X

Paano gamitin ang GCash: Paano magregister at maglink ng accounts

Disclaimer: Hindi ito promoted o paid post. May nagtanong sa akin dati kung papaano sila makakapagbayad online kahit wala silang debit o credit card. Dahil doon, nagresearch ako at nalaman ko ang tungkol sa GCash. Sinubukan kong gamitin ito para makapagsulat ako ng guide tungkol dito.


English Version (Click Here)

Hindi ko alam sa iyo, pero ayaw kong maghintay nang matagal sa pilahan. Kung kailangan kong magbayad ng mga bills o magpadala ng pera, kailangan kong maglakad papunta sa isang Bayad Center branch o lugar ng service provider, kumuha ng form, sulatan ito, at maghintay nang napakatagal kasama ang halos isang dosenang tao na kailangan ding magbayad ng kanilang mga bills. Kung kailangan ko ring bumili ng prepaid load, kailangan kong maghanap ng tindahan na may load at bayaran ito kasama ang patong ng tindahan. Malaking abala talaga.

Salamat na lang may mas madali at mas mabilis na paraan para gawin ang mga iyon. Hindi ko na kailangang maghintay sa pila. Kung kailangan kong magbayad ng mga bills, bumili ng load, o magpadala ng pera, pwede ko itong gawin sa bahay ko lang o habang nagbabasa ako ng libro sa loob ng isang coffee shop. Noong gumawa ako ng GCash account, ginagamit ko ito para magbayad ng mga bills ng aking pamilya, magbayad ng aking SSS, at bumili ng load. Dahil madalas walang mahabang pila sa mga TouchPay machine, naglalagay lang ako ng pera sa aking GCash account kapag may paparating na kailangan kong bayaran.

Kung gusto mong magbayad ng bills, magpadala o makatanggap ng pera, bumili ng load, magbayad online, at gumawa ng iba pang ganoong bagay gamit ang iyong smartphone o tablet nang hindi na kailangang lumabas ng bahay, edi basahin mo lang itong guide na ito para matutunan kung paano gumamit ng GCash!

Paano gamitin ang GCash

Ano ang pwede mong gawin sa GCash?

  • eWallet para magshopping.
  • Magbayad ng bills gamit ang iyong phone.
  • Magpadala o tumanggap ng pera.
  • Magbayad para sa mga online purchases.
  • Gumamit ng PayPal.
  • Mag-ipon at mag-invest.
  • Gamitin ang GCredit na katumbas ng isang credit card.

Paalala: Kailangan mong iverify ang iyong GCash account gamit ang isang valid ID at selfie para magamit ang ilang mga serbisyong iyon.


Ano ang kailangan mo para magamit ang GCash?

  • Smartphone na mayroong nakainstall na GCash app.
  • Internet connection sa iyong phone (Mobile data or WiFi)
  • Gumaganang cellphone number (Mabuti kung Globe, pero pwede rin ang ibang networks).

Paano magregister para sa GCash account:

  1. Ikonekta ang iyong cellphone sa internet (WiFi o Mobile data).
  2. I-install ang GCash app at ilaunch mo ito.
  3. Pindutin ang “Register” at itype ang iyong cellphone number.
  4. Gamitin ang One Time Pin na matatanggap mo sa text/SMS.
  5. Itype mo ang iyong impormasyon tulad ng iyong pangalan, birthday, at email address. Kung mayroon kang referral code galing sa isang kaibigan, gamitin mo iyon dito.
    • Ito ang aking referral code kung gusto mong subukan: https://gcsh.app/r/YUMF9fr
  6. Gumawa ng mobile PIN (MPIN) na gagamitin mo para maglogin sa iyong GCash account.
  7. Congratulations! Mayroon ka nang GCash account!

BABALA: IMEMORIZE mo ang iyong MPIN at huwag mo itong ipapaalam sa ibang tao.


Next, get verified!

Mga ID na pwede mong gamitin sa verification.

Kailangan mong iverify ang iyong account para magamit ang pinakamahahalagang features ng app.

  1. Maglogin sa iyong GCash app gamit ang iyong MPIN at pindutin ang “Verify now.”
  2. (Sa full verification) Pumili ng ID at itype ang kailangang impormasyon. Kumuha ka ng photo ng iyong valid ID (driver’s license, UMID, passport, etc.) gamit ang app.
  3. Kumuha ng selfie gamit ang app.
  4. Itype ang ilang kailangang detalye tulad ng source of funds (pinagkukuhanan mo ng pera), address, middle name, at iba pa.
  5. Makakakuha ka ng text kapag iproproseso na nila ang account mo, at magsesend sila uli ng isa pang text kapag tapos na silang magverify.

“Cash-in” – Paano maglagay ng pera sa iyong GCash account:

Kung gusto mong gamitin ang GCash, kailangan mong maglagay ng pera sa iyong account. Ang isa sa pinakamabilis at pinakamadaling paraan para gawin iyon ay gamit ang isang TouchPay machine.

  1. Pumunta sa isang active TouchPay machine.
  2. Pindutin ang GCash icon.
  3. Itype ang cellphone number na ginagamit mo para sa iyong GCash account at pindutin ang “Next”.
  4. Itype kung magkano ang gusto mong ilagay sa iyong account at pindutin ang “Next”.
  5. Maglagay ng pera sa TouchPay machine at pindutin ang “Pay” kapag naglagay ka na ng sapat na pera.
  6. Makakakuha ka ng text kapag tapos ka na at makikita mo dapat ang pera sa iyong account.

Marami ring ibang paraan para mag cash-in o maglagay ng pera sa iyong account. Halimbawa, kung gusto mong mag cash-in sa SM store, kailangan mong mag-generate ng QR code sa GCash app, ipascan ito sa teller, at saka mo ibigay ang pera. Hanapin mo lang ang mga partners nila sa listahang ito.


Ang PayPal ay isa sa pinakaconvenient at pinakakilalang payment at money sending system sa mundo, kaya kung gusto mong makatanggap ng pera mula sa isang tao sa ibang bansa at dalubhasa sila sa teknolohiya, malamang gagamitin nila ang PayPal. Madalas kakailanganin mo ang isang credit o debit card para dito, pero kung wala ka ng mga iyon pwede ka namang makatanggap ng pera sa PayPal at iwithdraw ito gamit ang GCash. Ito ang paraan para i-link ang iyong GCash account sa iyong PayPal.

  1. Maglogin sa iyong GCash app.
  2. Buksan ang menu sa bandang kaliwa sa itaas at pindutin ang “My Linked Accounts”.
  3. Piliin ang PayPal, ilagay ang email address na ginagamit mo dito, at pindutin ang “Link”.
  4. Mag-login sa iyong PayPal account para kumpletuhin ang paglink.

Makakakuha ka ng email bilang confirmation. Pagkatapos noon, pwede ka nang mag “cash-in” para kunin ang pera sa iyong PayPal account at ilagay ito sa iyong GCash account. Pwede ka nang mag “cash-out” o magwithdraw ng pera sa mga GCash partners (tulad ng ilang mga Bayad Center branch), o magwithdraw sa ATM gamit ang isang GCash Mastercard na nakalink sa iyong account.


Online shopping – GCash Mastercard:

Kahit pwede mong ilink ang PayPal sa GCash at gamitin ang GCash para iwithdraw ang iyong pera sa PayPal, sa pagsulat ko nito hindi mo pa pwedeng gamitin ang GCash para LAGYAN ng pera ang iyong PayPal account at mag-online shopping (hal. Amazon.com, eBay, atbp.). Kakailanganin mo ang isang GCash Mastercard para dito, at magagamit mo ito tulad ng isang debit card na gumagamit ng iyong GCash balance. Mabibili mo ito sa halagang P150 sa:

  1. Pag-order nito gamit ang iyong GCash app.
  2. Paggamit ng kanilang online order form.
  3. Pwede mo rin itong bilihin sa ilang mga tindahan (Ministop, Lawson, All Day, Robinsons, 7-Eleven). Hindi daw ito available sa lahat ng branches so magtanong ka muna.

Pagkatapos mong makakuha ng card, kailangan mo lang itong ilink sa iyong GCash account.

  1. Maglogin sa iyong GCash app.
  2. Buksan ang menu sa bandang kaliwa sa itaas at pindutin ang “My Linked Accounts”.
  3. Pindutin ang GCash Mastercard at pindutin ang “Link Card”.
  4. Itype ang card number sa iyong GCash Mastercard at pindutin ang “Link Card” para magamit ang iyong bagong debit card.
  1. Maglogin sa PayPal.
  2. Pumunta sa “Account Settings” sa bandang kanan sa itaas (ang gear icon).
  3. Pindutin ang “Money, banks and cards” at mag-scroll pababa. Pindutin mo ang “Link a new card”.
  4. Ilagay ang mga detalyeng kailangan para ilink ang iyong GCash Mastercard sa PayPal.
  5. Kung kailangan mong iconfirm ito, iclick mo ang “Edit” at “Confirm your card”. Kukuha ng P100 ang PayPal mula sa iyong GCash account at magpapadala ito ng SMS o text message na may code na pwede mong gamitin para ikumpirma ang iyong card.
    • Ganito ang format ng text message:
      “You have paid P100.00 GCash to PP*1234CODE on (Date and time). Your new balance is P###.## Ref. No. #############.”
    • Bukod pa doon, pwede mo rin itong hanapin sa transaction history ng iyong GCash account. Pwede mo ring itanong sa GCash customer support ang iyong code.
  6. Ilagay mo ang 4-digit code sa “PP*####CODE” upang maverify at makumpirma ang iyong GCash Mastercard sa PayPal.

Magbayad sa mga tindahan gamit ang GCash

Pwede mong gamitin ang GCash para magbayad sa ilang mga tindahan at restaurants. Pwede mong gamitin ang QR code o Barcode method at ang protocol ay pwedeng mag-iba ayon sa tindahan. Pwede ka namang magpatulong sa cashier kung kinakailangan.

Sa isang coffee shop, ito ang kinailangan kong gawin:

  1. Mag-login sa aking GCash account.
  2. Mag-order para malaman kung magkano ang kailangan kong bayaran.
  3. I-scan ang QR code ng tindahan gamit ang GCash app.
  4. Itype kung magkano ang kailangan kong bayaran at ikumpirma ito sa app. Ipinakita ko ito sa cashier.
  5. Pagkatapos noon, nakatanggap ng notification ang cashier na nagbayad ako sa kanilang GCash at saka nila ibinigay sa akin ang inorder ko.

Dito na muna tayo magtatapos. May mga tanong ka pa ba? Itanong mo lang sa comments section sa ibaba!

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (12)