English Version (Click Here)
Bilang isang blogger, malamang magsusulat ako ng mga payo para sa iba na gusto ring magblog. Marami na akong naisulat tungkol dito at pwede mo silang basahin sa mga link na ito:
- Blogging 101: Ang Aming Top Tips Para sa mga Bagong Bloggers
- Paano Gumawa ng Blog at Kumita ng Pera
- Gusto mong gumawa ng blog? 20 Best Blogging Tools at Plugins para sa WordPress
Habang tumatagal, may mga natututunan din tayong mga bagong bagay na nais nating ipaalam sa iba, kaya narito ang ilan pang mga payo (at WordPress plugins) na baka makatulong sa iyong blog!
Iba Pang Payong Dapat Mong Alamin Kapag Gagawa ng Blog
1. Gumamit ng Mobile Friendly na Theme
Ayon sa datos ng YourWealthyMind, higit 43% ng aming mga readers ang gumagamit ng smartphone o tablet para buksan ang website na ito. May milyon milyong smartphone users sa mundo at kung gusto mong magblog, malamang gagamitin nila ang mga phone at tablet nila para basahin ang mga gawa mo.
Ang isa nga namang malaking pagkakaiba as pagbabasa ng blog sa computer at pagbabasa nito sa phone ay mas maliit ang mga screen ng mga phone at tablet. Ang content na ginawa mo na magandang tignan sa computer ay baka hindi ganoon kaganda sa mga mas maliliit na screen. Kapag nagmumukhang pangit ang gawa mo o hindi nila ito mabasa, baka layasan ka lang ng mga readers mo dahil dito. Kung matutulad ka sa stats namin, pwedeng halos KALAHATI ng readers mo ang aalis, at malaking kita ang pwedeng mawala dahil dito.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang maghanap ng magandang WordPress theme na mobile-friendly din. Mabuti na lang, ang mga mas bagong themes ngayon ay may feature na ganoon, kaya kailangan mo na lang maghanap ng theme na nagugustuhan mo. Sa palagay ko, mainam gamitin ang mga bayad na theme (tulad ng Genesis theme na ginagamit ko) dahil palagi silang inuupdate. Magiiba ang itsura ng website mo kumpara sa iba ibang blogs na gumagamit lamang ng mga libreng theme.
2. Gumamit ng AMP Plugin
Pagkatapos pumili ng mobile-friendly na theme, dagdagan mo pa ang features at magsetup ka ng AMP (accelerated mobile pages) sa iyong website. Ano ang AMP? Ito ay isang paraan para gumawa ng simple at mabilis magload na versions ng iyong content. Ginawa ito ng Google at Twitter at dahil dito prioridad daw nila sa rankings ang mga website at blog na may AMP kumpara sa mga wala nito.
May dalawang plugins akong inirerekomenda kung gusto mong maglagay ng AMP sa iyong WordPress website, at ang una ay AMP ng AMP Project Contributors. Ito ang pinakabasic na plugin para sa AMP at napakadali nitong gamitin. I-install mo lang ang plugin (at iba pang kinakailangang na software), isetup mo, at pagkatapos noon mayroon nang AMP version ang content mo.
Ang isa ko pang inirerekomendang plugin ay ang Accelerated Mobile Pages nina Ahmed Kaludi at Mohammed Kaludi. Madalas kailangan mong magbayad para makapaglagay ng ads sa iyong AMP pages, pero kung gusto mo ng paraan para mailagay ang auto-ads ng Google AdSense sa iyong AMP pages nang libre, pwede mong gamitin itong plugin na ito.
(Isang babala: Hindi mo sila pwedeng pagsabayin. Noong nakalimutan kong i-deactivate ang lumang plugin at sinubukan kong i-activate ang pangalawa, nagkaroon ng conflict na sumira sa aking website. Hindi ko maaccess ang aking admin dashboard. Buti na lang nagagamit pa rin ang FTP kaya doon ko tinanggal ang plugin para ayusin ang aking website.)
3. Jetpack by WordPress.com
WordPress ang pinakapopular na software sa paggawa ng blog o website, at halos kalahati ng buong content management system marketplace ang gumagamit nito, Sinple lang itong gamitin. Kailangan mo lang itong i-install sa host ng website mo, mag-login, at magsetup ng themes at plugins at pwede ka nang magblog! Mas madali ito nang di hamak sa pagcode ng isang buong website mag-isa.
Pag ikaw ay gagawa ng blog, ang isa sa pinakapopular na plugin para sa WordPress ay Jetpack at ito ay nilikha ng mga taong gumawa ng WordPress. Maraming features ang magagawa ng plugin na ito, tulad ng automated sitemap, anti-spam software (Akismet), automated social media sharing (pagshare sa Facebook, Twitter, atbp.), paglist ng related posts, at marami pang iba. Ang basic version ay maganda na, pero meron din itong premium o bayad na version na may marami pang magagandang features.
4. Maghanap ng Paraan Para Kumita sa Blog
Kung hindi naman para sa hobby lang ang iyong blog, malamang kailangan mong bayaran ang hosting at iba pang serbisyo na ginagamit ng blog mo at kailangan mong maghanap ng paraan para bayaran sila at makakain. Kapag ikaw ay gagawa ng blog, mahalaga ang monetisation (paraan para kumita).
Ang isa sa pinakapopular na paraan para kumita ay ang Google AdSense at may naisulat kaming ilang articles tungkol doon dito:
- Google AdSense Basics: Isang Maikling Guide Tungkol sa Kung Paano Gamitin ang AdSense
- Paano Kuhanin ang Iyong Google AdSense Payment sa Western Union
- Paano Kumita sa YouTube: AdSense at ang YouTube Partner Program (YPP)
Bukod pa doon, naglista rin ako ng iba pang paraan para kumita sa blog mo dito sa link na ito.
Ang isang problema, minsan matagal bago maaprobahan ang iyong AdSense account. Minsan din, hindi ka maaaprobahan. Ano ang dapat mong gawin? May isa akong maikling kwento para sa iyo.
Noong nakaraang panahon, biglang nawala ang mga AdSense ads sa aking website at naging ZERO ang aking kita mula dito. Nagiimbestiga pala ang Google tungkol sa invalid traffic sa libo-libong mga bloggers, at naapektohan ang website ko (pero naayos na ito ngayon). Dahil doon, nakahanap ako ng panahon para makapagbasa at sumubok sa iba pang ad networks.
Kahit irerekomenda ko ang Media.net dahil ito ang ikalawa sa pinakamalalaking ad networks sa mundo, inaaprobahan lang nito ang mga website na galing sa US at Europe ang mga visitors. Hindi nito inaprobahan ang website ko dahil galing sa Pilipinas ang karamihan ng visitors ko.
May nadiskobre naman akong isa pang maayos na ad network, at ito ay ang PropellerAds. Irerekomenda ko ito kapag magsisimula ka lamang dahil hindi ganoon kahirap ang requirements nila di tulad ng AdSense o Media.net. Pwede kang gumawa ng account at maglagay agad ng ads.
Pwede kang kumita mula sa popunder ads nila, pero kung gusto mong gumamit ng AdSense pagdating ng panahon, kailangan mong itigil ang mga ito. Pwede mo namang gamitin ang “Native Subscriptions (CPM)” nila dahil sa pagkakaalam ko pwede itong isabay sa AdSense. Wala pa akong masyadong kinikita mula dito, pero mukha itong isang sistema na kailangan matagal gagamitin bago kumita.
5. Palaging Mag-Save ng Backups
Isang malalang sitwasyon ang nagturo sa akin nito. Dati nagsa-save ako ng backups pagkatapos kong magpost ng article at hindi ako nagsa-save bago mag-update o pagkatapos mag-update ng plugins. May ilan nang panahon kung kailan ang pag-update ng plugin ay nakasira sa ibang bahagi ng aking website at hindi ako makaupdate o maka-save ng mga articles. Naaayos naman iyon madalas ng bagong update na lumalabas sa susunod na araw.
May isa namang panahon na sinubukan kong gamitin ang isang AMP plugin na sinabi ko kanina, pero nakalimutan kong i-disable yung luma. Winasak nito ang website ko dahil sa conflict at hindi na ako makalogin sa aking admin dashboard para ibalik ito sa dati. Kung ibinalik ko ang nakaraang backup, mawawala ang dalawa o tatlong guest articles. Buti na lang naalala ko na pwede akong magdelete ng plugins gamit ang isang FTP connection sa aking host at ginamit ko iyon para ayusin ang aking website.
Mula noon, nagsa-save na ako ng backup bago ako magupdate at pagkatapos kong magupdate ng plugins.
TANDAAN: MAGSAVE KA PALAGI NG BACKUPS. Malamang may ganitong feature ang hosting service mo para sa iyong WordPress installation. Sanayin mo ang sarili mong gumawa ng backup kapag ikaw ay gagawa ng blog. Malamang hindi mo magugustuhang maranasan ang mawalan ng ilang articles na trabaho dahil sa maliit na glitch o sira.
Dito na muna tayo magtatapos sa article na ito. May iba ka pa bang gustong matutunan? Itanong mo lang sa comments sa ibaba!