X

Paano Paramihin ang Iyong Tagumpay sa Dadating na Bagong Taon

Sabi nga, ang hindi nagplaplano ay nagplaplanong mabigo. Ano ang mga naiisip mong gawin? Basahin mo ito para pagplanuhan ang tagumpay ngayong bagong taon!

English Version (Click Here)

Sabi nga naman, ang mga hindi nagplaplano ay nagplaplanong mabigo. Marami sa atin ang naka automatic ang schedule at sumasabay lang sa agos ng buhay. Nakakalimutan nating pagplanuhan ang ating kinabukasan. Gigising tayo, kakain ng almusal, magcocommute papunta sa trabaho, magtratrabaho buong araw, uuwi, at manonood ng TV o magbrobrowse ng internet bago matulog. Uulit-ulitin iyon hanggang weekend, at madalas sinasayang naman natin iyon sa walang katuturang libangan.

Gaano ba tayo kadalas maglaan ng oras para sa mga gawaing magbibigay sa atin ng pangmatagalang benepisyo? Mga bagay na magbibigay ng magtatagal na saya sa buhay? Maalamang bihirang bihira. Marami sa atin ang kontento na sa paguulit-ulit ng ating schedule araw araw hanggang tumanda tayo (at mamatay).

Kakaunti lang, kung meron man, ang sumasabay lang sa agos ng buhay at biglang nagtatagumpay. Ang karamihan sa pinakamararangal na tagumpay ay planado muna at SAKA PINAGSIKAPAN, sa loob ng napakaraming taon. Ngayong bagong taon, pag-isipan natin saglit ang kinabukasan at pagplanuhan natin ang ating tagumpay at pag-asenso.

Paano Paramihin ang Iyong Tagumpay sa Dadating na Bagong Taon

Iba iba ang ating mga layunin at pangarap, at iba iba rin ang ating mga kagustuhan at pangangailangan sa buhay. Madali para sa atin ang pagsabihan ang iba kung ano ang dapat nilang gawin sa buhay, pero malamang maiinis lang tayo kapag ang ibang tao ang gumawa noon sa atin. Ito ang dahilan kung bakit wala kaming gawain na ipipilit sa iyo. Magbibigay lang kami ng mga simpleng payo na baka posible mong gawin, pero sa huli ikaw pa rin naman ang magdedesisyon sa iyong gagawin.

Ikaw lang ang bahala sa sarili mong kinabukasan.

Ano ngayon ang mga plano mo para magtagumpay ngayong taon?

Alalahanin natin na ang mga hindi nagplaplano ay nagplaplanong mabigo. Papalampasin mo lang ba ang taong ito nang walang nagagawang bago? Sana naman hindi (pero ikaw pa rin ang magdedesisyon). Gayunpaman, bakit hindi mo subukang mag-isip at pagplanuhan ang pagpapabuti mo sa sarili sa ngayon?

Kung hindi na naman natin pinagiisipan ang mga bagay na pwede nating gawin, malamang hindi tayo magsisimula. Bakit hindi nawin subukang pag-isipan ang mga bagay na magagawa natin para umasenso ang ating buhay?

Pagbutihin ang iyong kalusugan?

Marami ang gustong maging malusok at malakas, at dahil sa tradisyon ng “new year’s resolution”, maraming fitness gyms ang napupuno tuwing Enero. Sa kasamaang palad, marami ang nawawalan ng gana sa pagpapatuloy ng pagpapabuti sa sarili at halos 80% ng mga iyon ay umaalis bago mag-Hunyo.

Hindi mo kailangang magsimula ng extreme fitness regime at diet para maging mas-malusog. Malamang mawawalan ka lang ng gana at susuko ka kaagad. Ang paunti-unting pagbabago tulad ng pag-inom ng isa pang karagdagang baso ng tubig kada araw o isa pang oras ng tamang pagtulog (para sa mga kulang sa tulog) ay makakapagbigay ng malaking benepisyo sa pagdaan ng panahon, kaya bakit hindi mo subukang magsimula sa ganoon? Pwede kang maghanap ng isa o dalawang healthy habits na maaari mong gawin, at saka mo subukan.

Pag-asenso sa career o sa negosyo?

Ano ang posisyon mo ngayon sa trabaho? Isa ka bang entry-level na trabahador o siguro middle management? Paano naman ang sweldo mo? Ilang katao ang pinagsisilbihan ng iyong negosyo at magkano ang kinikita mo mula dito? Gusto mo bang manatili sa ganoong posisyon lang habang buhay? Subukan mong pag-isipan kung paano ka magkakapromotion o paano madadagdagan ang iyong kita.

Isipin mo ang iba’t-ibang paraan kung paano pwede kang maging mas-productive, paano pagbutihin ang pakikipag-ugnayan mo sa mga katrabaho at kliente, paano pagbutihin o i-“growth hack” ang iyong negosyo, at iba pa. Ano ang mga pwede mong gawin ngayong taon? Pagplanuhan mo na sila!

Pagbutihin ang iyong finances?

Bagong taon nanaman. Napakabilis ng oras diba? Parang pera lang sa wallet natin na kasing-bilis maglaho. Subukan mong suriin ang financial life mo ngayon. Nababaon ka ba sa utang? May ipon ka ba para sa mga emergencies kung sakaling ikaw o ang kamag-anak mo ay maospital o kung sakali ay makahanap ka ng napakabuting oportunidad? Ano naman ang plano mo kapag tumanda ka na (sana naman ito’y hindi “maging pasan o problema para sa iyong mga anak”…)?

Subukan mong mag-aral ng mga mabubuting paraan ng paghahawak ng pera, tulad ng kung paano magbayad ng mga utang, paano mag-ipon ng pera, at paano mag-invest ng naipong pera para gumanda ang kinabukasan ningyong mga magkakapamilya.


Pagbutihin ang iyong mga relationships?

Ang isang natutunan ko mula sa librong What they don’t teach you at Harvard business school ni Mark McCormack ay “business situations always come down to people situations”. Ang mga sitwasyon sa negosyo ay palaging sitwasyon ng mga tao. Gaano ka kagaling makisama? Paano ka makipag-ugnayan sa mga kliente at katrabaho o mga kamag-anak at kaibigan? Sinusubukan mo bang mag-impress ng iba sa pagyayabang ng iyong mga status symbols (binabalaan tayo ni McCormack, wag nating gagawin ito dahil magmumukha lang tayong hindi mapapagkatiwalaan) o pagkukunwaring “competent” o “siga-siga”?

Bukod pa rito, kailan mo huling binisita ang iyong mga magulang o lolo’t lola, at ang iba mo pang mga kamag-anak at mga matalik na kaibigan (siguro nitong huling pasko lang)? Kailan ka huling nakisama nang maayos sa kanila? Sinigurado mo bang naging masaya kayo? Huwag mong kakalimutan na ang mga mahal natin sa buhay, lalo na ang mga mas-nakatatanda sa atin, ay hindi natin palaging makakapiling sa mundong ito. Posibleng ito na ang huling taon na kayo ay magkikita.

Pagbutihin ng sarili?

Sabi nga, kabaliwan ang paguulit-ulit ng isang bagay at iisipin na magbabago ang makukuha mong resulta. Ito’y kasabihang hindi naman pala galing kay Albert Einstein pero mahalaga pa rin ang aral doon. Pangarap nga naman nating makamit ang mga mararangal na bagay, hangaan at respetuhin ng ibang tao, o maging wise o mas matalino. Eto ang problema… sinusubukan ba nating makamit ang mga iyon kapag tayo ay masyadong abala sa panonood ng TV o pagbrowse sa Facebook, Twitter, Instagram at iba pang lugar? Naaalala ba nating pagbutihin ang ating sarili kapag masyado tayong abala sa ating work schedule linggo linggo?

Napakaraming paraan para pagbutihin natin ang ating sarili. Pwede tayong magsimula ng bagong hobby, mag-ipon at maglakbay o magtravel para lumawak ang kaalaman natin tungkol sa mundo, magbasa ng mga libro na magbibigay ng kaunti pang karunungan o wisdom, at iba pa. Baka panahon na para magsimula doon. Ano ang pwede mong gawin para pagbutihin ang iyong sarili ngayong taong ito?

Isa pang payo…

Bago tayo magtapos, heto ang isa pang payo. Nasabi ko na ito sa ilang nakaraaang mga articles dahil mahalaga ito, at “repetition is the key to mastery” o ang paguulit-ulit ang susi para sa pagiging dalubhasa. Dahil doon, mainam na ulitin ko itong payo na ito.

Ano man ang gusto mong gawin, kailangan gawin mo itong isang HABIT.

Kailangan makasanayan mo silang gawin.

Karamihan sa mga tagumpay sa buhay ay hindi nanggagaling sa pagkaswerte lang. Ang mga pinakatalentadong athletes ay kinailangan pa ring magpractice at mag-ensayo bago nila nakamit ang kanilang mga medals, ang mga pinakamahahalagang negosyo ay nangailangan pa rin ng ilang taon para mabuo at lumaki, at ang pinakadalubhasang mga eksperto ay nangailangan pa rin ng ilang taon ng pag-aaral at experience bago sila nakarating sa kasalukuyan nilang lebel ng tagumpay. Bukod pa doon… kung may mga sinuwerte nga tulad ng mga nanalo sa lotto, tandaan mo na madalas hindi ito nagtatagal (basahin mo lang ang mga kwento ng mga nanalo sa lotto na na-bankrupt o mas-sumama ang kalagayan pagkatapos manalo).

May mahalagang kasabihan si Will Durant (na akala ng iba si Aristotle daw ang nagsabi) na kailangan nating alalahanin tuwing naghahanap tayo ng “quick fixes” o mabilisang swerte at pag-asenso.

“We are what we repeatedly do. Excellence, then, is not an act, but a habit.”

Will Durant

Ang pagkatao natin ay nagmumula sa nakasanayan nating gawin. Ang kahusayan ay hindi gawain kundi isang bagay na nakasanayang gawin.

Kapag pangarap nating umasenso, kailangan natin ng mas magandang habits. Kahit pwede naman nating magsimula at sumubok gumawa ng bagong bagay sa kahit anong panahon, pwede nating gamitin ang bagong taon bilang isang sinyales ng pagbabago, at sana ay manatili tayo hanggang manatili rin sa atin ang mga mabuting pagbabago.

Papasalamatan naman natin ang ating sarili pagdaan ng panahon.


Oo nga pala! Kung gusto mong matuto ng iba pang mga mahahalagang aral, i-click mo lang ang mga links sa ibang articles namin sa ibaba!

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.