X

“Bakit hindi ko makamit ang Tagumpay?” Pitong dahilan kung bakit ikaw ay Nabibigo

English Version (Click Here)

“Magsikap ka at ikaw ay magtatagumpay.” Ilan nga ba sa atin ang nakarinig at sumunod doon sa payong iyon at umasa dito? Nagoovertime ka at nagdadagdag ng oras sa trabaho para makakuha pa ng extrang pera. Pagod at stressed ka sa pagtrabaho araw-araw, pero parang walang nagbabago. Tinanong mo na ba sa sarili mo “bakit hindi ko pa makamit ang tagumpay?” Kahit napakahalaga ng pagsisikap at seryosong pagpupunyagi ay kailangan, ang realidad ay mas-komplikado. Ito ang pitong dahilan kung bakit hindi mo pa nakakamit ang tagumpay.

“Bakit hindi ko makamit ang Tagumpay?” Ito ang pitong dahilan:

  1. Wala kang Layunin (Goals)

Heto ang million-peso question: “Ano ang ‘tagumpay’ para sa iyo?”

Kung hindi mo ito masagot sa konkreto, time-based at measurable o nasusukat na termino, hindi ka magtatagumpay. Bakit? Dahil wala sa gagawin mo ang magbibigay ng tagumpay. Gaya ng sinabi ni Robert Collier, ang may-akda ng “The Secret of the Ages”, marami sa atin katumbas ang nalulunod. Gumagamit ng mas-maraming lakas kaysa sa kailangan para makalutang, pero wala pa rin tayong napupuntahan.

Malamang alam mo kung papaano iyon: Magtrabaho, sahod, magbayad ng mga bayarin, trabaho uli, sahod, bayad uli… paulit ulit hanggang ikaw ay magretiro o mamatay. Nagsisikap at nagpapagod ka sa iyong trabaho, nakikipagsagupaan ka sa mga deadline at requests, hinaharap mo ang stress at pagkagipit araw araw… at para saan? Para saan ka nagsisikap? Para makabili ng mas-maraming libangan at “gamit”? Iyon ba ang ‘tagumpay’?

Inuulit ko, ano ang tagumpay para sa iyo? Ano ang mga layunin mo?

Gusto mo bang magkaroon ng higit P10 million na net worth? Makakuha ng ilang libong piso kada buwan mula sa passive income at makatakas sa “rat race”? Magkaroon pa ng panahon para makasama ang mabubuti mong kamag-anak at kaibigan? Maging masigla at makatakbo ng isang marathon kahit sixty years old ka na? Makatapos ang mga anak mo sa pinakamabubuting unibersidad at magkaroon ng napakabuting careers? Mabuhay ng matagal at makita ang mga apo mo na mag-asawa at magka anak?

Gaya ng kung paano ang magnifying glass (lente) ay kayang magfocus ng sinag ng araw sa isang punto para makagawa ng apoy, mas-marami kang magagawa kapag naifocus mo ang lakas mo sa isang layunin o pangarap. Gamitin mo ang kaunting oras para isulat ang mga pangarap mo, o balikan mo ang mga pangarap na isinulat mo na. Magfocus ka sa mga iyon at hanapin mo ang paraan para tuparin sila.

“The indispensable first step to getting the things you want out of life is this; decide what you want.” – Ben Stein

(Ang unang hakbang para makuha mo ang mga gusto mo sa buhay ay ito; pagdesisyonan mo kung ano ang pangarap mo.)

 

  1. Komportable ka na sa meron ka

Ang iba ay komportable sa mga masasama at mapag-abusong katrabaho at kliente. Ang iba komportable na sa tatlong oras na commute paputa at pauwi sa trabaho. Ang iba ay komportableng magtrabaho mula 9am hanggang 8pm ng may overtime sa trabahong kinaaayawan nila para kumita ng kaunting pera pambayad ng mga bayarin. Sa halip na pumasok sila sa ibang kumpanya para makahanap ng mas-mabubuting katrabaho at mas-mabuting sahod, nagrereklamo na lang sila tungkol sa lahat ng bagay. Araw-araw, buwan buwan, at taon taon.

Saan ka komportable? Pansinin mo ang lahat ng nasa buhay mo. Mula sa iyong trabaho o career, negosyo, pakikitungo sa kaibigan at kamag-anak, ang iyong kalusugan, at iba pa. May ibubuti pa ba sila?

Makakahanap ka pa ba ng mas-mabuting trabaho na may mas-mataas na sahod at benepisyo? Kaya mo bang pagbutihin ang negosyo mo sa pagmamarket sa mas-maaayos na customers? Pwede mo bang iwasan ang mga kaibigan at kapamilya na mahilig kang pintasan kapag ikaw ay nagtatagumpay at samahan mo ang mga susuporta sa mga ginagawa mo? Kaya mo bang pagbutihin ang iyong kalusugan gamit ang pagluluto at pagkain ng mas-masustansyang pagkain at iwasan ang palaging pagkain sa take-out at frozen pizza?

Narito tayo sa kinatatayuan natin dahil ito ang gusto natin, aminin man natin o hindi. Ang ginagawa, pinagsisikapan, at makakamit natin ay magmumula sa kung saan tayo komportable. Ang pagbabago at pagpapabuti ay hindi komportable sa simula, pero makakasanayan natin ito kapag nagsimula tayo.

“What keeps so many people back is simply unwillingness to pay the price, to make the exertion, the effort to sacrifice their ease and comfort.” – Orison Swett Marden

(Ang isang dahilan kung bakit hindi umaasenso ang marami ay dahil hindi nila gustong magsakripisyo, magpagod magsikap, subukang isakripisyo ang kanilang kariwasaan at pagkakomportable.)

 

  1. Hindi ka Nagbabago

Sinabi ni Albert Einstein na ang kahibangan ay ang paguulit-ulit ng isang bagay at umaasa na magbabago ang resulta. Gaya ng isang pulubing nilalakasan lang ang pagsigaw para makakuha ng mas-maraming limos, ang pagpapagod sa HINDI GAGANA ay nagsasayang lamang ng iyong oras at lakas.

Hindi mo kailangang baguhin ang iyong pangarap, pero baka kailangan mong baguhin ang paraan mo para makamit ito.

Halimbawa, kung may bundok sa harapan mo at hindi gumagana ang pagdrive mo paakyat, susubukan mo bang banggain ng paulit-ulit ang gilig ng bundok? Hindi. Malamang maghahanap ka ng ibang daan sa tabi nito. Pwede ka ring maghanap ng ibang daan paakyat, o pwede kang maghukay at butasin ang bundok.

Ganoon din sa iyong negosyo o trabaho. Isipin mo: Susubukan mo bang ibenta ang parehong bagay sa parehong customers at maging mas-maingay sa iyong pagbebenta, o susubukan mo bang maghanap ng bagong customers o magbenta ng mga bagong bagay? Uulit-ulitin mo ba ang parehong trabaho, o mag-aaral ka ng mga bagong kakayahan, mamuno ng mga bagong proyekto, at gumawa ng iba pang mahahalagang bagay para sumunod ka sa mga ipropromote?

Kailangan mo ng mabubuting pagbabago para makakuha ng mabubuting resulta.

“We are where we are and what we are because of our fixed habits. And we may be where we wish to be and what we wish to be only by the development and the maintenance of our voluntary habits.” – Napoleon Hill, The Master Key to Riches

(Tayo ay nasa kinatatayuan natin dahil sa mga nakasanayan natin. At mapupunta tayo sa pangarap natin at pinapangarap natin gamit ang pagpapabuti at pagpapatuloy ng mga ginusto nating gawain.)

 

  1. Nagsasayang ka ng sobra-sobrang oras at lakas sa mga Libangan

Ilang oras ang ginagamit mo sa panonood ng TV? Pagsurf ng internet para manood ng nakakatuwang video? Pagkain ng sitsirya? Paninigarilyo? Paglalasing? Pagtsismis kasama ang mga kaibigan at kapitbahay?

Ngayon, gaano kadaming oras ang ginamit mo sa pag-aaral ng personal finance at mga bagay na makakapagpaasenso sa iyo? Kailan ka huling nagbasa tungkol sa mga bagay na mapagkakakitaan mo gaya ng pag-invest sa stocks at mutual funds, real estate, pagnegosyo, atbp.? Kailan ka huling nagbasa tungkol sa leadership and management, interpersonal skills, at iba pang mga bagay na makakapagpaasenso sa iyong career? Nageensayo ka ba madalas? Kumakain ka ba ng masustansyang pagkain? Umiinom ka ba ng maraming tubig at natutulog ka ba ng mabuti gabi gabi? Kailan ka huling lumayo sa kaguluhan ng buhay para magbalik-tanaw sa iyong pangarap?

Binabalikan mo ba ang iyong mga pangarap? Gaano kadaming oras ang ginagamit mo para maghanap ng paraan para tuparin ito? Gaano karaming oras at pagsisikap ang ginagamit mo para sila’y magkatotoo? Gaya ng kotseng paikot-ikot, pwede kang matuwa sa hanging humahaplos sa iyong buhok, pero pareparehong bagay lamang ang makikita mo habang wala kang pinatutunguhan. Huwag mong kalilimutan na balang-araw ang kotse ay masisira ng tuluyan.

Huwag ka nang magsayang ng napakaraming oras sa libangan at gamitin mo ang oras mo sa mga bagay na magdadala ng tagumpay. Makakahanap ka ng mas-mabungang buhay kapag ganoon.

“Winners almost always do what they think is the most productive thing possible at every given moment; losers almost never do.” – Tom Hopkins

(Halos palaging ginagawa ng mga matagumpay ang mga bagay na makabubuti; ang mga biguan palaging hindi.)

 

  1. Napakarami mong Palusot

Malamang may mga kakilala kang mahilig ikwento ang kanilang mga problema: mga masasama nilang boss at kliente, problema sa kanilang kalusugan, problema sa pamilya, problema sa relationships, malalaking credit card bills, at marami pang iba. Nakikita mo na kapag nagbigay ka ng posibleng solusyon, mayroon agad silang palusot para hindi ito gawin. Nakikinig sila madalas sa mga payo, pero hindi nila ito sinusunod. Nagtataka ka ba kung bakit?

May dalawang dahilan. Una, KOMPORTABLE na sila sa paghihirap. Hindi sila komportable sa PAGBABAGO. Natatakot sila sa hindi nila alam at pagbabago, kaya kapag nagbigay ka ng solusyon, sa halip na mag-isip sila ng paraan kung paano nila ito magagawa, iniisip nila agad ang mga dahilan kung bakit HINDI. “Paano kung walang kumuha sa akin? Paano kung hindi ako makahanap ng bagong trabaho? Paano kung inayawan ako ng mga kaibigan at kapamilya?” Yun ang dahilan kung bakit hindi nila sinusubukang magbago.

Ang ikalawang dahilan ay hindi nila talaga gusto ang tagumpay. Gusto lang nila ng atensyon at awa. Malamang may mga kilala kang ganoon. Umaangal at nagrereklamo sila araw-araw pero hindi sila nanghihingi ng tulong o payo; gusto lang nilang mapansin. Iniisip nila na ang “awa” ay katumbas ng “pagmamahal.” Yun ang isang dahilan kung bakit ayaw nilang magbago o magpabuti sa sarili. Kung magtagumpay sila, mawawala iyon, kaya mas-pinipili nilang maging biguan.

Ngayon isipin mo: Ginagawa mo ba iyon? Kapag may oportunidad, iniisip mo ba ang paraan kung paano mo ito magagamit, o naghahanap ka ba ng palusot at dahilan kung bakit hindi ito gagana? Nagugustuhan mo ba kung ang ibang tao ay nagbibigay sa iyo ng palusot (kasi iniisip mo na “inaalagaan” ka nila)? Mag-ingat ka sa ganoong pag-iisip. Baka hindi mo alam binibigyan mo ng dahilan ang sarili mong pagkabigo.

“Ninety-nine percent of all failures come from people who have a habit of making excuses.” – George Washington Carver

(Siyamnapu’t-siyam na pursyento ng lahat ng mga pagkabigo ay nagmumula sa mga taong nasanay nang gumawa ng palusot.)

 

  1. Ayaw mong gawin ang Pagsisikap na Kinakailangan

Sabi nga kailangan mong maglagay ng fuel (kahoy/gas) bago ka makakuha ng init. Ito ang isang aral na natutunan ko mula kay T. Harv Eker: Napakaraming nangangarap maging milyonaryo, pero ang ibig-sabihin nila gusto lang nilang may isang milyong piso na mahulog mula sa langit at mapunta sa harapan at bank account nila. Iilan lang ang gagawa talaga ng trabahong kailangan para MAPAGSIKAPAN ang kayamanang iyon.

Papayag ka bang gumising ng maaga araw araw para gumawa ng 100 push ups, sit ups, squats, at tumakbo ng 10 kilometers? Papayag ka bang tumigil kumain ng take-out pizza at pag-aralang magluto ng mas-masustansyang pagkain? Papayag ka bang kumatok sa isang daang negosyo sa buong baryo para makuha ang mas-mabuting trabaho? Papayag ka bang magpadala ng proposals sa tatlong daang potential clients linggo linggo? Papayag ka bang harapin ang tatlong daang pagtanggi bago ka magtagumpay? Papayag ka bang mag-ipon buwan buwan para kumita mula sa investments? Papayag ka bang umalis sa trabaho mo ngayon para magtayo ng negosyo? Papayag ka bang lumabas ngayon at kumausap sa isang libong katao para maghanap ng kliente at posibleng kasama sa negosyo?

Sabi ni T. Harv Eker, kung gagawin mo lang ang madali, magiging mahirap ang buhay. Kung papayag kang gumawa ng mahirap na bagay, magiging madali ang buhay. Gagawin mo ba ang kailangan mong gawin para magtagumpay?

“One of the reasons most people don’t do well in life is because success is usually disguised behind hard work.” – Anthony Robbins, Unlimited Power

(Ang isang dahilan kung bakit marami ang hindi nagtatagumpay sa buhay ay dahil ang tagumpay ay nagbabalat-kayo bilang mahirap na trabaho.)

 

  1. Wala kang GINAGAWA

Ito ang huling sagabal na hinaharap ng karamihan. Madalas, nagbasa na sila ng isang daang libro at ilang libong articles at sumama sila sa ilang dosenang seminars at maraming classes. Ano naman?

Naghihintay sila ng perpektong oportunidad, o nagdesisyon silang mag-aral pa hanggang maging dalubhasa sila sa subject. Ginagawa nila ang lahat ng kailangan para maghanda ng maayos… pero hindi sila nagsisimula.

Baka alam mo iyon. Pinag-aralan mo ang libro, ang mga skills, at gumawa ka na ng mga test runs. Nagplano ka na ng career move, nagsulat ka na ng business plan, at gumawa ka na ng mga proposal letters. Alam mo na ang kailangan mong gawin. Sabi mo gagawin mo ang lahat ng kailangan para magtagumpay, kahit gaano pa man ito kahirap.

Sige. Kailan mo sisimulan?

Kung nakikita mo na ikaw ay napipigilan ng iyong takot at ang dami ng trabahong kailangan mong gawin, alalahanin mong magsimula ng dahan dahan. Hindi mo kailangang tapusin LAHAT ng isahan. Dahan dahan lang at ipagpatuloy mo. Simulan mo, at ang mundo mo ay unti-unting bubuti. Ang paglalakbay ng isang libong milya ay nagsisimula sa isang hakbang. Pwede kang magsimula sa maliit na gawain, pero kailangan mong magsimula ngayon din!

“The world doesn’t pay you for what you know; it pays you for what you do.” – Jack Canfield, The Success Principles

(Ang mundo ay hindi nagbabayad para sa kaalaman mo; ito’y nagbabayad sa ginagawa mo.)

 

Iyon ang ilang dahilan kung bakit madami ang hindi nagtatagumpay. Siyempre, ang isa pa at mas-positibong dahilan ay ang malalaking tagumpay ay nangangailangan lang ng matagal na panahon. Gaya nga ng sinabi ng Jack Canfield, ang tagumpay ay hindi nakakamit sa loob ng isang araw lamang. Kung ginagawa mo na ang tamang kailangang gawin (pagtitiyaga, pagbabago, pagpapabuti/self-improvement, atbp.), ipagpatuloy mo lang! Magtatagumpay ka din.

“The one who once most wisely said, ‘Be sure you’re right, then go ahead.’ Might well have added this to it, ‘Be sure you’re wrong, before you quit.’” – John Wooden

(Sa matalinong nagsabi na ‘siguraduhin mong tama ka, saka mo ituloy.’ Dapat idinagdag niya ito, ‘Siguraduhin mo munang mali ka bago ka sumuko.’)

 


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (2)