X

Bago mo Ubusin (at Sayangin) ang Iyong 13th Month Salary at Christmas Bonus

English Version (Click Here)

Pasko nanaman at maraming empleyado ang excited para sa kanilang 13th month salary at Christmas bonus!

Ngayong December, marami ang makakakita ng payroll accounts na puno ng pera… na mauubos lang sa loob ng isang linggo.

Siguro naranasan mo na rin yon. Masayang masaya habang nakikita ang malaking halaga… at malungkot sa susunod na linggo kapag nalaman mong naubos mo na.

“Hindi sa kinikita, kundi sa naiipon.”

Isa iyong rason kung bakit marami sa atin ang hindi umuunlad. Kapag kumita tayo ng mas-malaki, mas-malaki din ang ginagastos at sinasayang, at bumabalik uli tayo sa dati nating nakasanayan. Dalawang hakbang paabante, dalawang hakbang paatras.

Paano nga ba natin mapipigilang maubos lang ang ating 13th month pay at bonuses? Paano nga ba natin ito magagamit ng mabuti habang nagsasaya pa rin sa buhay? Matututunan natin yan ngayon!

 

Retail Rush: Ang Kontrabida ng mga Cash Bonus

Isipin mo na kasama mo sa shopping mall ang iyong anak na anim na taong gulang pa lang. Pagbigay mo ng P1,000 cash gift mo sa kanya, tumakbo siya agad sa candy at toy stores para bumili ng mga gusto niya at inubos niya ang pera sa loob lamang ng tatlumpung minuto.

Inaasahan niya ang cash gift mo at inisip na niya ang gusto niyang bilhin bago mo pa man ibigay ang pera.

Sa loob lamang ng isa o dalawang araw, ubos na ang candy, at pinagsawaan na niya ang laruan.

 

Marami sa atin ang kagaya ng batang iyon.

 

Bago pa man natin makuha ang mga bonus, iniisip na natin ang mga gusto nating bilhin. Sa oras na matanggap natin ang pera, hindi na nag-iisip: Kapag gusto at kayang bilhin, bibilhin agad!

Isa o dalawang linggo pa lang ang nakalipas, pinagsawaan na ang mga bagong laruan at balik uli tayo sa pang-araw-araw na buhay. Nagtratrabaho para magbayad sa mga kailangang bayaran.

Alam mo naman siguro ang pakiramdam na iyon diba?

Ano ang Solusyon?

Isipin mo naman kung ganito ang nangyari: Binigay mo sa anak mo ang kalahati ng cash gift (P500), at inilagay mo ang kalahati sa isang mabuting investment na tumubo at naging P5,000. Ang perang iyon ay nakatulong sa kanyang college tuition.

Nagamit pa rin niya ang P500 sa candy at laruan na gusto niya, pero sinigurado mo lang na ang kalahati ng regalo mo ay napunta sa mahalagang bagay.

Pwede mong gamitin ang technique na iyon sa sarili mo kapag nakakatanggap ka ng mga “cash gifts.” (sahod, bonus, atbp.)

 

Ang Secret Technique: MAG-IPON MUNA!!!*

* Ang ibang pangalan ng technique na ito ay ”Pay Yourself First” ni George S. Clason.

Pagkatanggap mo pa lang ng 13th month salary at bonuses mo, MAG-IPON KA MUNA! Bago ka magbudget sa kung ano mang bibilhin mo, magtabi ka agad para sa IPON MO! (Mabuti kung sa ibang bank account para hindi mo ito kukunin at gagastusin agad.)

Isipin mo na NAWALA na ang perang iyon para hindi ka matuksong gumastos pa! (Isipin mo na pinambili mo na ng groceries, gamot, o ipinambayad mo sa extra income tax)

 

Quick Budget Breakdown:

Save 10% for Investing.

—Save 20% for Safety (Click Link for the Savings and Budget Plan).

—Save 20% to Pay Back Debts (Click Here for the “How to Get out of Debt” Article).

 

Halimbawa: Kapag nakatanggap ka ng P20,000 na 13th month pay at bonus, kunin mo i-invest mo ang kalahati nito at isipin mo na P10,000 lang ang bonus na ibinigay sa iyo. Gamitin mo ang natitirang P10,000 na iyon sa kahit anong gusto mo, gaya ng regalo para sa pamilya o mga laruan na gusto mo (cellphone, gadgets, damit, atbp.)

 

Pro Tip: Bago ka mag-shopping, itago mo muna sa bangko ang pera. Hintayin mo na mawala ang excitement at makakahanap ka ng mas-mabuting paggagamitan nito (gaya ng mas-mura at mas-mabuting kagamitan, o siguro ibudget mo para sa tuition ng iyong anak).

ISA PANG Pro Tip: Gamitin mo ang bahagi nito para bumili ng isang mabuting Finance Book (mga P500 isa, o mas-mura pa). Maghanap ka ng isa na magtuturo sa iyo kung paano maghawak mabuti ng pera (financial management) at pumili ng mabubuting investments. Kaya mong kumita ng milyon-milyong piso kapag natutunan mo ang kailangan mong gawin para mapagsikapan ito.

 

Ang iyong 13th month salary at Christmas bonus ay lilitaw lamang isang beses kada taon, at iilang taon lamang ang meron ka bago ka tumanda at kailangan mo nang mag-retire.  Siguraduhin mo na gagamitin mong mabuti ang pera mo at hindi mo ito sasayangin sa walang-katuturang katuwaan!

(Kapag natutunan mo na ito, subukan mo itong gamitin sa iyong sahod kada buwan!)

 

Tandaan: Pwede mong gamitin ang pera mo sa gusto mo… basta MAG-IPON KA MUNA!

 

Regalo para sa pamilya, bagong gadgets, investments, insurance, negosyo, atbp. Saan mo gagamitin ang iyong 13th month salary at bonus?
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (2)

  • Nice blog and I admire what you are doing in this blog translating everything in Tagalog. Hirap noon .. Salute you sir.

    • Thank you! Translating is difficult especially the proofreading part, but I do it for those who can't understand English very well and prefer reading in Tagalog (a sizable section of the Filipino masses).