English Version (Click Here)
Ang mga marangal na tagumpay ay nagmumula sa mga mumunting gawain at mga bagay na nakasanayan nating gawin araw-araw. Ang mga maliliit na pagkakamali tulad ng pagaaksaya ng oras o pagkain ng iisa pang piraso ng sitsirya, kung inulit ulit, ay pwedeng maging napakalaking pagkabigo o pahamak sa buhay.
Kung sinubukan mong magpalipad ng eroplano mula sa North America papuntang Japan pero mali nang ilang degrees ang direksyon mo, kung hindi mo itinama ang iyong dadaanan malamang sa ibang bansa ka mapapadpad. Ang mga munting pagkakamali nga naman ay lumalala sa pagdaan ng panahon, at ang mga maliliit na mabuting gawain ay lumalaki at nagiging marangal na bagay.
Basahin mo ito para matutunan kung bakit.
“Every time you make a choice you are turning the central part of you, the part of you that chooses, into something a little different from what it was before. And taking your life as a whole, with all your innumerable choices, all your life long you are slowly turning this central thing either into a heavenly creature or into a hellish creature.”
— C. S. Lewis
(Sa bawat pagpili mo binabago mo ang pagkatao mo, ang bahagi mo na pumipili, at ito’y nag-iiba sa dati nitong anyo. Kung pagmamasdan mo ang iyong buong buhay, sa napakaraming pagpiling ginawa mo, sa buong buhay mo unti-unti mong binabago ang pagkatao mo at pwedeng ginagawa mo itong isang marangal na bagay, o isang masahol na hayop.)
Saan nagmumula ang pinakamararangal na bagay?
“Wealth is largely a result of habit.”
— John Jacob Astor
(Ang pagyaman o pag-asenso ay madalas nagmumula sa ating mga nakasanayang gawin.)
Ang pinakamagagandang gusali sa mundo tulad ng Burj Khalifa, Taipei 101, Lotte World Tower at iba pa ay binuo nang paisa-isang piraso. Bago pa man iyon, ang pundasyon nito ay hinukay muna, paisa-isang pagbungkal ng lupa bawat oras. Bago pa iyon, ito ay naiplano at iginuhit sa paisa-isang pagguhit gamit ang mga lapis ng mga architect at engineers.
Ang mga Olympic marathons at ang mga marangal na paglalakbay ay kinumpleto at naipanalo sa paisa-isang hakbang.
Ang pinakamagagandang paintings o larawan tulad ng Mona Lisa, The Starry Night, ang kisame ng Sistine Chapel at iba pa ay nilikha mula sa paisa-isang pagguhit ng pinsel.
Ang buhay ay nililikha mula sa mga maliliit nating gawain. Ang ating kinabukasan, tayo ma’y maging isa sa mga pinararangalang pinuno o bayani sa mundo, o tayo ma’y maging walang-kwentang tao o kriminal, ito’y magmumula sa kung paano natin ginagamit ang bawat araw. Ang mga gawain natin sa bawat oras ay magiging basehan ng ating kinabukasan.
Ano ang iyong mga habits o nakasanayang gawin?
Ang mga hindi mabuting habits tulad ng pagkain ng karagdagang sitsirya ay unti-unting nakapapagpabagal ng iyong metabolism, at dahil dito ikaw ay mas-madaling mapapagod at mas-madaling tamarin. Dahil dito ikaw ay mas tatamaring mag-exercise o mag-ensayo at ikaw ay unti-unting tataba. Kung patuloy kang magdadagdag at kakain ng “kaunti pa” araw araw, pagdaan ng panahon, magkakaroon ka ng mahina at sakiting kawatan at mamahaling doctor’s fees.
Sa kabilang dako naman, ang paggamit ng kakaunting oras sa mga mas-healthy na habits tulad ng paglalakad o pag-ensayo, pag-inom ng mas maraming tubig, at pagkain ng kakaunti pang karagdagang gulay ay magbibigay sa iyo ng karagdagang kalusugan at lakas para maging mas-productive sa trabaho at sa buhay.
Ang palaging paglabas at paggawa ng “retail therapy” o pagbili ng mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan ay pwedeng makasanayan mo, at dahil doon ikaw ay gagastos nang mas-madalas. Sa pagdaan ng panahon, pwedeng mas-lumaki ang paggastos mo kumpara sa iyong kinikita at unti unti kang mababaon ka sa utang. Pagkatapos nito, pwedeng lumaki at lumala nang husto ang iyong pag-utang kapag hindi mo kinontrol ang iyong paggastos ng pera. Ang isang aksidente, kawalan ng trabaho, o iba pang bagay ay pwedeng maging napakalaki at malubhang financial emergency.
Sa kabilang dako naman, ang pag-aaral tungkol sa kung paano bawasan ang iyong paggastos at ang pagiging masinop at pag-aaral tungkol sa kung paano mag-invest ng pera ay pwedeng makapagbigay sa iyo ng malaking ipon. Magagamit mo ito para protektahan ang sarili sa mga emergencies at magbigay rin ng mga oportunidad sa buhay. Magkakaroon ka ng malaking cash buffer na pwede mong gamitin sa mga problema sa buhay. Sa pagdaan ng panahon, makakapagbigay ka ng masaganang buhay para sa iyong mga anak at apo (at para rin sa masaganang retirement mo).
Kailangan nating ulitin ang aral dito, na kahit ang mga maliliit na maling gawain, kapag inulit-ulit, ay pwedeng maging malaking problema, ang mga munting mabubuting habits o nakasanayan naman, kung inulit-ulit ay pwedeng maging mararangal na tagumpay.
Bago tayo magtapos, narito ang tatlong huling aral na mabuting iyong basahin at alalahanin:
“You’ve got to think about the big things while you’re doing small things, so that the small things go in the right direction.”
— Alvin Toffler
(Kailangan pag-isipan mo ang mga malalaking bagay habang ginagawa mo ang mga malilit na gawain para patungo ang lahat ng ito sa tamang landas.)
“The happiness of most people is not ruined by great catastrophes or fatal errors, but by the repetition of slowly destructive little things.”
— Ernest Dimnet
(Ang kasiyahan ng mga tao ay hindi nasisira dahil sa mga malalaking trahedya at pagkakamali. Ito’y nasisira sa paguulit-ulit ng mga mumunti pero nakakasamang mga gawain.)
“We are where we are and what we are because of our fixed habits. And we may be where we wish to be and what we wish to be only by the development and the maintenance of our voluntary habits.”
— Napoleon Hill, The Master Key to Riches
(Tayo ay nasa kinatatayuan natin dahil sa mga nakasanayan natin. At mapupunta tayo sa pangarap natin at pinapangarap natin gamit ang pagpapabuti at pagpapatuloy ng mga ginusto nating gawain.)