X

Ang Pinakamahalagang Sangkap ng Tagumpay (na Hindi Pinapansin ng Iba)

English Version (Click Here)

Habang naglalakad ako sa Philippine Military Academy (P.M.A.) sa Baguio City, may nakita akong plaka kung saan nakasulat ang mga salitang unang nabasa ko noong high school C.A.T. (Citizen Army Training).

“We, the cadets, do not lie, cheat, steal, nor tolerate among us those who do so.” — Cadet Honor Code

(Kaming mga kadete ay hindi nagsisinungaling, nandadaya, nagnanakaw, o nagpapaubaya sa mga gumagawa nito.)

Kaya natin at DAPAT nating sundin din iyon, at sayang nga lang na may ilan sa ating hindi sumusunod dito.  May ibang nakakapasok sa matataas na posisyon sa gubyerno gamit pekeng pangako at pagsisinungaling sa milyon milyong katao. May mga nakakakuha ng maraming pera sa pagbebenta ng mumurahin o walang kwentang bagay at pandaraya sa mga customers. May iba ring nakakakuha ng kayamanan gamit krimen at korupsyon.

Kahit mayroon ngang naging “mayaman at matagumpay” gamit ang masasamang paraan, huwag mong iisipin na iyon lang ang paraan para makamit ang tagumpay. Ang maling pag-iisip na iyon ay pwedeng isumpa ka sa kahirapan, o ito’y tutuksuhin kang gumawa ng krimen para “umasenso.” Hindi mo magugustuhan ang resulta ng mga iyon. Tandaan mo palagi na ang integridad o mabuti at tapat na pagkatao ay kailangan para makamit ang tunay na tagumpay.

Ang Pinakamahalagang Sangkap ng Tagumpay (na Hindi Pinapansin ng Iba)

Pwede mong makamit ang halos lahat ng pangarap mo sa buhay… kapag papayag kang PAGSIKAPAN ito. Sayang talaga na napakaraming tao ang hindi pumapansin sa tuntuning iyon. Nagbigay ng babala sina Napoleon Hill at Orison Swett Marden laban sa kagustuhang sumubok makakuha ng mga bagay ng walang ibinibigay o ibinabayad (“get something for nothing”). Ito kasi ang nagdudulot ng napakaraming paghihirap at pagdurusa lalo na tungkol sa pera.

Siya nga pala, kung paguusapan natin ang problema sa pera, may kasabihang “money is the root of all evil” o “pera ang ugat ng kasamaan.”

Mali iyon.

Ang sabi ng kumpletong bersikulo, “the LOVE OF MONEY is the root of all evil.” (1 Timothy 6:10 KJV). Ang pagmamahal sa pera ang ugat ng kasamaan. Anong ibig sabihin noon?

Ang magnanakaw na pumasok sa bahay ng iba para magnakaw ng pera’t alahas ay mas-minahal ang pera kaysa sa pagrespeto nila sa batas at sa ari-arian at pagsisikap ng iba. Ang mamamatay tao na pumatay para magnakaw ng pitaka ay mas-minahal ang pera kaysa sa pagrespeto sa buhay ng tao. Ang politikong nangako ng kapayapaan at panghabang-buhay na kasiyahan sa kanilang pangangampanya (nagsinungaling sila) pero nagnakaw lang sa pondo ng gubyerno gamit korrupt na pamumuno ay mas-minahal ang pera kaysa sa kapakanan ng milyon-milyong katao. Ganoon nagdudulot ng kasamaan ang pagmamahal sa pera (o kapangyarihan).

Ang pera’y kagamitan lamang para makagawa o makakuha ng mga bagay, at ang paggamit natin dito at ang ginawa natin para pagsikapan ito ang basehan ng ating kabutihan o kasamaan. Hindi masama ang pera. Ang TAO na gumawa ng krimen para makuha ito ang masama. Walang mali sa pagkaroon ng maraming pera basta pinagsikapan at ginagamit mo ito ng mabuti at para sa mabuti.

Huwag mong subukang kumuha ng pera gamit ang maling paraan. Gaya ng paggawa ng pekeng pangako (“Magbabayad ako! Promise!”), pandaraya sa mga customers, paninira sa mga katrabaho para makuha ang susunod na promotion, o pagpapahaba ng resume gamit pekeng achievements, ang pagsisinungaling, pandaraya, at pagnanakaw ay pwedeng magamit para makuha mo ang gusto mo… pero panandalian lang. Ang katotohanan ay lalabas, ang mga kasinungalingan ay babagsak, mahigpit ang parusa… at wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo. Iwasan mo iyon.

 

“That which can be destroyed by the truth should be” (Ang pwedeng masira ng katotohanan ay dapat masira.) — P.C. Hodgell

 

Ang TAMANG Landas Patungo sa Pag-asenso?

 

May isang aral mula sa Acres of Diamonds speech ni Russell H. Conwell tungkol sa “masasamang mayayaman/matagumpay” na hindi ko makakalimutan:

“‘Oh,’ but says some young man here to-night, ‘I have been told all my life that if a person has money he is very dishonest and dishonorable and mean and contemptible.’

My friend, that is the reason why you have none, because you have that idea of people. The foundation of your faith is altogether false. Let me say here clearly, and say it briefly, though subject to discussion which I have not time for here, ninety-eight out of one hundred of the rich men of America are honest. That is why they are rich. That is why they carry on great enterprises and find plenty of people to work with them. It is because they are honest men.

Says another young man, ‘I hear sometimes of men that get millions of dollars dishonestly.’ Yes, of course you do, and so do I. But they are so rare a thing in fact that the newspapers talk about them all the time as a matter of news until you get the idea that all the other rich men got rich dishonestly.

Tagalog Translation:

“‘Ah’ sabi ng ng isang batang lalaki ngayong gabi, ‘sa buong buhay ko, sinabi sa akin na kung may pera ang isang tao siya’y sinungaling at marungis at maramot at napakasama.’

Kaibigan, yan ang dahilan kung bakit wala kang pera, dahil ganoon ang pag-iisip mo tungkol sa mga tao. Ang pundasyon ng iyong pinaniniwalaan ay mali. Sasabihin ko dito ng klaro, at maiksi, pero pwedeng pagdiskusyonan kahit wala akong panahon ngayon, na siyamnapu’t-walo sa isang daang mayayaman sa America ay matapat. Yun ang dahilan kung bakit sila yumaman. Yun ang dahilan kung bakit napapatakbo nila ang malalaking negosyo at nakakahanap sila ng napakaraming tao para magtrabaho kasama nila. Ito’y dahil matapat sila.

Sabi naman ng isa, ‘naririnig ko na minsan ang iba nakakakuha ng milyon-milyong dolyar gamit masasamang paraan.’ Oo, siyempre naman, at ako din naririnig ko ang balita. Pero sila’y napakabihira na gusto ito palaging ikwento ng mga dyaryo bilang balita hanggang maisip mo na lahat ng ibang mayayaman ay umaasenso mula sa kasamaan.

Habang naririnig mo ang balita tungkol sa mga korrupt na negosyante at politiko, HINDI mo maririnig ang tungkol sa mga tapat at nagsisikap na mayaman at matagumpay na tao. Ang surgeon/doktor na kumikita ng milyon milyon sa pagligtas ng napakaraming buhay? Ang mayamang may ari ng ospital na nagpapagaling ng ilang-daang pasyente araw-araw? Ang may ari ng pabrika ng electronics na gumawa sa iyong computer? Ang may ari ng maraming tindahan kung saan binili mo ang computer? Ang may ari ng mga kumpanya na nagbalot at nagbenta ng pagkain mo? Ang mga taong tapat na kumikita ng kayamanan sa paggawa at pagbebenta ng mga bagay na gusto mo at ginagamit mo ngayon? Kumita sila ng kayamanan sa pagsisikap at paggawa ng mabuti, at wala kang naririnig tungkol sa kanilang lahat kahit mas-marami sila sa mga masasama.

 

 

Simple lang ang aral dito:

KAILANGAN mo ng katapatan, integridad, at mabuting pagkatao para makamit ang pangmatagalang tagumpay. Ang mga negosyong nandaraya ay nawawalan ng mga customers at nalulugi, ang mga sinungaling ay hindi sinusuporta ng kanilang mga kaibigan at pamilya, at ang mga kriminal ay ikinukulong. Sa kabilang dako naman, ang mga negosyong gumagawa ng mabuting serbisyo at produkto ay nakakakuha ng mas maraming customers, ang mga matapat ay nakakahanap ng mabubuting kaibigan at pamilang makakatulong sa kanila para umasenso, at ang mga mabubuting tao ay ginagantimpalaan ng mabubuting kasamahan at oportunidad.

Gumawa ka ng mabuti para kumita ng pera. Maglikha ka o gumawa ka ng bagay na gusto ng iba, at maghanap ka ng paraan para kumita mula dito. Kung iisipin mong mabuti, yun ang paraan kung paano ka kumikita sa trabaho o negosyo, at walang mali doon. Walang hanggan ang posibilidad ng pwede mong gawin. Kailangan mo lang hanapin ang trabahong mapapagana mo at pag-aralan mo kung paano mo ito magagawa.

Magsikap yumaman at makamit ang tagumpay sa mabuti at matapat na paraan. Ito ay mas mahirap na landas, pero ito ang kaisaisang landas na DAPAT mong daanan.

 

 


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.