ENGLISH Version (Click Here)
“Madalas ang pagbabasa ng libro ang nagpayaman sa iba.”
– Ralph Waldo Emerson
Kung papipiliin ka:
Ilang librong P3,000 ang presyo,
o P5,000 ng groceries/sigarilyo/beer/gamit alin ang pipiliin mo?
Marami ang pipili ng P5,000 ng kagamitan.
…pero paano kung ang mga librong iyon ay magtuturo sa iyo kung paano mag-invest at MAGING MILYONARYO sa loob lamang ng 20 taon? Kukunin mo pa ba ang mga kagamitang hindi tatagal ng ilang buwan?
Yun ang pinagpilian ko noon, at sasabihin ko sa iyo kung paano ako nagsimula. Malay mo…
Baka magawa mo rin iyon…
Middle-class lamang ang pamilya ko kaya pangkaraniwan lamang ang aking landas sa buhay: Makapagtapos ng pag-aaral at magtrabaho (tumanda at mamatay). Salamat sa aking ama na isang dakilang sundalo bago ang kanyang pagkamatay, ako at ang kapatid ko ay may Full Scholarship sa kahit-anong iskwelahan sa bansa. Sinuportahan din kami ng aming ina sa pag-aaral namin.
Sa mga iskwelahan namin, napakayaman ng aming mga kaklase: mga anak ng milyonaryo, congressman at senador, mga actors sa TV, atbp. Ang mga kaklase ko ay nakakapaglakbay sa ibang bansa tuwing weekends at bakasyon, nakakabili ng pinakamasasarap na pagkain, at pinakamagagandang kagamitan – mga bagay na hindi kaya ng pamilya namin. Pangarap ko rin na mag-enjoy kagaya nila, kaya gusto ko ring yumaman.
Isang taon, ginusto ko ng kaunting extra income kaya sumali ako sa isang network marketing company. Ang entry fee ay katumbas ng isang buwang sahod ng trabahador (mga P14,000) at bilang isang estudyante, wala akong ganoong pera. Sinuportahan naman ako ng magulang ko at binayaran nila ang fees kaya nasimulan ko ang aking panibagong distributor business.
Wala pang isang taon, nalugi ako at wala akong kinita.
Mayroon naman akong nabasang libro na inirekomenda sa akin ng aking recruiter/”upline.” Ang munting librong iyon (na hiniram ko sa library) ay nagpamulat sa akin tungkol sa trabaho at pera HABANG-BUHAY.
Ang librong iyon ay “Rich Dad Poor Dad
NAPAKARAMING aral sa librong iyon, pero ito ang pinakaumapekto sa akin:
1. Karamihan sa mga empleyado ay nalulong/addicted sa pera. Masaya kapag may sahod at maraming pera, malungkot kapag nagastos na. Tapos naghihirap uli ng isang buwan para makakuha ng isa pang “shot” ng pera.
2. Hindi ka yayaman bilang isang ordinaryong empleyado. Puwede ka mang magkaroon ng malaking sahod, pero kapag inuubos mo ito sa basura (liabilities), hindi ka mayaman.
3. Para yumaman, kailangan mo mag-invest sa assets – mga bagay na nagpaparami ng pera kagaya ng stocks, bonds, real estate, atbp. Karamihan sa atin ay ginagastos lahat ng ating pera sa liabilities: sigarilyo, alak, damit, gadgets, at iba-iba pang mga bagay na nagiging basura.
Isang taon ang nakalipas at may College Practicum ako noong summer. Habang nagtratrabaho, nabasa ko ang librong “Secrets of the Millionaire Mind
1. Ang iyong “Money Blueprint”: Natutunan mo kung paano maghawak o magsayang ng pera mula sa mga taong nakakasama mo. Ang iyong mga iniisip at pinaniniwalaan tungkol sa pera ay magdudulot ng iyong aksyon na magpapayaman o magpapahirap sa buhay mo. Ang isang halimbawa nito ay ang mga nagiisip na “masama ang mga mayayaman” ay maghihirap sa buhay dahil gagalaw sila sa paraang akala nila ay “mabuti.” Dahil masama ang magpayaman, hindi nila gagawin ang mga bagay na magpapayaman sa kanila.
2. Isang aral sa 17 na paraan kung paano magkaibang magisip ang mga mayayaman ay sila ay responsable sa kanilang kabuhayan at committed sa pagpapayaman. Ang karaniwang tao ay mas-gustong nagrereklamo lang tungkol sa kanilang problema sa pera kaysa magsikap para magparami ng pera. May pagkakaiba sa paghangad maging mayaman kaya magsisikap kang mabuti ng ilang taon para magtayo ng international business… at paghihintay na manalo lang ng lotto at nagrereklamo na hindi ka yumayaman.
3. Isa pang aral na gusto ko rito ay ang mga mayayaman ay ginagamit ang pera nila para magtrabaho at kumita ng pera para sa kanila gamit ang kanilang mga business at investments. Sa pamamaraang iyon, kumikita sila kahit hindi sila naghihirap pa sa trabaho. Ang ibang tao ay naghihirap para kumita ng pera, at nagsisikap gastusin lahat ng ito.
Pagkawala ng Kalayaan… dahil kailangan magtrabaho…
Diba sabi ko ang aking Practicum work ay nangyari noong summer?
Ibig sabihin noon, Wala akong Summer Vacation! Kaysa magsaya at magpahinga, nauubos ang oras ko sa trabaho. Ito ang unang tikim ko sa mahahabang commute at ang 9am-6pm work life.
AYAW KO NOON.
Wala akong kalayaan para maglaro ng videogames o magsaya kundi tuwing weekends lang, at naramdaman ko rin kung gaano talaga kaigsi ang mga weekends. Noong natutunan ko kay T. Harv Eker na pwede mong gamitin ang mga investments para kumita ng pera at hindi mo na kailangang magtrabaho, ginawa ko iyong layunin ko. Pangarap ko yung tagumpay na tinatawag nilang “Financial Freedom.”
Pinangarap kong maging mayaman para magawa ko ang kahit anong pangarap ko sa buhay.
Ang problema ko lang ay wala akong alam tungkol sa stocks, bonds, real estate, o kahit ano sa investing.
Problema: Walang Alam
Solusyon: PAG-ARALAN KUNG PAANO!!
Ano nga ba ang solusyon? Nagbasa ako ng mga libro tungkol sa pag-iinvest. Naghanap ako sa internet tungkol sa “best books on finance/investing/atbp.”
Ito ang mga nahanap at nabasa ko:
“The Bogleheads’ Guide to Investing
“The Richest Man in Babylon
“Your Money or Your Life: 9 Steps to Transforming Your Relationship with Money and Achieving Financial Independence” by Vicki Robin, Joe Dominguez, and Monique Tilford – ito ang nagturo sa aking ng lifestyle spending plan (parang budget) na ginagamit ko pa rin hanggan ngayon (nagsimula ako noong 2009). Pinalawak nito ang natutunan ko sa libro ni Clason at idinagdag ang pagrerecord sa aking mga gastos para siguraduhing mas-mababa ito sa aking kinikita. Ang isa sa pinakamahalagang aral dito ay ang pera mo ay buhay mo. Kakaunti lang ang panahon mo sa buhay (mga 70-80 years) at ginagamit mo ang karamihan nito sa trabaho para kumita ng pera… na ginagastos mo para mabuhay at mag-enjoy sa buhay. Ang pera mo ang panahon mo sa buhay, kaya dapat masinop ka sa paggastos nito.
*Nakapagbasa na ako ng higit isang-daang libro mula noon (binilang ko iyon), pero iba-iba ang topics nito gaya ng health, leadership, management, art, atbp. Malamang magsusulat ako ng mga reviews ng mga paborito ko para mapag-aralan mo sila.
Paggamit ng mga aral…
Nakapagtapos ako ng pag-aaral noong 2009 at nakapasok ako sa isang ordinaryong trabaho na may sahod na mas-mababa pa sa isang call-center agency (mababa pa sa P20,000 kada buwan). Bawat sahod, ginawa ko ang natutunan ko sa mga libro: Bago gumastos, MAG-IPON MUNA ng 20-30% ng kita at mag-invest sa mga equities/stocks/mutual funds (matapos ilang panahon nilipat ko ilang investments ko sa AFPSLAI dahil maganda ang yield nila). Iniwasan ko din ang pag-abuso sa credit cards at masasamang utang.
Kada sahod nag-ipon muna ako at marami pa ring natirang pera kada buwan para mabili ang mga kailangan at mga kagustuhan: videogames, tea leaves mula TWG, non-fiction na libro, mountaineering trips, atbp.
5 years akong nagtrabaho sa parehong kompanya (nandoon pa rin ako hanggang pagsulat ko nito: August 2015) at sa panahong iyon nagipon at nag-invest ako. Wala akong side-business, sugal, lottery, atbp. Ang kita ko lang ay nagmumula sa sahod ko sa trabaho at sa investments ko.
Matapos limang taon, ang total Net Worth ko (mga paper investments) ay 30 times ng aking monthly salary. Para malaman mo kung gaano kalaki iyon, kalkulahin mo ang iyong sahod kada buwan at imultiply mo by 30. Isipin mo ang halagang iyon sa bank account mo o investments. (Hal. Kung ang sahod mo ay P10,000 kada buwan after tax, may P300,000 ka na investments.)
*Hindi ko masasabi ang exactong numero dahil malalaman ng iba ang aking sahod, pero masasabi ko na ang sahod ko ay hindi hihigit sa typical na call center agent. Hindi ko ikinahihiya iyon dahil ito ang kasabihan sa pagpapayaman: Hindi ang kinikita kundi ang itinatago at ipinapalago. Gaya ng sinabi sa Bogleheads’: Pwede kang kumita ng daang-libong piso kada buwan, pero kapag winalgas mo ito, hindi ka mayaman: magastos ka lang.
Hindi posible ang kahit ano doon king hindi ko binili, binasa, at pinag-aralan ang mga finance books na iyon.
Tatanungin kitang muli:
P3,000 na mga magagaling na finance books, o P5,000 ng mga gamit na masisira lang?
Wala kong alam na ibang investment na ang PRESYO ay napakalayo sa kaniyang HALAGA bukod sa edukasyong ibinibigay ng mabubuting libro. Hindi mo makakamit ang masaganang buhay kapag hindi mo alam kung paano, at makakamit mo ang kasaganaan ng mas-madali, mas-mabilis, at mas-sigurado kapag natutunan mo ang pinakamainam na paraan kung paano.
“Kung walang karunungan, mabilis nawawala ang kayamanan sa mga meron nito, pero kapag may karunungan, ang kayamanan ay makakamit ng mga wala nito.”
– George S. Clason, The Richest Man in Babylon
LIFEWORK (parang homework, pero para sa iyong success sa buhay!):
• Isulat mo ang isang pangarap na gusto mong makamit, gaya ng pagkita ng P1 million, magpapayat, puksain ang cancer, atbp.
• Pumunta ka sa bookstore o library para bumili, magbasa, at PAG-ARALAN ang isang libro tungkol sa kung PAANO mo mapapagsikapan ang pangarap na iyon.
• Bonus:
o Isipin mo ang kalagayan mo kapag nakamit mo ang layunin mo. Kung napagsikapan mo ang P1 million, isipin mo ang ginawa mo na naituro ng libro: ang negosyo, career, o investments na ginawa mo, at ang gagawin mo kapag nakamit mo ang pangarap mo.
o Isipin mo naman ngayon ang kalagayan mo kung HINDI MO NAKAMIT ANG PANGARAP MO, dahil tinatamad ka lang na pumunta sa bookstore para bumili at magbasa ng librong magbibigay ng kaalamang magpapasagana sana sa iyo habang buhay.
o Ngayon isipin mo naman kapag nakamit mo ang pangarap mo: sampung taon mula ngayon napagsikapan mo ang layunin mo dahil natutunan mo ang isang napakahalagang kaalaman na nakasulat sa ilang pahina ng papel. Ang isang idea na iyon ay nagligtas sa iyo mula sa pagkabigo at nagpalakas sa success rate mo ng sampung beses. Isipin mo ang sarili mo na sinasabi “Buti na lang natutunan ko iyon!”
—Ang kailangan mo na lang ngayon ay pag-aralan ang kailangan mong matutunan para mapagsikapan mo ang iyong pangarap, at ang isang librong napulot mo lang sa bookstore ang pwedeng magbigay ng susi para sa iyong tagumpay.
Karagdagang Libro (na aking nabasa at inirerekomenda):
“Ordinary People, Extraordinary Wealth
“The Millionaire Next Door
“Rich Dad’s CASHFLOW QUADRANT
“The Success Principles: How to Get from Where You Are to Where You Want to Be
“Mas-marami kang nabasa, mas-marami kang malalaman. Mas-marami kang nalalaman, mas-marami kang mararating.”
– Dr. Seuss
View Comments (0)