English Version (Click Here)
Halos 7.7 billion ang mga tao sa mundo, at ang bawat isa sa kanila ay may sari sariling mga paniniwala at pananaw sa buhay. Habang marami sa atin ang magkakasundo sa ilang bagay, marami rin sa atin ang magtatalo sa iba. Alalahanin mo na kahit ano pa man ang gawin mo, palagi kang makakahanap ng mga tao na makikipagtalo sa iyo dahil hindi magkapareho ang pagiisip at gawain niyo.
Ang kritisismo ay bahagi na ng ating buhay, at magiging mas malaking bahagi ito ng buhay mo kapag nagsisikap ka para magtagumpay. Habang makatwiran naman ang pagpuna o kritisismo (hal. pagpuna o pagreklamo laban sa mga kriminal at corrupt), marami din naman ang hindi makatwiran. Ang listahan ng mga quotes na ito ay tungkol sa mga iyon. Narito ang ilang quotes o kasabihan tungkol sa kritisismo na kailangan mong mabasa ngayon kung pangarap mong magtagumpay balang araw.
15 Quotes Tungkol sa Kritiko at Kritisismo na Kailangan Mong Basahin Ngayon
“For some reason if we hear 100 praises and one criticism, we focus on that one hurtful thing.”
— Carmen Electra
Sa ano mang rason, kung nakarinig tayo ng 100 na papuri at isang pagpuna, ang pinapansin lang natin ay yung isang nakakasakit na bagay.
“If you can’t tolerate critics, don’t do anything new or interesting.”
— Jeff Bezos
Kung hindi mo kayang tiisin ang mga kritiko, huwag kang gagawa ng kahit anong bago o nakakatuwang bagay.
“To avoid criticism, do nothing, say nothing, and be nothing.”
— Elbert Hubbard
Para hindi ka punahin, huwag kang gagawa ng kahit ano, huwag kang magsasalita, at itaboy mo ang buong pagkatao mo.
“No matter what happens, you’re always going to have those critics and those haters. You just have to learn how to deal with that.”
— Tim Tebow
Kahit ano pa man ang mangyari, magkakaroon ka palagi ng mga kritiko at haters. Kailangan mo lang matutunang tiisin ang lahat ng iyon.
“Some people don’t get to succeed in life because they spend most of their energy and time being envious of those who have succeeded, instead of learning from them.”
— Edmond Mbiaka
Marami ang hindi nagtatagumpay dahil ginagamit nila ang kanilang lakas at oras sa pagkainggit sa mga nagtagumpay kaysa pag-aralan ang mga ginawa ng mga ito.
“With success always comes criticism.”
— Donovan Bailey
Kasabay palagi ng tagumpay pamimintas mula sa iba.
“You have to take criticism with a grain of salt because you’re never going to please everybody.”
— Yolanda Adams
Kailangan hindi mo papaniwalaan agad ang mga pagpuna ng iba dahil hindi mo naman kayang pasayahin ang lahat ng tao.
“You have enemies? Why, it is the story of every man who has done a great deed or created a new idea. It is the cloud which thunders around everything which shines. Fame must have enemies, as light must have gnats. Do not bother yourself about it; disdain. Keep your mind serene as you keep your life clear. Do not give your enemies the satisfaction of thinking that they cause you grief or pain. Be happy, be cheerful, be disdainful, be firm.”
— Victor Hugo
May mga kaaway ka? Aba, ayan ang kuwento ng lahat ng taong gumawa ng marangal na bagay o lumikha ng bagong idea. Ito ang ulap na kumikidlat sa paligid ng lahat ng kumikinang. Ang katanyagan ay nangangailangan ng kaaway, tulad ng kung paano may niknik sa tabi ng ilaw. Huwag mong alalahanin ito. Panatiliin mong payapa ang iyong isipan habang pinapanatili mong malinis din ang iyong pamumuhay. Huwag mong bigyan ng kasiyahan ang iyong mga kaaway dahil alam nilang nasasaktan ka nila. Maging masaya ka, masayahin, hindi pinahahalagahan ang pagpuna ng iba, at maging matatag ka.
“Criticism may not be agreeable, but it is necessary. It fulfills the same function as pain in the human body. It calls attention to an unhealthy state of things.”
— Winston Churchill
Hindi natin nagugustuhan ang pagpuna o kritisismo, pero kailangan natin ito. Ito ay katumbas ng sakit sa katawan ng tao. Ito’y nagbibigay pansin sa mga hindi mabuting kalagayan.
“To silence criticism is to silence freedom.”
— Sidney Hook
Ang pagpapatahimik sa pagpuna o kritisismo ay pagpapatahimik din sa kalayaan.
“I like criticism. It makes you strong.”
— LeBron James
Gusto ko ang pagpuna. Nagiging matatag ka dahil dito.
“You can’t make your choices based on what critics think. You have to make your choices based on what’s honest for you.”
— Nicholas Cage
Hindi ka dapat magdedesisyon ayon sa sinasabi ng mga kritiko. Kailangan magdesisyon ka ayon sa kung ano man ang tapat para sa iyo.
“You may succeed when others do not believe in you, when everybody else denounces you even, but never when you do not believe in yourself.”
— Orison Swett Marden
Pwede kang magtagumpay kahit walang ibang nagtitiwala sa kakayahan mo, kahit batikusin ka man ng lahat, pero hindi ka magtatagumpay kapag hindi ka nagtitiwala sa iyong sarili.
“It’s important to work hard, stay humble, and not let the criticisms or the compliments go to your head.”
— Jessica Sanchez
Mahalagang magsikap ka, manatiling mapagpakumbaba, at huwag mong hayaang manatili sa isipan mo ang mga pagpuna at papuri ng iba.
“The final proof of greatness lies in being able to endure criticism without resentment.”
— Elbert Hubbard
Ang huling patunay ng kadakilaan ay ang kakayahang harapin ang pagpuna nang walang sama ng loob.
Maraming hindi makatarungang pagpuna ang mahahanap mo sa mundo, at makakatanggap ka ng mas marami nito kapag nagsisikap kang umasenso. May mga taong pupunahin ka dahil naiinggit sila (“anong karapatan mong maging mas magaling kumpara sa akin?!”), may mga taong pupunahin ka dahil sa kanilang maling paniniwala (“masama kang tao dahil mayaman ka at senyales ng kasamaan ang pagkakaroon ng pera!!!… oo nga pala pwede pautang sandali?”), at may mga taong pupunahin ka sa iba pang maling rason.
Huwag kang magpaapekto sa kanila. Kapag sinubukan mong maghiganti malamang mas lalala lang ang sitwasyon. Bukod pa doon, habang nagsasayang sila ng oras sa paninira sa iyo, mas mabuti nang ipagpatuloy mo ang mabuti mong gawain kaysa magsayang ka ng oras at pagod sa pagreact sa kanilang lahat.
Mayroon din namang sitwasyon kung kailan karapat-dapat ang pagpuna o kritisismo. Kung ikaw ay nagkamali dahil sa sarili mong kapabayaan o gusto mong gumaling at maging dalubhasa sa isang bagay, ang maayos na constructive criticism o feedback ay napakahalaga.
Sa kabilang dako naman, kung ikaw ay gumagawa ng krimen (hal. Rape, murder, plunder), corruption, at panloloko (hal. Pekeng pangako para maloko ang mga botante), edi hindi lang makatwiran ang pagpuna. Ito ay higit na kinakailangan. Ang subukang patahimikin ang mga kritiko sa ganoong sitwasyon (na gawain ng mga despot o diktador) ay napakasamang gawain, at sana hindi mo kailanganing gawin iyon. Napakaraming paraan para magtagumpay at maging masaya sa paggawa ng kabutihan.
Gayunpaman, bago tayo magtapos may isa akong punto na gustong ituro sa iyo:
Nariyan palagi ang pagpuna ng ibang tao. Matuto ka kapag ikaw ay nagkakamali, pero sa kabuoan ng lahat huwag mong hayaan na humina ang loob mo dahil sa mga ito. Ppagpatuloy mo lang ang iyong pagsisikap at pagpupunyagi.