X

Ang Habit ng Matagumpay: Paano Gumaling at Maging Successful

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Noong nakakasali pa ako sa isang martial arts class, napansin ko na ang ilang estudyante ay mas magaling sa napakahirap na physical conditioning ng aming training. Ang mga regulars na nakakasali sa bawat klase ay nakakakumpleto ng ilang daang push-ups, sit-ups, squats, at matagal na planks ng mas mabilis at mas maayos kaysa sa mga katulad kong maswerte na kung makapasok ng isa o dalawang Sabado kada buwan. Ang ilan sa mga iyon ay nagsimula pagkatapos ko at, hindi nakakapagtaka, naging mas malakas sila sa pagdaan ng panahon.

Kung nagsimula ka sa kahit anong trabaho, sport, o hobby, nagtaka ka ba kung bakit ang ilan ay naging mas magaling o mas successful kaysa sa iyo? Hindi lang swerte o natural talent ito. Alam mo ba na may isa pang dahilan para dito at magagamit mo iyon para pagbutihin at pagalingin mo ang buong buhay mo? Iyon ang pag-aaralan natin dito. Ituloy mo lang ang pagbabasa dahil baka may matutunan kang napakabuti.

Ang Habit ng Matagumpay: Paano Gumaling at Maging Successful

Ang Manipis na Guhit na Naghihiwalay ng Matagumpay at Pangkaraniwan

By nature, men are nearly alike; by practice, they get to be wide apart.
— Confucius

(Sa pagkatao magkakatulad ang mga tao; sa gawain sila’y nagiging magkakaiba.)

Sa nabasa kong ikawalong kabanata sa librong You Were Born Rich ni Bob Proctor, nasabi niya na ang linyang naghihiwalay sa pagkapanalo at pagkatalo (ang margin of greatness) ay kasing nipis ng gilid ng labaha (razor). Ibig sabihin noon, maliit lang ang pagkakaiba ng ordinaryo at ng napaka galing.

Gumamit si Jack Canfield ng halimbawa mula sa baseball para sa “Margin of Greatness” na ito sa principle #20 ng The Success Principles: How to Get from Where You Are to Where You Want to Be. Kung ikaw ay isang maayos na “fielder” (isang posisyon sa baseball) at nakakatama ka ng bat average na .250 (isa sa kada apat), malamang may career ka sa majors. Kung kaya mo naman ang .300 (isa kada tatlo o apat), ikaw ay isa na sa mga legends o pinakamagaling, ang mga nakakatanggap ng multi-million dollar na kontrata at commercial endorsements.

Gaano nga ba talaga “kalaki” ang pagkakaiba nila? Ang “maayos” tumatama sa lima kada dalawampu, pero ang ubod ng galing ay tumatama naman ng anim. ISA LANG ang pagkakaiba, at iyon ay napakahalaga.

Paano Gumaling sa Halos Kahit Anong Bagay

The difference between ordinary and extraordinary is that little extra.
— Jimmy Johnson

(Ang pagkakaiba ng ordinary at extraordinary ay ang maliit na extra.)

Noong sinubukan kong mag weightlifting noong college, natutunan ko ang halaga ng pagsubok ng isa pang “rep” (repetition o ulit) higit sa iyong 100%. Kung pagod ka na at hindi mo na kayang magbuhat pagkatapos makakumpleto ng sampung ulit, KAILANGAN mong buhatin ito ng isa o dalawa pang beses. Ang utak natin ay nauunang sumuko bago ang ating katawan at maiisip mong tumigil bago mo marating ang iyong tunay na limit. Bago ka magkamuscles, kailangan mong lagpasan ang iyong “best” para mapunit ang iyong muscle fibers at mapapalitan ang mga ito ng mas-malakas. Kung huminto ka bago ang puntong iyon, mas-mababang results lang ang makakamit mo.

Hindi lang sa weight training ito magagamit. Pwede mo rin itong gamitin sa ibang bahagi ng iyong buhay.

  • Ginagawa mo ba ang trabaho mo para lang hindi ka matanggal, o palagi kang gumagawa ng napakabuting trabaho na napapansin (at pwedeng mabigyan ng promotions)?
  • Mas ginugusto mo bang manatili sa walang katuturang trabaho na nakasanayan mo, o sinusubukan mo bang pumunta sa mas mabuting kumpanya na may malaking pagkakataong umasenso sa iyong career?
  • Pinapatakbo mo ba ang iyong negosyo para lang hindi ito malugi, o pinaplano mong pagbutihin at pagalingin ang mga produkto at serbisyo mo para matulungan ang mas maraming customers? (Ano kaya ang mangyayari kay Henry Sy Sr. kung hindi siya umalis mula sa kanyang sari-sari store?)

Ang isang pinakamabuting halimbawang nabasa ko ay mula kay Bob Proctor (mula sa parehong librong nasabi ko sa itaas). Kung ikaw ay salesman at nakakabenta ka ng tatlong units kada linggo, anong pagkakaiba ang maidudulot ng pagbenta ng pang apat? Parang wala lang ito, pero para sa buong sales career mo katumbas nito ang halos 2,000 na extra sales o halos 10 YEARS na income sa isang 40-year na career.

Ang pinakamabubuting bagay o gawain ay parang wala lang sa simula, pero sa pagdaan ng mga dekada ito’y napakalaki. Katulad nito ang kapangyarihan ng compound interest sa mga investments. Ang pagbibigay ng kaunting extra effort o pagpupursigi ay makapagpapaunlad sa iyo sa pagdaan ng panahon.

Gawin ang Makabubuti/Epektibo

It ain’t what you don’t know that gets you into trouble. It’s what you know for sure that just ain’t so.
— Mark Twain

(Hindi ang mga bagay na hindi mo alam ang nagpapahamak sa iyo. Ang nakakapagpahamak ay ang mga alam na alam mo pero hindi naman pala totoo.)

Ang isang mahirap tanggaping katotohanan sa buhay ay hindi sapat ang “hard work” o pagpapagod sa trabaho. Tulad ng kung paano ang pagpapagod sa training ay makakapinsala sa iyo kapag hindi mo ito ginawa ng maayos, kailangan mong gawin ang makakabuti at iwasan ang walang katuturang panganib.

Ang isang paraan para matutunan ang mabuting gawain ay pag-aralan ang ginagawa ng mga propesyonal. Mula sa kanilang karanasan at experimentation, natututunan nila ang epektibong gawain at kung ano rin ang mga makakasama. Halimbawa, kung gusto mong mag-invest para kumita ng pera, bibili ka ng shares ng kumpanyang magaling magnegosyo tuwing maayos o tama ang presyo ng stocks nito. Iiwasan mo rin ang mga hindi mo nauunawaang negosyo o investments na hindi mo naiintindihan dahil baka maubos lang ang pera mo sa mga walang kwenta at naluluging investment o mga scam.

PAGBUTIHIN pa

Kung ang ginagawa mo lang ay ang nakasanayan mo, ang tanging makakamit ay ang mga nakasanayan mong makuha. Sabi nga, ang kabaliwan ay ang paulit-ulit na paggawa ng isang bagay at paghahanap ng kakaibang resulta. Tulad ng kung bakit binabago ng mga weightlifters at atleta ang kanilang training para mas-gumaling pa, madalas kailangan mo ring baguhin ang ilang aspeto ng buhay mo kung gusto mong umasenso.

Pakiramdaman mo kung kailan nagiistagnate o na-“stuck” ka na trabaho para makalipat ka at magbago ng trabaho o career tuwing kinakailangan. Para sa mga negosyante, alalahanin mong nagbabago ang mga markets at ang mga bagay na gumana sa iyo dati ay maaaring hindi na gumana ngyayon (hal. kung nasa VCR rental business ka baka malugi ka sa panahong ito). Para sa mga investors naman, tandaan na ang past performance ay hindi nakakagarantisado ng future performance. Ang pinakamabuting investments dati ay pwede ring malugi sa pagdaan ng panahon (tulad ng dating giants na Enron at Blockbuster, at ang mga nakasama sa dot-com bubble noong 90’s).

 

Kung pangarap mong umasenso at maging successful, tandaan mo na ang kaunting extra effort o pagpupursigi ay pwedeng magbigay ng tagumpay kung kailan ikaw ay matatalo na (ito ang tinatawag ni Napoleon Hill na “go the extra mile”). Ang isang extra point ay pwedeng maging basehan ng pagpasa sa exam o pag-uulit ng grade, at sa isa pang benta pwede itong maging basehan ng pagunlad o pagkalugi. Alamin mo kung saan kailangan ang pagpupursiging iyon at ipagpatuloy mo hanggang masanay ka. Ito’y magbibigay sa iyo ng malaking dibidendo sa paglipas ng panahon.

 

HUWAG KALIMUTAN!

  1. Magpursigi pa sa lahat ng iyong gawain.
  2. Gawin mo ang tama at iwasan ang hindi.
  3. Pagbutihin mo pa.

 


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.