X

Bakit Dapat Matutunan ang Tamang Paghawak ng Pera? (Bonus: Libreng First Chapter ng “30 Steps to Wealth”!)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Ok, so kakatapos ko lang magcut at magedit ng 10% sample ng aking eBook sa Amazon (30 Steps to Wealth) at gusto kong iannounce na ito’y available na para sa lahat. Ang unang chapter nga palang iyon ay naglalaman ng pinakaunang aral tungkol sa pag-asenso sa buhay, at ikaw ay magiging biguan kapag hindi mo ito naisasapuso. Alam naman nating ang tagumpay ay hindi nagmumula sa swerte at tsamba. Kahit makakuha ka ng panalong recipe o lottery ticket (halimbawa, may special talents at skills ka na pwedeng mapagkakitaan ng maraming pera), kung hindi ka nagsikap para kunin ang iyong premyo, edi wala rin itong kwenta.

Ang unang aral sa 30 Steps to Wealth ay tungkol sa self-improvement, at ang centrong tema nito ay tungkol sa tamang paghawak ng pera. Bakit ko naisipang ituro ito? May tatlong mahalagang dahilan kung bakit:

Bakit Dapat Matutunan ang Tamang Paghawak ng Pera?

  1. Una, hindi mo proproblemahin ang mga emergencies.

Ang buhay ay puno ng mga pagsubok at problema, at para sa karamihan dito, ang kaunting pera ay makatutulong ng lubos. Nawalan ka ng trabaho? Sana may ipon ka para masuportahan mo ang iyong pamilya hanggang makahanap ka ng bagong trabaho. Ikaw ba’y napinsala o nagkasakit? Mabuti kung may pera ka o insurance para mabayaran ang doktor. Sinira ba ng isang lindol o bagyo ang iyong bahay? Mabuti kung may pera ka para ayusin uli ito.

Kung natutunan mong hawakan mabuti ang pera, malamang mayroon kang iyon para sa mga emergencies. Kung wala, malamang mababaon ka sa utang para bayaran ang mga ito… pati na rin ang mga walang kwentang bagay na binili mo gamit ang utang (na malamang hindi mo na ngayon mababayaran).

 

  1. Ikalawa, handa ka para sa mga mabubuting oportunidad.

Sobrang daming tao ang naiipit sa trabahong ayaw nila dahil lang kailangan nila ng pera. Nasa ganoong sitwasyon ka ba? Pangarap mong umalis sa trabaho mo ngayon, pero kailangan mo ang sweldo pambayad sa mga bilihin? Kung natutunan mong maghawak ng pera, malamang may ipon ka para magawa iyon, AT wala kang utang dahil natutunan mong hindi abusuhin ang iyong credit card. Hindi lang ito para sa mga job opportunities. Nagawa kong umalis sa dati kong trabaho at magblog full-time dahil natutunan kong mag-ipon at mag-invest sa paraang pwede nila akong suportahan. Pwede mo rin iyong gawin basta pag-aralan mo lang kung paano.

 

  1. Sa huli, makakabuo ka ng masaganang kinabukasan.

Sa Pilipinas, ang “mag-ipon para sa retirement” ay hindi alam ng karamihan. Marami ang umaasa sa social security (SSS) at pensions na, madalas, hindi sapat para sa mga panggamot at groceries na kakailanganin nila sa kanilang pagtanda. Dahil doon, kakailanganin nilang manghingi ng pera mula sa kanilang mga anak at apo.

Itatanong ko nga sa iyo ito: may plano ka bang maging pabigat sa iyong mga anak at apo? Gusto mo bang limitahan ang kasiyahan nila sa buhay at ang kanilang mga oportunidad umasenso dahil sa mga gastusin mo? Kaysa maging isa pang bibig na kailangang pakainin, hindi ba mas-mabuting maging biyaya ka na lang para sa kanila?

Pag-aralan mong mag-ipon at mag-invest para sa retirement. Hindi ka lang magiging self-sufficient kapag ikaw ay nagretiro, ikaw ay magiging mabuting halimbawa para sa iyong mga anak at apo. Kung natutunan mong mag-ipon at maghawak mabuti ng pera, hindi bumili ng mamahaling luho, at hindi magpabaon sa utang, mapapansin nila ito. Matututo sila sa iyo at malamang ang buhay nila’y magiging mapayapa din. Kung hindi mo sila tinuruang maghawak mabuti ng pera, pwedeng umasa na lang sa iyo ang iyong mga anak at dahil dito, sila’y maghihirap kapag nawala ka na. Nakita ko nang mangyari iyon at napakasama nito. Ang pamilya ay pwedeng masira dahil sa iresponsableng paggamit ng pera.

Sana naman nakumbinse kang pag-aralan ang basics ng mabuting paggamit ng pera. Kung gusto mong mag-aral pa, may libo-libong mabubuting libro at payo sa internet. Pwede mo ring basahin ang “30 Steps to Wealth” dahil ginawa ito para ituro ang personal finance sa mga baguhan. Kung gusto mo nga pala ng free sample, mag-sign up ka lang sa newsletter namin sa ibaba para makuha mo ang sample first chapter!

Pwede mo ring bilhin ang sarili mong full copy mula sa link na ito (i-CLICK MO LANG ITO).

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.