English Version (Click Here)
Dahil sa extended community quarantine (ECQ), malamang marami na tayong oras para gawin ang mga bagay na hindi natin magawa dati. Matatapos ang ECQ sa Metro Manila sa May 15, pero mabuting ipagpatuloy pa rin natin ang social distancing at lumabas lang para sa trabaho at pagbili ng mga kinakailangan. Mukhang magiging ligtas lang tayo kapag may bakuna na laban sa pandemic na ito.
Para sa aral natin ngayon, heto ang isang quote mula kay Orison Swett Marden, ang isa sa aking paboritong manunulat:
Our todays are the blocks with which we build our future. If these are defective, the whole structure of our life will correspond… Power and fortune are hidden away in the hours and moments as they pass, awaiting the eye that can see, the ear that can hear, the hand that can do.
Sa Tagalog: Ang ating araw araw ay mga bloke ng ating kinabukasan. Kung palpak ang mga ito, ang buong istruktura ng ating buhay ay matutulad dito… ang kapangyarihan at mabuting kapalaran ay nakatago sa mga oras at sandaling lumilipas, at ito’y naghihintay para sa mga matang nakakakita, mga taingang nakakarinig, at mga kamay na lumilikha.
Sa kasamaang palad, hindi ito ganoon kasimple sa panahon ngayon. Kahit gusto nating pilitin ang sarili nating gamitin ang mga oras na ito para maging mas masipag, magbasa ng mga libro, pagtuonan pa ng pansin ang ating mga layunin, magsimula ng negosyo o gumawa ng iba pang bagay, malamang napansin mo na rin na hindi ito ganoon kadali habang lumilipas ang panahon.
Mga Pwedeng Matutunan Ngayong Quarantine
May dahilan kung bakit napakahirap maging productive sa panahon ng krisis. Sa “hierarchy of needs” ni Abraham Maslow, ang pangangailangan ng pagkain/tubig at kaligtasan ay mas mahalaga sa “self-actualization” (mga layunin sa buhay at espiritwalidad). Mahirap isipin ang pagpapabuti sa sarili at pagsisikap patungo sa ating mga pangarap kapag natatakot tayong magkasakit at mamatay dahil sa pandemic na ito.
Parang nakatira ka sa bahay na pinapaligiran ng mga mina (landmines) o sunog. Mahirap maging kalmado at ayusin ang buhay kung kahit ang paglabas para bumili ng pagkain at mapanganib.
Malamang, ang mga stress at pagaalala natin ngayong panahon ng Covid-19 pandemic ay nakaaapekto sa puso’t isipan nating lahat. Sa ngayon, huwag muna tayong mag-alala masyado tungkol sa ating productivity. Ang pinakamainam nating gawin ngayon ay gawin lang ang kung ano man ang ating makakaya, at magpahinga kapag tayo ay napapagod o na-“burn out” na.
Gayunpaman, ano nga ba ang ilang pwede nating gawin ngayong quarantine?
Matuto ng ilang exercise?
- “The Only 5 Exercises You’ll Ever Need” – GQ.com
- “5 Essential Fitness Exercises” – Active.com
- “7 Most Effective Exercises” – WebMD.com
Pag-aralan ang ilang money management tips?
- Ang Limang Batas ng Pera: Ilang Payo Tungkol sa Pag-Asenso
- 10 Masamang Paniniwala Tungkol sa Pera na Magdudulot ng Iyong Pagkabigo sa Pag-Asenso (PART 1 of 2)
- Paano Mag-Budget ng Pera: Isang Maiksing Aral Tungkol sa Personal Finance
- Paano Mag-Invest para sa mga Baguhan: Limang Investments na Dapat Mong Alamin
- 7 Masamang Kaugalian ng mga Pilipino tungkol sa Pera na Kailangan mong IWASAN
Matuto ng bagong libangan/hobby o magpractice ng mga talento?
May iba iba tayong mga kakayahan, talento, at libangan. Ako ay mahilig gumuhit at gumawa ng digital art, pero ikaw baka mahilig kumanta, sumayaw, tumugtog ng musika, o baka may iba ka pang hobby. Dahil may panahon naman tayo ngayon, bakit hindi tayo magpractice kaunti at pagbutihin ang ating mga kakayahan?
Gumawa ng blog, website, o YouTube channel?
- Paano Gumawa ng Blog at Kumita ng Pera
- Blogging 101: Ang Aming Top Tips Para sa mga Bagong Bloggers
- Paano Kuhanin ang Iyong Google AdSense Payment sa Western Union
- Paano Kumita sa YouTube: AdSense at ang YouTube Partner Program (YPP)
Iilang mungkahi ko lang iyon, pero sa huli ikaw lang ang makakapagdesisyon at gagalaw. Marami kang pwedeng gawin kahit parang nakakasakal ang quarantine, pero pwede ka ring magpahinga lamang at pag-isipan ang buhay.
Buhay mo ito kaya ikaw ang namumuno. Sa ngayon, sana manatili kang ligtas sa panahong ito.
View Comments (0)