English Version (Click Here)
Minsan iisang napakahalagang impormasyon na lang ang kailangan mo para magtagumpay, at isa sa pinakamabuting paraan para makamit ito ay pag-aralan ang isinulat ng mga nagtagumpay na. Ito ang aking maikling guide tungkol sa kung paano pumili ng pinakamabuting libro tungkol sa kahit-anong kailangan mong gawin.
(Bago ang lahat!) Bakit Libro at hindi mga Libreng Blog Posts at Internet Resources?
- Madalas, ang mga mabubuting libro ay naka-organize ng mabuti mula sa simula hanggang katapusan. Kahit makakahanap ka ng kaparehong impormasyon sa napakaraming blog post, ang mga idea ay hiwa-hiwalay at malamang mahihirapan kang buoin at gamitin ang lahat ng ito.
- Di gaya ng mga blog posts na, dahil kailangan nilang maging maikli at hindi nila kayang i-discuss ang isang topic ng malalim, ang mga libro ay kayang maging mas-detalyado tungkol sa sakop nila at kaya nila itong gawin ng mas-consistent sa tema.
- Ito ang pinakamahalagang rason: Dahil KAHIT SINO ay pwedeng magsulat lang sa isang blog, malalaman mo na MILYON-MILYONG posts (at “free” eBooks) ay walang-kwenta gaya ng mga kinopyang post (plagiarized), black hat SEO spam, atbp. (blogger din ako pero sinisigurado ko na mahalaga ang mga pinopost ko). Sa kabilang dako, ang mga libro ay nairereview muna ng mga editors bago i-publish at isa itong paraan para hindi malakabas ang mga walang kwenta. Ang isa pang seguridad ay ang mga reviews na ginagawa ng ibang tao at naka-post ang mga ito sa internet. Kapag binasa mo ang mga review na ito, malalaman mo kung tama nga ba para sa iyo ang impormasyong nilalaman ng isang libro.
Paano Pumili ng Pinakamabuting Libro: Guide Para sa naghahanap ng Self-Improvement at Non-Fiction
- Una, hanapin mo sa internet ang “Best books on <topic na gusto mong pag-aralan>” (walang quotes o special symbols, halimbawa: “best books on investing”).
- Madalas makakahanap ka ng mga blog-posts na may mga rekomendasyon. Ilang halimbawa ko ay “25 Awesome Books for Self-Development” at “10 Best Books I’ve read on Finance, Leadership, and Success.”
- Pwede mo ring subukang mag-search sa Amazon.com tungkol sa topic mo. (Note: Subukan mo rin ang ibang online bookstores!)
- Matapos makakuha ng idea kung ano ang inirerekomenda ng iba, basahin mo ang mga Reviews
- Mahahanap mo ang mga ito sa blog posts, pero ako mas-gusto kong basahin ang mga reviews sa Amazon.com. Pumunta ka lang sa product page ng isang libro at i-click ang reviews link para makita sila.
- Tignan mo: Mabuti o mainam ba ang nilalaman ng libro? Magagamit mo ba ang impormasyon dito o ito ba’y nag-recycle lang ng mga bagay na alam na ng lahat at hindi mahalaga ang impormasyon sa loob?
- Ang mga Amazon reviewers ay paminsang nagsasaad kung ano ang laman ng libro. Naroon ba ang impormasyong kailangan mo? Halimbawa, kung kailangan mo ng Investment Book tungkol sa paghahanap ng mga trends sa shopping market para maunahan mo ang mga financial experts (librong kagaya ng “One Up On Wall Street” ni Peter Lynch) pero ang librong tinitignan mo ay, kahit mabuti ito, tungkol naman sa pagtingin sa charts at Technical Analysis, pumili ka muna ng iba kapag hindi mo pa ito kailangan.
- Kapag alam mo ang nilalaman, makikita mo rin kung alam mo na ang mababasa mo. Halimbawa, kapag marami ka nang nabasang libro tungkol sa investing, pwede mo na sigurong iwasan ang mga librong para sa beginners lang.
- Kapag mabuti ang mga reviews at mukhang magagamit mo nga ang nilalaman ng libro, subukan mong hanapin ito sa isang bookstore at mag-browse ka muna (ang ibang online stores ay may eBook previews kaya tignan mo rin ang mga ito).
- Kung hindi ka makahanap ng kopyang pwede mong tignan, bilhin mo na lang online kung sa palagay mo magagamit mo nga.
- Itanong mo sa sarili mo kung ok sa iyo ang format. Masyado ba itong technical, complex, o boring? Mayroon nga ba itong kaalamang MAGAGAMIT mo?
- Minsan, kahit ang isang libro ay pinupuri ng karamihan, kapag masyado itong technical at hindi mo ito nababasa ng hindi nakakatulog (at nahihirapan kang pag-aralan ito), subukan mong maghanap na lang ng ibang libro. Tandaan: Ang layunin ay hindi magbasa ng popular na libro kundi PAG-ARALAN ang kaalamang KAILANGAN para magtagumpay.
- Nirerekomenda ko na kunin mo ang mga libro ng mga magagaling na professionals at experts, pero pwede mo ring kunin ang mga librong isinulat ng mga researchers na pinag-aralan at ibinuod ang kaalaman ng mga eksperto (siya nga pala, yun ang ginawa ni Napoleon Hill sa “Think and Grow Rich”). Alalahanin mo na ang layunin ay matutunan ang mga bagay na magagamit natin.
- Kung nakahanap ka ng librong puno ng impormasyong magagamit mo, bilhin mo na! Sabi nga ni Benjamin Franklin: “Ang pagpuhunan sa kaalaman ay nagbibigay ng pinakamabuting kabayaran.” Kung ang isang P500 na libro ay makapagbibigay ng kaalamang magagamit mo para kumita ng P5 million, hindi ba napakabuti noon?
- Isang huling paalala: Huwag mong kakalimutan na ang mga libro ay mga mapa at guide lamang na magpapakita sa atin kung ano ang POSIBLE. Walang makapagpapalit sa GAWA, Tiyaga, at Karunungan.
- BONUS Lesson: Maraming LIBRENG resources, pero kailangan mong matutunang maglabas ng pera para sa kaalamang kinakailangan. Nakipag-diskusyon ako sa isang forum at may isang tao na nagsabing hindi mo kailangang magbayad para sa mga libro dahil marami namang libre. Sumang-ayon ako doon dahil marami naman talagang libreng eBooks gaya ng mga lumang classics na “public domain” status na, pero HINDI ako sumasang-ayon sa sinasabi niyang HUWAG bumili ng libro (o hindi magbayad para sa mga seminars at workshops). Kung palagi kang naghahanap ng libre, edi habang-buhay mong hindi malalaman ang mga bagay na pwede mo sanang magamit para umasenso dahil masyado kang kuripot.
- Halimbawa: Gusto mo sanang mag-invest sa real estate pero wala kang malaking halaga. Ang isang libro tungkol doon ay makapagtuturo sana sa iyo ng seller financing, pag-check sa “due on sale” clause, paggamit ng lease options, mga negotiation tactics sa real estate, paggamit ng abugado para sa mga kontrata at tactic sa negotiation, atbp.
- (Isa pang Babala: May mga “Free” PDF versions nga ng mga popular na libro, pero kung wala itong pahintulot o authorization ng may akda o ng publisher at hindi sila public domain, ito ay PIRACY at yun ay ILEGAL.)
“Kung nakakita man ako ng mas-malayo, ito’y dahil nakatayo ako sa balikat ng mga higante,” (Meaning: Kung mas-marami akong nagawa, ito’y dahil ginamit ko ang karunungan ng mga nauna sa akin) sabi ni Isaac Newton, at “Gamitin mo ang panahon mo para mas-gumaling gamit ang karunungan ng iba para madali mong makakamit ang pinagsikapan nila” sabi ni Socrates. Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral gamit ang pagbabasa at magtagumpay ka sa mga bagay na HINDI ALAM ng iba.
“Edukasyon ang susi para mabuksan ang ginintuang pintuan ng kalayaan.” – George Washington Carver
I-Follow mo ang YourWealthyMind.com sa Facebook!
Leave a Reply