English Version (Click Here)
UPDATE: Hindi na available ang UBER mula pa noong April 2018.
Kung makakapagbigay ako ng bagong oportunidad sa mga tao, gagawin ko! Yun ang dahilan kung bakit sumali ako kamakailan lang sa Uber affiliate program. Ito’y dahil magagamit ko ito para makatulong sa ibang kumita ng pera sa kanilang spare time, at para suportahan na rin ang blog na ito. Ang Uber nga pala ay katumbas ng pagtatawag ng taxi gamit ang iyong mobile device (cellphone). Para mapagana ang serbisyo nila, kailangan nila ng drivers/partners para dalhin ang mga kliente sa kanilang mga gustong puntahan. Kung gusto mong malaman kung paano kumita ng pera sa iyong spare time bilang isang Uber partner (driver), basahin mo lang ang article na ito.
Paano maging Uber Driver sa Pilipinas
Main Requirements:
- Email Address at phone number para sa iyong Uber Partner Account (LINK REMOVED).
- Car (Kailangan 2014 o mas bago, at may apat na pinto. Basahin mo ang Vehicle Requirements DITO). Kung wala kang kotse, pwede kang makipagpartner sa ibang vehicle owner.
- Android or IOS Mobile Device (Cellphone) na may Uber Partner App. Kailangan mo ng 3g mobile internet o nakahihigit pa para makalogin at makatanggap ng trip requests mula sa mga pasahero.
- Philippine Driver’s License (Professional).
- Valid NBI Clearance.
- Required vehicle documents: Vehicle’s Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR).
- Pwede kang mabayaran ng cash, pero para sa cashless transactions kailangan mo ng bank account dahil nagbabayad sila gamit ang wire transfer. Ang contact ko sa Uber ay nagrerekomenda ng EastWest Bank dahil naiwawaive nila ang transaction fees.
Iyon ang mga main requirements na kakailanganin mo bago ka makasali sa Uber partnership program. Kakailanganin mo ng email address para makapagregister ng Uber partnership account, isang magandang kotse para ihatid ang mga kliente, isang mobile internet (3g or better) capable phone o device, ang mga documents na kakailanganin para makapagrehistro sa Uber, at isang bank account para matanggap ang iyong sweldo. Kakailanganin mo ang lahat ng iyon para kumita bilang isang Uber partner kaya ihanda mo sila para makapagdrive na.
Para mag-signup:
- Magregister ng partner account dito (LINK REMOVED).
- Iupload ang mga required documents (professional driver’s license, NBI clearance, at mga car documents).
- Kapag tinanggap ang application mo, idownload mo ang Uber Partner App at magsimula ka nang magdrive para kumita ng pera!
Paano gamitin ang Uber Partner App para kumita ng pera:
- Sakay ka sa kotse mo at istart mo ang internet sa iyong mobile device.
- Buksan mo ang Uber Partner App at maglogin gamit ang iyong username/email and password. Iselect mo ang kotseng gagamitin mo.
- Iclick ang “Go Online” para makatnggap ng trip requests.
Kapag may mga tanong ka pa tungkol sa kung paano kumita ng pera bulang isang Uber partner, itanong mo lang sa comments section sa ibaba!
(Update sa August 2017: Siya nga pala, may nalaman akong paraan kung paano palakihin ang iyong kinikita dito gamit ang AdMov.ph. Ilagagay mo ads nila sa kotse mo, at saka ka kikita mula dito. Tignan mo lang ang website nila para malaman mo ang iba pang detalye!)
View Comments (0)