*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Ang salitang “ambisyon” ay nagkaroon ng negatibong kahulugan dahil naiisip mo dito ang mga negosyante at opisyal na nagiging makapangyarihan gamit ang korupsyon. Sa katotohanan, ang ambisyon ay simpleng kagustuhang makamit ang isang bagay na nangangailangan ng lakas ng loob at pagsisikap. Walang mali dito basta mabuti ang gawain mo, at ito’y pangangailangan para magtagumpay. Kung wala kang lakas ng loob para magsikap upang umasenso, malamang mauuwi ka lang sa pagkabigo.
Bakit ko pinag-usapan ito? Dahil sa nabasa ko sa librong Self-Investment (Pagpuhunan sa sariling kakayahan) ni Orison Swett Marden:
There is always hope for a person, no matter how bad he is, as long as his ambition is alive; but when that is dead beyond resuscitation, the great life spur, the impelling motive is gone.
(May pag-asa palagi para sa isang tao, kahit gaano pa man siya kahina, basta’t buhay ang ambisyon niya; pero kapag ang ambisyon ay namatay at hindi na kayang maibalik, ang nagbibigay pwersa sa buhay, ang namimilit na motibo ay naglaho na.)
Maraming tao ang nakalagpas sa pagkabigo at kahirapan dahil lubusan nilang pinangarap ang magtagumpay. Si Brendon Burchard na nagsulat ng The Millionaire Messenger ay nagsimula sa maliit na apartment bago nakapagpatayo ng kanyang mga negosyo (Experts Academy at High Performance Academy). Kahit ang shopping mall billionaire ng Pilipinas na si Henry Sy ay nagsimula sa isang sari-sari store. Malamang pwede silang tumigil sa “nababayaran ang bilihin” na lebel ng pamumuhay, pero hindi nila ginawa iyon. Pinangarap nila ang mas-malaking bagay, at dahil doon sila’y nagtagumpay.
Nabasa ko nga din sa mga self-improvement authors na ang buhay ay tungkol sa growth at expansion, pagsulong at pagpapalaki, at ang mga bagay na tumigil sa pagsulong ay unti-unti nang nabubulok at namamatay. Kapag ang kagustuhan mong pagbutihin ang iyong sarili at umasenso ay nawala, tapos ka na. Naghihintay ka na lang mamatay.
He who stops being better stops being good. (Ang tumigil sa pagpapagaling ay tumigil na sa pagiging magaling.) — Oliver Cromwell
Napakamalas lang na sa landas ng pagsisikap at tagumpay, napakaraming nakokontento ng sobrang aga. Ang iba kontento na sa pagiging branch manager o district manager, pero nakakalungkot na ang iba nakokontento sa pagiging mababang trabahador, o malala pa dito, isnatcher lamang. Tapos nananatili silang ganoon hanggang sa pagtanda at pagkamatay nila balang araw. Ang mabuhay para lang makabayad sa mga bilihin ay pagpapatagal lamang ng kamatayan. Ito ang tunay na kabaliktaran ng pagsusulit sa buhay at pagtagumpay sa lahat ng ating makakaya. Tandaan mo na hindi lang ito tungkol sa iyong trabaho, career o negosyo, pero sa bawat bahagi ng iyong buhay: iyong mga relationships, mental at emotional health, iyong kalusugan, pananaw mo sa buhay, at higit pa.
Isipin mo na lang ang oras na malapit ka nang mamatay, nagbabalik-tanaw sa lahat ng bagay na PWEDE mo sanang mas-pinagbutihan… pero hindi mo ginawa. Nagtagumpay ka SANA… pero hindi mo sinubukan.
Para sa akin, hindi masayang isipin iyon.
Kung gusto mong iwasan ang ganoong nakakalungkot na tadhana, dapat alalahanin mo na kailangan mo ng mabuting layunin o pangarap para magtagumpay. Ang mga pangarap na iyo ay dapat napakalaki para magbigay sila sa iyo ng lakas ng loob, at kailangan bigyan ka nito ng kagustuhan o ambisyong nagpapalakas sa iyong loob para malagpasan mo ang mga hadlang at paghihirap na makakaharap mo sa buhay.
Sabi nga ni Arthur Brisbane, maswerte ang pinapagalaw ng ambisyon dahil ito ang “champion driver” ng buong mundo at lahat ng pangyayari sa mundo. Ang ambisyon nga naman ang isang pinagmulan ng malalaking bagay at tagumpay gaya ng higanteng skyscrapers, mga negosyo, mga bayan/nations, leadership positions, at napakarami pang iba.
Huwag mong kakalimutan ang aral na ito mula kay Orison Swett Marden: “The ambition must always precede the achievement.” Ang ambisyon ay kailangan mauna bago ang tagumpay. Bago mo makamit ang mabubuting bagay, kailangan mo muna silang naisin at saka mo sila dapat pagsikapan.
One of the few differences between superachievers and the rest of the world is that the superachievers simply dream bigger. (Ang isang pagkakaiba ng mga matagumpay sa buhay at ng ibang tao sa mundo ay mas-tinaasan lang nila ang kanilang pangarap.) — Jack Canfield