X

Bagong Taon, Bagong Layunin: Ano ang Susunod Mong Tagumpay?

English Version (Click Here)

Kakatapos lang ng isang taon at kakasimula lang ng panibago. Kung gusto mong simulan ng maayos ang panahong ito at makakamit ng mas maraming bagay, kailangan mong paghandaan ang mga gusto mong makamit sa mga susunod na buwan. Panahon na para itigil ang pagsasayang ng oras para mabuhay lang at pagplanuhan na natin kung paano tayo mabubuhay ng masagana. Sabi nga, kapag hindi mo alam ang pangarap mo, malabong makakamit mo iyon.

Itatanong ko ngayon sa iyo ito: Ano ang mga susunod mong tagumpay?

Bagong Taon, Bagong Layunin: Ano ang Susunod Mong Tagumpay?

  1. Itakda mo ang iyong mga layunin ngayong taon

Bago mo makamit ang isang bagay, kailangan mong magDESISYON para pagsikapan ito. Hindi ka makakapagpatayo ng mansion kung hindi ka nagdesisyong magpatayo nito, at hindi ka makakapunta sa magandang lugar o tanawin kung hindi mo alam ang gusto mong puntahan. Simulan natin ang taon ng tama at isipin natin ang mga gusto nating makamit. Pagkatapos noon, saka natin dapat pagsikapan ang mga pinakamahahalagang layunin na naisipan nating gawin.

  • Gusto mo bang umasenso sa trabaho o umalis sa kumpanya at magtrabaho sa iba? Pagplanuhan mo ang susunod mong malaking proyekto, o iupdate mo ang iyong resume para sa iyong susunod na career move.
  • Gusto mo bang magtayo ng sariling negosyo? Magbasa ka tungkol sa entrepreneurship at pagbutihin mo ang iyong business idea o gumawa ka ng isang business plan at pag-isipan mo kung papaano mo ito mapapagana.
  • Gusto mo bang pagbutihin ang iyong relationships sa mga kaibigan at kapamilya o, kung single ka pa, makakuha ng boyfriend or girlfriend? Makisama ka ng mas madalas at magsimula ka ng mga hobbies kung saan makakakilala ka ng ibang tao.
  • Gusto mo bang matutunan kung paano maginvest para sa iyong kinabukasan at pag-aralan kung paano iinsure ang iyong pamilya laban sa mga emergencies?
  • Gusto mo bang pagbutihin pa ang iyong negosyo?
  • Gusto mo bang magtravel sa mga mas mabubuti at mas magagandang lugar ngayong taon?

Kailangan alamin mo ang mga gusto mong gawin at saka mo pagplanuhan at pagsikapan ang mga ito.

  1. Maghanda para sa mga paparating na pagsubok at responsibilidad

Ang isa sa pinakamahalagang time management at productivity tool na nalaman ko ay ang Eisenhower matrix. Ang lahat ng ating gawain ay pwedeng uriin sa kung gaano sila ka-urgent (kailangan madaliin) at kung gaano sila kahalaga. Ang aral doon ay bukod sa pagbabawas ng oras sa pagaatupag sa mga hindi mahahalagang bagay (walang kwentang libangan, walang kwentang biglaang phone calls at emails), kailangan nating matutunang gawin ang mga bagay na mahalaga pero hindi kailangang madaliin. Iyon ang mga bagay na madalas hindi natin pinapansin hanggang lumapit ang deadline at lumaki ang problema.

Ano ang mga halimbawa nito?

  • Pagiipon para sa tuition o pangmatrikula ng iyong mga anak.
  • Pagaaalaga sa iyong kalusugan (isipin mo ang pambayad sa heart surgery dahil hindi ka natutong magexercise o kumain ng mabuting pagkain).
  • Pagplano at paginvest para sa iyong pagretiro.
  • Paginsure laban sa kawalan ng trabaho, pagkapinsala, aksidente, at iba pa.
  • Pagkabuntis, panganganak, at ang iba pang responsibilidad ng pagiging magulang.
  • Pagaaral ng mga kakayahang makakapagpaasenso sa iyong career.
  • Pakikipagkilala sa mga kliente at business partners.
  • Malalaking bayarin na kailangan mong bayaran kada taon o kada quarter.
  • …at marami pang iba.

Anong mga pagsubok at responsibilidad ang kailangan mong pagtuonan ng pansin? Paano mo sila paghahandaan ngayon?

Sa sitwasyon ko, bukod sa mga layunin tungkol sa pagsisimula ng pamilya at pagbili ng sarili kong bahay, sa darating na taon kailangan kong magbayad ng web hosting, premium plugins tulad ng Yoast SEO, at iba pang kailangang bayaran. Kailangan ko ring paghandaan ang isang out of town physical fitness training sa Marso, at kailangan ko ring maghanda ng malaking halaga para sa isang event sa Hunyo.

Malamang may ganoon ka ring responsibilidad na kailangang harapin. Ilista mo na sila at paghandaan mo na agad. Kapag ginawa mo ang iyong homework ng maaga, hindi ka lang makakaiwas sa stress at sakit ng ulo, magiging malaya ka rin para gawin ang ibang bagay na wala kang panahon dati.

  1. Magsimula ng bagong mabubuting habits

Sabi nga, ang iyong pagiisip ay nagiging gawain, ang iyong gawain ay nakakasanayan, at ang lahat ng iyong nakasanayang gawin ay magtatakda ng iyong kapalaran. Ang masanay magsugal at mangutang ay magdudulot ng kahirapan. Ang masanay mag-ipon at mag-invest habang naghahawak ng mabuti sa pera ay magdudulot ng buhay na masagana. Ang masanay kumain ng sitsirya at pagkain na hindi healthy ay madalas magdudulot ng maraming sakit at mamahaling medical bills. Ang masanay magexercise at kumain ng masusustansyang pagkain ay magbibigay ng katawang malusog at masigla.

Ang mga habits na nakasanayan mo ang pagmumulan ng iyong kapalaran. Kailangan mong magsimula palagi ng mabubuting habits kapag gusto mong umasenso o gumanda ang iyong buhay. Anong mga bagong habits ang gusto mong simulan ngayong taon?

Sa sitwasyon ko, magdadagdag ako ng kaunting Taichi sa aking exercise tuwing umaga, gagamit ako ng ibang techniques sa aking pagsusulat (leads, inverted pyramid information format, call-to-actions, atbp.), at iibahin ko rin ang pagmamanage ng aking website kada linggo. Aalalahanin ko rin na maghanap ng ibang “kaizen” o growth hacking opportunities para sa website na ito at magexperiment sa mga iyon.

Madalas nating isipin na pumapalya palagi ang mga new year’s resolutions. Hindi naman kailangang mangyari iyon. Isipin mo lang na ang bawat good habit ay katumbas lang ng ibang mga natutunan mong gawin sa nakaraang taon. Gumawa ka ng bagong bagay at ipagpatuloy mo ito ng isang buwan. Pagdaan ng panahon, magiging automatic na ito katulad ng pagsisipilyo at pagligo araw araw.

Isipin mo na lang ito. Ang isang mabuting habit ay pwedeng magdulot ng napakalaking pagasenso o pagkabuti sa iyong buhay sa susunod na mga taon. Anong mabuting habit ang sisimulan mo sa taong ito?

 

Gusto mo ng ilang idea? Simulan mo sa pagbabasa nitong mga articles sa baba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.