English Version (Click Here)
“Ang kalagayan mo ngayon ay hindi batayan ng kapalaran mo; ito’y batayan lang ng iyong simula.” – Nido Qubein
Kamakailan lang sa aking Facebook feed, nabasa ko ang isang kuwento tungkol sa pribilehiyo o pagiging privileged. Hindi ko alam kung sino ang nagsulat nito, pero noong binasa at pinag-isipan ko itong mabuti, naisip ko na minsan ang mga mabubuting kuwento ay may masasamang implikasyon.
(CLICK HERE PARA SA BUZZFEED LINK)
Buod:
Ang isang guro ay nagsimula ng laro para sa kaniyang klase. Naglagay siya ng basket sa harap at sinabihan niya ang mga estudyante niya na kumuha sila ng papel, gumawa ng bola mula rito, at ihagis ito sa basket ng hindi umaalis mula sa kanilang upuan.
Sinabi niya sa mga estudyante niya na sila’y katumbas ng mga mamamayan sa bansa at ang paghagis nila ng papel sa basket ay nagrerepresenta sa kanilang pagsisikap sa buhay at pagpapayaman.
Siyempre, ang mga nasa harap ay nadalian, pero ang mga nasa likod ay nahirapan at nagsimula silang magreklamo. Itinuro ng guro na ang mga disadvantaged (mga nasa likod) lang ang mga nagrereklamo, pero ang mga “privileged” sa harap ay hindi.
Ang Sinasadyang Aral:
Ang mga “privileged” (mga “maswerteng” nasa harap) ay hindi napapansin ang kanilang mga pribilehiyo at madali para sa kanilang magtagumpay. Dapat ginagamit nila ang pribilehiyo nila para gumawa ng mabubuting bagay at tumulong sa ibang nahihirapan.
Kahit sumasang-ayon ako sa sinasadyang aral, kung pinag-isipan mong mabuti ang kuwento, mayroon siyang masamang implikasyon:
- Minamaliit nito ang pagsisikap ng mga taong “may pribilehiyo.”
- Pinapahina nito ang loob ng mga nahihirapan (underprivileged) sa kanilang pagsisikap at binibigyan sila ng palusot para hindi magsikap ng mabuti.
- Naglalagay ito ng maling pag-iisip na dapat ang mga nahihirapan at makakuha ng mga bagay na pinagsikapan ng mga may pribilehiyo ng walang ibang rason kundi dahil nahihirapan sila.
Malakas ang paniniwala ko sa personal excellence at responsibility kaya hindi ako sumasang-ayon sa mga implikasyon sa kwentong iyon.
Ipagpatuloy natin…
“Ano man ang dahilan mo kung bakit hindi ka nagtatagumpay, mayroong ibang tao na may problemang katumbas ng iyo pero nagtagumpay maliban dito.” – Barbara Reynolds
Habang patuloy na nagrereklamo ang iba sa hirap ng gawain, ang isang estudyante sa likod ay tumayo para kunin ang papel niya bago bumalik sa kaniyang upuan.
Hinagis niya uli ang papel… at hindi uli ito pumasok.
Nananahimik na ang klase habang pinagmamasdan nila ang kaklase nilag naglalakad papunta sa harap para kunin ang kaniyang papel at subukan muling ihagis ito. Ngayon, parang basketball free-throw ang ginawa niya kaya mas-malapit ang pagbagsak nito sa basket.
Ngumiti ang iba niyang kaklase dahil naintindihan nila ang sinusubukan niyang gawin.
Pabalik-balik siya sa kaniyang upuan at patuloy na inaadjust ang kaniyang paghagis. Walong beses pa siyang pumalpak bago siya nagtagumpay sa ikasiyam niyang pagsubok.
Na-inspire ang mga kaklase niya at ginawa din nila iyon. Matapos ang ilang minuto, ang lahat ng estudyante ay nakashoot na ng papel sa basket.
Ang lahat ng estudyante ay paulit-ulit na nagsikap hanggang nagtagumpay sila sa kanilang gawain.
Huwang mong gagamiting Palusot ang Kawalan mo ng Pribilehiyo
“Pwede kang gumawa ng PALUSOT para MAAWA sila, O Pwede kang MAGPAYAMAN para HANGAAN ka nila. Ikaw lang naman ang pipili…” – Manoj Arora, From the Rat Race to Financial Freedom
Sa basketball, matatalo ka na ba kapag hindi pumasok ang unang paghagis ng bola sa basket?
Hindi!
Ang pagkatalo o pagkapanalo ay hindi nakabatay sa sa kung ilang beses kang nabigo. Ito’y nakabatay sa kung ilang beses kang sumubok at nag-score. Ganoon din sa business, careers, sales, at iba pang bagay sa buhay.
Hindi ka dapat sumuko sa unang nabigong negosyo o job application – dapat ipagpatuloy mo ang ginagawa mo. Mabigo ka man ng ilang beses, alalahanin mo lang na ISANG mabuting career o business lang ang kailangan mo para magtagumpay at magpayaman (at kung mabigo kang muli, ulitin mo lang ang pagsisikap).
Maraming bagay ay madali para sa iba at mahirap naman para rin sa iba, pero HUWAG mo itong gagamiting PALUSOT para hindi na sumubok. Ang pinakamabuting paraan para magtagumpay ay ang patuloy na pagsisikap hanggang makamit mo ang iyong layunin.
Ang Pribilehiyo ay Kalamangan, pero ang Tiyaga ang nagdadala ng Tagumpay.
“Sa Tiyaga napakarami ang nagtatagumpay kahit nakalaan na ang pagkabigo.” – Benjamin Disraeli
View Comments (0)