English Version (Click Here)
Gusto mo ng isang kasabihan tungkol sa pera kung saan mapapaisip ka? Basahin mo ito:
“Don’t tell me what you value, show me your budget, and I’ll tell you what you value.”
— Joe Biden
(Tagalog) Huwag mong sabihin sa akin kung ano ang pinahahalagahan mo sa buhay. Ipakita mo sa akin ang iyong budget (iyong mga pinagkakagastusan) at sasabihin ko sa iyo ang mga pinahahalagahan mo sa buhay.
Kung ako tatanungin mo, sang ayon ako doon. Ang mga pinagkakakagastusan natin ay nananalamin sa mga pinapahalagahan natin sa buhay. Halimbawa, ang iba gumagastos sa paglalakbay o pagtravel sa mundo para palawakin ang kanilang isipan. Ang iba gumagastos sa mga mamahalin at branded na gamit para magyabang. Ang iba gumagastos para pagandahin ang buhay ng kanilang mga anak. Ang iba naman gumagastos sa alak at ilegal na droga. Ang pinagkakagastsuan ng mga tao ay nananalamin sa mga pinahahalagahan nila sa buhay.
Alamin mo ang mga pinagkakagastusan mo. Ano ang mga pinahahalagahan mo?
“Bumoboto” tayo gamit ang ating mga pitaka/pera
Tulad ng kung paano tayo bumoboto sa mga pulitikong sinusuportahan natin (dahil sinusuportahan nila ang mga isyung mahalaga sa atin), ganoon din ang ginagawa natin gamit ang ating pera. “Binoboto” natin at ibinibigay natin ang ating pera sa mga produkto o kumpanyang sinusuportahan natin, at iniiwasan nating bilihin ang mga kinaaayawan natin.
Habang karamihan sa atin ay bumibili ayon sa mga kagustuhan natin, minsan din bumibili tayo ayon sa mga pinahahalagahan natin. Isipin mo ang mga sumusuporta sa mga “green” at “eco-friendly” na produkto. Mga taong iniiwasan ang mga produktong nagsasagawa ng animal testing at pangaabuso. Mga taong sumusuporta sa mga local businesses (tulad ko) at mga maliliit na entrepreneurs.
Pwede tayong gumastos ayong sa mga pinahahalagahan natin sa buhay (values).
Ako ay mayroong mga values o pinahahalagahan sa buhay na ginagamit ko bilang basehan ng aking mga desisyon ayon sa aking mga binibili. Sumusuporta ako sa mga lokal na produkto at negosyo, tutol ako sa paninira sa West Philippine Sea at mga coral reefs dito, tutol ako sa mga “debt trap” policies ng isang gubyerno, tutol ako sa intellectual property theft (pagnanakaw ng mga kaalaman o idea at pamemeke), historical censorship (pagbabago o pagtatago ng mahahalagang kasaysayan), at iba pa. Dahil doon mayroon akong estilo ng pamimili na sumusuporta sa mga values ko.
Marami ang gustong sumubok sa shopping style kong ito (bago may pagbabago sa mundo ng pulitika), pero nahihirapan ang iba. Akala ng iba lahat ng bagay ay ginagawa sa bansang iyon kaya “imposible” daw, pero mali iyon. Napakaraming brands at kagamitang ginagawa sa Pilipinas, at marami ring brands at gamit na hindi ginagawa sa bansang iyon.
Kailangan mo lang maging mas-masusi sa pagtingin sa mga bilihin. Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa nito para matutunan mo pa!
Isang mahalagang paalala: Bukod sa mga lokal na brands, makakahanap ka ng mga “midrange” o medyo mas mahal na brands dito. Madalas sila sila lang ang may kayang magtayo ng mga pagawaan sa Sourtheast Asia at iba pang bahagi ng mundo. Hindi ako nagyayabang ng mga brands at yaman. Ipinapakita ko lang na napakaraming produkto ang ginagawa sa ibang bansa (bukod sa bansang pagawaan ng mga mumurahing peke).
Mga produktong ginamit (at nagamit) ko:
Format:
Produkto: Brand at Model (Bansa ng Brand) – Made in [Country]
- Cellphone:
- Samsung Galaxy A34 5G (Korea) – Made in Indonesia
- Samsung Galaxy A71 (Korea) – Made in Vietnam
- Samsung Galaxy J6+ (Korea) – Made in Vietnam
- LG K10 (U.S.A.) – Made in Vietnam
- CPU:
- Intel Core i7-7700 (U.S.A.) – Made in Malaysia
- Intel Core i5-13400 (U.S.A.) – Made in Vietnam
- SSD:
- Samsung SSD 980 1TB (Korea) – Made in Vietnam
- SanDisk SSD PLUS 1TB (U.S.A.) – Made in Malaysia
- External SSD: ADATA SC610 1TB (Taiwan) – Made in Taiwan
- Intel Core i7-7700 (U.S.A.) – Made in Malaysia
- Intel Core i5-13400 (U.S.A.) – Made in Vietnam
- MicroSD Card:
- Transcend – UHS-I microSD 3005 128GB (Taiwan) – Made in Taiwan
- Kingston – 64GB (U.S.A.) – Made in Taiwan
- SDHC Card: Sandisk – 32GB (U.S.A.) – Made in Malaysia
- Watch: Casio G-Shock (Japan) – Made in Thailand
- Sling Bag: Reachbak (Philippines) – Made in the Philippines
- Penshoppe (Philippines) – Made in the Philippines
- Airfit Mil Specs (Philippines) – Made in the Philippines
- Shoes:
- Merrell (U.S.A.) Chameleon 7 Storm – Made in Vietnam
- Merrell (U.S.A.) Moab Speed 2 GTX – Made in Vietnam
- Rockport (U.S.A.) – Made in India
- Quechua (France) – Made in Bangladesh
- Slippers:
- Sandugo (Philippines) – Made in the Philippines
- Islander (Philippines) – Made in the Philippines
- Waterproof Camera: Fujifilm XP140 (Japan) – Made in Indonesia
- Uninterruptible Power Supply: APC by Schneider Electric (U.S.A.) – Made in the Philippines
- Computer Monitor: Fukuda (Philippines) – Made in the Philippines
- Extension Cord: Panther Products Phils., Inc. (Philippines) – Made in the Philippines
- Mousepad:
- SteelSeries (Denmark) – Made in Taiwan
- ROG (Taiwan) – Made in Taiwan
- AeroPress Go Coffee Press: AeroPress (U.S.A.) – Made in the U.S.A.
- Notebooks:
- Cattleya, Sterling (Philippines) – Made in the Philippines
- Rhodia (France) – Made in France
- Muji (Japan) – Made in Japan, Made in Indonesia
- Ballpen:
- Lamy (Germany) – Made in Germany
- Zebra (Japan) – Made in Japan
- Pentel (Japan) – Made in Japan
- Plastic Eraser: Tombow (Japan) – Made in Japan
- Marker: Dong-a (Korea) – Made in Korea
- Stapler: Max (Japan) – Made in Japan
- Scissors: Milan (Spain) – Made in Spain
- Utility Knife: Stanley (U.S.A.) – Made in Thailand
- Snap-off Blades: Stanley (U.S.A.) – Made in Taiwan
- Plastic Ruler: Orion / Kyoei Plastic (Japan) – Made in Japan
- A5 Document Case: Daiso (Japan) – Made in Japan
- Memo Pad: Paperwide Paper Products (Philippines) – Made in the Philippines
- Index Cards: Corona (Philippines) – Made in the Philippines
- Checklist Pad: Muji (Japan) – Made in Japan
- Eva Slider Zipper Bag: Muji (Japan) – Made in Japan
- Cutting Mat: Hapila! Co., Ltd. (Japan) – Made in Taiwan
- Planner: Muji (Japan) – Made in Japan
- Sticker Label: Muji (Japan) – Made in Japan
- Binder Notebook: Kokuyo (Japan) – Made in Japan
- Umbrella: Muji (Japan) – Made in Cambodia
- Hiking Clothes:
- 8a Performance (Philippines) – Made in the Philippines
- Pitman Outdoors (Philippines) – Made in the Philippines
- Quechua (France) – Made in Sri Lanka
- Waterproof Hiking Jacket: Columbia (U.S.A.) – Made in Vietnam
- Hiking Bag: Deuter (Germany) – Made in Vietnam
- Small Hiking Bag: Quechua (France) – Made in Vietnam
- Cold Weather Hiking Gloves: Quechua (France) – Made in Vietnam
- Trekking Poles: Black Diamond Equipment (U.S.A.) – Made in Taiwan
- Mini Water Filter for Hiking: Sawyer (U.S.A.) – Made in the U.S.A.
- Swimming Trunks: Speedo (U.K.) – Made in Sri Lanka
- Rashguard: Speedo (U.K.) – Made in Cambodia
- Travel Wallet: Deuter (Germany) – Made in Vietnam
- Leather Wallet: Penshoppe (Philippines) – Made in the Philippines
- Camping Spoon, Fork, and Knife: Quechua (France) – Made in France
- Camping Spork Set: Light My Fire (Sweden) – Made in Sweden
- Hiking Socks: Quechua (France) – Made in Italy
- Carabiner: Black Diamond Equipment (U.S.A.) – Made in Taiwan
- Drawstring Bag: Nike (U.S.A.) – Made in Indonesia
- Work Gloves: DLP (Sri Lanka) – Made in Sri Lanka
- Food Container: Komax (Korea) – Made in Korea
- Plastic Passport Case: Adventurer (Philippines) – Made in the Philippines
- Pocket Mirror: Muji (Japan) – Made in Japan
- Polypropylene Bag Clips: Muji (Japan) – Made in Japan
- Ear Plugs: Muji (Japan) – Made in Japan
- Double Edge Safety Razor: Feather (Japan) – Made in Japan
- Travel Pill Case: Muji (Japan) – Made in Vietnam
- Clear Soap Case: Moritoku (Japan) – Made in Japan
- Steel Coffee Mug: Zebra (Thailand) – Made in Thailand
- Square Cast Iron Skillet: Lodge (U.S.A.) – Made in the U.S.A.
- 9″ Cast Iron Skillet: Lodge (U.S.A.) – Made in the U.S.A.
- Waterproof Cellphone Pouch: Tribord (France) – Made in Tunisia
- Velcro Cable & Cord Ties: Velcro USA Inc. (U.S.A.) – Made in Mexico
- Cable Ties: KSS (Taiwan) – Made in Taiwan
- Clothing Repair Tape: Gear Aid (U.S.A.) – Made in Taiwan
- Screwdriver set: Muji (Japan) – Made in Japan
- Fan: Kultura (Philippines) – Made in the Philippines
- Nailcutter: Kultura (Philippines) – Made in the Philippines
- Pencilcase:
- Janzan Enterprises (Philippines) – Made in the Philippines
- Kultura (Philippines) – Made in the Philippines
- Travel Sleep Mask: Eagle Creek (U.S.A.) – Made in Vietnam
- Arnis Training Sticks and Arnis Bag: Makisig (Philippines) – Made in the Philippines
- Emergency Whistle: UST JetScream (U.S.A.) – Made in the U.S.A.
- Pencil Sharpener: Faber Castell (Germany) – Made in Germany
- Playing Cards: Bicycle (U.S.A.) – Made in the U.S.A.
- Coffee Grinder: Hario (Japan) – Made in Japan
- Shoe Box: Gondol Plastic (Turkey) – Made in Turkey
- Cashbox: Shyh Ru (Taiwan) – Made in Taiwan
- Stackable Airtight Food Container: LocknLock (Korea) – Made in Vietnam
- Shoehorn: Biofresh (Philippines) – Made in the Philippines
- Pocketknife for hiking: Opinel (France) – Made in France
- Pepper Spray: Mace (U.S.A.) – Made in the U.S.A.
- (Ceramic) Honing Steel: Zwilling J. A. Henckels (Germany) – Made in Germany
- Axillary crutch: Bestcare Medical (U.S.A.) – Made in Taiwan
- Petit Pump Bottle: Muji (Japan) – Made in Japan
- Mini Dustpan and Broom: Daiso (Japan) – Made in Vietnam
Iyon lang ang mga nakikita ko sa kwarto ko ngayon, at wala pa sa listahan ang iba tulad ng ilan sa aking mga damit, toiletries, pagkain (karne at gulay), mga skin care products, at iba pa. Halimbawa:
- CR2032 Battery: Maxell (Japan) – Made in Japan
- Sunblock: Beach Hut (Philippines) – Made in the Philippines
- Deodorant: Deonat (Thailand) – Made in the Thailand
- Surgical Mask: Lotus (Philippines) – Made in Taiwan
- Coffee Beans:
- Figaro’s (Philippines) – Made in the Philippines
- Bo’s (Philippines) – Made in the Philippines
- Cafe de Lipa (Philippines) – Made in the Philippines
- Starbucks’ Kape Vinta Blend (U.S.A.) – Made in the Philippines
- Rubbing Alcohol: Casino (Philippines) – Made in the Philippines
- Honey: Palawan (Philippines) – Made in the Philippines
- Lubricating Spray for Hardware: Pioneer RC1 (Philippines) – Made in the Philippines
- Sanitizer Spray: Messy Bessy (Philippines) – Made in the Philippines
- Soap: A la Maison de Provence (U.S.A.) – Made in France
Kapag walang alternatibo:
Alam ko rin namang minsan walang alternatibo. Sa mga ganoong pagkakataon, pumipili ako ng brand na nakabase sa ibang bansa (lokal na brand/U.S./European na brand o iba pa). Madalas din, iniisip ko “want” (gusto lang) at hindi “need” (pangangailangan) ang bagay na iyon, at nakatitipid ako sa HINDI PAGBILI as iyon.
Sa kabuoan, eto ang aking mga konsiderasyon (pinakamahalaga sa taas):
- Local brand at gawa sa Pilipinas.
- Foreign brand ang gamit at gawa sa Southeast Asia/Europe/U.S.A./Middle East/Taiwan/etc.
- Hindi ko ito bibilihin.
- Kung kailangang kailangan talaga, edi bibili ako ng isa nito na ginawa ng local o foreign brand kung saan ang kumpanya ay nakabase sa Southeast Asia/Europe/U.S.A./Middle East/Taiwan/atbp.
“Pero yung ilang parte at materyales ay gawa pa rin sa bansang iyon!”
E ano naman? Yang all-or-nothing (dapat perpekto ka) at defeatist (wag nang subukan) na attitude o pagiisip ay walang kwenta. Kung ang ilan sa basurang itinapon mo ay napupunta naman pala sa dagat, at sigurado may ilan na napapadpad doon, ibig sabihin ba noon hindi ka na dapat mag-recycle kahit kailan? Na hindi mo na kailangang disiplinahin ang sarili mo at itapon mo na lang ang basura mo sa mga ilog at sa tabing dagat o kahit saan mo gusto? Hindi. Ganoon kawalang kwenta at ganoon kasama ang all-or-nothing defeatist attitude na iyon. (At huwag mo na ring simulan yung “pero itong bansang ito ay gumagawa rin ng masama kaya bakit hindi mo rin sila iboycott?” na whataboutism o paglilihis sa topic na iyon. Walang kwentang naisin na dapat perpekto ang lahat, at ang pag-insulto sa pagpupunyagi ng iba dahil hindi sila perpekto ayon sa gusto mo ay nakakapandiri at nakasasama.)
Hindi kita pinipilit na gayahin ako. Magkaiba tayo at magkaiba rin ang ating mga pinahahalagahan sa buhay. Ipinapahiwatig ko lang na kung gusto mong subukan ang ginagawa ko, posible ngang gawin ito. Kakaunting pagresearch at pagiging masusi lang ang kailangan, pero wala kang mararamdamang guilt o sama ng loob sa pagbili at paggamit ng mga bagay na sumasang-ayon sa mga pinahahalagayan mo sa buhay.
Dito muna tayo magtatapos at sana ay nagustuhan mo itong article na ito! I-click mo itong link na ito para matutunan mo ang iba pang mga mahahalagang aral!
View Comments (0)