X

20 Inspirational Quotes Tungkol sa Pagsisikap at Pagkamit ng Tagumpay

English Version (Click Here)

Minsan ang kailangan lang natin ay kakaunti pang karagdagang lakas ng loob upang malagpasan ang araw at makagawa ng isa pang hakbang patungo sa tagumpay. Narito ang dalawampung inspirational quotes tungkol sa tagumpay at pagsisikap na malamang magbibigay sa iyo ng lakas para ipagpatuloy ang iyong pagpupunyagi.

1. “You are never too old to set another goal or to dream a new dream.” — Les Brown

Gaano ka pa man katanda, pwede ka pa ring magsimula ng bagong layunin o mangarap ng bagong pangarap.

 

2. “If you don’t like how things are, change it! You’re not a tree.” — Jim Rohn

Kung hindi mo gusto ang kalagayan mo ngayon, baguhin mo! Hindi ka naman puno.

 

3. “We may encounter many defeats, but we must not be defeated.” — Maya Angelou

Makaranas man tayo ng napakaraming pagkatalo, hindi natin dapat tanggapin ang kabiguan.

 

4. “In order to succeed, we must first believe that we can.” — Nikos Kazantzakis

Upang magtagumpay, kailangan muna nating paniwalaan na kaya nating magtagumpay.

 

5. “The secret of getting ahead is getting started.” — Mark Twain

Ang sikreto sa pagasenso ay ang pagsisimula (ng pagsisikap o pagpupunyagi).


6. “It always seems impossible until it’s done.” — Nelson Mandela

Palagi namang mukhang imposible (ang iniisip nating gawin) hanggang nagawa na ito.

 

7. “Talent is cheaper than table salt. What separates the talented individual from the successful one is a lot of hard work.” — Stephen King

Ang talento ay mas mura pa kaysa sa asin. Ang pagkakaiba ng talentado sa matagumpay ay napakaraming pagsisikap at pagpupunyagi.

 

8. “Luck is great, but most of life is hard work.” — Iain Duncan Smith

Napakabuti ng pagkaswerte, pero karamihan ng mga bagay sa buhay ay nangangailangan ng pagsisikap.

9. “There is one corner of the universe that you can be certain of improving, and that’s your own self.” — Alduous Huxley

 May iisang bahagi ng kalawakan na siguradong kaya mong pagbutihin, at iyon ang iyong sarili.

 

10. “If you can dream it, you can do it.” — Walt Disney

Kapag kaya mo itong pangarapin, kaya mo itong gawin.

 


11. “Start by doing what’s necessary; then do what’s possible; and suddenly you are doing the impossible.” — Francis of Assisi

Unahin mo ang paggawa sa kinakailangan; tapos gawin mo ang posible; biglang makakaya mo na palang gawin ang imposible.

 

12. “Invest in yourself. Your career is the engine of your wealth.” — Paul Clitheroe

Pagpuhunan mo ang iyong sarili. Ang iyong trabaho o gawain sa buhay ang makina ng iyong pagyaman.

 

13. “It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.” — Confucius

Hindi mo dapat alalahanin ang kabagalan mo basta’t hindi ka lang titigil o susuko.

 

14. “Always do your best. What you plant now, you will harvest later.” — Og Mandino

Gawin mo ang pinakamabuti mong makakaya. Ang itinanim mo ngayon, aanihin mo sa pagdating ng panahon.

 

15. “Keep your eyes on the stars, and your feet on the ground.” — Theodore Roosevelt

Tignan mo palagi ang mga bituin (mga pangarap), at panatiliin mong nasa lupa (makatotohanang inaasahan) ang iyong mga paa.

 


 

16. “What you do today can improve all your tomorrows.” — Ralph Marston

Ang magagawa mo ngayon ay pwedeng pagbutihin ang lahat ng iyong kinabukasan.

 

17. “Don’t judge each day by the harvest you reap but by the seeds that you plant.” — Robert Louis Stevenson

Huwag mong husgahan ang bawat araw ayon sa iyong ani, husgahan mo ito ayon sa mga iyong itinanim.

 

18. “Perseverance is failing 19 times and succeeding the 20th.” — Julie Andrews

Ang perseverance o pagtitiyaga ay ang pagkabigo ng labing-siyam na beses at magtagumpay sa ikadalawampu.

19. “It is during our darkest moments that we must focus to see the light.” — Aristotle

Sa pinakamadilim na panahon sa ating buhay, doon natin kailangang magfocus para makita natin ang liwanag.

20. “Don’t let the opinions of the average man sway you. Dream and he thinks you’re crazy. Succeed, and he thinks you’re lucky. Acquire wealth, and he thinks you’re greedy. Pay no attention. He simply doesn’t understand.” — Robert Allen

Huwag kang magpadala sa opinyon ng karaniwang tao. Mangarap ka at iisipin niyang baliw ka. Magtagumpay ka at iisipin niyang maswerte ka lamang. Pagsikapan mo ang kayamanan at iisipin niyang sakim pa. Huwag mo siyang pansinin. Hindi lang talaga niya naiintindihan.

 


Dito na muna tayo magtatapos. May iba ka pa bang alam na mga inspirational quotes? I-share mo sa comments sa ibaba!

Categories: Tagalog
Ray L.: Ray is the main writer behind YourWealthyMind.com. He is a proponent of self-improvement and self-education, and he believes that anyone can achieve their goals once they learn the knowledge and skills they need to attain them. He considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people lessons they may need to succeed.

View Comments (1)