English Version (Click Here)
Ang goal setting o paggawa ng layunin ay isa sa pinakamahalagang kakayahang maaari mong matutunan. Tandaan, matatamaan mo lang ang target mo kapag mayroon ka nang target na gusto mong tamaan. Iilan lang sa atin ang makakakamit ng ating mga pinakamahahalagang layunin at pangarap kung sumasabay lang tayo sa daloy ng buhay, nagtratrabaho araw araw para lang makapagbayad ng mga bayarin.
Ngayong linggong ito, ishashare namin sa iyo ang ilang munting kaalaman na ipinahayag ng mararangal na tao tungkol sa pagkamit ng ating mga pangarap at layunin.
Do the difficult things while they are easy and do the great things while they are small. A journey of a thousand miles must begin with a single step.
― Lao Tzu
(Gawin mo ang mga bagay na mahirap gawin habang sila’y madali pang simulan at gawin mo ang mga mararangal na bagay habang maliliit pa lang ang mga ito. Ang paglalakbay na isang libong milya ay kailangang magsimula sa isang hakbang.)
Your problem is to bridge the gap which exists between where you are now and the goal you intend to reach.
— Earl Nightingale
(Ang problema mo ay ang pagtawid sa puwang na naghihiwalay sa iyong kasalukuyang kalagayan at sa layuning gusto mong makamit.)
There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work, and learning from failure.
— Colin Powell
(Walang sikreto ang tagumpay. Ito ay resulta ng preparasyon, pagsisikap, at kagustuhang matuto mula sa bawat pagkakamali.)
Optimism is the faith that leads to achievement. Nothing can be done without hope and confidence.
— Helen Keller
(Ang optimismo ay ang uri ng paniniwalang nagbibigay ng pag-asenso. Wala tayong makakamit kung wala tayong pag-asa at lakas ng loob.)
To succeed in your mission, you must have single-minded devotion to your goal.
— A.P.J. Abdul Kalam
(Para magtagumpay sa iyong hangarin, kailangan nakatutok ka nang husto sa iyong layunin.)
A goal is a dream with a deadline.
— Napoleon Hill
(Ang goal o layunin ay isang pangarap na may itinakda kang oras para tapusin ito.)
A dream becomes a goal when action is taken toward its achievement.
— Bo Bennett
(Ang pangarap ay nagiging layunin kapag ikaw ay umaksyon upang makamit ito.)
Know what you want to do, hold the thought firmly, and do every day what should be done, and every sunset will see you that much nearer to your goal.
— Elbert Hubbard
(Alamin mo ang gusto mong gawin, panatiliin mo ito sa iyong isipan, at araw araw mong gawin ang kailangan mong gawin. Bawat paglubog ng araw makikita mong mas lumalapit ka na sa iyong layunin.)
We must walk consciously only part way toward our goal, and then leap in the dark to our success.
— Henry David Thoreau
(Kailangan nating lumusong kaunti patungo sa ating layunin, at saka tayo lulundag sa dilim upang marating natin ang ating tagumpay.)
Failures, repeated failures, are finger posts on the road to achievement. One fails forward toward success.
— C. S. Lewis
(Pagkabigo, napakaraming pagkabigo, ang mga palatandaan patungo sa pag-asenso. Tayo ay nabibigo nang palusong patungo sa tagumpay.)
Success is no accident. It is hard work, perseverance, learning, studying, sacrifice and most of all, love of what you are doing or learning to do.
— Pele
(Ang tagumpay ay hindi aksidente. Ito ay pagsisikap, pagpupunyagi, pag-aaral, pag-alam, sakripisyo, at higit sa lahat, pagmamahal sa iyong gawain o sinusubukang gawin.)
A great accomplishment shouldn’t be the end of the road, just the starting point for the next leap forward.
— Harvey MacKay
(Ang isang dakilang karangalan ay hindi dapat maging katapusan ng iyong pagpupunyagi, kundi isang bagong simula patungo sa susunod mong marangal na gawain.)
Sana ay nagustuhan mo itong mga kasabihan tungkol sa paggawa ng layunin! Kung gusto mong matuto pa tungkol dito at matutunan pa ang ilang aral tungkol sa pagkamit ng iyong mga pangarap, basahin mo lang ang aming mga articles sa mga links sa ibaba!
- Paano gumawa ng Layunin sa Buhay: Ang Pangunahing Sangkap ng Tagumpay
- Ang Sikreto ng mga Matagumpay: Pagplano at Pag-iisip para sa Kinabukasan
- Achieving Your Goals: The VERY FIRST THING You Need to Know