English Version (Click Here)
Kahit noon pang 1998 nagsimula ang PayPal at lumaki at naging international giant ito (sa tulong ng eBay hanggang 2015) sa year 2000s, sa nakaraang ilang taon lang naging popular ang online payment at online shopping sa Pilipinas. Isang halimbawa, ang Bayad Center, ang isa sa pinakapopular na bill payment company sa Pilipinas ay nakipagpartner sa PayPal noon lamang 2016.
Ngayong nagiging mas popular na ang online shopping websites tulad ng Lazada at Shopee, panahon na upang magsulat ng simpleng guide tungkol sa PayPal, ang isa sa pinakakilala at secure na online payment systems sa mundo. Itong Tagalong version ng guide ay malamang makatutulong sa mga Pinoy na hindi masyadong “tech savvy” o sanay sa internet at gusto lamang ng maikling guide para makagamit ng PayPal.
Paano Gamitin ang PayPal (Isang Maikling Guide Para sa Mga Pinoy)
Ano ang pwede mong gawin sa PayPal?
- Pambayad sa online shopping (Lazada, Shopee, Amazon, BayadCenter, atbp.).
- Magpadala at makatanggap ng pera mula sa mga kaibigan at kamag-anak (dito man sa Pilipinas o abroad).
- Magbayad para sa mga gamit o serbisyo online (hal. magbigay ng bayad para sa isang freelancer, caterer, at iba pa.).
- Gumawa ng PayPal business account para sa iyong negosyo. Magagamit mo ito para magsend ng invoices kung kukuha ka ng bayad mula sa mga kliente.
Oo nga pala. Tulad ng ibang financial services, may maliit na fees din sa mga transaksyon ang PayPal. Katulad nito ang mga maliit na bayad kapag nagwithdraw ka sa ATM o kung paano may bayad din ang pagpapadala ng pera gamit ang Western Union o Cebuana Lhuilier.
Isa pang detalye, secure ang PayPal at marami itong maibibigay na proteksyon para sa mga PayPal user, buyers, at sellers, at makikita mo ito sa link na ito.
Paano gumawa ng PayPal account:
Kailangan mo ng email address at isang credit o debit card na nakalink sa isang bank account (Visa, Mastercard, atbp.)
Pwede kang magrehistro nang libre basta may secure na email address ka tulad ng gmail, hotmail/outlook, yahoo mail, o iba pa (pwede ka namang magdagdag ng email address sa iyong account mamaya). I-click mo lang ang “Sign up” button at ilagay ang iyong account details para gumawa ng account.
(Update sa 2021) Bukod sa taas, kailangan mo na rin ng valid government-issued ID tulad ng SSS UMID, driver’s license, o Passport. Gayunpaman, ayon sa isang PayPal customer support representative, hindi ito masyadong kailangan at mas mahalaga pa rin ang Debit Card/Credit Card/Bank Account verification. Bilang isang halimbawa, noong nagrerehistro para sa isang account ang kaibigan ko, inilagay niya ang detalye ng kanyang Postal ID sa ilalim ng “National ID” drop down.
Kapag nakagawa ka na ng isang PayPal account, kailangan mo namang i-link ito sa iyong credit o debit card o bank account at saka i-verify ito.
Para ma-verify ang iyong account, magchacharge ito ng P100 (Philippine PayPal accounts) sa iyong account. Makakakita ka ng 4-digit code sa iyong billing statement o records at pwede mo itong gamitin para iverify ang iyong account. Ibabalik nila ang pera pag natapos mo ang proseso.
Kapag nagawa mo na iyon, Congratulations! Mayroon ka nang working at verified PayPal account!
Oo nga pala, pwede kang magdagdag ng hanggang walong email addresses sa iyong account at lahat ng ito ay pwedeng makatanggap ng pera mula sa ibang tao. Ako gumagamit ako ng iba ibang email kung kailangan kong tumanggap ng pera para sa blog ko. Halimbawa, kung gusto mong magdonate ng pera sa YourWealthyMind.com, pwede kang magbigay ng donasyon sa admin@youwealthymind.com. (Salamat!)
Aking payo: Para sa personal mong gagamiting PayPal account, mainam na gamitin mo ang gmail, yahoo, o hotmail/outlook/microsoft account kaysa sa email address na ibinigay sa iyo sa trabaho. Baka kasi mawala ang access mo sa email address na iyon at sa PayPal account mo kapag umalis ka sa kumpanya. Bukod pa roon, sa office emails, malamang kaya itong pasukin ng mga katrabaho mo, at baka ang ibang tao ay may gawing masama sa pera mo sa PayPal.
Recommended Credit at Debit Cards para sa PayPal:
Pwede mong gamitin ang mga major credit at debit cards para sa iyong PayPal account. Kasama dito ang mga card ng bangko na may Visa, MasterCard, at American Express capabilities tulad ng GCash Mastercard kung makakuha ka nito para sa iyong GCash account. Oo nga pala, ang ordinaryong ATM card (na mayroon ang maraming Pinoy) ay madalas hindi gagana para dito.
Sa Pilipinas, kung may savings account ka, ang mga malalaking bangko tulad ng Unionbank, BPI, BDO, Landbank at iba pa ay pwedeng makapagbigay sa iyo ng credit o debit cards kapag kailangan mo. Kausapin mo lang ang mga account manager sa bangko at itanong mo kung paano. Kailangan mo nga naman ng mga ito para makagamit ng PayPal. Kung wala ka pang bank account, pwede mo ring gamitin ang GCash account na may GCash Mastercard.
Bukod sa mga cards mula sa bangko, mayroon ding YAZZ Prepaid Card na Visa-powered at pwede mo rin itong magamit sa PayPal na parang debit card sa bangko.
Paano magshopping online at magbayad gamit PayPal:
Kaysa magcommute o magmaneho ng ilang oras at matrapik para lang bumili sa mga tindahan, naisipan mo na bang bumili online at ipadeliver ito direkta sa bahay mo? Kung naisip mo nang gawin iyon, tandaan mo na pwede mong gamitin ang PayPal para magshopping. Magagamit mo ito sa mga malalaking online stores tulad ng Lazada, Shopee, Amazon, eBay, at marami pang iba!
- Mag-login sa iyong account sa online store (magrehistro kung wala ka pang account).
- Magsearch para sa gusto mong bilhin.
- I-click ang “Buy now” o “Add to cart” button.
- Sa “Checkout” o “Place order now”, gamitin mo ang PayPal para sa iyong payment method. Madalas magbubukas ito ng bagong window.
- Mag-login sa iyong PayPal account at ikumpirma ang iyong payment. Ibabalik ka nito sa dating website para kumpirmahin ang iyong pagbili at delivery.
Gagamitin ng PayPal ang pera sa iyong bank account o PayPal balance para bayaran ang iyong mga items at makakatanggap ka rin ng confirmation email na naglalaman ng iyong transaction numbers at delivery details. Iyon ang magiging resibo mo. Depende sa online shopping website na ginamit mo, minsan matratrack mo ang delivery ng iyong package.
Paano gamitin ang PayPal para magbayad ng mga bills (sa Pilipinas):
- Una, pumunta ka sa www.BayadCenter.com at i-click ang “Online Bills Payment”. Isesend ka nito sa “domestic.bayadcenteronline.com” kung nasa Pilipinas ka, o sa “international.bayadcenteronline.com” kung nasa ibang bansa ka.
- Doon, piliin mo ang kategorya ng bills na gusto mong bayaran, tulad ng kuryente, tubig, cellphone, at iba pa.
- I-click mo ang kategorya na kailangan mong bayaran, i-click ang kumpanya, ilagay ang required information tulad ng account numbers, pangalan, at iba pa. Ilagay mo rin ang perang kailangan mong ipambayad (at iba pang instructions kung kailangan), i-double check ang mga detalye, at kung handa ka na, i-click mo ang “add to cart”.
- Sa iyong “shopping cart” sa itaas o checkout, gamitin mo ang PayPal para magbayad.
Makakatanggap ka dapat ng confirmation email na naglalaman ng transaction numbers. Resibo mo ito.
(Note: Ang Bayad Center ay tumatanggap din ng iba pang paraan para magbayad tulad ng mga major debit/credit cards at iba pa.)
Paano magpadala ng pera gamit ang PayPal:
Sa Pilipinas, madalas pipila ka pa sa isang Western Union, Cebuana Lhuilier, LBC, o iba pang lugar para magpadala ng pera sa mga kaibigan o kamag-anak. Hindi mo na kailangang gawin iyon kung natutunan mong magpadala ng pera gamit ang PayPal (at may PayPal account din dapat ang papadalhan mo).
- Mag-login sa iyong PayPal account.
- Sa iyong dashboard o “Summary”, hanapin mo ang “Tools” at i-click ang “Send money”.
- Pwede kang magpadala ng pera para magbayad sa mga gamit o serbisyo, magpadala sa mga kaibigan o kamag-anak, o magbigay ng pera sa napakaraming tao. Piliin mo ang kailangan mong gawin.
- Ilagay mo ang email address ng papadalhan mo, amount o kung magkano ang ipapadala mo, currency (Peso ba, dollar, o iba?), anong account ang gagamitin mo (PayPal balance o card/bank account balance), at iba pang kailangang impormasyon.
- Ipadala mo na ang pera!
Paano tumanggap ng pera gamit ang PayPal:
Kung kailangan mong tumanggap ng pera mula sa isang tao (foreigner) na nakatira sa ibang bansa, malamang magsesend o magpapadala sila ng pera gamit PayPal.
Sabihin mo lang sa kanila ang PayPal email address mo at hintayin mong ipadala nila ang pera. Makikita mo ito sa PayPal balance mo pag nakuha mo na ang pera.
Pwede ka ring makatanggap ng pera gamit ang iyong PayPal.ME profile. Kailangan mo lang gumawa ng isa nito at pwede ka nang gumamit ng isang link tulad nito para makatanggap ng pera (ito ang link ng YourWealthyMind bilang halimbawa): https://paypal.me/YourWealthyMind
Ano ang “PayPal Balance”:
Tandaan mo na kapag nakatanggap ka ng pera mula sa ibang tao, ito’y madalas mapupunta sa iyong PayPal balance at hindi direkta sa iyong bank account. Kailangan mo munang i-click ang “Withdraw funds” at itransfer o ilipat ang pera mula sa iyong PayPal balance at isend ito sa iyong gustong card o bank account. Kung nagrehistro ka ng business account sa PayPal, kailangan mong gawin ito para iwithdraw ang iyong pera.
Tandaan: Karamihan ng mga transaksyon ay may maliit na transaction fees (tulad ng pagwithdraw ng pera mula sa ATM, pagpapadala ng pera gamit LBC, atbp.).
Oo nga pala, isa pang payo. Kung katulad mo ako na madalas bumili o magbayad online, madalas hinahayaan ko lang na nasa PayPal balance ko ang perang natatanggap ko. Ginagawa ko ito para bawasan ang fees na babayaran at iwasan ang hindi magandang exchange rates. Madalas nagwiwithdraw lang ako kapag talagang kinakailangan.
Globe GCash: “Cash-In” para Makapagwithdraw
Kung nailink mo ang iyong PayPal account sa iyong GCash app account, pwede mong itransfer ang iyong PayPal balance dito. Kung dollars (USD) o iba pang currency ang nareceive mong pera, kailangan mo muna itong gawing Philippine Peso (PHP) gamit ang “Manage Currencies” system ng PayPal. Pagkatapos noon, pwede mo na itong iCash-in sa GCash at iCash-out para mawithdraw ito sa mga partner stores.
Basahin mo ang guide ng GCash dito para makita ang kanilang listahan ng mga partners.
*Note: Kung nagkakaproblema ka sa pagwithdraw ng pera mula sa PayPal papuntang GCash (Cash-in) kahit ginawa mo na ang currency conversion, pwede mong subukang i-link uli ang iyong PayPal account. Pumunta ka lang sa Profile>My Linked Accounts>PayPal. Pindutin ang “Link” at mag-agree ka. Pindutin ang Authorize, maglogin sa PayPal, at tapusin ang two-factor authentication (yung code na ibinibigay sa text) para ulitin ang link. Nangyari na sa akin ang error na iyan, at naresolba siya noong nai-link ko uli ang PayPal sa aking GCash.
Ayan muna ang mga basics ng PayPal! Marami ka pang ibang pwedeng gawin o matutunan tulad ng kung paano mag-setup ng business account, paano magpadala ng invoice para sa mga serbisyo, at iba pa. Kung gusto mong matuto pa, subukan mong basahin ang mga guides ng PayPal sa website nila.
Salamat sa pagbabasa!
Kung gusto mong matuto ng iba pang aral tungkol sa personal finance, self-improvement, at iba pa, i-click at basahin mo lang ang articles namin sa link na ito (o sa mga links sa ibaba)!
View Comments (48)
paano q makukuha ang pera sa paypal kung wala aq bank acvount or any debit card?
Hello Melly!
Kung walang bank account or debit card (may connected bank account madalas yun), pwede daw sa GCash. Eto yung YouTube guide ng PayPal para makawithdraw ka. Magiinstall ka lang ng GCash app at ililink mo yung account mo dito.
After that, kung gusto mong kunin yung pera (as in, physically makuha hindi yung nasa Gcash account lang), kailangan mong pumunta sa mga GCash partner outlet at ipa-"Cash-out" mo sa kanila. Kung may GCash card ka daw, pwede kang magwithdraw sa mga BancNet ATMs.
I hope it helps!
Hello po pag ino-open konwebsite ng paypal nag aaccess denied po siya. Paano po ma fix yon? Mag sisignup po sana ko
Naicheck ko sa Google search at mukhang may problema ata sa ISP mo. Sabi ang solusyon daw ay ireset yung router, or tawagan mo yung ISP mo para ipareset yung iyong IP address.
Regards,
Ray L.
Paano po maglagay NG pera sa paypal?
Hello Rose! Kung may debit o credit card ka, yun ang pwede mong gamitin. Also, hindi mo kailangang maglagay ng funds sa PayPal balance mismo. Kapag bumili ka tapos PayPal ang ginamit mong payment method, susubukan niyang gamitin ang pera mula sa bank/card na ginamit mo.
Paano po maglagay ng funds sa paypal if wala po gcash or paymaya
Hello Jenny! Kung walang GCash o Paymaya, ilink mo na lang ang bank account mo na may Debit Card or Credit Card option (Visa, Mastercard, etc.).
Hindi mo kailangang "lagyan" ng balance ang PayPal account. Pwede kang bumili o magbayad gamit PayPal, tapos iwiwithdraw at gagamitin nito ang pera sa nakalink mong bank or debit/credit card account bilang payment sa ano mang gagawin mo.
Good morning po sir tanong ko lng may transaction ako may magpapadala sa akin na $700 dollars sa PayPal account ko pero Sabi niya M agbayad ako ng $15 dollar Para makumpleto ang transaction namin dalawa pero problema ko walang laman ang PayPal account ko paano ba lagyan ang PayPal account ko wlang din ako bank account at debit card wala po sir?????
Hello James,
Ayon sa nabasa ko, hindi mo kailangan lagyan at magsend ng pera gamit PayPal bago ka makatanggap ng pera. Basahin mo ito sa official website nila: "Can I receive money before my PayPal account is Verified? YES. Once you've confirmed your email address and your PayPal account is activated, you can start receiving payments without being Verified."
Kadudaduda ito:
"Sabi niya Magbayad ako ng $15 dollar Para makumpleto ang transaction namin dalawa"
Hindi mo kailangang magbayad sa ibang tao sa PayPal para makatanggap ng pera. Kung hindi mo kilala sa personal ang tao na yun, baka scam yan. Pagsend mo ng $15 sa kanya, baka tangayin lang niya pera mo at iblock ka.
Mag-ingat ka lang at sana nakatulong ang sinabi ko.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
sir ask ko lng po sana kung paano ang gagawen ko ..nakapaglog in po kasi ako sa google ads..nag upload po ako ng video at nilagyan ko ito ng budget,nag email po saakin ang google adwords na may kailangan daw po akong bayaran na 3,700 plus ..ang peoblema po wala pong laman ang paypal ko ,paano po ako magbabayad
kailangan ko pa po bang bayaran yung 3700?ganun din po sa face book ko nalagyan ko po sya ng page at nkapaglay din ako ng budget?ano po bang dapat kong gawin?babayaran ko pa po b ito ?
ano po ba ang gagawen ko ..nag sign up po kc ako sa google ads at nkapag upload ng video na nalagyan ko ng budget..may nag email po saakin tungkol sa google ads at sinisingil po ako ..required po bang bayaran ko yun ? ang problema po wala pong laman ang paypal ko ..ganun din po sa facebook nalagyan ko po sya ng page at naglagay dn ako ng budget ano pong gagawen ko
Hindi ako sure kung para saan yung video at kung bakit sa Google Ads mo iniupload para masabi ko kung kailangan bayaran o hindi.
Kung ordinary video lang naman (mga dance video o kung ano man na trip trip lang, marami namang pwedeng paglagyan like YouTube or Facebook).
Pero kung plano mong i-advertise yung video dahil tungkol siya sa product o business mo at gusto mo itong ikalat ng Facebook/YouTube/Google sa iba't ibang tao, oo kailangan mo nga itong bayaran.
Pwede kang maglagay ng pera sa PayPal kung meron kang debit card mula sa iyong bank account. I-link mo lang iyon sa PayPal account mo at magpaverify para makapagbayad. Ang suggested ko ay Unionbank or BPI debit card na VISA, pero most banks ngayon sa Pilipinas ay meron nag debit card option.
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Sir mag ask sana ako meron po KC ako account ng Paypal po tapos po May nag padala galing Us po ng 400 $ dollars po true pesos sir so sabi po nun bf ko naipadala na nag bayad po ako ng Google play gift card po ata para ma verify po un accounts ko May mga error po ako sabi ko pag us need nilang May bayaran po.. KC sir allowance ko KC un pinadala nya for me May pic po sya sa Paypal ko na nag papatunay na nag padala po sya successful wait in 24hrs po un nakalagay po sana po matulungan nyo po ako
Kung kailangan ipaverify yung PayPal, try mo i-link ang bank account mo doon gamit ang iyong debit o credit card. Kung wala ka pa, try mo magtanong sa bank at humingi ka ng VISA debit card para sa bank account mo. Sa pagkakaalam ko, maraming nang bangko ngayon sa Pilipinas ang kayang mag-issue ng mga VISA debit card so subukan mo yun.
Eto yung instructions sa paypal-community website: https://www.paypal-community.com/t5/About-Products-Archive/How-do-you-confirm-your-debit-card/td-p/830430#
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com
Good day po dance instructor po kasi ako . I teach online dance class tapos pag tapos ng class ko sinesend ng students ko ung feee . Bakit naka on naka money hold padin sya di sya mapunta sa balance ko. chinange ko naman ung item into virtual eme then sabi kasi after 7 days ok e 7 days na po naka lipas . Last check ko . Nakalagay add tracking now after 7 days may naka lagay na refund thing .
Hello Ncnicor,
Marami raw reasons kung bakit nahohold yun. Check mo rito sa guide ng PayPal: https://www.paypal.com/us/smarthelp/article/why-is-my-payment-on-hold-or-unavailable-faq1987
Pero since service yung business mo, this guide should be more appropriate: https://www.paypal.com/us/smarthelp/article/faq3743
Sabi doon: "If the held payment is for a service (e.g. piano lessons), the buyer can mark the order as ‘Received’ in their PayPal account. If the buyer does so, the payment is released immediately."
As for the tracking, hindi ako sigurado doon, pero alam ko sa invoice system ng PayPal may "refund" kung gusto mong irefund yung pera ng customer, pero wag mong pindutin yun kasi binigay mo naman yung lessons nila.
Anyway, try mo sabihan yung mga dance students mo na imark as "received" yung lessons nila sa PayPal account nila. It should work.
I hope it helps!
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com