X

Paano Mabayaran Lahat ng Utang (in Three Simple Steps)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)
The rich rules over the poor, and the borrower becomes the lender’s slave.
— Proverbs 22:7

(Ang mayayaman ay namumuno sa mga mahihirap, at ang nangutang ay nagiging alipin ng nagpautang.)

Natatakot ka bang tignan ang iyong mga napakalaking credit card bills? Nagtatago ka ba mula sa mga kaibigan at kamag-anak mo dahil may utang ka pa sa kanila? Hindi ba sapat ang kinikita mo para mabayaran ang iyong mga expenses at mga inutangan?

Kung pangarap mong mabayaran lahat ng utang mo, mayroon ako ditong SIMPLENG 3-STEP PLAN mula kay George S. Clason, ang may-akda ng finance Classic na The Richest Man in Babylon” (Click link for the book):

3-Step Plan para Mabayaran Lahat ng Utang:

 

STEP 1: Ilista mo LAHAT ng inutangan mo at kung magkano ang hiniram mo sa bawat isa.

Pagkatapos mong ilista ang mga tao at kumpanyang inutangan mo, sabihin mo sa kanila na babayaran mo sila nang pakaunti-kaunti kada buwan.

Kung isinulat mo ang mga utang mo at nakita mo ang pinakatotal nito, ito’y nagiging isang layunin na pwede mong pagsikapang tapusin. Habang nagpapatuloy kang magbayad ng utang at nakikita mong kumakaunti at nauubos ang mga utang mo, mas gaganahan kang magpatuloy hanggang mabayaran mo silang lahat.

 

STEP 2: Kada suweldo, kumuha ka ng 10% para sa pag-invest at 20% para pambayad ng utang.

Nabuhay tayong lahat sa mas mababang sahod bago tayo nakakuha ng mga promotions at pay increase sa pag-asenso natin sa ating mga careers. Noong lumaki ang ating sahod, kaysa magkaroon tayo ng mas-maraming pera para sa ating ipon at investments, lumaki lang ang ating paggastos at pagkonsumo. Para sa ilan sa atin, naging mas malaki ang ating paggastos kumpara sa ating sahod, at doon tayo nabaon sa utang.

Kailangan nating matutunang baliktarin iyon. Kailangan nating matutunang MAG-IPON MUNA at magbayad ng utang muna BAGO tayo gumastos at bumili ng mga bagay. Habang nagpapatuloy tayo, natututo tayong mabuhay sa mas-kakaunting pera habang lumalaki ang ating naiipon at nababayaran natin ang lahat ng ating mga utang.

 

STEP 3: Huwag nang manghiram pa ng pera at lalo ka lang mababaon sa utang.

Hindi ka makakatakas sa isang hukay kung pabalik-balik ka sa ilalim at ibinabaon mo pa nang husto ang sarili mo. Kung gusto mong mabayaran ang lahat ng iyong utang, kailangan unti-unti mo silang LAHAT bayaran at ITIGIL mo na ang pangungutang pa.

 

Ulit-ulitin mo ang tatlong iyon hanggang mabayaran mo na ang lahat ng iyong inutangan!

Madaling mabuhay sa mas-kaunti

Kung sa tingin mo hindi ka mabubuhay sa mas-mababang kita (ang natitira mong 70%), alalahanin mo na maraming iba ang nag-aalaga sa kanilang mga pamilya, nagasaya, at mayroon din ng lahat ng mayroon ka KAHIT MAS-MABABA KITA NILA. Gaya ng income tax kapag nagbudget ka para sa pag-invest at pagbayad ng utang BAGO KA GUMASTOS sa bills at groceries, matututunan mong hindi mag-aksaya ng pera.

(Kung gusto mo ng mas-detalyadong guide sa pagbudget, eto ang link sa aking article: “Your Wealthy Mind Savings and Budget Plan”)

Ang pagbabayad sa utang ay para lang pagputol ng puno gamit ang isang palakol o pagbubunot ng damo sa palayan. Kapag ilang beses mong tinaga ang puno o bumunot ka ng ilang damo sa palayan araw-araw, magtatagumpay ka rin sa kailangan mong gawin. Matutumba ang puno, malilinis ang palayan… at mababayaran mo ang lahat ng utang mo!

 

Tandaan: Huwag nang mangutang pa at kunin mo ang 10% ng iyong kinita para sa investing at 20% para pambayad ng mga utang. Kapag dinisiplina mo ang sarili mo hanggang masanay ka rito, makakalaya ka rin sa lahat ng hiniraman mo.

Isipin mo na lang ang araw na hindi ka na nag-aalala sa mga utang dahil bayad ka na. Hindi ba mabuti iyon?

Masyado bang simple? Kailangan mo lang ng kaunting disiplina at magagawa mo ito! I-Bookmark mo itong isinulat ko at subukan mo lang ng ilang buwan, tapos sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari gamit ang mga comments sa ibaba!

Siya nga pala, kapag sa tingin mo makakatulong ito sa iyong mga kaibigan at kapamilya, edi iShare mo ang Article na ito!

 

Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (6)

    • Napakahirap po talaga yan, lalo na kapag malaki na ang halagang nautang. Yun nga po, dapat ilista ang lahat ng nautangan, ipaskil sa kwarto para hindi makalimutan, tapos unti-untiin niyo pong bayaran. Wala pong shortcut para diyan. Ilang tips lang na baka makatulong:
      ---Unahin bayaran ang mga utang na may mataas na interest at may mga penalties. Yung mga utang sa credit card, sa mga appliance o gadget na nagkaroon na ng interest, atbp.
      ---Icheck nyo mga pinaggagastusan linggo linggo. Baka meron kayong pwedeng tipirin. Bawas bawas ng konti sa grocery, sa pamimili ng mga damit, etc. Temporary lang naman, hanggang maubos utang.
      ---Bayaran din ang mga utang sa mga kaibigan at kamag-anak. Mahalaga po ito. Respeto nyo po sa sarili at respeto ng ibang tao ang nakataya dito.

      Pinakamahalagang payo po talaga: Huwag mangutang muli. Masanay mabuhay sa kinikita. "Live within your means", sabi nga. Ang pagsisikap sa buhay ay parang puno. Hindi po ito lalaki nang maayos kapag palagi itong pinuputulan ng sanga (pangungutang).

      Sana po nakatulong. Wala pong shortcut, pero kapag nagawa niyo na po iyon, malaking ginhawa po iyon sa buhay. Ang susunod nyo na pong dapat aralin ay isipin ang mga paraan para hindi na kailangan mangutang, tulad ng paggawa ng emergency fund at pagbili ng insurance kung sakaling madisgrasya.

      • Ako po ay isang singer for now kita ko po ay 6x a night ang gig ang income ko po per night.ay 500.00 pano po ba yung sinasabi nyo 10% kasi to be honest meron po ako utang diko po lam pano matatapos mga utang kaya nabasa.ko etong article iniisip ko na into na siguro magiging solution.. Hope matulungan nyo po ako

        • Hello Janice,

          Ang tip po dito, sa saktong pagkakuha mo ng sweldo, kunin mo agad ang percent nito.
          For example, sa P500, kunin mo P50 at ilaan mo agad pambayad ng utang. Isipin mo nawala na iyon dahil pinambayad na.

          Ang reasoning kasi, kapag hinintay mo kasi na may matira para makaipon, malamang mauubos mo agad yung pera dahil napakarami nating kailangan araw araw.
          Ang psychological trick diyan, pag tinanggal mo kasi agad yung 10% (P50), matututo kang masanay mabuhay sa natitirang 90% (P450).

          Simple lang ang tip kaya effective ito, though sa panahon ngayon mahirap ang buhay kaya subukan mo na lang gawin ang iyong makakaya. Hindi requirement ang saktong 10%, kahit mas kaunti (o pwede rin mas marami kung kaya mo), ang mahalaga ay ang pagdevelop ng habit o disiplina sa pagiipon.

          Sana nakatulong yung explanation ko, at idinadasal ko na mabuhay ka nang masagana.

          Regards,
          Ray L.
          YourWealthyMind.com

  • good suggestion, sa dame kong utang ngayun may pattern nakung su2ndahan para maka pag unti unti mabayadan lahat. kahit nagagalit sila kelangan ko ding mabuhay para maka raus. so plan ko sundin ko yung unting pang bayad save ang natira para sa pag ipon kahit may utang mag iipon ako para sa future di naku ma ngutang. ang hirap ng may utang talagang daily mo sya iisepin tapus sisingelin ka mapapahiya ka. tlgang ayuko ng mangutang pa. magiging success full ako balang araw at hindi naku outang pa uli. ps. pag ako ay maging sucess full hindi ako mag papautang mag bibigay ako ng walang kapalit.

    one day mang yayare lahat ng yun ayuko ng pang hinaan ng loub. i will try harder than yesterday . i will more harder than to day. i will do it