X

Anong Dapat Gawin Kapag Nawalan Ka Ng Trabaho

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Sinabi ko dati na nagsimula akong magstream ng digital art sa PocketLive. Sayang nga lang na, kahit natutuwa akong magstream doon, hindi ito nagtagal at maraming streamers katulad ko ang kinailangan umalis. Mahirap ngang mawalan ng trabaho, pero kailangan mong alalahanin na hindi ito katapusan ng lahat. Madalas, ito’y simula ng mas-mabuting landas.

Anong Dapat Gawin Kapag Nawalan Ka Ng Trabaho

Ang pinakauna mong kailangang gawin ay kumalma at pagisipan mong mabuti ang iyong sitwasyon. Nawalan ka ng pinagkakakitaan at, kung nabaon ka sa utang at paparami ang mga bayarin, madali mo ngang mararamdaman ang desperasyon. Sa ngayon, iwasan mong magsalita ng masama o magreklamo tungkol sa dati mong pinagtratrabahuhan (kahit sila pa ang may mali). Kapag masyado kang galit o emosyonal sa pagbabalik-tanaw, mabubulag ka at hindi mo makikita ang mga oportunidad sa mundo mo… at hindi mo rin mapapansin ang kalayaang mayroon ka ngayon.

 

Ikalawa, huwag mong kakalimutan na marami nga talagang oportunidad sa kapaligiran mo, kahit hindi mo pinapansin ang karamihan sa mga ito. Sa sitwasyon ko, hindi ko ginustong subukan ang magstream bago ko sinubukan ang PocketLive (at hindi ko naman alam na magugustuhan ko pala iyon). Marami kang magagamit na job hunting websites ngayon at makakahanap ka ng mga openings sa siyudad na tinitirahan mo. Halimbawa, sa lugar namin may mga “hiring” agents ng mga call centers na nakapaligid sa mga malls.

Bukod sa paghahanap ng ordinaryong trabaho, sa panahon ngayong puro internet na ang ginagamit, pwede kang magsetup ng sarili mong online business. May negosyo ka bang gustong simulan? Ito na siguro ang oportunidad na hinihintay mo. Sa akin, dahil hindi ko na kailangang magstream ng ilang oras kada araw, mas-marami na akong panahon na magagamit para sa aking blog.

May paraan ba para magamit mo ang iyong kakayahan at talento para kumita ng pera? Tignan mo ang mga freelance websites sa internet. Kung magaling kang magdrawing, subukan mong magopen ng commissions (gagawin ko ito). Kung magaling kang magsulat, subukan mo ang freelance writing. Pwede mo ring pag-isipan ang mga career na dati akala mo hanggang pangarap lamang, katulad ng pagiging propesyonal na athlete, model, actor/actress, o iba pa. Huwag mong tatawanan ang mga posibilidad na iyon dahil baka sila ang susunod mong hakbang patungo sa tagumpay. Ang kawalan ng trabaho ay hindi isang “katapusan” kundi isang “bagong simula”. Ito na ang pagkakataon mong maghanap ng mas-mabuting posisyon o pasukin ang iyong dream career. Maghanap ka ng trabahong ikatutuwa mong gawin at pagkakitaan buong buhay.

Kung ako ang magbibigay ng halimbawa, gusto ko pa ring magdrawing at gumawa ng digital art kaya malamang ipagpapatuloy ko ang pagstream sa iba-ibang plataporma at magbubukas ako ng commissions (ito ang commission link ko kung gusto mong makita). Natutuwa akong magdrawing, kaya susubukan kong mag “create ng value” mula dito, gaya ng kung paano kumikita ang mga tao mula sa kanilang mga trabaho. Huwag mong kakalimutan ang payo: “do what you love”. Ito’y katulad ng kung paano kumikita ng milyon-milyon sina Manny Pacquiao at Tiger Woods mula sa boxing at golf.

 

At sa huli, bago ka pumasok sa iyong susunod na trabaho o career, subukan mong gamiting mabuti ang libreng oras na mayroon ka ngayon. Ito na ang pagkakataon mong gawin ang mga bagay na pangarap mong gawin pero hindi mo magawa dahil nauubos ang oras mo sa trabaho.

Pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay ngayon at pagplanuhan mo ang iyong kinabukasan. Madalas abala tayo sa pang-araw araw at linggo linggong trabaho sa opisina na nakakalimutan nating pagplanuhan ang ating kinabukasan o gawin ang mga gusto nating tapusin o makamit sa buhay. May mabuting libro ka bang gustong basahin? Librong magtuturo sa iyo kung paano kumita ng mas-maraming pera, makakuha ng mas-mabuting career, o magtayo ng million-dollar business? Ito na ang pagkakataon mong pag-aralan ang kailangan mo para umasenso!

May mga bagay ka bang gustong subukan? Lumakbay sa mga bagong lugar, makisama sa mga dating kaibigan at kapamilya, sumubok ng bagong libangan katulad ng pagluluto o martial arts, o magsimula ng bagong exercise habit sa bahay? Ang transition mo patungo sa bagong trabaho ay isa sa iilang panahong libre ka para gawin ang mga iyon, kaya bakit hindi mo gamiting mabuti ang panahong iyon at gumawa ng mabubuting alaala? Di mo alam, baka mahanap mo ang susunod mong career path na ikatutuwa mo, katulad ng kung paano naging tour guide ang aking kabigan sa tour company na dati niyang sinasamahan.

 

Huwag mong kakalimutan na ang trabaho mo ay hindi basehan ng iyong pagkatao. Ito’y isang paraan mo lamang para kumita ng pera. Bakit hindi mo pagbutihin ito? Maghanap ng trabahong magugustuhan mo? Makakahanap ka naman ng paraan para kumita ng pera. Maraming oportunidad sa mundo at ang kailangan mo lang gawin ay hanapin sila at gamitin ang pinakamakakabuti para sa iyo.

 

Bago ka nga pala umalis, gamitin mo ang panahong ito para matutunan ang mabuting paghahawak ng pera. Noong kakatapos ko lang sa kolehiyo, sampung buwan kong pinag-aralan ang mga libro tungkol sa personal finance at investing kaya natuto akong mag-invest at mag-ipon ng cash buffer para sa mga emergencies (katulad ng kawalan ng trabaho o pagkakasakit). Ang mga natutunan ko ay nakatulong sa akin ng husto, at malamang makakatulong din ito sa iyo.

Basahin mo ang iba kong articles tungkol sa paghahawak ng pera sa ibaba. Pag-aralan mo ang mga konsepto dito para hindi ka mahirapan kapag mawalan ka ng trabaho, magbago ng career, o magtayo ng negosyo. Pag-aralan mong gumawa ng cash buffer para masimulan mo ang iyong pangarap na career o negosyo.
Bakit Dapat Matutunan ang Tamang Paghawak ng Pera?
Basics ng Personal Finance: Ang Beginner’s Guide tungkol sa kung Paano Palaguin ang Pera
Paano Mag-Budget ng Pera: Isang Maiksing Aral Tungkol sa Personal Finance
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.