English Version (Click Here)
“Kung hindi ka nagplano, pinaplano mong mabigo.”
– Benjamin Franklin
Siguro nangyari na sa iyo ito:
May maganda kang idea at gusto mo siyang gawin, pero hindi mo siya masimulan, hindi gumana ang pagpilit pagtrabaho dito, o masyado kang nahirapan kaya nasira ang proyekto mo.
Malamang marami ka nang gustong gawin o simulan, pero sa pagplano pa lang naipit ka na at pumalya ang iyong idea. Maraming pwedeng maging dahilan ng pagkabigo, pero ang isang factor na kontrolado mo ay ang paraan mo sa pagplaplano.
Sa pagtayo man ng negosyo, pagsimula ng bagong proyekto sa iyong department, o pagplano lang sa susunod mong bakasyon, ang tatlong simpleng project planning steps na ito ay makatutulong ng wagas sa tagumpay mo.
Tatlong Hakbang ng Project Planning
Unang Hakbang: Alamin kung ano ang Pakay at Dahilan kung bakit mo ito kailangan
Ayon kay David Allen, ang may akda ng “Getting Things Done: The Art of Stress-Free Productivity
- Gusto mo bang magbakasyon sa ibang bansa? Bakit? Para maranasan ang ibang kultura o para mag-relax at magtanggal ng stress o pagod?
- Gusto mo bang magsimula ng bagong business project? Bakit? Para magkaroon ng mas-maraming free time para magawa mo ang gusto mo o para lumaki ang kinikita?
- Gusto mo bang mag-aral ng bagong skill o kakayahan? Bakit? Para maging mas-mabuti sa iyong career o trabaho, para sa pangkatuwaan o recreation, o para sa iyong kalusugan?
Kapag nahanap mo ang idea o dahilan mo para simulan ang proyekto, mas-madali ang pagdedesisyon at ang paghahanap ng mga kailangang gawin, at mas-madaling magfocus sa mga kailangang gawin:
- Para sa bakasyon mo, kung gusto mong maka-experience ng ibang kultura, baka maisip mong pumunta sa Indonesia o Kyoto, Japan. Kung gusto mong magbawas ng stress, siguro pupunta ka sa isang beach sa Hawaii o sa Palawan.
- Para sa business project mo, kung gusto mong mas-maraming free time, siguro pipili ka ng business na hindi mabigat sa management o baka kumuha ka ng manager o secretary na tutulong sa iyo. Kung nagtayo ka ng business para kumita ng malaki, edi ok lang sa iyo na magtrabaho ng overtime at weekends sa expansion projects.
- Para sa bagong skill na gusto mo, kung para sa career advancement ito, baka kumuha ka ng leadership or management seminar. Kung pangkatuwaan naman, baka piliin mo cooking classes o martial arts.
Ikalawang Hakbang: Mag-isip para makakuha ng idea at Mag-Organize ng mga ideang naisip
Maglaan ka ng oras para mag-isip ng mga idea para sa proyekto mo. Isulat o i-record mo ang mga idea na naiisip mo, gaya ng mga kailangan mong gamit o pera, mga iba pang pwedeng kasabay ng project, schedule mo para dito, atbp.
Anong bus o eroplano ang sasakyan mo para sa bakasyon? Ilang araw ka magbabakasyon at kailan? Ano ang mga kailangan mong isuot? Magkano ang kailangan mo at ilang damit ang kailangan mong dalhin? Ayos ka lang ba sa pagtitipid o gusto mong magara ang bakasyon? May iba ka pa bang gustong puntahan?
Anong klaseng negosyo ang gusto mong simulan? Gusto mo ba ng restaurant o convenience store? Real estate? Pagbili at pagbenta ng mga produkto online? Paano mo irerehistro ang negosyo? Paano mo babayaran ang buwis o taxes at paano ang accounting system mo? Kailangan mo pa ba ng maraming empleyado o kaya mo ba iyon ng mag-isa?
Ano ang gusto mong matutunan? Gusto mo bang gumaling sa sales? People management? Leadership? Gusto mo bang matutong magluto, o gusto mo ba ng skills para sa mga emergency kagaya ng first aid o martial arts? Para ba sa health o kalusugan mo ito? Saan ka makakahanap ng lessons? Papasok ka ba tuwing weekends o sa gabi ng mga weekdays?
Maraming experts ang nagsasabi na huwag mo munang iisipin ang mga limitasyon dahil makakapag-isip ka naman ng mga solusyon o alternatibo para sa mga ito.
Kapag nagsimula ka nang mag-isip ng mga idea, marami kang maiisip, at sa bawat ideang maisip mo, marami pa itong karugtong na konsiderasyon. Ilista mo o isulat mo ang lahat ng maisip mo at i-Organize mo ito hanggang makabuo ka ng mabuting plano.
Para sa akin, mas-gusto kong mag-ayos ng mga idea sa susunod na araw (o matapos ang ilang oras). Bakit? Kasi makakahanap pa ng iba pang idea ang isipan mo at maaayos niya ang mga idea ng mas-mabuti kapag hindi mo direktang pinag-iisipan ang plano. Kagaya lang ito ng kasabihan na “write in white heat but revise in cold blood.” Mas-maliwanag ang isipan mo kapag nakapagpahinga ka muna.
Pro Tip: Magdala ka palagi ng ballpen at notebook para maisulat mo agad ang mga bagong naiisip mo. Kapag hindi mo naisulat ang mga ito, maglalaho lang sila ng parang bula.
Ikatlong Hakbang: Isipin mo ang susunod na kailangan mong gawin, i-schedule mo, at SIMULAN MO!
Hindi magkakatotoo ang pinakamabubuting idea kung hindi mo ito ginawa. Matapos mag-organize ng mga nalalaman, ang huling hakbang ay ang pagplano ng mga kailangan mong gawin para simulan at tapusin ang plano.
Pwede kang mag-research sa internet para sa magagandang vacation spots at hotels, magbasa ng libro tungkol sa pagnegosyo, kumausap sa bangko para magtanong tungkol sa mga loans, magtanong sa kaibigan tungkol sa mga kakilala nilang management coaches, mag-book at sumama sa seminar, atbp.
Pwede ring mag-brainstorm o maghanap ka pa ng ibang idea o mag-organize pa ng data, pero tandaan mo na malalaman mo rin ang lahat ng kailangan mong malaman.
Alamin mo ang mga susunod na kailangan mong gawin, at SIMULAN MO!
Subukan mo muna sa simpleng bagay:
Malaki man o maliit, pwede mong magamit ang tatlong hakbang na iyon sa mga planong gusto mong gawin, gaya ng panonood ng sine, pakikipagkita sa barkada, bakasyon, atbp! Ang ganitong pagplaplano ay mas-nakabubuti sa mga mas-malalaking proyekto.
Kapag naipit ka sa isang project, mainam na i-review mo lahat mula sa simula at gamitin mo ang project planning method dito.
- Alamin kung ano ang Pakay at Dahilan kung bakit mo ito kailangan.
- Mag-isip para makakuha ng idea at Mag-Organize ng mga ideang naisip.
- Isipin mo ang susunod na kailangan mong gawin, i-schedule mo, at SIMULAN MO!
Subukan mo lang at tignan mo kung gagana ito para sa iyo!