English Version (Click Here)
Marami sa atin ang pangarap magtagumpay: Kumita ng maraming pera, makapaglakbay sa mundo, makapagbigay ng napakabuting bahay at edukasyon para sa ating pamilya, tumulong sa mga mahihirap, kumain ng masasarap na pagkain, makapagpabago ng mundo, o makamit ang kung ano man ang ibig-sabihin ng “success” para sa atin. Ang problema nga lang naman ay kung paano natin aalamin ang kailangan nating gawin para makamit ito.
Malamang magaling ka sa iyong trabaho, mas magaling ka rin sa iba mong katrabaho, at malamang mas alam mo ang mga kailangang gawin kaysa sa iyong boss. Nagtratrabaho ka ng maigi para kumita ng pera, pero hindi mo pa rin kayang makamit ang lahat ng iyong pangarap. Sinubukan mo na nga na magsikap at magtrabaho pa para umasenso, pero hindi umangat ang sweldo mo. Ano pa ba ang kailangan? Bakit hindi ka pa rin umaasenso ng husto?
Ano pa ba ang kailangan? Ito ang tinatawag ni Napoleon Hill na “Going the extra mile” (higitan pa ang ginagawa) at tinatawag ito ni Bob Proctor na “Do more than what you’re being paid for” (magtrabaho pa ng higit sa binabayad sa iyo). Ito’y hindi lamang sa dami ng oras sa trabaho, kundi sa kalidad din ng trabahong ginagawa. Pwede kang magpagod pa ng ilang oras sa pamumulot ng basura, pagwawalis sa daan, at pagtype ng nakakabagot na report, pero hindi nito kayang triplehin ang sweldo mo kung hindi ka gagawa ng mas mahahalagang bagay. Hindi ko minamaliit ng ibang propesyon, pero kailangan nating tanggapin na ang ilang klaseng trabaho ay maliit lang ang sahod na ibinibigay.
Sabi ng Third Law of Motion ni Sir Isaac Newton, “Sa bawat action, may katapat at kasalungat na reaction.” Ang lahat ng ating ginagawa ay may kinahihinatnan, ang lahat ng ating PATULOY na ginagawa ay may kahihinatnan, at ang HINDI natin ginagawa ay may mga kahihinatnan din.
Pag-isipan mo rin. Magaling ka sa trabaho mo kaya sumusuweldo ka. Madali lang na ipagpatuloy ang nakasanayan, huwag nang sumubok ng iba na mas mabuti, at kumita ng parehong sahod. Dito naiipit ang karamihan. Madali rin nga pala na HINDI ito gawin at maging pulubi na lang sa daan, pero hindi madaling mabuhay ng ganoon.
“Kung ang gagawin mo lang ang madali, magiging mahirap ang buhay. Kung kaya mong gawin ang mahihirap na bagay, magiging madali ang buhay.” – T. Harv Eker
“Bayaran mo ako at gagawin ko”
Ilan nga ba sa atin ang nag-iisip ng ganito sa ating mga boss: “Bayaran mo ako at gagawin ko. Bayaran mo ako ng higit pa at mas-marami ang gagawin ko”?
Kapareho nito ang pag-iisip na “Bigyan mo ako ng sweldo at maghahanap ako ng trabaho” o “bigyan mo ako ng pera at pagsisikapan ko ito.” Kaya mo bang isipin ang isang magsasakang sinasabihan ang lupa na “bigyan mo ako ng mabuting ani at saka lang ako magsisimulang magtanim”? Naiisip mo ba ang magsasaka na iyon sasabihin sa iyo na “bayaran mo muna ako at saka ako magtatanim at magbebenta sa iyo ng bigas at gulay matapos ang anim na buwan”? Naiisip mo ba ang isang tao na nagsasabing “Hayaan mo muna akong kumita ng 500 million dahil sa product sales bago ko itayo ang negosyong kikita dito.”
Iyon ay maling mindset kung pangarap mong umasenso. Kung pangarap mong kumita pa, kailangan mong gumawa ng mas nakahihigit pa. Maghanap ka at mag-apply ka para sa trabaho, magtanim ka at alagaan mo ang lupa, at simulan mong itayo ang negosyo bago mo kitain ang nararapat sa iyo. Kailangan mo munang magbigay at maglikha bago ka makakuha.
Pag-isipan mo itong mabuti. Ilan nga ba sa atin ang naghihintay na may milyonaryong magbibigay sa atin ng pera bago natin ito pagsikapan? Bibigyan talaga tayo ng pera KAPAG gumawa at magbenta tayo ng mga bagay na kailangan ng iba gaya ng masarap na pagkain, mabisang produkto, o ang ating kakayahan at kaalaman. Huwag na tayong maghintay na bigyan tayo ng mundo ng limos. Hindi ito mangyayari. Kailangan nating PAGSIKAPAN ang ating mga pangarap.
Kailangan nating matutunan ang mga bagong kakayahan at magsimula tayong maghanap ng mabuting trabaho NGAYON DIN.
Kailangan nating itayo ang negosyong gusto natin NGAYON DIN.
Kailangan nating magsimulang mag-invest sa mga mabubuting kumpanya at assets NGAYON DIN.
Kailangan rin nating magbasa at pag-aralan ang lahat ng iyon sa lalong madaling panahon.
Kung maghihintay lamang tayo sa pagdating ng tagumpay, sigurado ang makakamit natin ay pagkabigo.
Ang pagsisikap at mauuna sa pag-asenso at kahit marami kang haharaping hadlang at pagkabigo (lalo na kapag kakasimula mo pa lang), malamang magtatagumpay ka kapag ikaw ay nagpatuloy. Simulan mo lang, magbago kung kinakailangan, at ipagpatuloy ang gawaing gumagana hanggang ikaw ay magtagumpay.