X

Mga Pwedeng Gawin ngayong Pasko at New Year

English Version (Click Here)

Ang Pasko at New Year ang dalawa sa pinakamalaking holidays kada taon. Bukod sa pag-celebrate kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya, pagsalakay sa mga malls para sa mga sales at pagbubukas ng mga regalo, at paghanda ng mga pagkain at paputok, pwede mo ring gawin ang mga ito ngayong holiday season:

 

Pag-isipan ang nakaraan at Magpasalamat

Bawat taon ay puno ng pagbabago at karanasan, masaya man o malungkot. Pag-isipan mo ang mga natutunan mo sa lahat ng naranasan mong pagkabigo, at i-congratulate mo rin ang sarili mo para sa mga tagumpay mo ngayong nakaraang taon.

Magpahinga

Kahit iilang araw lang ang holidays, bitawan mo muna ang rush at stress na naipon mo mula sa trabaho. Huwag ka nang mag-alala dahil sa mga naiwan mong trabaho dahil babalikan mo rin naman sila. Sa ngayon, mag-relax ka muna at magpakasaya.

 

Magbalik ka sa mga pangarap mo sa buhay

Ang holidays sa Pasko at New Year ay iilan sa kakaunting oportunidad mo para pagmuni-munihan ang mga pangarap mo. Dahil malaya ka mula sa stress na nakukuha mo dahil sa mga reports na wala naming nagbabasa o mga meeting na dapat nasa email na lang, malaya ang isipan mo para pag-isipan ang buhay mo. Hindi lang trabaho ang kabuoan ng buhay natin.

Gumising ka ng mas-maaga ng kaunti (pero hindi naman sobrang aga) at pagmuni-munihan mo muna ang buhay mo ngayon. Itanong mo sa sarili mo:

Ano ang mga pangarap na gusto kong makamit sa mga susunod na taon?

 

Alamin mo ang mga Layunin o Pangarap mo sa mga susunod na taon

Matapos makapag-isip, malamang marami ka nang gusting gawin. Piliin mo ang ilan sa kanila at gawin mo silang layunin mo sa mga susunod na taon.

Paano mo sila sisimulan?

  1. Gumawa ka ng mabuting plano.
  2. Pag-isipan mo ang susunod mong kailangang gawin – Sabi ni David Allen, dapat pagplanuhan mo ang susunod na bagay na kailangan mong gawin, at gawin mo agad (matapos ang holiday)!

 

Matuto ka ng mga bagong Kakayahan

Ngayong mayroon ka nang bagong layunin o pangarap, ano ang susunod na kailangan mong matutunan para makamit mo ito (ang pag-research o pagkuha ng mga bagong skills ay pwedeng “next action”)?

Gusto mo bang matuto ng bagong sport para makapag-exercise at maging mas-malakas? Matuto ng mga bagong recipes para makapagluto ng mas-masustansyang pagkain? Matutong mag-invest sa stocks o magsimula ng bagong negosyo?

Ano man iyon, ang pagkuha ng mga bagong kaalaman o kakayahan ay makabubuti sa iyo, at mas-malakas ang epekto nito kapag mas-marami ang natututunan at pag-ensayo mo.

 

Magsimula ng Bagong Habits

Ang mga New Year’s Resolutions ay hindi mga pangako na dapat sinisira – sila ay para sa iyong self-improvement. Ang pinakamabuting paraan para magbago ay ang paggawa ng mabuting bagay at ulit-ulitin ito hanggang ito’y iyong makasanayan.

Ang pag-iisip ay nagiging gawain, ang gawain ay nakakasanayan, at ang mga nakasanayan ay nagiging tadhana. Sabi ni Jack Canfield, mainam na magsimula ka ng apat na mabuting habits kada taon – gaya ng pag-exercise ng 15 minutes kada araw, pag-iipon at pag-invest ng 10% o higit pa sa bawat sahod, o pagbabasa ng isang mabuting self-improvement book kada buwan.

Minsan mahirap sa simula, pero kapag ginawa mo ang isang bagay ng 21-30 days, makakasanayan mo siyang gawin. Magsimula ka ng isang good habit kada tatlong buwan at bubuo ka ng mas-mabuting buhay kaysa sa mayroon ka noon. Matapos ang ilang taon, mas-marami ang makakamit mo kaysa kapag wala kang sinimulan.

 

Hindi sa dami o halaga sa pera ng ibinigay hundi sa kung gaano ka nagmahal. Sana ay nagustuhan mo ang article kong ito, at sana ay nakatulong ang natutunan mo dito para mas-magtagumpay ka ngayon at sa kinabukasan.
Maligayang Pasko sa iyo, at sana maging mabuti ka ngayong Bagong Taon!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.