X

10 Wealth Quotes – Magsikap at Umasenso (Tagalog Translations)

English Version (Click Here)
1. “The indispensable first step to getting the things you want out of life is this; decide what you want.” – Ben Stein
(Ang pinakauna mong kailangang gawin para makamit mo ang mga gusto mo sa buhay ay ito; itakda mo kung ano ang gusto mo.)

Kung wala kang malinaw na pangarap, simple lang ang kalalabasan mo: Dahil wala kang pinatutunguhan, magpapagod ka lang para manatiling buhay.

2. “Don’t worry about what other people think, there will always be people who want to see you fail, because they can’t succeed.” – Source Unknown
(Huwag mong alalahanin ang iniisip ng iba, maraming tao ang gusto kang makitang mabigo dahil hindi nila kayang magtagumpay.)

Kung nagsikap at umasenso ka, lalaitin ka ng iba dahil mas-magaling ka. Kung hindi maganda ang kinadatnan ng iyong buhay, lalaitin ka pa rin ng iba dahil nabigo ka at mamaliitin ka nila para maipagmalaki nila ang kanilang sarili. Kung nakisabay ka naman sa iba, mararamdaman mo ang pinakamasamang resulta sa lahat: pupunahin ka ng iyong puso dahil iniwan mo ang iyong mga pangarap.

3. “Think you are weak, think you lack what it takes, think you will lose, think you are second class – think this way and you are doomed to mediocrity.” – David J. Schwartz
(Isipin mo na mahina ka, isipin mo na hindi mo kaya, isipin mo na matatalo ka, at isipin mo mababang uri ng tao ka lamang – mag-isip ka ng ganoon at masusumpa ka sa kapangkaraniwanan.)

Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit marami ang nabibigo? Ito’y dahil iniisip nila na mabibigo sila. Dahil sa ganoong pag-iisip, hindi nila inilalabas ang kanilang tunay na kakayahan, sumusuko sila kapag sila’y nahihirapan, at higit sa lahat hindi man lamang sila sumusubok.

4. “Whatever reason you have for not being somebody, there’s somebody who had that same problem and overcame it.” – Barbara Reynolds
(Ano man ang palusot mo kung bakit hindi ka umaasenso, mayroong ibang tao na may ganoong problema at nagtagumpay pa rin maliban dito.)

Napakaraming tao ang umaayaw sa pagpapabuti ng kanilang sarili. Iniisip nila na “ang katotohanan ay ito’y napakahirap at imposible.” Isang realidad iyon. Ang KABILANG realidad naman ay ito’y POSIBLE. Alin mang katotohanan ang piliin mo, ikaw ang magiging responsable para sa kahihinatnan nito.

 

5. “Impossible is just a big word thrown around by small men who find it easier to live in the world they’ve been given than to explore the power they have to change it. Impossible is not a fact. It’s an opinion. Impossible is not a declaration. It’s a dare. Impossible is potential. Impossible is temporary. Impossible is nothing.” – Muhammad Ali
(Ang imposible ay salita lamang na binibigkas ng mga mahihinang tao na mas-nadadaliang mabuhay sa mundong nakagisnan nila kaysa gamitin ang kanilang kapangyarihan para baguhin ito. Ang imposible ay hindi katunayan. Ito’y palagay lamang. Ang imposible ay hindi deklarasyon. Ito’y pag-alipusta. Ang imposible ay potensyal. Ang imposible ay panandalian. Ang imposible ay walang halaga.)

Pwede kang sumuko, maghanap ng palusot, at magpatuloy sa kung saan ka man komportable. Ano mang mababang kapalaran ang matanggap mo, hinding hindi ka hahayaan ng puso mong kalimutan na PWEDE SANANG mas-maasenso ka pa kaysa dito.

 

6. “The future belongs to those who learn what they need to learn in order to do what they need to do.” – Denis Waitley
(Ang kinabukasan natin ay nabatay sa mga taong natututunan ang kailangan nilang matutunan para magawa nila ang kailangan nilang gawin.)

Ano man ang pangarap mong makamit sa buhay, mahahanap mo ang paraan. Kailangan mo lang matutunan kung paano.

 

7. “We can change our lives. We can do, have, and be exactly what we wish.” – Tony Robbins
(Kaya nating baguhin ang ating buhay. Kaya nating magawa, makamit, at maging kahit ano pa man ang pangarap natin.)

Hindi ka nakatakdang maging talunan, pero hindi ka rin nakatakdang magtagumpay. Pwede mong gawin ang madadali pero magiging mahirap ang buhay mo, at pwede mo ring gawin ang mga mahihirap na bagay, ang mga aksyong namumunga ng mabubuting kahihinatnan, at mapagsikapan ang mabuting pamumuhay. Kailangan mong magdesisyon kung alin ang gusto mo sa dalawa dahil ang makakamit mo ay ang resulta ng iyong mga pinili. Alin man sa dalawa ang piliin mo, magkatumbas lamang ang oras at pagod na iyong gagamitin.

 

8. “Excellence is the gradual result of always striving to do better.” – Pat Riley
(Ang kahusayan ay resulta ng palaging pagpipilit na maging mas-mabuti.)
9. “Success is the sum of small efforts, repeated day in and day out.” – Robert Collier
(Ang tagumpay ay resulta ng maliliit na pagsisikap na inuulit sa bawat nagdaraang araw.)
10. “Die with memories, not dreams.” – Source Unknown
(Mamatay ka ng puno ng alaala, hindi puro pangarap na hindi nakamit.)

Hindi ka ipinanganak para magbuhay at maghintay sa kamatayan. Ipinanganak ka na may layunin sa mundo. Gawin mo ang pangarap mo, pagsikapan mo ang mga layunin mo, at pagtiyagaan mo ito. Ang mga nagsisikap maliban sa lahat ng hadlang sa buhay ang mga gumagaling at balang araw nagtatagumpay. Ano mang paghihirap ang dinaranas mo ngayon para sa iyong mga pangarap, alamin mo na balang araw ang kahihinatnan nito ay ang pinakamabuti sa lahat.


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.