English Version (Click Here)
Halos isang buwan na mula noong nagkaroon ng enhanced community quarantine (ECQ) dito sa amin, at ilang araw pa ang magdadaan bago ito matapos sa ika-30 ng Abril (kung hindi ito patatagalin pa). Sabi ng research, kailangan mo ng halos 21 na araw bago ka magkaroon ng bagong habit, kaya malamang marami na ang nasanay sa ECQ.
Kailangan pa rin nating alalahanin na hindi magtatagal nang habang panahon itong pandemic na ito. Bukod sa pagbalik sa opisina at pagbalik ng mga estudyante sa iskwelahan, may mga bagay na kinakailangan pa rin nating gawin dati bago nangyari ang lahat ng ito.
Habang irerekomenda ko na ipagpatuloy pa rin natin ang social distancing at lumabas lang kapag kinakailangan, kailangan pa rin nating pagplanuhan ang mga trabahong kailangan nating gawin pagkatapos nitong quarantine. May mga kailangan ka bang gawin sa trabaho, negosyo, o sa bahay? May mga lisensya, clearance, o mga registrations ka bang kailangang kunin o iparenew? Pagisipan mo na sila ngayon habang may oras pa tayo!
Narito ang ilang mga bagay na gagawin ko kapag natapos na ang mga restrictions ngayon.
Magplano na para sa PAGKATAPOS ng Quarantine
1. Ipagpatuloy ang mga mabubuting habits.
Dahil sa ECQ, lumalabas lang ako kapag kailangan ko nang bumili ng pagkain para sa aking pamilya. Dahil doon, ang mga gastusin kong hindi mahalaga (sitsirya, kape kape. atbp.) ay nabawasan na ng husto at mas dumami ang ipon ko. Mas marami na akong panahon para mag exercise at magtraining dahil hindi na ako laging naglalakwatsa. Iyon ang ilang mabuting habits na natutunan ko ngayong quarantine at nais ko silang ipagpatuloy pagkatapos ng lahat ng ito.
Kahit may mga natutunan akong good habits, may negatibo rin akong naranasan sa pagkulong sa bahay. Dahil madalas nakakahanap ako ng inspirasyon sa mga librong tinitignan ko sa mga bookstore at mayroon lang akong peace of mind para magplano ng mga articles kapag nagbabasa ako sa mga coffee shops, nagkaroon ako ng writer’s block dahil hindi ko sila magawa. Bukod pa roon, hindi rin maayos ang aking pagtulog. Yun ang ilang habits na kailangan kong iwanan sa lalong madaling panahon.
2. Tapusin ang mga kailangan sa trabaho at negosyo.
Dahil ako ay self-employed bilang isang writer/manunulat at blogger, kailangan kong magfile ng sarili kong SSS, mga registrations at clearance, dividends, at iba pa. Dahil sarado ang opisina ng gubyerno ngayong quarantine, hindi ko sila magawa. Pagkatapos nitong quarantine, magpapatuloy ang mga deadline at kailangan ko silang gawin para hindi ako magkapenalty. Kailangan ko ring tulungan ang aking pamilya sa mga taxes at pagbayad ng mga bills, at malamang ikaw rin may mga ganoong bagay ka rin na kailangang gawin.
Malamang marami ka ring kailangang gawin na hindi mo magawa ngayon, tulad ng mga registrations, certificates, licenses, at iba pa. Pag-isipan mo na ang mga kailangan mong gawin pagkatapos ng quarantine. May mga business o government registrations at payments ka bang kailangang tapusin? Subukan mong ilista na sila ngayon at pagplanuhan habang may oras pa tayo.
3. Pag-isipan ang mga investment opportunities at mga bagay tungkol sa pera.
Dahil panandaliang nagsasara ang mga negosyo dahil sa quarantine, ang halaga ng napakaraming stocks ng mga kumpanya at iba pang investments ay bumaba. Habang medyo mapanganib mag-invest kapag papababa pa ang market, matatapos rin itong pandemic at magbabalik din ang operasyon ng mga negosyo.
May panganib nga dahil may mga negosyong hindi makakabawi ng pagkalugi dahil sa quarantine, pero may mahahanap ka pa ring mabubuting oportunidad sa ibang mga negosyo. Kailangan lang nating maging mapagmasid at gamitin ang mga oportunidad na makakaharap natin.
4. Sumuporta sa mga maliliit na negosyo.
Ang ilan sa mga pinakanalulugi dahil sa coronavirus quarantine ay ang mga maliliit na negosyante at mga freelancers na walang benta o kita ngayong buwan. Sila’y may mga owners at empleyado na may mga pamilyang kailangang pakainin at mangangailangan sila ng kita para makabawi mula sa mga gastusin nila ngayong quarantine. Dahil doon, sisiguraduhin kong bumili mula sa kanila para mayroon silang kahit kaunting karagdagang kita.
Pagdating ng araw na mayroon nang bakuna o vaccine at epektibong gamot, nais kong maglakbay sa iba’t ibang bagahi ng Pilipinas para may kita rin ang mga bibisitahin kong kabayan at magkaroon din ako ng karagdagang content sa aking travel blog, OneAdventurer.com.
5. MAGHANDA para sa iba pang emergencies.
Hindi natin alam na magkakaroon ng ganitong kalamidad at may pagkakataon pa ring magkaroon ng PANGALAWANG outbreak pagkatapos nito. Kapag natapos na ang quarantine, kailangan naming bumili ng mga gamit para sa bahay at ilang electronics na baka kailanganin kung sakaling magsarado uli ang mga tindahan. Ako ay maghahanap ng mga kagamitang magpapadali sa aking trabaho sa bahay at gamit para maging mas komportable ako habang nagtratrabaho, tulad ng upuan na may headrest, wireless na gamit, at iba pa. Bibili din ako ng whey protein dahil gusto ko pa ring ipagpatuloy ang pag-exercise ko sa bahay.
Kung magkakapareho rin tayong matagal nang nasa quarantine, alam mo nang karamihan sa mga negosyo tulad ng mga hardware at ibang non-essentials ay sarado. Isipin mo ang mga gamit mo sa bahay na pwedeng masira at mga bagay na baka kailanganin mo kung sakaling may isa pang quarantine na ipapatupad sa bansa.
Iyon ang ilan sa mga naiisip kong gawin ngayon, at isinulat ko na sila sa aking notebook at planner para makapaghanda. Malamang marami ang magsasabay sabay na gawin sila sa unang mga linggo pagkatapos ng quarantine kaya mabuting ischedule sila sa pagkatapos ng isa o dalawang linggo, at agahan mo ang pagpunta para hindi pa mahaba ang pila.
Gayunpaman, mabuti nang pag-isipan natin ngayon pa lang ang mga kailangang gawin pagkatapos ng quarantine kaysa maghintay ng ilang oras sa pila dahil hindi natin sila napagplanuhang mabuti.
Sana nakatulong itong ipaalala sa iyo ang mga kailangang gawin sa bahay! May mga tanong ka pa ba? Isulat mo sa comments section sa ibaba!
View Comments (0)