English Version (Click Here)
Alam mo ba na mayroon nang ATM card ang AFPSLAI? Kung nais mong magkaroon noon, narito ang ang isang maikling guide para makakuha ka rin noon!
Kung ikaw ay nakapag-ipon at nag-invest ng pera sa AFPSLAI (ang Armed Forces and Police Savings and Loans Association, Inc.), malamang alam mo na ang tungkol sa kanilang mga passbook. Alam mo na rin kung paano over-the-counter ang pag-withdraw ng pera, pati na rin ang iba pang mga transaksyon tulad noon. Dahil manual o mano-mano ang mga proseso, madalas mas-mabagal ang mga transaksyon kumpara sa mga ordinaryong banko.
Noong ika-11 ng Abril, 2023, inilabas ng AFPSLAI ang kanilang ATM card para pwede nang makapag-withdraw ng pera gamit ang kanilang lokal na automated teller machines (ATMs). Kumpara sa passbook, ang sistemang iyon ay higit na nagpapabilis at nagpapadali sa pag-withdraw at pag-check ng iyong balanse. Isa pang mabuting balita, plano nilang i-link ang sistema nila sa Bancnet para pwede mo nang magamit ang iyong AFPSLAI ATM card sa halos kahit anong ATM ng sa ating bansa.
Kung ang AFPSLAI branch na pinupuntahan mo ay may kakayahang mag-print ng mga cards na iyon at mayroon na din silang ATM sa kanilang gusali, edi bakit hindi ka na rin kumuha nito? Magiging mas madali ang pag-withdraw ng pera. Kung nais mong kumuha ng AFPSLAI ATM card (na iyo ring AFPSLAI ID), narito ang ilang mga bagay na kailangan mong malaman.
Mga kailangang alalahanin:
- Hindi lahat ng AFPSLAI branches ay may kakayahang mag-print ng ATM cards.
- Depende sa branch, may limitasyon din sa dami ng pwede nilang iproseso bawat araw.
- Dinig ko sa ilang branch hanggang 15 lang ang pwede nilang ma-print kada araw. Pumunta ka nang maaga (7a.m.) para magkaroon ng slot.
- May bayad na P100 para makakuha ng card.
- Dalhin mo ang iyong AFPSLAI ID. Sa pagkakaalam ko hindi kailangan ang mga passbook, pero dalhin mo na rin para sigurado.
- Ang bagong ATM card ay AFPSLAI ID mo na rin.
- Ang card na ito ay pwede mo lang gamitin sa mga AFPSLAI ATM at wala itong transaction fees.
- Kapag nakakonekta na sila sa Bancnet, may mga fees nang ibabawas sa iyong mga account sa bawat transaksyong gagawin mo sa ATM ng ibang banko.
- Pwede mong ibilin na tanggalin ang link ng card sa iyong Capital Contributions Account (CCA) o green passbook. Mahalaga ito lalo na para sa mga associate members na hindi gugustuhing magkamali na magwithdraw sa account na iyon.
Paano kumuha ng AFPSLAI ATM Card:
- Puntahan ang AFPSLAI branch na kayang magprint ng ATM card. Dalhin ang iyong AFPSLAI ID.
- Puntahan ang “Membership” section o kung ano mang bahagi ng branch ang nagproproseso noon. Kumuha ng number kung kailangan at hintaying matawag ang iyong numero.
- Isulat ang tamang impormasyon sa form o papel na ibibigay nila at ibigay mo sa kanila ang iyong lumang AFPSLAI ID.
- Kumpletuhin ang biometrics. Kukunin nila ang iyong signature o lagda, fingerprints, at kukuhanan ka nila ng litrato.
- Ikumpirma ang pangalan na isusulat sa iyong card at pumirma para tapusin ang transaksyon. Hintayin na iprint ang iyong card.
- Tanggapin mo ang iyong AFPSLAI ATM card pati na rin ang brochure kung saan nakasulat ang iyong default PIN at tagubilin o instructions kung paano magbago ng PIN.
- PIN change: Pumunta sa kahit anong AFPSLAI ATM at gamitin mo ang iyong bagong card. Pindutin ang “More” para makita ang PIN change request at i-type ang iyong BAGONG 6-digit PIN nang dalawang beses. Congratulations! Tapos ka na sa proseso!
Mabilis at napakasimple lang ang buong proseso kaya hindi ka magtatagal dito depende sa kung ilan ang nauna sa iyo. Kung iisipin mo, mas matagal maghintay para sa pagwiwithdraw kaya mas mabuti kung makakapunta ka sa isang branch na nagpriprint ng ATM card at doon ka na lang mag-balance inquiry at magwithdraw gamit ang mga ATM nila. Kapag nag-link na sila sa Bancnet, magiging mas convenient pa ang lahat nang ito.
O siya, dito na muna tayo magtatapos. Sana nakatulong itong guide na ito sa iyo!
View Comments (0)