X

Kapag may dahilan kung bakit ka nabibigo…

English Version (Click Here)

Noong binabasa ko ang librong You Were Born Rich: Now You Can Discover and Develop Those Riches na isinulat ni Bob Proctor, may isang aral doon na ginusto kong matutunan ng iba dahil pwede itong makatulong sa paglaya mula sa pagkabigo. Sa may dulo ng libro, itinuro ni Bob Proctor na may “law of opposites” kang mapapansin sa mundo. Kung may yin, may yang. Kapag may liwanag, may dilim. Kapag may tagumpay, may pagkabigo. Alam naman na natin iyon, pero bakit ito mahalaga?

Marami sa atin ang pangarap maging successful at masaya. Sa kasamaang palad, madalas hindi natin ito natutupad. Hindi natin nakukuha ang trabahong pangarap natin, hindi umaasenso ang negosyo, o nabibigo tayo sa iba pang bagay. Sa anumang dahilan, nabibigo tayo sa mga bagay na nakapagbigay sana sa atin ng kasiyahan at tagumpay.

Meron akong mabuting balita. Kapag may dahilan kung bakit ikaw ay nabibigo…

Kapag may dahilan kung bakit ka nabibigo…

Mayroon ding dahilan kung bakit PWEDE KANG MAGTAGUMPAY!

Kung hindi ka makapagsimula ng negosyo o umalis sa trabaho para magsimula ng panibagong career dahil kailangan mo ng pera, makakahanap ka ng paraan kung paano makakuha pa ng mas maraming pera. Pwede kang magsangla o magbenta ng mga bagay na mayroon ka pero hindi mo naman kailangan, kumuha ng loan mula sa bangko, manghiram mula sa mga kaibigan o kamag-anak, o mag-ipon ng bahagi ng iyong suweldo ng ilang buwan o taon at gamitin itong puhunan.

Kung hindi mo masimulan ang career na pangarap mo dahil kulang ka ng kaalaman o kakayahan tulad ng programming o online marketing, makakahanap ka ng paraan para matutunan iyon. Pwede kang maghanap sa internet ng libreng instructional videos at articles, bumili ng libro tungkol dito, o magpaturo ka sa mga kaibigan o kamag-anak mong marunong. Mayroon din madalas na mga grupo o organisasyon na nariyan para magturo ng mga kakayahang iyon sa mga tao, tulad ng TESDA sa Pilipinas.

Kapag hindi ka makahanap ng trabaho dahil hindi kaaya aya ang iyong qualipikasyon, makakahanap ka ng ibang paraan para makakuha ng trabaho o gumawa ng trabaho para sa sarili mo. Pwede kang kumuha ng freelance jobs online, gumamit ng ibang job search websites, humingi ng tulong* mula sa mga kaibigan o kamag-anak kapag may kakilala silang naghahanap ng empleyado, kumuha muna ng mababang trabaho pansamantala, o magtayo ng sariling negosyo.

*Ginamit ko iyon noong nangangailangan ako ng OJT (on-the-job training, na tinatawag ring internship)… dalawang araw bago ang deadline. Gumana naman. Yun ay isang payong natutunan ko mula sa lumang What Color is Your Parachute na libro ni Richard Nelson Bolles.

 


 

If you can figure out why something you want to do cannot be done, by law, you must be able to figure out how it can be done.
— Bob Proctor

(Kapag naiisip mo kung bakit hindi mo magawa ang isang bagay, ayon sa alituntunin, maiisip mo rin kung paano mo ito pwedeng gawin.)

 

Kapag may dahilan kung bakit ka nabibigo, may dahilan din kung bakit pwede kang magtagumpay. Kailangan mo lang itong alamin at gamitin. Nalutas ng sangkatauhan ang ilang halos imposibleng problema, tulad ng paglipad ng tao.

Ang isang dahilan kung bakit hindi nakakalipad ang mga tao ay dahil wala tayong pakpak at hinihila tayo papaba ng gravity.

Ang isang dahilan kung bakit PWEDENG makalipad ang tao ay dahil nagagamit natin ang aerodynamics para makagenerate ng lift para sa mga eroplano at helicopter. Ang isa pang dahilan kung bakit nakakalipad ang mga tao ay dahil nagagamit natin ang hydrogen o helium para makagawa ng dirigible o airships. Bukod pa dito, isa ring dahilan kung bakit nakakalipad tayo ay dahil nagagamit din natin ang thermodynamics para makagawa ng hot air balloons. Gusto mo ng isa pa? Jet propulsion gamit jetpacks.

Kapag nalulutas natin ang mga “imposibleng” problema tulad ng paglipad, pagtayo ng skyscrapers, pakikipag-usap sa mga tao na ilang libong milya ang layo mula sa atin (gamit telepono, email, video calls, atbp.), pati pagpunta sa buwan, ano pa kaya ang malulutas natin? Kumpara sa mga iyon, ang pagkuha ng trabaho o pagkamit ng isang milyong dolyar ay madali lamang.

Kapag may problema, may solusyon. Mabuti pa doon, madalas nakahihigit sa isa lang ang posibleng solusyon. Walang hangganan ang posibilidad sa mundo at makakahanap ka parati ng paraan para makamit ang iyong pangarap.

Ang tanong na lang ngayon, handa ka bang magpursigi? Papayag ka bang magsakripisyo o magsikap? Papayag ka bang magsakripisyo ng sampung libo ngayon para kumita ng limampung libo pagdaan ng panahon? Handa ka bang magtrabaho ng higit tatlong oras kada araw at tuwing weekends ng walang bayad para tapusin ang libro, kumpletuhin ang proyekto, o simulan ang online business o iba pang bagay na pwedeng magpaasenso sa iyo?

Ikaw naman ang bahala. May kasabihan tayong mga Pinoy:

“Kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.”

Kaysa ubusin mo ang oras mo sa dahilan kung bakit ka nabibigo, subukan mo namang hanapin ang dahilan kung bakit pwede kang MAGTAGUMPAY sa kabila ng lahat ng problemang hinaharap mo ngayon, at GAMITIN mo iyon.

 


Sana nagustuhan mo ang aral dito sa article na ito! Kung nais mong makapagbasa pa ng iba, i-click mo lang ang “Like” button sa YourWealthyMind Facebook Fanpage sa ibaba!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.