X

Isang Hindi Inaasahang Aral mula sa isang High School Teacher

English Version (Click Here)
“Sa klase natin sa lunes magkakaroon tayo ng CHEERDANCE COMPETITION!”

 

Hindi ko alam kung anong hinithit ng History teacher namin noon, pero iyon ang assignment na ibinigay niya sa aming lahat.

Doon nagsimula ang isang aral na HINDI ko Makakalimutan.

Naghiwahiwalay kami at bumuo ng mga grupo matapos ang announcement na iyon. Ang mga magkakaibigan ay nagtipon-tipon sa iba-ibang mesa at nagdaldalan tungkol sa assignment. Nagsama na rin kami ng mga kaibigan ko.

Doon din namin nakita ang pagkalugi namin sa kompetisyon: Ang ibang mga team ay may mga varsity members at cheerleaders. Kami naman, mga nerds.

Sa mga oras na iyon, nagplano kaming mga magkakaibigan na kantahin na lang ang “we are the champions.” Sa aming kakayahan noon, hanggang doon lang ang magagawa namin.

 

Araw ng Presentasyon

Isipin mo paggising sa umaga alam mong kakanta ka sa harap ng buong klase at nasusuka ka sa kaba. Ganoon ang naramdaman ko noon.
Inisip ko na lang noon na kapag magiging kahihiyan kami ng buong klase, at least kasama ko ang mga kaibigan ko.

…nagsimula ang unang klase at nalaman ko na lang na absent ang tatlo sa lima kong kagrupo.

Nasusuka talaga ako noon.

 

Bago ang Presentasyon

Natapos ang ilang naunang mga klase namin… pero kinakabahan kaming lahat dahil sa History class presentation.

Hiniling ko na sana hindi matuloy ang presentasyon, pero noong history period na, pumasok sa classroom ang guro namin at sinabi:

“Ok, pakilinis ang gitna ng classroom. Pakiurong ang mga mesa at silya sa gilid para may lugar tayo para sa performance.”

…ayos…

 

Gaya ng sinabi sa amin, ilang minuto naming itinulak ang mga mesa at silya palayo sa chalkboard. Ang mga silyang hindi ginagamit ay inilapat sa pader para hindi sila makahadlang sa amin. Nagtipon-tipon ang limang grupo, marami ang kinakabahan para sa kanilang performance.

Kami ng kaibigan ko, ang dalawang miyembro ng group 3, ay umupo sa may gitna sa kabilang dulo ng stage. Ang groups 1 at 2 nasa kaliwa namin, at groups 4 at 5 sa kanan.

Noong natapos na ang paghahanda, ibinigay ng guro ang scoring system:

Ang bawat group ay magbibigay ng grade ng performance ng iba pang group. 5 ang pinaka mataas at 1 ang pinaka mababa.

 

Ang Unang Grupo

 

Ang unang grupo na may ilang cheerleaders at isang basketball varsity member ay sumayaw saglit sa gitna. Maayos ang performance nila kahit kaunting oras lang ang naibigay sa amin para maghanda.

Noong natapos at umupo na ang unang grupo, hiningi ng guro sa amin ang mga scores nila. Naunang nagsalita ang ikalawang groupo at nagbigay sila ng score na five.

Bilang representative ng ikatlong grupo, binigyan ko sila ng naisip kong nararapat at mataas na score na 4.

 

 

“BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!
“DAPAT FIVE LAHAT TAYO!! BOOOOOOOOO!!!”

Sumigaw ang makulit naming kaklase at nandamay ng iba.

Magkakaibigan kaming lahat sa klase kaya kakaiba yung bullying o pang-aapi na nangyari noon (yun lang ang kaisa-isang beses kong nakita ang ganoon).

Matapos ang ilang segundo, sumabay na sa kanya ang buong klase.

“TAMA!!! DAPAT FIVE TAYONG LAHAT!!!
BOOOOOOOO!!! ZERO ANG IBIBIGAY NAMIN SA IYO!!!!
FIVE DAPAT SA LAHAT!!!”

 

 

Isipin mo ang sarili mo sa sitwasyon na iyon.

Ang BUONG KLASE, mga “KAIBIGAN” mo, sinisigawan ka ng ganoon… at walang-imik ang guro. Tinawag lang niya ang susunod na grupo.

Masakit yun.

Matapos ang performance ng ikalawang grupo, tinanong ako ng kaibigan ko kung anong score ang ibibigay.

Sinisigawan pa rin kami ng ibang mga grupo. Taas-kamay na lang ako at sabi ko “ikaw na magbigay ng score.”

Five ang ibinigay niya.

 

Kami naman

“BOOOOOOOOOOOOOO!!! ZEROOOOOOOO!!!”

Walang-tigil ang pagsigaw laban sa amin. Kinanta lang namin ang unang linya ng “We are the Champions” ni Freddie Mercury at saglitan lang kaming nagperform. Inaamin ko na talagang masama ang performance namin, pero ang scores namin ay nakatakda na bago pa man kami tumayo sa stage…

…dahil lang nagbigay kami ng matapat na score.

“ZEROOOOOOOO!!! BOOOOOOOOOOOO!!!”

 

 

Itinanong ng guro sa bawat grupo ang scores namin, at pare-pareho lahat:

“ZEROOOOOOOOOOO!!” sigaw ng maingay na kaklase sa group 1.

“ZERO!!” sigaw ng groups two, four, at five.

 

Naiisip mo naman siguro ang nasa isip ko noon sa highschool class na iyon at kung ano ang nararamdaman ko.

“Sinubukan mong gumawa ng mabuti. Sinubukan mong maging tapat. Sinubukan mong maging tapat sa iyong integridad…

…AYUN ANG NAPALA MO.”

“Pinarusahan. Tinawag na palpak. Ang mga popular lang ang palaging mananalo.”

 

Hindi na ako umimik noon at umupo lang akong nakaharap sa pader habang nagperform ang mga kasunod na grupo. Siyempre, five ang nakuha nilang lahat.

 

Matapos ang Performance

Ang tatlong team ay may perfect scores. Ang isang team ay may fives at isang four.

Ang team namin ay zero.

 

Tumayo at naglakad ang guro patungo sa gitna ng classroom at nagbigay ng karaniwang speech na ibinibigay palagi sa katapusan ng mga kompetisyon.

“Congratulations sa inyong lahat.” Blablabla. “Magaling ang ginawa niyo” Etcetera, etcetera.

…Hindi ko na siya pinansin noon. Parang kasinungalingan lang lahat, lalo na sa mga zero kagaya namin.

 

…tapos bigang tumigil sa pagsasalita ang guro namin para magsabi ng isang huling mensahe.

Hindi naman niya tinaasan ang boses niya, pero ang susunod na sinabi niya ay mas-klaro at mas-mapwersa sa mga nauna niyang salita.

 

“Ok class… Parangalan na natin ang mga nanalo sa kompetisyong ito.”
“Ang grupo na may PINAKAMATAAS na Grade…

 

 

…ay ang grupong may PINAKAMABABANG Score.”

Ilang segundo ang nakalipas bago namin naintindihan ang sinabi niyang iyon.

“O siya, pakibalik na lang ang mga mesa at upuan sa kanilang lugar. Class dismissed.”

 

Sa puntong iyon, laking tuwa ko bigla.

Malamang maraming nainis sa akin dahil sa hindi ko sinasadyang pagyayabang, pero masyado akong masaya para intindihin sila. Nakangiti kami ng kaibigan ko noon, at bumalik ang lahat sa dati matapos ang susunod na mga klase.

Hinding hindi ko makakalimutan ang aral na iyon.

 

Ang Hindi Inaasahang Aral

Marami sa atin ang gustong makisabay na lang sa kung ano man ang popular. Napakadali lang gawin ang gusto ng iba para matuwa sila sa atin.

Mahirap gawin ang pagiging tapat sa sarili mong kagustuhan, sabihin ang gusto mong sabihin, at gawin ang kailangan mong gawin.

Ang mga Leader ay gumagawa ng kabutihan, ano man ang TAMA, at ano man ang MATAPAT… kahit hindi ito popular.

Ang reputasyon mo ay nakabase sa anong iniisip ng iba tungkol sa iyo. Pwedeng tama sila, pero pwede ring NAPAKAMALI.

Ang PAGKATAO mo ay ng ANO KA TALAGA, at ikaw lang ang nakakalam noon.

Isasakripisyo mo ba ang pagkatao mo para sa magandang reputasyon? Isasakripisyo mo ba ang pananaw mo sa buhay at ang pinaniniwalaan mo para lang maging popular ka? Susunurin mo ba ang utos ng iba dahil gusto nilang lahat na gawin mo ang gusto nila at aalipustahin ka nila kapag hindi mo sila sinunod?

Ikaw lang ang makakasagot doon…

 

 

Tahimik ang buong klase noong inaayos namin ang mga mesa (pwera lang sa akin. Pakiramdam ko nanalo ako sa isang national championship). Malamang hindi nagustuhan ng mga kaklase ko ang ginawa ng guro namin at nagalit siguro sila sa kanya dahil doon…

…pero wala akong pakialam doon. Nirerespeto ko siya sa ginawa niyang iyon.

Tama ang ginawa niya, at nagpapasalamat ako sa aral na itinuro niya noong lunes na iyon.

 

“Huwag mong isasakripisyo ang integridad mo para lang sa kagustuhan ng iba.”

 

Ang promotional tagline niyong website na ito ay “Kung ang isang aral o article ay makakapagbago ng buhay mo, aaralin mo ba?”

Ang highschool class na iyon ay naglaman ng isang aral na nagpapasalamat akong matutunan.

 

 

Buti na lang hinithit ng guro namin ang ano mang napulot niya noon.

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.