X

Ano ang Stockholder / Shareholder Meeting?

English Version (Click Here)

Kapag nagbabasa ka tungkol sa stocks at shares, madalas makikita mo ang mga salitang “voting rights.” Kung hindi mo pa alam kung saan at paano sila gamitin, mabuti na sumama ka sa isang stockholder meeting! Kahit iba-iba ang ginagawa ng mga kumpanya o organisasyon, mabuting basahin mo ito para malaman mo kung ano ang stockholder meeting.

Ang Invitation

 

Para sa Philippine Stock Index Fund (PSIF), nakakuha muna ako ng invitation kagaya nito.

Ang invitation na iyon ay naglalaman ng agenda para sa meeting at disc na naglalaman ng mga files at reports ng funds. Ito rin ay mayroong stockholder’s identification card na kakailanganin para makapasok at voting ticket para sa directors at sa approval sa mga gagawin o ginawa sa fund (wala sa picture ang voting ticket at identification card).

 

Sa araw ng meeting

Sa ALFM Mutual Fund, ang 2016 meeting ay naganap noong July 15, 2016 (Friday), 2pm sa ballroom ng Fairmont Hotel sa Makati. Malapit lang ito sa Landmark mall kaya madali lang itong puntahan.

Bago pumasok, kailangan ibigay ang napirmahang voting ticket at stockholder’s identification card sa registration booth.

Bukod pa doon, mayroon din silang consultation room (na may tubig inumin, libreng brewed coffee, at earl grey tea) sa gilid kung may mga tanong o comments ka tungkol sa funds. Mabuti iyon kaysa sa dati kung saan marami ang nagtatanong ng mga walang kabuluhang bagay sa meeting mismo.

 

Shareholder Meeting

Nagsimula ang shareholder meeting ng 2pm (walang “Filipino time” dito!) na may pambansang awit at roll call. Ang bawat isa sa agenda ay itinawag ng board, at mayroon palaging miyembro sa audience na, matapos tignan kung walang tututol, ay nagsasabi na tama nang lumusong sa susunod na topic.

Ito ang Agenda para sa 2016 meeting:

  1. Call to Order
  2. Certification of Notice (nakuha naming lahat ang mga reports sa disc.)
  3. Determination and declaration of quorum
  4. Reading and approval of the minutes of the annual general meeting of stockholders held on June 19, 2015.
  5. Presentation and approval of the 2015 annual report and other reports of the fund manager.
  6. Approval and confirmation of all acts of the board of directors and the fund manager for 2015.
  7. Election of directors for 2016.
  8. Confirmation of BPI asset management inc. as fund manager and BPI asset management and trust group as investment advisor (continuing term unless expressedly terminated).
  9. Re-appointment of Isla Lipana & co. as external auditor.
  10. Other business (ito ang question and answer sa meeting).
  11. Adjournment (katapusan ng meeting).

Ang pinakamatagal na bahagi ng meeting ay ang #6. Ito’y tungkol sa mga ginawa ng board of directors at fund manager noong 2015, at nagsimula ito sa diskusyon ng economic landscape. Ito ang mga puntong sinabi nila:

  • Inflation issues.
  • Malaking pagbagal ang nangyari sa emerging markets (lalo na sa China).
  • Nagkaiba ang monetary policies: US (United States) vs. EU (Europe) and JP (Japan).
  • Halos LAHAT ng markets bumaba: Asia, EU, US, and ours, PH (Philippines).
  • Dahil bumaba ang emerging markets, pumunta ang pera sa developed markets (US, EU, JP).
  • Ang Pilipinas ay mabuti pa rin ang kalagayan at ito’y isa pa rin sa pinakamagaling o top performers.

Matapos ipakita ang nangyari noong 2015, saka nila isinalaysay ang performance at activities ng fund:

  • Ang bawat ALFM fund ay idiniscuss ng isa isa: Bond fund, Money market fund, Dollar bond, EU bond, Growth fund, and PSIF. Karamihan dito ay kumita ng kaunti 2015.
  • Outlook: US monetary policy hindi masigurado, Brexit ay medyo malaking issue, pero maayos pa rin ang local fundamentals.
  • Strategy: Mas-tinututukan ng fund ang mga consumer names at conglomerates (malalking kumpanya).
  • Isa pang topic ang performance ng ALFM kumpara sa iba pang funds.

 

Matapos ang diskusyon sa funds, ang direktor, fund managers, investment advisor, at external auditors ay inihalal at nagpatuloy kami sa “other business.” Ito ang mga isyu na ipinahayag ng ilang stockholders:

  • Pagkumpara ng ALFM sa iba pang funds (na-discuss na ito kaya inulit lamang ang data na nasa slides.)
  • Epekto ng Brexit: Konektado ang mga markets sa mundo pero malamang daw hindi ganoong apektado ang PH. Inaabangan pa rin sa ngayon ang tunay epekto nito.
  • Pagkatalo ng China sa UNCLOS Ruling: Mawawala ang investments mula sa China. (Sa palagay ko, mabuting maghanap na lang ng investors mula sa ibang bansa).
  • Forecast sa index? Magtutuloy ba ang uptrend o pagtaas ng value? Directors: “We won’t forecast.” (Hindi sila manghuhula. Mabuting move iyon.) Ang pagbaba daw ng EU interests pwede rin nga palang magdulot ng mas-maraming investments sa emerging markets.

Matapos ipahayag ang lahat ng topics, ang stockholder’s meeting ay natapos ng 2:51pm.

Doon ko na kinuha ang pagkaing handog nila (at masarap siya!).

Papaano naman ikaw? May pupuntahan ka bang Shareholder meeting?
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.