X

May Problema? Subukan mo ang Possibility Thinking Game!

English Version (Click Here)

Ang buhay ay puno ng problema at hadlang na kailangan nating masolusyonan. Minsan din, may makakaharap tayong mga napakahirap o “imposibleng” problema. Paano tayo makakahanap ng solusyon kung wala tayong maisip na pwedeng gawin? Pwede nating subukan ang “possibility thinking game” ni Robert H. Schuller.

Ang Possibility Thinking Game

Kung may isa akong libro na hindi makalimutan dahil sa kaniyang pamagat at nilalamang mga aral, ito ang Tough Times Never Last, But Tough People Do! ni Robert H. Schuller. May mabuting dahilan kung bakit ito ay inirerekomenda ko. Kapag tayo ay nawawalan na ng pag-asa at desperado na, ang mga kwento at aral sa librong ito ay makakapagbigay sa atin ng lakas at tapang para magtagumpay.

Sa ngayon, balikan natin ang dapat nating gawin kapag mayroon tayong “imposibleng” problema o hadlang. Nasa ganoong sitwasyon dati si Schuller sa isang importanteng panahon ng kaniyang career, at dahil sa problemang iyon nakaisip siya ng isang technique na magagamit natin kapag tayo naman ang may hinaharap na “imposibleng” sitwasyon.

Ito ang kwento kung paano nadiskubre at nagamit ni Schuller ang possibility thinking game para magtagumpay sa harap ng malalang problema.


Pagsimula ng kanyang simbahan…

Noong 1955, tinanggap ni Schuller ang imbitasyon para magsimula ng sarili niyang church o simbahan sa Garden Grove, California. Makakakuha siya ng apat na acres (1.62 ektarya) ng lupa sa halagang $4,000 mula sa kanyang sponsoring denomination, at $500 para magsimula, pero kailangan niyang maghagilap ng sarili niyang pera para ipatayo ang kanyang simbahan. Hinding hindi sapat ang perang natanggap niya, kaya naisip niyang maisagawa ang kanyang mga misa sa isang pansamantalang lokasyon sa bago niyang lugar.

May isa lang siyang MALAKING problema. Sabi ng adviser niya imposibleng makahanap ng lugar na magagamit nila para sa misa kaya hindi niya magagawa ang planong iyon. Gayunpaman, hindi siya pwedeng umatras. Kailangan niyang simulan ang kanyang simbahan kahit wala siyang magagamit na lugar o pera para makagawa ng chapel. Wala siyang mahanap na solusyon para sa mga problema niya.

Nagdaan ang panahon at, dalawang araw bago siya makarating sa California, hindi pa rin siya makahanap ng solusyon. Inisip niya, dapat mayroong kahit isang walang lamang bulwagan na magagamit niya sa Garden Grove, kaya kailangan niyang mag-isip. Kumuha siya ng papel at isinulat niya ang mga numerong 1 to 10. Hinayaan lang niya ang kanyang imahinasyon, at ito ang mga naisulat niya:

  1. Rent a school building.
  2. Rent a Masonic Hall.
  3. Rent a Elk’s Lodge.
  4. Rent a mortuary chapel.
  5. Rent an empty warehouse.
  6. Rent a community club building.
  7. Rent a Seventh-Day Adventist Church.
  8. Rent a Jewish synagogue.
  9. Rent a drive-in theater.
  10. Rent an empty piece of ground, a tent, and folding chairs.

Ang “imposibleng” problema na pagsimula ng sarili niyang simbahan ay biglang naging hindi na ganoon kaimposible. Naisip niya noon, ang salitang “imposible” ay “iresponsable, sumosobra, maarte, at kamangmangan” sa sitwasyon niya.

Sinubukan niyang gawin ang mga naisip niya nang paisa isa. Sa kasamaang palad, ang mga solusyon ay isa isa ring pumalya. Walang Masonic Hall o Elk’s lodge sa lugar na iyon. Ginagamit na ng mga Baptist ang kaisaisang mortuary hall sa barangay nila. Ang Presbyterians na ang gumagamit sa simbahan ng Seventh-Day Adventists tuwing linggo, at walang synagogue ng mga hudyo, warehouse na walang laman, o community club building na pwede niyang magamit para sa kanyang mga misa.

Sa ika-siyam niyang idea, nakahanap nga siya ng drive-in theater na pwede niyang magamit, pero ito ay nasa dulo ng barangay nila. Malayo ito sa gusto niyang lokasyon, pero naisip niya na maganda pa rin ang lugar na iyon dahil nasa gitna ito ng Orange County. Pagkatapos ng apat na linggo, nakapagsimula na siya sa pagmimisa, at nagpatuloy siya hanggang naitayo niya ang una niyang simbahan pagkatapos ng ilang taon.

May mga susunod pa sa kwentong ito, tulad ng kung paano kinailangan niya ang ISANG MILYONG DOLYAR para ipatayo ang Tower of Hope, at kinailangan uli niya ng HIGIT SEVENTEEN MILLION DOLLARS para sa Crystal Cathedral.

Ginamit niya ang technique na ito, at nagtagumpay siya sa parehong pagkakataon.


Gamitin ang Natutunan

Balang araw, malamang may makakaharap ka ring “imposibleng” problema. Baka kailangan mong makakuha ng bagong trabaho kung kailan walang job openings, maghanap ng bagong pagkakakitaan kahit nasanay ka sa luma mong industriya, baka kailangan mong iahon ang negosyo mo mula sa pagkalugi kahit dati na itong pumapalya, o baka may iba ka pang malubhang problema na hindi mo mahanapan ng solusyon.

Kapag dumating ang panahon na iyon, bakit hindi mo lang subukan ang possibility thinking game ni Schuller? Kung mukhang sobrang simple ng pagsusulat ng sampung solusyon sa papel, alalahanin mo lang na minsan ang mga pinakasimpleng gawain ang pinagmumula ng pinakamalalaking tagumpay.

Kapag mayroon kang napakahirap na problema, pumunta ka sa isang tahimik na lugar para makapag-isip. Maghanap ka ng papel, at isulat mo ang sampung bagay (o higit pa) na pwede mong gawin para iresolba ito. Pwede kang magdagdag ng marami pang solusyon at kakaibang idea (malay mo baka gumana), pero kailangan mo pa rin talagang mag-isip at magsulat.

Kapag natapos ka na, subukan mo sila nang paisa-isa.


Mag-isip naman tayo ng mga halimbawa. Isipin mo na kailangan mong maghanap ng bagong trabaho o bagong paraan para kumita ng pera at makakain. Kung mayroon akong ganoong problema, ito ang listahang gagawin ko ayon sa aking mga kakayahan at lokasyon.

  1. Maghanap ng openings sa isang job search website.
  2. Kausapin ang mga call center recruiters na nakikita ko sa mga mall.
  3. Maghanap ng lehitimong job openings sa Facebook.
  4. Humingi ng tulong mula sa mga kaibigan at kamag-anak sa paghahanap ng trabaho.
  5. Tumingin sa mga freelance writing websites at content mills.
  6. Kausapin ang aking mga art friends at art teachers para sa mga digital at comic artist openings.
  7. Maghanap ng online customer service jobs.
  8. Magtanong sa mga coffee shop at businesses na malapit sa amin kung may mga openings sila.
  9. Maging isang freelance tour guide.
  10. Magmaneho para sa mga ride sharing companies part-time (Grab, UBER, atbp.)

Paano naman kung gusto kong magsimula ng negosyo kaysa maghanap ng trabaho? Ito ang isang listahan na naiisip ko ngayon.

  1. Gumawa ng seller page sa eBay at mag buy and sell ng mga handicrafts na nahahanap ko sa mga probinsya.
  2. Gumawa ng seller page sa Lazada o Shoppee, mga kilalang online shops sa Pilipinas.
  3. Magdisenyo ng merchandise at magbenta gamit ang “print-on-demand” system (shirts at keychains na may disenyo ko, etc.).
  4. Magsimula ng Etsy shop.
  5. Gumawa ng iba pang blogs na kumikita ng pera.
  6. Magrent ng stall sa malapit na mall at magbenta ng pagkain at sitsirya.
  7. Bumili ng murang maibebenta, pumunta sa isang lugar na maraming tao, at magbenta sa tabi.
  8. Pumunta sa malapit na kainan sa amin at magbenta ng sitsirya doon.
  9. Magbukas ng AirBnb hostel slot sa isang kwarto namin sa bahay.
  10. Gumawa ng anime merchandise at ibenta ang mga ito sa mga anime conventions.

Iyon ang ilang halimbawa na magagawa ko sa sitwasyon ko. Kung susubukan mo ito, malamang makakahanap ka ng mga solusyon na tama para sa iyo. Subukan mo lang at tignan mo ang maiisip mo!


Ang pinakamahalagang kasabihan sa Pilipinas na narinig ko ay ang mga salitang kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan. Sabi nga, “where there’s a will, there’s a way.

May napakaraming posibilidad sa buhay, at habang ang ilang solusyon ay madaling makita dahil sila’y karaniwang ginagawa, ang iba naman ay hindi natin ganoon kadaling maiisip. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong mag-“brainstorm” o mag-isip muna. Napakaraming napakabuting bagay sa mundo ang nagmumula sa isang idea.

Sa susunod na pagkakataong may nakakaharap kang imposibleng problema, gawin mo lang ang itinuro ni Robert Schuller: subukan mo ang possibility thinking game!


“Nobody has a money problem—only an idea problem.”

— Robert H. Schuller

(Walang tao ang may problema sa pera. Ang problema ay nasa naiisip na mga idea.)


Sana nagustuhan mong basahin itong article na ito! Kung gusto mong makapagbasa pa ng iba, tignan mo lang ang iba naming articles dito!

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (0)