X

Pag-desisyon ng Malakas ang Loob: Mabuting Pagpili, Walang Takot at Pagsisisi

English Version (Click Here)

Hindi ka ba makatulog kapag may mahalagang desisyon kang kailangang gawin?

Nag-alala ka ba ng husto tungkol sa mga bagay na hindi mo pinili?

Nagsisi ka ba dahil sa oportunidad na nawala dahil hindi ka nakapag-desisyon agad?

Ako oo, at siguro naranasan mo na rin iyon. Buti na lang, may paraan para malunas ang pag-aalala at stress, at magmumula ito sa pag-iisip mo tungkol sa bawat desisyon mo sa buhay.

Paghanap sa Pinaka-mainam: Isang Simpleng Proseso ng Pagdedesisyon

Malaki man o maliit, lahat ng pinipili nating pag-isipan at gawin ay nagbibigay ng resulta – nakabubuti man o nakakasama. Mainam na piliin natin palagi ang bagay na makabubuti sa ating buhay.

Kapag alam nating tama ang ating napili, malamang hindi tayo matatakot at magsisisi. Ngayon, paano nga ba natin mahahanap ang pinaka-mainam na mapagpipilian?

*Note: Ang orihinal na English version ay naglalaman ng mga “idioms” na hindi angkop kapag isinalin ng direkta sa Tagalog. Para sa mga iyon, ibang mga salita na lang ang ginamit para manatili ang orihinal na idea.

 

  1. Alamin ang Kailangan

Bago ka magdesisyon, alamin mo muna ang pakay mo. Kapag nagplaplano kang magkaroon ng mas-maraming pera para sa iyong kinabukasan, mas-mainam na mag-invest ka kaysa ubusin mo ang pera sa mga bagong laruan/gadget/cellphone na hindi mo naman kailangan. Pag-isipan mo muna ang pakay mo, saka mo tignan ang iyong mga pagpipilian.

  1. Alamin at Pag-isipan ang Pagpipilian

Ang pagdesisyon sa kakainin tuwing almusal o sa isusuot mo sa trabaho ay hindi kailangan ng malalim na pag-iisip, di gaya ng pagdesisyon sa mamahaling kagamitan na kailangang bilhin, stocks o assets na pag-iinvestan, atbp. Mag-research ka at pag-isipan mong mabuti ang mga pwedeng pagpilian at hanapin mo ang makakapag-bigay ng pinakamaraming benefits sa madali at sa mahabang panahon.

  1. Magpahinga at Maghintay

Sa pinakamabibigat na desisyon gaya ng kung kailan ka lilipat ng trabaho, anong negosyo ang iyong sisimulan, atbp., kung nahihirapan ka pang pumili, ang pinakamabuti mong pwedeng gawin ay magpahinga muna at huwag mo muna itong isipin. Iba muna ang gawin mo at hayaan mo lang na ang subconscious mind mo ang mag-calculate at maghanap ng solusyon (ang psychological process na ito ay tinatawag na “incubation”).

Ang “intuition” o kutob mo ang magbibigay ng tamang sagot, at kapag nakita o nahanap mo na, gawin mo ito agad!

There are risks and costs to action. But they are far less than the long range risks of comfortable inaction.” (May pahamak at gastos sa pag-galaw. Pero ang mga ito ay hindi hihigit sa pahamak mula sa komportableng pag-iwas sa pagdedesisyon.)

– John F. Kennedy

 

Walang Katatakutan, Walang Stress, Walang Pagsisisi

Ngayong natutunan na natin ang paraan kung paano mo magagamit ang iyong isipan at intuition sa pagdedesisyon, paano naman ang mga desisyon na inaalala mo o nakaka-stress sa iyo?

 

Hindi Makapag-Decide tungkol sa isang Oportunidad?

Lahat tayo ay may oportunidad para umasenso, pero marami sa atin ang natatakot dito. Ito’y dahil takot tayong mabigo, o takot tayong iwanan ang nakasanayan natin – ang mga bagay na “komportable” tayong gawin.

Ano ang kailangan mong gawin? Kapag nakahanap ka ng magandang oportunidad at malakas ang kutob mo na makabubuti ito, kunin mo lang!

“Good is the enemy of great.” (Ang “ok lang” ang kalaban ng napakabuti.) – Voltaire

Feel the Fear . . . and Do It Anyway(Damdamin mo ang takot… pero Gawin mo pa rin!) – Susan Jeffers

“If somebody offers you an amazing opportunity but you are not sure you can do it, say yes – then learn how to do it later!(Kapag may nagbigay sa iyo ng napakagandang oportunidad pero hindi ka sigurado kung kakayanin mo, tanggapin mo – tapos pag-aralan mo na lang kung paano mo kakayanin!) – Richard Branson

Madalas, mas-pagsisisihan mo ang mga oportunidad na hindi mo kinuha kaysa sa mga pagkabigo mo. Para mabuhay ka ng walang pagsisisi, kunin mo ang mga oportunidad na nahahanap mo, o kung hindi pa panahon, ikaw mismo ang dapat gumawa ng mga oportunidad na kailangan mo!

 

Walang Pagkakamali, May Aral ka lang na kailangang Matututunan

Kung hindi mabuti ang nakuha mo mula sa isang desisyon, ang lubusang pagsisisi ay hindi nakakatulong. Ang pinakamagandang gawin matapos magkamali ay pag-isipan ang aral na matututunan mo doon… at mag-desisyon ka na pagbutihin mo pa sa susunod!

 

Pinag-iisipan mo pa ba ang desisyong hindi mo sinubukan?

Isang aral na nakuha ko mula sa  NLP: The New Technology of Achievement ay ang presupposition o idea na pinipili natin ang pinakamabuting kaya nating gawin sa bawat oras. Ano man ang pinili natin noon, ito’y dahil iyon ang pinakamainam na kaya nating gawin sa panahong iyon.

Kapag pinagsisisihan mo pa rin ang hindi mo napili, tumigil ka muna. Kaysa magsisi, isipin mo na lang ang mga oportunidad o desisyon na kaya mong gawin ngayon.

What’s done is done. Tapos na iyon kaya ano na ang gagawin mo ngayon? Tandaan, ginawa mo na ang lahat ng iyong makakaya. Ang pagsisisi ay pagsasayang lang ng oras na pwede mo sanang gamitin sa mas-mabuting paraan.

“I do the very best I can, I mean to keep going. If the end brings me out all right, then what is said against me won’t matter. If I’m wrong, ten angels swearing I was right won’t make a difference.” ― Abraham Lincoln

(Ginagawa ko ang pinakamabuti kong kaya, at ipagpapatuloy ko ito. Kung sa huli naging mabuti ang lahat, edi lahat ng paninirang sinabi ng iba tungkol sa akin ay hindi mahalaga. Kung mali ako, kahit sampung anghel pa ang nagsasabing tama ako ay walang mababago.)

Huling Mensahe:

Ang bawat araw ay binubuo ng milyon-milyong desisyon: bumangon o manatili sa higaan, kumain ng almusal o hindi, magcommute papunta sa trabaho o manatili sa bahay at mawalan ng sahod. Para mabuhay ng mabuti, ang kaya lang nating gawin ay piliin ang pinakamabuting bagay na pwede nating gawin sa bawat oras, ito ma’y magtrabaho pa ng husto o magpahinga lang muna at magpakasaya ng sandali bago muling magsikap.

Kapag mayroon sa buhay mo na hindi mo gusto o mga bagay na gusto mong baguhin, tandaan mo na kaya mo itong pagbutihin pa.

Ano man ang piliin mo, tandaan mo lang na basta pinipili at ginagawa mo palagi ang pinakamabuting bagay na kaya mo, madali kang mabubuhay ng walang takot at pagsisisi.
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.