Ang Isang Tanong para Makatipid ng Pera

Ang Isang Tanong para Makatipid ng Pera - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

“No man is rich whose expenditure exceeds his means; and no one is poor whose incomings exceed his outgoings.” – Thomas Chandler Haliburton

(Walang mayaman kapag ang gastos ay nakahihigit sa kakayahan; at walang mahirap kapag ang kita ay nakahihigit sa gastusin.)

Noong nakaraang linggo pumunta ako sa SM Aura, Market Market, at Bonifacio High Street para bumili ng ceramic non-stick frying pan para sa aking pamilya. Noong namimili ako, naisip ko ang mga bagay na gusto kong bilhin para sa sarili. Doon ko natutunan ang aral dito.

Ang Isang Tanong para Makatipid ng Pera - Your Wealthy MindAng Isang Tanong para Makatipid ng Pera - Your Wealthy Mind

Ano ang mga gusto ko noon?

  • Sarili kong bakal na saucepot at pan. Mahilig akong magluto, at palagi akong nagpapakulo ng tubig para gumawa ng tsaa at brewed na kape, pero ang mga pots at pans sa bahay ay luma at sira na kaya gusto ko ng isa na ako lamang ang gagamit.
  • Isang gooseneck kettle. Gumagawa ako ng kape gamit pour over method (at French press), pero ang paggamit ng teapot para dito ay magulo kaya nagustuhan kong magkaroon ng isang professional tea kettle.
  • Isang art book. Mahilig akong magdrawing, pero hindi ganoon kaganda ang techniques ko kaya kinakailangan ko ng mabuting guide bago magpractice.

Matapos gumamit ng dalawang oras para tignan ang mga bagay na gusto ko at magkumpara ng presyo, naisip ko:

Kailangan ko ba talaga ang mga ito?

 

Marami akong naalala dahil sa tanong na iyon. Naaala ko na mayroon nga pala kaming mas bagong pot o kaldero para sa pagpapakulo ng tubig at paglaga ng mga herbs kaya hindi ko naman talaga kailangan ng isa pa para sa akin. Pwede akong bumili ng dekalidad na kawali o frying pan na magtatagal ng ilang taon, pero kung isang beses lamang sa isang linggo ko ito gagamitin, hindi ito sulit (tandaan, bumibili na ako noon ng bago para sa aking pamilya). Pwede rin akong kumuha ng gooseneck kettle, pero ang pinakamura ay nasa P2,700. Maganda nga ito, pero kung nakakagamit naman ako ng teapot bilang alternatibo, hindi sulit ang presyo. Pwede rin akong kumuha ng art book, pero marunong naman na ako ng basics at marami namang libreng advanced tutorials online.

Sa huli, wala akong binili.

Wala namang akong kailangang bago, kaya nakatipid ako ng pera sa hindi pagbili ng mga hindi kailangan. Pwede ko silang bilhin, pero huwag muna ngayon. Yun ang pangunahing aral dito. Bago ka gumastos, itanong mo muna sa sarili mo kung sulit nga ba ito. Kung may gusto ka pero hindi mo naman tunay na kailangan, iwasan mo na lang at tipirin mo ang pera para sa ibang bagay.

Siya nga pala, ayaw kong isipin mo na hindi ka dapat bibili ng kahit anong hindi mo kailangan. Iwasan mo lang ang paggamit ng pera sa mga bagay na hindi mo tunay na mapapakinabangan. Itanong mo sa sarili mo, “sulit nga ba talaga ito?” Magbibigay ba talaga ito ng magtatagal na kasiyahan (gaya ng napakabuting once-in-a-lifetime experience – e.g. skydiving, travel kasama pamilya, etc.)? Magagamit mo ba ito palagi at mapapabuti ba nito ng husto ang buhay mo? Kung oo, edi sige lang!

Inuulit ko, kapag natutunan mong magtipid at mag-invest, ikaw na ang bahala sa paggamit mo sa nalalabis mong pera. Siguraduhin mo lang na gagamitin mo ito sa paraang makapagbibigay ng pinakamaraming pakinabang para sa iyong buhay at kasiyahan.

“Is is wholly a question of what you get out of your expenditure, not its amount, which makes it a wise expenditure or a foolish one.” – Orison Swett Marden

(Nasa pakinabang na nakuha mula sa iyong gastusin [at hindi sa presyong ibinayad] mo malalaman kung matalinong paggastos ba ito o karangyaan lamang.)

 


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.
whatsapp
line