X

10 Inspirational Quotes kapag Ikaw ay May Problema sa Buhay

English Version (Click Here)

Sinabi ko sa nakaraang article na may malaking problemang pinagdadaanan ang pamilya namin at walang garantisadong solusyon hanggang ngayon. Sa buhay natin, may mga tao na walang pakialam kung makakasakit sila ng iba basta may makukuha silang benepisyo (tulad ng pera o iba pang bagay), pero meron pa rin mga taong tutulong. Ano man ang mangyari at sino man ang mga makaharap mo, kailangan mo pa ring gawin ang iyong makakaya.

Kapag ikaw ay naghihirap at may problema sa buhay, basahin mo lang din muna itong mga inspirational quotes na sana ay makatulong sa iyong magpursigi laban sa mga hinaharap mong mga pagsubok.


“The problem is not that there are problems. The problem is expecting otherwise and thinking that having problems is a problem.”

— Theodore Isaac Rubin

(Ang problema ay wala sa pagkakaroon ng problema. Ang problema ay ang pag-iisip na wala dapat tayo nito at ang pag-iisip na problema ang pagkakaroon ng mga problema.)


“The first step in solving a problem is to recognize that it does exist.”

— Zig Ziglar

(Ang unang hakbang sa pagreresolba ng problema ay ang pagharap at pag-amin na may problema ka nga.)


“Problems do not go away. They must be worked through or else they remain, forever a barrier to the growth and development of the spirit.”

— M. Scott Peck

(Hindi nawawala ang mga problema. Kailangan silang solusyonan dahil kung hindi, mananatili sila at magiging hadlang sa ating pag-asenso at pagpapalakas ng ating pagkatao.)


“Perseverance is the hard work you do after you get tired of the hard work you already did.”

— Newt Gingrich

(Ang pagiging matiyaga ay ang pagsisikap na ginagawa mo pagkatapos mong mapagod sa pagsisikap na ginawa mo na.)


“We know that in tough times, cynicism is just another way to give up, and in the military, we consider cynicism or giving up simply as forms of cowardice.”

— Jim Mattis

(Alam natin na sa mga panahong gipit tayo, ang pangungutya ay isa lamang paraan ng pagsuko, at sa military, itinuturin namin itong isang uri ng kaduwagan.)


“Through perseverance many people win success out of what seemed destined to be certain failure.”

— Benjamin Disraeli

(Sa pagiging matiyaga maraming tao ang nananalo kahit halos siguradong matatalo na sila.)


“Every problem has in it the seeds of its own solution. If you don’t have any problems, you don’t get any seeds.”

— Norman Vincent Peale

(Sa bawat problema naroroon ang pinanggagalingan ng kaniyang solusyon. Kung wala kang mga problema, wala ka rin mga pagkukuhanan.)


“Inside of every problem lies an opportunity.”

— Robert Kiyosaki

(Sa bawat problema ay mayroong oportunidad.)


“Once you’ve been through tough times, you can only become stronger.”

— Alesha Dixon

(Kapag may pinagdaanan ka nang kagipitan, lalakas ang iyong loob.)


“Tough times never last… but tough people do!”

— Robert H. Schuller

(Hindi nagtatagal ang kagipitan… pero magtatagal ang mga matatag na tao!)


Hindi natin alam ang mangyayari sa ating kinabukasan, kaya ang magagawa lang natin ay harapin ang lahat at gawin ang makakaya natin. Sa aming pamilya naman, hindi namin alam kung mabuti ang magiging kararatnan, o may permanenteng pinsala na gagawin ang isang korporasyon sa aming lupa. Malalaman lang natin iyan sa pagdaan ng panahon.

Ang kaya lang naming gawin ay subukan ang aming makakaya at magtiwala lamang. Salamat sa iyong pagbasa nito! Basahin mo rin ang aming iba pang articles sa listahan dito!

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (0)