X

Anong Gagawin Kapag Nakahanap ng Kakaibang Oportunidad

English Version (Click Here)

Isang napakabuting kakayahan ang makapag-adapt at makagamit ng mga mabubuting oportunidad na dumadating, at may pagsubok akong hinarap tungkol dito noon lang. Dahil hindi ako mahilig magpakita o magpakitang-gilas sa publiko, hindi ko naisip na ako ay magiistream online. Malamang alam mo ang kasabihang “life begins at the end of your comfort zone” (ang buhay ay nagsisimula sa dulo ng kung saan ka komportable) at talaga ngang may kakaibang paraan ang buhay upang ibigay sa iyo ang mga oportunidad na kakailanganin mong harapin ang mga kinatatakutan mo upang lumusong. Iyon ang pag-aaralan natin sa article na ito.

Anong Gagawin Mo Kapag Nakahanap Ka ng Kakaibang Oportunidad?

Ang isang mahalagang aral na isinulat ko sa ilang mga articles ko ay kailangan GAWIN MONG TRABAHO ANG NAGUGUSTUHAN MO para pataasin ang pagkakataon mong magtagumpay sa buhay. Hanapin mo ang iyong talento at pagbutihin mo ito, gamitin mo ito para makatulong sa iba, at pag-aralan mo kung paano mo ito pagkakakitaan.

Kapag nahanap mo ang trabahong gusto mong gawin, mas-hindi ka stressed dito at mas-madalas mo itong gagawin kaya magiging isa ka sa pinakamahusay dito.

Sinabi ko noon na isa sa aking mga kakayahan ay ang gumawa ng digital art. Kahit hindi “professional quality” ang mga gawa ko, sa paningin ko mukhang maayos naman sila (nagsasanay pa ako). Maraming paraan para kumita mula sa art gaya ng paghahanap ng kliente at paggawa ng komisyon, maglikha ng comics at magpublish, gumawa ng art blog, magturo sa mga art workshops at classes, at iba pa. Hindi ko naisipang kumita mula sa aking pagdrawing dahil pinapanatili ko itong libangan lamang.

Isipin mo na lang ang gulat ko noong inimbita ako ng kaibigan kong magstream ng aking art online bilang isang “propesyonal” na streamer.

Gaya nga ng sabi ko dati, hindi ko gustong ipakita ang mukha ko online at, sasabihin ko sayo dito, natatakot ako. Pinag-isipan ko itong mabuti at kahit natatakot ako, hindi naman ako sinabihan ng kutob (“instinct”) ko na umiwas dito. Iyon ay isang leadership lesson na kailangan mo ring alalahanin: TRUST YOUR GUT (magtiwala ka sa kutob mo). Sabi ng instincts ko, ito ay isang oportunidad sa labas ng aking comfort zone (na baka balang araw maging preparasyon ko para sa live seminars). Ito ang dahilan kung bakit sinubukan ko ito at nagsimula akong magstream madalas sa Pocketlive (eto ang link sa aking channel).

Hindi lang ako ang makakahanap ng mga oportunidad tulad nito. Malamang ikaw din makakahanap ng mga kakaibang oportunidad sa buhay!

 

Pinag-iisipan Mo Ba Ang Iyong Mga Oportunidad?

Habang makakahanap ka ng NAPAKARAMING oportunidad sa buhay, iilan lamang ang aksyong pwede mong gawin tungkol sa mga ito:

  1. Pwede mong tanggapin ang oportunidad. Ito ay mabuti kapag ikaw ay may kakayahan at kagustuhang gamitin ang oportunidad na iyon. Pwede mo ring tanggapin ang oportunidad kahit hindi mo pa ito kayang gawin ng mabuti. Ang kailangan mo lamang gawin ay pag-aralan ito at magpractice hanggang gumaling ka.
  1. Pwede mo itong idelay. Hindi mo kailangang magdesisyon agad dahil maraming bagay sa buhay ang nangangailangan ng matinding pag-iisip at pagplaplano. Alalahanin mo lang na makinig ka sa kutob mo at magdesisyon ka agad kung ito ba’y tatanggapin, tatanggihan, o iibahin mo.
  1. Pwede mong TANGGIHAN ang oportunidad. Kung qualified at nagaaply ka bilang division manager at may dumating na supervisor position para sa iyo, tatanggapin mo ba ang mas-mababang posisyon? Hindi mo kailangang tanggapin lahat ng oportunidad na nakakaharap mo dahil ang ilan dito ay makakahadlang sa iyong pagkamit ng mas-makabubuti. Bukod pa doon, ang ibang mga oportunidad ay mga scam o patibong lamang kaya mag-ingat ka sa mga ganoon.
  1. Kung wala kang mahanap na oportunidad, gumawa ka na lang ng SARILI MONG OPORTUNIDAD. Bakit ka maghahanap ng trabaho bilang baker/panadero kung pwede kang magtayo ng sarili mong bakery? Bakit ka maghahanap ng trabaho bilang manunulat kung pwede kang magsulat ng sarili mong blog? Bakit ka maghahanap ng management position kung pwede kang magtayo ng sarili mong kumpanya? Walang hangganan ang posibilidad na iyong mahahanap, at ang kailangan mo lang gawin ay maghanap ng paraan para magawa ang mga ito.

Marami kang mahahanap na oportunidad sa buhay at kahit hindi mo man gustohing gamitin lahat ng ito, alalahanin mo lang na masagana ang mundo at palagi kang makakahanap ng marami at mas-mabuting oportunidad. Gawin mo ang naiisip mong tama, ipagpatuloy mo ang buhay mo ng walang pagsisisi, at lumusong ka lamang.

Iyon na ang katapusan ng article na ito. Siya nga pala, kung gusto mo akong panooring gumawa ng digital art at kung gusto mo akong kausapin ng direkta tuwing ako ay nagiistream, iclick mo lang ang picture sa ibaba. Dadalhin ka nito sa aking PocketLive.tv channel. Sana magkita tayo doon!

 


Sya nga pala, kung naghahanap ka ng kakaibang oportunidad, dinig ko naghahanap ng active streamers ang PocketLive (4/19/2017).

Mayroon ka bang unique talent o hobby na gusto mong ipakita sa mundo?
Magsend ka sa akin ng email dito at magtanong ka lang sa akin! Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mga kailangan nila at kung paano mo makakusap ang PocketLive team!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.