X

Ang Simula ng Tagumpay: Paghahanap ng paraan para Umasenso sa Buhay

English Version (Click Here)

Ako, pangarap kong magkaroon ng masaganang bahay, malaking kita, kotse at motorsiklo, maging kilala dahil sa aking mga gawa (mga isinulat kong articles dito at mga librong isusulat ko), magkaroon ng mabuti at mapagmahal na pamilyang kayang makipag-sparring sa akin, maging dalubhasa at malakas para makapagsparring kasama ang aking pamilya, makapagpaasenso ng napakaraming tao, mag-iwan ng mabuting legacy, at marami pang iba. Sa ngayon, wala pa ako ng kahit alin doon (ngayong Dec. 26, 2016).

Gaya ng karamihan, pangarap kong maging “successful.” Malamang, may ganoon ka ring pangarap (bukod sa “martial arts at makipag-sparring sa pamilya”), pero kagaya ko, malamang hindi mo pa nakakamit ang lahat ng gusto mo. Ano ang kailangan nating gawin para makamit ang mga gusto natin? Napakaraming paraan para makamit ang tagumpay sa buhay, pero may isang NAPAKAHALAGANG simula para sa lahat ng ito. Kailangan alalahanin natin ito at alamin kung paano natin ito magagamit.

Paano ako Gumagawa ng Art

 

Bago tayo magsimula, ipapakita ko muna sa iyo kung paano ako gumagawa ng digital art.

Sa blank canvas, iniisip ko muna ang larawang gusto kong iguhit. Kapag nakakuha na ako ng idea, iguniguhit ko ito gamit bughaw na brush, gumuguhit ako ng lineart sa taas nito, at saka ako nagdadagdag ng flats layer, kulay, background, shadows, highlights, at iba pang mga detalye. Kapag natapos na ang drawing, pinipirmahan ko ito at ipinopost sa aking mga gallery. Kapag nakakita ako ng mga mali sa natapos nang produkto, inaayos ko sila at pinapalitan ko ang post ko ng mas-mabuting version.

*Note: Ito ay fanart ng character na si Rachel mula sa larong Seven Knights.

Kahit ang mga linya, kulay, konsepto, technique, at pagguhit ay iba iba sa bawat piesang ginagawa ko, lahat sila ay may iisang pagmumulan sa labas ng blankong canvas: ang mental image ng larawan.

Habang ang karaniwang tao ay walang napapansin sa blankong canvas, ang artist ay nakakakita ng kumpletong painting. Ito ma’y bukid na puno ng bulaklak, madilim na siyudad, babaeng nakaharap sa viewer, dalawang taong nagmamahalan, mga mandirigmang naglalabanan, o kahit ano pa, ang kumpletong larawan ay unang nililikha sa isipan ng artist. Kapag ako ay gumuguhit, hindi ako gumagawa ng mga linya linya sa canvas at umaasa na “sana may lumabas na mabuting larawan.” Gumuguhit ako ayon sa larawang nasa isipan ko, at ito’y ginuguhit ng paisa-isang brush stroke hanggang ito’y matapos. Ang mga madadali at simpleng image ay natatapos ng ilang oras lamang, pero ang mga mas komplikadong larawan ay mas matagal matapos.

 

Ang “Tagumpay” ay nililikha sa parehong paraan.
Magsisimula ka sa mayroon ka (isang “blankong canvas” na iyong kasalukuyang sitwasyon), TANAWIN mo ang pangarap mong makamit, at saka mo ito PAGSIKAPAN at buoin. Kailangan mong i-visualize ang mga gusto mo bago mo ito makakamit sa totoong buhay.

 

Kung gusto mo ng bahay, hindi ka magpapatong patong ng mga bato at umasa na ito’y maging mansion na may veranda at swimming pool sa tuktok. Kailangan mo munang isipin ang klase ng bahay na gusto mo at saka ka gumawa ng blueprints at magsimula ng konstruksyon. Kung gusto mong magtayo ng mabuting negosyo, hindi ka magpapaikot ikot sa sahig o makikipag-usap sa taong walang kinalaman sa iyo. Pag-iisipan mo muna ang negosyong gusto mong itayo, mga produktong gusto mong ibenta, ang paraan ng magpapatakbo ng negosyo, at iba pa bago ka magsimulang magtayo nito at makipag-usap sa pwedeng maging investors, kliente, at customers.

 

Klarong Vision = Mas-Madaming Oportunidad

May tatlong rason kung bakit mas-dadami ang oportunidad mo kapag klaro ang iyong vision o pangarap. Una, sabi ko nga dati sa mga goal setting articles, mapapansin mo lang ang mga gusto ko KAPAG hinahanap mo sila. Mapapansin mo lang ang mga nagbebenta ng art supply kapag balak mong gumawa ng painting, at mapapansin mo lang ang mga “lot for sale” signs kapag may plano kang magtayo ng sarili mong bahay.

Ikalawa, mapapansin mo ang mga mali at maaayos mo sila. Kapag gumuguhit ng portraits, makikita mo kapag ang mga mata o ibang bahagi ay pangit o ang pagharap character ay hindi tugma sa iniisip mo kaya maaayos mo ang mga mali. Kapag iniisip mong magpatakbo ng negosyo at napapansin mo na hindi masaya ang iyong mga empleyado, walang mga pumapasok na customers, o kulang ang kita, maitatama mo sila hanggang ang negosyo mo ay umayos at maging katumbas ito ng iniisip mo.

Ikatlo, sa patuloy mong pagsisikap, mas-gagaling ka sa gawain mo. “Practice makes perfect” ay hindi lang para sa drawing at sports. Ito’y totoo din sa halos lahat ng kakayahan sa mundo gaya ng pagbabasa ng financial statements, pag-invest sa stocks, pag-invest sa real estate o lupa, forex trading, pagpapatakbo ng negosyo, marketing, leadership and management, pagpapalakas ng katawan at kalusugan, at iba pa. Malamang marami kang pagkakamali sa simula, pero kapag nagpatuloy at nagensayo ka, mas lalaki ang pagkakataon mong manalo.

“Whether you think you can or you think you can’t — you’re right.” – Henry Ford

(Isipin mo mang kaya mo o isipin mong hindi mo kaya — tama ka.)

 

Ang Tagumpay ay nagsisimula sa Pag-iisip

 

Sabi ni Napoleon Hill, “whatever the mind can conceive and believe, it can achieve” (Ano man ang maiisip at mapapaniwalaan ng isipan, ito’y makakamit). Totoo rin ang kabaliktaran noon. Para makamit mo ang pangarap mo, kailangan mo muna itong ilagay o ilikha sa iyong isipan. Ang huling resulta ay nagsisimula sa PAG-IISIP mo sa gusto mong mangyari.

Sabi nga, ang mga talunan sa buhay ay nakikita lang ang kasalukuyan at iniisip nila na hanggang doon lamang ang makakamit nila. Iyon ang dahilan kung bakit inuulit nila ang nakasanayan nilang gawin at kung bakit ang nakukuha lamang nila ay ang palagi nilang nakukuha. Ang mga nagtatagumpay, natatanaw nila ang PWEDENG mangyari, at nagsisikap sila para magkatotoo ang mga iyon. Kung pangarap mong magtagumpay, kailangan ang pagtanaw mo ay mas-malayo pa sa lahat ng mayroon ka ngayon at dapat makita mo ang mga posibilidad na kaya mong makamit.

Ang buhay mo ay parang canvas at pwede mo itong pagandahin hanggang sa gusto mo O HIGIT PA DITO.

“Your present circumstances don’t determine where you can go; they merely determine where you start.” – Nido Qubein

(Ang kasalukuyan mo ay hindi basehan ng iyong mararating; ito’y isa lamang simula.)


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (2)