English Version (Click Here)
Halos tatlong taon na ang nakalipas magmula noong itinayo namin ang YourWealthyMind kaya ang pagpost ng ganitong bagay ay medyo huli na. Sa simula pa lang, kapag nagtayo ka ng isang kumpanya, mainam na magkaroon ka ng klarong layunin o goal, isang klarong pananaw tungkol sa paroroonan nito. Madalas, kahit alam mo ang pangarap na gusto mong makamit minsan nakakalimutan mo itong isulat. Malamang totoo ito sa mga startups o baguhang negosyo.
Ano nga ba ang vision at mission ng YourWealthyMind? Basahin mo lang ito dahil baka makatulong ito sa vision at mission ng sarili mong kumpanya.
Aming goal o layunin:
Wala man kaming vision at mission statement, ang aming layunin ay nasa About page namin ito sa simula pa lamang. Naniniwala kami na nakakapagpabagong-buhay ang mga idea o kaalaman, at ang tamang kaalaman kapag naituro sa tamang tao ay makakapagpabuti sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit nagsusulat kami palagi ng mga article na nakakatulong sa iba, hindi lang sa buhay pinansyal kundi sa iba-ibang bahagi din ng buhay. Ito ang orihinal naming layunin at malamang hindi ito magbabago.
Ang aming vision (pangarap):
May proverb o kasabihan, “where there is no vision, the people perish”. Kapag walang pangarap, namamatay ang mga tao. Kapag wala kang pangarap o layunin, magpapaliboy liboy ka lang sa buhay nang walang nararating at walang nakakamit. Ano nga ba ang aming vision? Ano ang pangarap naming makamit? Pangarap naming maging top-class success, self-improvement, at personal finance website na tumutulong sa napakaraming tao sa bawat sulok ng mundo, at gagawin namin ito gamit ang content na nilalampasan ang mga language barriers at kultura.
Ang aming mission:
Sabi, ang mission ay sumasagot sa mga tanong na “ano ang ginagawa namin?” at “sino ang mga pinaglilingkuran namin at paano?”
Ano nga ba ang ginagawa namin? Nagsusulat at nagpupublish kami ng mga articles na naglalaman ng mga nakatutulong na impormasyon. Mga bagay na makakatulong sa ibang umasenso sa kanilang personal at pinansyal na pamumuhay, careers at relationships, at marami pang iba.
Ang isang malaking problema na sinusubukan naming lutasin ay dahil ang karamihan sa pinakamabubuting libro at articles ay nakasulat sa wikang Ingles, ito’y hindi naiintindihan ng mga taong hindi magaling umunawa sa wikang iyon. Ito ang dahilan kung bakit nagsasalin kami ng aming mga lessons at articles sa ibang wika (Tagalog pa lang muna, pero paparamihin namin ito) at gumagamit kami ng search engine optimization (SEO) para mahanap ito ng iba. Sabi nga, kapag handa na ang estudyante, lalabas ang guro. Kapag gusto na ng estudyanteng matuto, maghahanap sila sa internet ng guide, at saka nila kami mahahanap.
Ngayon, balikan natin ang simula. Ano ang aming vision and mission statement? Pareho pa rin nito ang aming layunin.
Vision: Enrich the World and Eliminate Poverty, One Lesson at a Time. (Paunlarin ang Mundo at Lutasin ang Kahirapan sa Paisa-isang Mabubuting Aral.)
Mission: Make Life-Changing Ideas Available to All. (Ipaubaya sa Lahat ang mga Kaalamang Nakakapagpaasenso.)
Pwedeng magbago ang mga salita dito sa pagdaan ng panahon, pero ang pangunahing layunin ay mananatili pa rin.
Iba pang karagdagang bagay…
May idadagdag pa ako. May rason kung bakit hindi ko (Ray L., ang founder at pangunahing manunulat dito) pinangalanan itong YourWealthyMind blog ayon sa aking sarili (i.e. “RayLucero.com”). Naiintindihan ko kasi na maraming nagbabago sa buhay at hindi ako palaging mananatili dito. Sa simula pa lamang, pangarap kong magpatuloy ang YourWealthyMind, ang idea at layunin nito, sa sarili nitong kakayahan (sa tulong ng iba). Pangarap kong magpatuloy itong tumulong sa iba-ibang tao sa buong mundo, kahit sumakabilang buhay na ako.
Leadership is not about the next election, it’s about the next generation. — Simon Sinek
(Ang leadership o pamumuno ay hindi tungkol sa susunod na eleksyon, ito’y tungkol sa susunod na henerasyon.)
Pagkatapos magbasa ng napakaraming libro tungkol sa success, self-improvement, at business, may isang aral na napakahalaga: Para magtagumpay sa buhay, kailangan mong tumulong sa iba. Itigil mo na ang pagiging makasarili at pagtuon ng pansin sa pakinabang na makukuha mo at gumawa ka na lang ng mabuti. Gumawa ka ng mga bagay na nakakatulong sa mas-maraming tao. Kapag tama ang gawain mo, magiging natural na side effect ang iyong pagasenso at pagyaman sa buhay.
Ikaw naman.
Bakit mo ginagawa ang mga gawain mo ngayon? Para ba sa pera? Para mabuhay ng mapayapa ang iyong pamilya? Para maging sikat at mag-iwan ng bakas sa kasaysayan ng mundo? O may iba ka bang dahilan?
Ano man ang layunin mo, kailangan bigyan ka nito ng sapat na lakas ng loob upang magpunyagi ng maigi. Kapag kaya mo, palakihin mo ang iyong pangarap. Sabi nga naman ni emperor Marcus Aurelius, ang malalaking pangarap lamang ang nakakapagpagalay ng ibang tao.
Pag-isipan mo uli ito. Ano ang IYONG vision at mission sa buhay?