silang ideactivate ang iyong lumang passport.
Bukod pa roon, baka kailangan mong pirmahan ang iyong bagong passport para maging valid ito. Mabuti ring sulatan mo ang emergency contact information sa likod ng iyong passport.
Pagkatapos noon, pwede ka nang umalis. Congratulations sa pagkuha ng iyong bagong passport! Ingatan mo ito, huwag mo itong susulatan bukod sa mga bahaging sinabi ko sa iyo sa itaas, at siguraduhin mong hindi ito matutupi, masisira, o madudumihan.
Dito na muna tayo magtatapos! May mga tanong ka ba tungkol sa kung paano mag-ischedule ng passport appointment online o paano kumuha ng Philippine passport? Itanong mo lang sa comments section sa ibaba!
View Comments (10)
I have two questions po..
Bukod po ba sa babayaran nung nag online appointment may babayaran pa po ba sa dfa pag pumunta na para sa personal appearance at kung mayron po, Magkano?
At
Magkano po babayaran kung sakaling ipapa deliver nalang sa house address ang passport?
Hello Lilibeth,
Noon pong nagparenew kami, sa pagkakaalala ko wala nang ibang babayaran after P950/P1,200 online appointment except delivery fee kung gusto niyong ipadeliver sa bahay niyo. Of course, baka nag-iba na ngayon at may idadagdag na silang bayad, pero nagresearch po ako ngayon at wala akong makitang additional fees na idinagdag. Mabuti po kung matawagan niyo yung branch para maitanong at makasigurado.
Ayon po sa website nila, iba iba daw yung pwedeng charge kapag ipapadeliver: https://consular.dfa.gov.ph/passport-fees
(Sa pagkakaalala namin, halos nasa P350+ yung delivery fee papunta sa location namin kaya noong releasing kami na lang po direktang pumunta sa branch para kunin ang passport namin.)
Sorry po kung hindi ko na masyadong maalala, pero sana po nakatulong. Thank you!
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
sir pwd poba mag asked kasi yong pinsan isang taon na sa manila gusto nyang malaman if may pasfort sta or wala paano poba malaman
Hello po,
Nagpaprocess na po ba siya sa DFA? Sa ganyang sitwasyon, baka kailangan niya pong tawagan o puntahan yung branch kung saan siya kumuha ng passport.
Kung naka isang taon na, baka po for pickup na iyon. Kung ipinadeliver niya sa bahay tapos hanggang ngayon wala pa, baka po naiwala ng delivery, o baka naroon pa rin po sa DFA branch.
Kailangan niya po talagang tawagan o puntahan yung DFA para itanong kung ano nang nangyari sa passport niya.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Hello! I just want to ask if pwde po ba pumunta Ng dfa office kahit Hindi mo pa schedule? Thank you!
Hello po,
Ayon sa nakikita ko sa internet advisories nila, mukhang courtesy lane lang po pwede mag walk-in. Yun po yung mga Senior citizen, pregnant women, persons with disabilities, solo parents, minors aged 7 and below, pero dapat po mayroon documents like PWD ID, medical certificate, etc. Mayroon din daw pong 300 applicant limit kahit sa walk-in applicants so kailangan din agahan.
Para sa karamihan sa atin, kailangan po magbook at magbayad para makakuha ng appointment. Yun po talaga para sigurado.
Kung qualified naman po kayo sa courtesy lane, subukan niyo na rin pong magtanong, baka sakaling available pa.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Pwede po ba I pick up nlang ang passport kahit na nag avail aq Ng for delivery? Matagal po Pala ang delivery nila. Possible po ba yon kung pwde I pick up q nlang xa? Thank u po sa ssgot.
Hello Maria,
Sorry po sa late reply, people malamang po hindi pwede. Baka po kasi pag delivery, nasa ibang location ang printing tapos ibinibigay agad sa courier kaya wala na po yung passport sa DFA branch niyo.
Regards,
Ray L.
Hi po nag appointment pi ako wala pa po akung tanangap na refference sa gmail ko po
Hello Maggie,
Posibleng delayed lang yung email o kaya nasa Spam folder (sa PC, i-click mo yung "More" sa ilalim ng "Categories" para makita). Kung talagang wala, baka kailangan mo nang ipatanong o ipaconfirm sa DFA branch kung nakaregister ka nang maayos sa sistema nila.
Regards,
Ray L.