X

Itigil ang Bisyo ng Pagreklamo: Tatlong dahilan kung bakit ito’y kailangan Iwasan

English Version (Click Here)

Sa pagtanda natin, natutunan natin na ang ilang masamang bisyo o bad habits ay nagdadala ng kasamaang palad at kailangan natin silang iwasan kahit anong mangyari. Natutunan natin na ang paninigarilyo ay pwedeng magbigay ng cancer, na ang sedentary lifestyle o pamumuhay na hindi aktibo at pagkain ng hindi masustansyang pagkain ay nagdudulot ng napakaraming sakit, at ang hindi mabuting paghawak ng pera ay nagdudulot ng problema sa pera. Bukod pa doon, may isa pang psychological habit na kasing sama nila. Kung nasanay kang magreklamo sa mga problema at abala sa bawat pagkakataon, baka patungo ka sa pagkabigo. Eto ang tatlong malaking dahilan kung bakit kailangan mong itigil ang bisyo ng pagrereklamo!

Tatlong dahilan kung bakit kailangang itigil ang Pagrereklamo

1. Ginagawa kang walang kwenta ng Pagrereklamo

Gaya ng pagtanggal ng gasulina sa isang kotse, pinapahina ka ng pagrereklamo. Pwede kang magkaroon ng magandang kotse sa iyong garahe, pero kapag wala itong fuel o gas, ito’y isang malaking sagabal lamang. Kung hindi mo ito magagamit para maglakbay, wala itong kwenta. Gaya noon, para saan pa ang iyong mga kamay, paa, katawan, at isipan kung hindi mo sila gagamitin para pagbutihin ang iyong buhay?

Pwede kang magreklamo araw-araw tungkol sa iyong mababang sweldo, kakulangan ng kakayahan o skills, ang iyong masamang amo at trabaho, masamang commute, at lahat ng iba. Ano naman ang magagawa noon? Wala. Nagsayang ka lang ng ilang oras kakareklamo, pero nananatili pa rin ang mga problema. Iyon ay oras at lakas na hindi mo na mababawi pa. Oras na nagamit mo sana para masolusyonan ang iyong problema at mapabuti ang iyong kalagayan. Mayroon kang kamay, paa, at utak, pero dahil hindi mo sila ginamit para ayusin ang iyong kalagayan mabuti pang putulin mo na lang silang lahat. Ito ang unang dahilan ung bakit kailangan mong iwasan ang bisyo ng pagrereklamo.

“If it’s never our fault, we can’t take responsibility for it. If we can’t take responsibility for it, we’ll always be its victim.” – Richard Bach

(Kung palagi nating itinatanggi ang ating pagkukulang, hindi tayo magiging responsable para dito. Kung hindi tayo responsable para dito, tayo’y palagi nitong magiging biktima.)

2. Bubulagin ka ng Pagrereklamo at hindi mo makikita ang iyong mga Oportunidad

Ang utak ng tao ay kayang magpatakbo ng iisang bagay o gawain lamang. Habang iniisip natin na tayo ay nagmumultitask kapag sinusubukan nating gumawa ng maraming bagay ng sabay sabay, ang katotohanan nito ay naglilipat lamang tayo ng focus sa ating mga gawain. Ano ang kinalaman nito sa pagrereklamo at oportunidad? Simple: Kung masyado kang abala sa pagrereklamo tungkol sa iyong nakakabagot na trabaho, kakulangan sa pera, o kawalan ng customers, edi HINDI mo naiisip ang mga paraan para pagbutihin ang gawain mo. Naipakita nga natin sa mga nauna kong articles, nakakamit mo ang pinagiisipan mo. Ang oras na ginamit mo pagrereklamo? Pwede ka sanang maghanap ng mas-mabuting trabaho, matutunan ang mas mabuting financial habits gaya ng pag-iipon at pag invest ng bahagi ng iyong sweldo o maghanap ng bagong pagkakakitaan, o maghanap ng bagong paraan para makahanap ng mas bago at mas mabuting customers. Uulitin ko na ang bawat minutong ginamit mo pagreklamo ay isang minutong pwede mo sanang gamitin sa mas mabuti at mas produktibong paraan.

“Lack of direction, not lack of time, is the problem. We all have twenty-four hour days.” – Zig Ziglar

(Kakulangan ng direksyon, hindi kakulangan ng oras, ang problema. Lahat tayo’y may dalawampu’t apat na oras kada araw.)

3.  Ang Pagrereklamo ay umaakit ng mga Toxic na Tao at itinataboy nito ang mga Mabubuti

Sabi nga, ikaw ang average ng limang taong palagi mong nakakasama. Kung bisyo mong magreklamo palagi, mahahanap mo ang ibang mahilig magreklamo na walang ibang ginagawa kundi magpalaganap ng negativity o kasamaan ng loob buong araw. Bukod pa dito, malamang maaakit mo ang mga manloloko na gusto kang bigyan ng mga “quick and easy” solutions sa iyong mga problema (at ang mga modus nila ay magbibigay sa iyo ng mas MARAMI pang problema na iyong pagrereklamuhan). Bukod pa doon, itataboy mo ang mga mabubuting tao na nagsisikap magtagumpay sa buhay. Mga taong pwede sanang makatulong sa iyong magtagumpay din. Bakit ka nila iiwasan? Masyado silang abala sa pagsisikap at hindi na gugustuhing makisama sa mga taong nagdadala lamang ng kasamaan ng loob sa kanilang buhay.

“There are two types of people-anchors and motors. You want to lose the anchors and get with the motors because the motors are going somewhere and they’re having more fun. The anchors will just drag you down.” – Robert Wyland

(May dalawang uri ng tao sa mundo- anchors at motors. Gusto mong iwanan ang mga anchors at makisama sa mga motors dahil ang mga motors ay may patutunguhan at mas masaya. Palulubugin ka lamang ng mga anchors.)

GAWA, hindi Salita

Siguro iniisip mo na ang sasabihin ko lamang ay tumigil ka sa pagrereklamo at magtiis ka lamang, pero hindi iyon ang pinakamabuting solusyon. Pwede ka nga namang magtiis sa isang napakasamang amo sa isang napakasamang trabaho, magtiis sa abusadong kaibigan o kapitbahay, at magtiis na ang pamilya mo ay magdurusa sa kahirapan at gutom, pero uulitin ko na ang pagtitiis sa paghihirap ay walang nareresolba.

May tatlong paraan para pamahalaan ang mga bagay na pinagrereklamuhan mo:

Una, pwede mo itong ireframe o baguhin ang pag-iisip mo dito sa mas mabuting paraan. Ito’y mabuti para sa mga bagay na wala kang control, gaya ng panahon o mga hindi mabuting pangyayari. Mainit ba sa labas? Ito’y mabuting panahon para lumangoy sa swimming pool. Na-cancel ang plano mong makasama ang iyong mga kaibigan? At least pwede kang magpahinga sa bahay at magtipid ng pera. May klienteng nagcancel ng kontrata? Ito ang pinakamabuting pagkakataon para malaman mo ang kakulangan ng iyong serbisyo o negosyo para pagbutihin ito.

Ang ikalawang paraan ay gumawa ng aksyon para maresolba ang problema. Unti unti kang umiwas sa abusadong amo, lipat ka sa ibang department, o umalis ka sa kumpanya at pumunta ka sa mas-mabuting pagtratrabahuhan. Unti unti mong iwasan ang abusadong kaibigan hanggang mawala sila sa buhay mo. Gamitin mo ang libre mong oras para maghanap ng paraan para lumaki ang iyong kinikita gamit isang bagong career o negosyo, magsikap ka pa para sa makakuha ng promotion, o maghanap ka ng iba pang paraan para dumami ang kita.

Ito ang isang aral na natutunan ko sa “Rich Dad, Poor Dad” ni Robert Kiyosaki. Huwag kang magreklamo na “hindi mo ito kayang bilhin.” Hanapin mo ang paraan kung PAANO mo ito kakayaning bilhin! Ang prinsipyong iyon ay magagamit mo din sa ibang bahagi ng buhay. Kaysa magreklamo ka lang tungkol sa iyong mga problema at abala, mas-mainam na magsikap ka at maghanap ng solusyon.

Ang ikatlong paraan ay mas mabuti pa. Bukod sa pagsolusyon sa problema, bakit hindi mo subukang gamitin ang sitwasyon para makahanap ng pangmatagalang oportunidad mula dito? Kaysa magreklamo sa matagal at nakakapagod na pagcommute papunta sa trabaho, bakit hindi ka na magsimula ng home-based business o career? Kaysa magreklamo tungkol sa iyong hindi mabuting kalagayan o health issues at pagkabagot, bakit hindi mo simulan na ang isang hobby na gusto mong subukan, gaya ng parkour, pagluluto, o kahit ano pa? Kaysa magreklamo tungkol sa mainit na summer o sa malakas na buhos ng ulan, bakit hindi ka magbenta ng ice cream o magbenta ng mga payong? Ito nga naman ang paraan kung paano lumilitaw ang pinakamabubuting oportunidad: may nakahanap ng pangangailangan, at kumita sila sa pagresolba nito.

 

Sa pagbabalik-aral, may tatlong malaking dahilan kung bakit kailangan mong itigil ang bisyo ng pagrereklamo:

1. Ginagawa kang walang kwenta ng Pagrereklamo.

2. Bubulagin ka ng Pagrereklamo at hindi mo makikita ang iyong mga Oportunidad.

3. Ang Pagrereklamo ay umaakit ng mga Toxic na Tao at itinataboy nito ang mga Mabubuti

Kaysa magreklamo ka tungkol sa isang abala o problema, i-reframe mo ito sa positibong paraan o maghanap ka ng mabuting resulta nito, umaksyon ka para maresolba ang sitwasyon, o subukan mong makahanap ng benepisyo mula dito. Gawin mo ito araw araw at iyo’y magiging napakabuting habit.

 


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (0)