X

10 Best Books na nabasa ko tungkol sa Finance, Leadership, at Success

English Version (Click Here)

Sa huling bilang ko nakapagbasa na ako ng higit 100 nang libro at ang bawat isa sa kanila ay naglalaman ng kaalamang nagagamit ko sa buhay. Hindi ko man maalala ang lahat ng nakasulat, pero mahalaga pa rin ang natutunan ko sa kanila.

Nagsulat na ako ng isa pang article tungkol sa halaga ng mga magagdang libro (hanapin ang “From Books to Riches”), at sasabihin ko itong muli:

Wala kong alam na ibang investment na ang PRESYO ay napakalayo sa kaniyang HALAGA bukod sa edukasyong ibinibigay ng mabubuting libro.

Tandaan: Makakamit mo ang KAHIT ANONG Pangarap mo… KAPAG NATUTUNAN MO KUNG PAANO ito pagsisikapan.

Ano man ang gusto mong gawin, ano man ang pangarap mo, malamang may nakagawa na noon at nagtagumpay, o nagtagumpay sa mga bagay na katulad nito. Ang kaalaman nila ay makakatulong sa iyo para umiwas sa trahedya at makamit ang tagumpay ng mas-mabilis, mas-madali, at mas-sigurado.

Ngayon ibabahagi ko na sa iyo ang 10 best books na nabasa ko tungkol sa Finance, Leadership, at Success. Kahit finance books ang anim dito, naglalaman pa rin sila ng mabubuting aral na makakatulong sa iyo sa iba-ibang dimension ng iyong buhay.

(Karamihan dito ay nakaarrange sa kung kailan ko sila natagpuan at binasa. Nailagay ko rin dito ang Amazon.com links sa mga libro kung gusto mo silang bilhin.

Ang paborito kong application sa aking cellphone ay Amazon Kindle at inirerekomenda ko ito. Magagamit mo ito para magbasa ng libro kahit saan, kahit sa mga mahahabang commute, kapag ginamit mo ang iyong mobile device.)

 

1. Rich Dad Poor Dad ni Robert T. Kiyosaki

Siyempre ilalagay ko ito dito. Sabi ko nga sa nauna kong article (“From Books to Riches”), malakas itong makapagbago ng iyong pananaw sa buhay kapag galing ka sa mahirap o middle-class na pamilya. Magbabago ang pananaw mo kapag “magtapos ng pag aaral at magtrabaho ng maigi” ang mentality mo.

Ang isa sa pinakamahalagang aral na natutunan ko dito ay hindi ka yayaman kahit ano pang “pagsisikap” (ang mas-mainam na termino dito ay “pagpapagod”) ang gawin mo sa trabaho, at ang karamihan sa mga trabahador at empleyado ay masyado nang nalulong sa kanilang sweldo kaya nakakalimutan nilang magsikap para umasenso sa buhay at yumaman.

 

2. Secrets of the Millionaire Mind: Mastering the Inner Game of Wealth ni T. Harv Eker

Maliit lang ang librong ito, pero napakarami nitong aral na maibibigay sa iyo. Dahil karamihan sa laman nito ay tungkol sa iyong mindset o pag-iisip, pwede mo rin itong ituring “self-help” or “success” book.

Anong mga aral ang hindi ko makalimutan?

Ang iniisip o pinaniniwalaan mo (hindi relihiyon ha) ang maggiging batayan ng mga resulta mo sa buhay. Kapag mali ang iniisip mo, mga maling bagay ang gagawin mo at masama ang mangyayari sa iyo. Halimbawa, kapag iniisip mo o pinaniniwalaan mo na “delikado ang business at investing,” hindi mo ito gagawin at hindi mo makukuha ang profits at oportunidad na maibibigay nito.

Kapag MABUTI ang Iniisip mo at Pinaniniwalaan mo, edi magiging MABUTI rin ang mga resulta mo sa buhay. Kapag iniisip mo na “ang negosyo at investing ang kailangan ko para umasenso ang pamilya ko at hindi ito delikado kapag alam ko ang gagawin,” edi ibang-iba ang mapapagsikapan at kikitain mo sa buhay.

 

3. The Richest Man in Babylon ni George S. Clason

Kilala ang librong ito bilang isa sa pinakamagandang personal finance classics sa buong mundo. Ito’y maiksing libro na may iilang kwento, pero ang bawat isa doon ay naglalaman ng napakahalagang aral.

Ang mga konsepto sa librong ito ay hindi naluluma ng panahon at dahil sa halaga nila, nakapagsulat ako ng dalawang article na nakabase sa mga aral mula dito (Savings at Budget Plan, at Paano Mabayaran ang Lahat ng Utang (in Three Simple Steps)).

Kapag narinig mo na ang mga salitang “Pay Yourself First” tungkol sa pagiipon at pag-invest, itong librong ito ang pinagmulan niya kaya mainam na basahin mo siya.

 

4. The Bogleheads’ Guide to Investing nina Taylor Larimore, Mel Lindauer, at Michael LeBoeuf

Huwag mong mamaliitin itong librong ito dahil sa kaniyang kakaibang title at cover. Ito ang isa sa pinaka-comprehensive at pinaka-Beginner-Friendly na librong nabasa ko tungkol sa investing.

Kapag wala ka pang alam tungkol sa pag-invest at hindi mo alam kung ano ang pinagkaiba ng mga stocks, mutual funds, atbp., basahin mo ang librong ito. Napakarami nitong basic lessons tungkol sa personal finance, investments, effects ng taxes/buwis, atbp.

Inuulit ko, kapag baguhan ka pa lang sa finance at investing, basahin mo agad ang librong ito!

 

5. Your Money or Your Life: 9 Steps to Transforming Your Relationship with Money and Achieving Financial Independence nina Vicki Robin at Joe Dominguez (kasama si Monique Tilford)

Napakagandang personal finance classic nito dahil sa isang aral na nakasulat dito (pero hindi ko muna ikukuwento sa inyo). Kapag natutunan mo iyon, mag-iiba ang pananaw mo tungkol sa pera at manghihinayang ka kapag nagwalgas ka ng pera sa mga bagay na hindi mo kailangan. Mahirap magsayang ng pera kapag nalaman mo kung ano talaga ang sinasayang mo.

Mayroon din itong plano sa pagtrack ng iyong mga gastusin at pagkumpara nito sa iyong kinikita. Ako mismo ginagamit ko ang planong iyon (nagsimula ako noong 2009 noong unang nabasa ko ang librong ito) at napakagandang paraan nito para masiguradong hindi lalagpas ang mga kaluhuan mo kaysa sa kaya mo (live below your means).

 

6. “Wooden on Leadership: How to Create a Winning Organization” nina John Wooden at Steve Jamison

Si John Wooden ay isang legendary basketball coach na tumulong ipanalo ang UCLA team ng 10 NCAA National Championships sa loob ng 12 na taon, 88 straight games, at apat na perfect seasons. Dahil sa nagawa niya, pinarangalan siyang Coach of the Century ng ESPN at pinarangalan din siya ng Presidential Medal of Freedom. Itong librong ito ay naglalaman ng mga aral na natutunan at itinuro niya bilang isa sa pinakamagaling na basketball coach sa buong mundo.

Mula sa “Pyramid of Success,” pagsasabuhay sa iyong values, attention to detail, pag-aalaga sa iyong koponan/team, disiplina, commitment to improvement, at iba pa, ang bawat aral dito ay nagbibigay-daan para sa kasunod niya para turuan ka kung paano maging napakagaling na leader.

Ang pagsisikap para maging mas-magaling, pagmamahal sa kapwa, at ang kalinisan ng loob ay mga values na pinahahalagahan ko rin kaya mas-nagustuhan kong basahin ang librong ito. Mararamdaman mo ang mga values niyang iyon habang binabasa mo ang librong ito, at ang mainam na pag-arrange ng mga lessons ay nagpapalakas ng epekto nito sa pag-aaral mo.

Nararapat nga itong librong ito sa aking Top 10 at nagpapasalamat ako kay Coach Wooden sa pagsulat niya dito.

 

7. The Millionaire Next Door nina Thomas J. Stanley at William D. Danko

Kapag narinig mo ang salitang “Millionaire,” siguro naiisip mo mga makikintab na kotse, ginto at diamonds, at iba pang mga bagay na mas-magara pa sa Hollywood. Maling-mali ang iniisip natin na iyon.

Ang mga TOTOONG milyonaryo at multimillionaires ay nagkakaisa sa isang value: FRUGALITY (pagiging MASINOP)

Sila ay NAPAKA-PRAKTIKAL at HINDI sila nagsasayang ng pera sa mga kaluhuang hindi naman kailangan.

Basahin mo ang librong ito at matututunan mo kung bakit ang pagiging frugal o masinop ang isa sa pinakamalaking rason kung bakit sila yumaman… at malamang matututunan mo rin ito.

 

8. The Art of Worldly Wisdom ni Baltasar Gracian

Kapag inisip mo “wisdom throughout the ages” o “Confucius… sa Spain,” may idea ka na kung ano ang mababasa mo sa librong ito. Si Baltasar Gracian ay isang Spanish Jesuit na nabuhay noong 1600s at ang librong ito ay naglalaman ng mga 300 aphorisms tungkol sa mabuting pamumuhay.

Ano ang mga paborito kong halimbawa?

“Mag-isip kasama ng kakaunti at magsalita kasabay ng karamihan.” (Ilihim mo ang tunay mong iniisip, pero kailangan ang sinasabi mo ay katanggap-tanggap sa lahat.)
“Isipin mo na ang lahat ng gawain mo ay nakikita ng lahat… alamin na ang mga pader ay may mga tenga at ang masamang gawain ay tumatalbog pabalik.” (Babala ito sa mga patagong gumagawa o nagsasalita ng masama.)
“Huwag magreklamo. Ang pagreklamo ay nagbibigay palagi ng marungis na reputasyon. Mabuti nang maging halimbawa ng pagiging matatag o self-reliant laban sa gawain ng iba kaysa maging kaawa-awa.”

Wala ka bang panahon para magbasa ng isang buong kabanata sa ibang libro? Pumunta ka sa kahit anong pahina o aphorism dito at may matututunan kang bago!

 

9. 50 Success Classics: Winning Wisdom for Work & Life from 50 Landmark Books, 50 Prosperity Classics, at 50 Self-Help Classics: 50 Inspirational Books to Transform Your Life from Timeless Sages to Contemporary Gurus ni Tom Butler-Bowdon

Ok, medyo nandaraya ako dito. Ang bawat isang librong sinabi ko ay may limampung buod ng iba pang mahahalagang libro. Kapag nakapagbasa ka na ng mga libro gaya ng The 7 Habits of Highly Effective People ni Stephen R. Covey, Think and Grow Rich ni Napoleon Hill, o The Secret ni Rhonda Byrne, GANOON ang kalidad ng mga librong nakabuod sa mga iyon.

Kahit mas-kumpleto ang mga orihinal na libro, napakahalaga ng “50 Classics” series dahil sa dami ng mga aral na mapupulot mo sa iba’t-ibang manunulat at librong nakabuod dito.

*Note: Ginagamit ko ang mga librong ito para pumili ng mga susunod kong bibilhing libro.

 

10. The Success Principles: How to Get from Where You Are to Where You Want to Be ni Jack Canfield

Hinuli ko ang pinakapaborito kong libro sa lahat. Makali ang ibinago ng buhay ko noong nabasa ko ito, at hindi ako nageexaggerate doon.
Sa halaga ng laman nito, binili ko siya ng DALAWANG beses. Isang physical na libro (napakalaki nito), at isang Kindle eBook copy para puwede ko siyang basahin sa aking smartphone.

Ano ang nagustuhan ko sa librong ito?

Simple lang: Ito ang PINAKA KUMPLETO at COMPREHENSIVE na librong nabasa ko tungkol sa tagumpay sa buhay. May 64 siyang kabanata (mas-marami pa sa updated version) na may mga aral tungkol sa personal na responsibilidad, pagkamit ng pangarap, pagtagumpay mula sa takot, paghahanap ng layunin sa buhay, motivation, pamumuno, relationships, pera, at napakarami pang iba.

May prinsipyo o aral tungkol sa halos kahit-anong success topic na kakailanganin mong matutunan, at halos lahat ng ito ay may inspirational real-life story ng mga taong nakagawa nito (ang may akda ng libro ay ang nagsulat din ng “Chicken Soup for the Soul” series).

Kung may ISANG Libro akong irerekomenda sa iyo mula sa sampung ito, ITO NA IYON.

 

Napakarami pa akong librong nagustuhan at irerekomenda, pero sa ngayon itong listahang ito ang aking top 10. Baka gumawa pa ako ng mas-detalyadong book reviews at maglilista pa ako ng iba pang nagustuhan ko, pero magsisimula muna tayo dito.

Salamat muli sa pagbabasa ng article kong ito pero bago ka umalis, tandaan mo muna ang isang aral na ito:

Makakamit mo ang KAHIT ANONG PANGARAP MO sa buhay… KAPAG NATUTUNAN MO KUNG PAANO.
Ilang lifetimes ng karanasan at karunungan ang naghihintay sa iyo sa mga pahina ng mga libro, at ang kailangan mo lang gawin ay basahin sila para matutunan mo ang lahat ng iyon.

 

Ngayon ikaw naman: Ano ang mga paborito mong libro?
Isulat mo sa mga comments!
Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.