English Version (Click Here)
Ang pagsulat sa blog at pagpapatakbo ng website ay ang isa sa pinakakilalang paraan para kumita ng pera online, at pinag-usapan na natin dati ang paraaan kung paano gumawa ng isang blog sa dati naming article (sa link na ito). Ngayon naman, paguusapan natin ang aming pinakamahahalagang payo para tumagal bilang isang blogger, paano maging mas epektibo dito, at ang mga mabubuting habits na kailangan mong matutunan habang ikaw ay nagsusulat sa iyong blog.
Blogging 101: Ang Aming Top Tips Para sa mga Baguhang Bloggers
Ang Pinakamahalagang Tanong: BAKIT?
Ito siguro ang isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan mong itanong sa sarili mo bago ka magseryoso sa blog. Bakit mo gustong magblog? Ito ba’y dahil gusto mong mag-express ng iyong sarili, tulad ng paggamit ng isang online diary o journal? Mabuti! Ang pagsusulat sa blog ay isang magandang paraan ng self-expression.
Ito ba’y para sa iyong propesyon, tulad ng kung paano ang mga abugado at doktor ay gumagawa ng sarili nilang mga website? Mabuti din iyon!
Gusto mo bang magsimula ng blog para gamitin ito upang kumita ng pera?
Nagbloblog ka ba dahil iniisip mo kikita ka ng ilang daan o ilang libong dolyar kada buwan mula dito? Kapag nagbloblog ka para doon, baka kailanganin mong baguhin ang iyong inaasahang kita. Habang ang ilan ay nagiging superstars, para sa karamihan ito’y napakahirap gawin lalo na kung wala kang napakagandang action plan.
Noong nagsimula akong magsulat sa blog, nagsusulat ako ng 700 hanggang 1,000 word article linggo linggo at ishinashare ko ito sa social media. Nagcocomment din ako sa ibang blog para makakuha ng backlinks para sa aking website. Kahit ganoon ang gawain ko, madalang akong makakuha ng dalawa o tatlong viewers kada araw sa website ko sa mga unang buwan at wala rin akong kinikita. Sabi ni Bob Lotich, ang may-akda ng librong How to Make Money Blogging, tipikal iyon sa mga bloggers. Gayunpaman, matapos ang higit dalawang taon ng pagsisikap nakakakuha ako ng higit isa o dalawang-daang viewers kada araw mula sa google search (tinatawag din itong “organic search traffic”) at dumadami pa ito.
Kung gusto mong seryosohin ang pagblog, kailangan mong maging passionate para dito. Kailangan, matatag ang passion mo para malagpasan mo ang mahihirap na panahon at, ako na ang nagsasabi nito, ang unang ilang buwan o taon ay madalas napakahirap. Kailangan inspired ka para magpatuloy kahit sa pakiramdam mo parang wala kang progress o hindi ka umaasenso.
Ang Aming Top Three Tips:
1. Give VALUE – BAKIT nila babasahin ang iyong blog?
Ito’y isang bagay na nakakalimutan ng maraming bloggers, at inaamin ko minsan nakakalimutan ko rin ito. Kapag nagsusulat ka ng isang article, kailangan may naibibigay itong mabuting kaalaman para sa nagbabasa. Kung gusto mong gumawa ng blog na babasahin ng ibang tao, dapat may mabuting dahilan kung BAKIT nila gugustuhing basahin ito. Kapag gumamit sila ng ilang minuto nila para basahin ang isinulat mo, dapat may makuha sila mula dito, tulad ng mabuting kaalaman, isang nakakatuwa o emosyonal na kwento, o iba pa. Kahit ano pa man iyon, dapat may benepisyong nakukuha ang nagbabasa (at siya nga pala, ang pekeng impormasyon na ginagamit para manloko ng iba ay nakakasama).
Sa YourWealthyMind.com, nagsusulat kami ng mga guide at article na pwedeng gamitin ng iba para pagbutihin ang kanilang kalagayan, tulad ng kung paano magbayad ng utang, paano magtipid ng pera, paano gumawa ng blog at kumita mula dito, at iba pa.
2. Hanapin mo ang iyong niche (pangunahing topic)
Isipin mo na ginusto mong malaman kung paano tumugtog ng gitara kaya naghanap ka ng instructor na nagbigay sa iyo ng guitar lessons. Itinuro niya ang basic notes kung paano tumugtog at dahil nagustuhan mo ang lessons, bumalik ka sa susunod na linggo. Sa kung ano mang rason, sa susunod na lesson ang instructor ay nagturo naman ng kung paano mag-install ng electric lighting at hindi siya nagturo ng kung paano tumugtog ng gitara. Sa susunod na lesson, nagturo naman siya kung paano pagbutihin ang iyong Indonesian language grammar. Sa ikaapat na lesson, pinag-usapan naman ng instructor ang economic situation ng European Union.
Sa ganoong sitwasyon, malamang hindi mo na binisita ang “guitar instructor” na iyon.
Kailangan mo ng ispesipikong niche o topic para sa iyong blog. May dahilan kung bakit babasahin ng mga tao ang iyong articles, at malamang iyon ay dahil nagugustuhan nila ang nababasa o nakukuha nila mula dito. Kung hindi mo ibinigay sa kanila ang gusto nilang makita mula sa blog mo, aalis sila, tulad ng ibang estudyante ng guitar instructor na hindi na nagtuturo ng gitara.
3. Magsulat ng dekalidad na articles
Ang isang bagay na ginagamit ko para ipromote ang aking blog ay Viral Content Bee. Para gamitin ito, kailangan i-share mo ang articles ng iba para kumita ng points, at pwede mong gamitin ang points na iyon para ipashare ang articles mo sa iba. Dahil sa sistemang iyon, napakarami ko nang nakita at nabasang blog articles ng ibang tao. Sa kasamaang palad, at malamang opinyon ko lamang ito, marami sa mga articles na nababasa ko ay hindi ganoon kaganda. Marami ang nagbibigay ng karaniwang tips na katulad din ng tips sa iba, marami ang hindi nagbibigay ng sapat na halimbawa, at marami ang hindi gumagamit ng maayos na pictures at ilang paragraphs lang sila ng boring na text. Mahirap itong ilarawan, pero kapag nakapagbasa ka na ng napakaraming articles online mahahalata mo iyon sa pagdaan ng panahon. Ang ilang articles ay hindi maganda ang pagkagawa at hindi nakaformat ng maayos, at dahil doon malamang titigil ka sa pagbabasa at aalis ka lang.
Kailangan mong matutunang magsulat at magformat ng articles ng maayos. Kahit kaya mong isulat ang pinakamabuting advice sa buong mundo, kapag ang iyong grammar, istruktura ng iyong blog, o iba pang bahagi ng iyong blog ay mali o pangit tignan, marami ang titigil sa pagbabasa at aalis lang. Pwede itong makasira sa iyong blogging career.
Ngayong napagusapan na natin ang ilang mahahalagang payo, narito ang iba pang bagay na kailangan mong malaman.
Iba pang Napakahalagang Tips para sa mga Bagong Bloggers:
- Siguraduhin mong maganda ang layout ng blog mo. Pumili ka ng magandang theme at siguraduhin mong malinis itong tignan. Huwag mong pupunuin ang website mo ng ads o iba pang elements. Alalahanin mo ring gumamit palagi ng mga magagandang pictures.
- Magpost ka palagi. Magsulat ka ng orihinal na article nang higit isa o dalawang beses sa isang linggo. Makakatulong ito ng husto sa rankings mo sa search engines.
- Magsulat ka ng mahahabang articles. Sabi ng ibang mga bloggers, ang mga mas-mahahabang articles na may higit 700 – 1,000 words ay mas mataas ang rankings sa search engines.
- Gumamit ka ng maraming pictures. Nakakabagot basahin ang napakahabang talata o paragraphs. Gumamit ka ng magagandang pictures kada ilang talata para pagandahin ang article mo.
- Magsulat ka ng scannable content (madaling basahin ng mabilisan). Uulitin ko, ang mahahabang talata ay hindi magandang tignan. Hati-hatiin mo ang iyong mga articles sa ilang mga maiikling bahagi o listahan.
- Mag-PROOFREAD (pagtatama ng mga mali sa isinulat) at gumamit ka ng maayos na grammar. Ang mga articles na maraming mali ay nagmumukhang unprofessional at inaayawan ito ng mga nagbabasa.
- I-share mo ang mga isinulat mo sa social media. Sa panahon ngayon. halos lahat ng tao ay gumagamit ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest, at iba pang social media websites. Kung gusto mong basahin ng ibang tao ang mga isinulat mo, mabuting i-share mo ang mga posts mo doon. Napakahalaga nito lalo na kapag nagsisimula ka pa lamang at hindi pa ganoon kataas ang ranking mo sa search engines.
- Mag-comment at mag-share ka ng ginawa ng ibang bloggers. Tumulong ka sa iba at malamang tutulungan ka rin nila. Bukod pa doon, sa pagcomment sa blogs ng iba, magagamit mo ang comment section para makakuha ng backlinks papunta sa iyong blog.
- Kaizen (“continuous improvement”/”patuloy na pagpapabuti”). Sabi ni Sean Beausoleil, “Whatever your current state is, it can be better.” Ano man ang estado mo, pwede itong gumanda pa. Palagi mo dapat pagbutihin ang iyong blog. May bagay ba sa layout mo na pwedeng pagandahin pa? Paano naman ang estilo mo ng pagsusulat? Ang iyong mga paraan para ipromote ang iyong sarili? Kahit ano pa man, gumawa ka ng maraming improvements para maging napakaganda ng iyong blog. Basahin mo lang ang aming article tungkol sa kung papaano mo pagbubutihin ang iyong online business dito!
- Mag-Backup ka palagi ng iyong website. I-save mo ito sa iyong computer at pati na rin sa mga cloud storage (tulad ng Google Drive). Kung may nangyaring masama sa iyong website (na-hack, may malware o virus, may na-corrupt na files), madali mo itong mairerestore kapag mayroon ka palaging backups.
NEVER:
- Huwag kang magpla-Plagiarize (mangopya ng bagay na isinulat ng iba nang hindi mo sinasabi ang orihinal na may-akda). Magsulat ka ng sarili mong mga articles at siguraduhin mong icre-credit mo ang iyong mga sources (pinagmulan ng idea kung meron man). Kung hindi, baka kasuhan ka sa korte ng plagiarism.
- Huwag kang gagamit ng mga pictures na hindi iyo nang walang pahintulot o approval. Iniisip ng iba pwede nilang gamitin ang kahit-anong picture na nakita nila sa Google para sa kanilang blog o produkto, pero hindi nila alam na karamihan sa mga pictures sa internet ay protektado ng copyright. Pwede kang kasuhan at mawalan ng ilang libong dolyar. Narito ang isang kwento na dapat mong basahin. Huwag kang gagamit ng kahit anong picture na nakita mo sa internet. Gamitin mo ang mga CC0 o “creative commons” images.
- Huwag kang magsisinungaling, mandaraya, o magnanakaw. Iniisip ng iba na dahil pwede silang magblog para sa iexpress ang kanilang sarili, pwede silang magpost ng mga bagay na peke o hindi totoo. Huwag na huwag mong gagawin iyon. Walang pumipigil sa iyong magsinungaling, mandaya, o magnakaw, pero tandaan mo na masama ang mga iyon. May kahihinatnan iyon, pwede kang parusahan, at malamang darating ang parusa sa oras na hindi mo inaasahan (slander o libel lawsuits). Aanihin natin ang ating mga itinanim.
- Huwag kang magpopost ng ilegal. Kasi labag ito sa batas (obviously), at malamang mahahanap ka rin ng authorities kahit gaano ka pa man magtago.
- Huwag kang mangiispam ng ads o monetization methods sa iyong blog. Hindi nga ito labag sa batas, pero aayawan ito ng mga readers at malamang hindi na sila babalik sa iyong blog.
Hindi madaling magsimula at magpatakbo ng isang blog. Kailangan mahilig kang magsulat at maglikha ng content kada ilang araw o linggo, lalo na kapag nakikita mong wala namang nagbabasa ng mga ginawa mo. Malamang, iyon ang magiging karanasan mo sa simula (kung hindi ka isang celebrity o kung wala kang mabigat na online presence).
Buti na lang, ang pagiging isang blogger ay halos katulad ng pagsakay sa bisikleta o pagensayo sa isang sport. Gumagaling ka habang ikaw ay patuloy na nagsusulat, at gagaling ka pa kapag hindi ka tumigil sa pagpapabuti sa iyong sarili at sa blog mo. Huwag mong kakalimutan ang kasabihang ito: “pwede kang lumikha ng bundok sa pangongolekta ng alikabok”. Ang tagumpay ay hindi lumalabas mula sa wala. Binubuo mo ito nang pirapiraso.
Kung hindi mo narating ang iyong layunin o hindi ka nagtagumpay nang kasing bilis ng iyong inaasahan, magbalik-tanaw ka sa iyong gawain, hanapin mo ang hindi gumagana, at saka mo ito ayusin. Ang mga bagay na nararapat gawin ay ayos lang gawin ng hindi maayos… sa simula. Kailangan mo lang magpatuloy, lalo na kapag naramdaman mong gustong gusto mo itong ipagpatuloy.
View Comments (6)
HI sir Ray thank u po pala sa reply nyu sa other blog nyu ha..Sir pede naman po pacheck ng blog ko if anu pa ang mga need ko.. spursandsports.blogspot.com..
tama po b nakikita ko na medyo madami ang views..salamat lageh at God bless
Hello again Vic! Nagrespond na ako sa room for improvements sa other comment. As for the number of views, posible nga na mataas since part siya ng blogger.com network. Maganda kung lagyan mo ng Google Analytics yung website para macheck din kung saan galing viewers. May guide naman ata online so google lang kung paano ito iconnect sa blogger. Anyway, congratulations on your blog and enjoy blogging!
Hello ray salamat sa informasyun na binigay mo.. Makakatulong sa mga. Baguhan na mga bloggers na katulad ko.
You're welcome! Mabuti nakatulong, and thank you din sa comment!
May mga nakikita po akong blog na kina-copy iyong embedded code ng mga instagram post. Copyright violation ba iyon kung hindi sila nagpaalam sa may-ari ng account? Pero iniisip ko naman since naka-embed iyong code sa blog, mapupunta naman sila sa instagram post kapag ni-click nila iyon.
Hello Marvin!
Kapag ginagamit sa commentary at nakaembed sa palagay ko fair use naman ata iyon.
Nakikita ko rin yan sa mga news sites, kapag may ipinost ang isang tao sa social media tapos inirereport ng news or blog, nakaembed yung post ng tao sa news report or article.
Iconsider mo na lang din kung pasok sa "Fair use" yung paggamit mo ng post nila: https://fairuse.stanford.edu/overview/fair-use/four-factors/
Regards,
Ray L.