English Version (Click Here)
Narito ang isa pang leadership concept na kailangan mong matutunan kung gusto mong maging mas magaling na executive, at ang tawag dito ay “commander’s intent”. Ang pag-alam sa paggamit ito ay makatutulong sa kakayahan mong magdelegate o magbigay ng trabaho sa iba, hayaang ang team mo ay makatapos nang mas maraming gawain sa mas mabuting kalidad, at bibigyan mo rin sila ng experience at responsibilidad upang hayaan silang maging mas mabuti sa kanilang trabaho.
Paano Maging Mas Mabuting Leader Gamit ang “Commander’s Intent”
Bukod sa mga nahihiya sa simula na mag utos sa iba, ang ibang baguhang leaders ay minsan nagma-micromanage (nagbibigay ng napakaraming detalyadong utos) ng kanilang mga team members. Napakadaling isipin na ang paraan natin o ang mga idea lang natin ang tama o pinakamabuti. Dahil tayo ang “leader” o “boss”, minsan aakalain natin na mas may-alam tayo dahil lang sa mas mataas na rango natin pero hindi nga naman ito palaging totoo. Kung nanggaling tayo sa business management at nailagay tayo sa posisyong kailangan nating magmanage ng mga doktor o engineer, baka mas madali para sa atin na makinig sa kanila dahil sila’y eksperto sa gawain nila. Sa kasamaang palad, magiging mas overconfident tayo kung napromote tayo mula sa ating sariling koponan o kumpanya.
Gayunpaman, sa pagiisip na tayo ay laging tama, baka maisipan nating i-micromanage ang bawat galaw ng mga miyembro ng ating koponan o team. Sa kasamaang palad nga naman, ang micromanagement ay nakadudulot ng napakalaking pahamak. Ayon sa Investopedia: “team members eventually become frustrated and resentful as their work is undermined at every stage and they have no autonomy over how to run an assigned project. Because team members’ skills and development on the job are stunted, the micromanaging style of leadership is ineffective.”
Ang mga miyembro ng iyong koponan ay naiinis at nagagalit dahil ang trabaho nila ay nababagabag sa bawat hakbang at wala silang karapatang gawin ang naiisip nilang karapat-dapat sa kanilang mga proyekto. Dahil din nahahadlangan ang mga kakayahan at pagdevelop o paglaki ng mga miyembro ng koponan, ang micromanaging style ng pamumuno ay hindi epektibo.
Kung palagi mong inuutusan ang mga tayo na gawin ang mga bagay ayon sa gusto mong paraan at kung palagi mo ring pinaparusahan ang iba kapag hindi nila tinapos ang trabaho nila ayon sa paraang iniutos mo, hindi na sila magiimprovise o maghahanap ng mas mainam na solusyon o paraan. Ito’y magiging napakalaking hadlang kapag nagkaproblema dahil palagi silang manghihingi sa iyo ng tagubilin pag may nangyari.
Ano ang solusyon? Gamitin mo ang “Commander’s Intent”:
Kaysa sabihin mo ang eksaktong hakbang na kailangan nilang gawin para sa mga ipinapagawa, sabihin mo kung ano at kung BAKIT nila kailangang gawin ang isang bagay. Sabihin mo kung ano ang dapat gawin. Ito’y ipinaliwanag nang mabuti ni dating heneral George S. Patton:
“Never tell people how to do things. Tell them what to do and they will surprise you with their ingenuity.”
Huwag mong sabihin sa mga tao kung paano nila gagawin ang mga bagay. Sabihin mo kung ano ang dapat gawin at masusupresa ka sa kanilang talino.
Isipin mo ang sitwasyong ito. Isipin mo kapag kailangan mo ang isang sales team na magbigay ng project proposal sa isang ispesipikong tao na pwedeng makapagbigay ng halos isang milyong dolyar sa sales o benta. Sinabi mo sa kanila na kailangan nilang makipagkita sa kliente sa susunod na Huwebes, sumakay sila ng tren papunta sa isang address, gamitin ang video at powerpoint presentation na ginawa mo, at pilitin ang kliente na sumang-ayon sa nakatakdang presyo para sa proyekto.
Ngayon isipin mo naman kapag may nangyaring masama. Tumigil o nasira ang tren. Kakailanganin ka ba nilang tawagan para manghingi ng permiso na gumamit ng ibang sasakyan? Paano kung wala pala sa opisina ang kliente? Kakailanganin ba nila ng permiso mula sa iyo na icancel o imove ang meeting? Paano rin kapag hindi sumang-ayon ang kliente sa presyong gusto mo, o gusto nila ng karagdagang benepisyo, o umayaw sila sa sales pitch mo?
Kung may nangyaring masama at hindi mo binigyan ang koponan mo ng sapat na karapatang gumalaw ayon sa sitwasyon (ito ang nangyayari pag may mga boss na mahilig magmicromanage), ang koponan mo ay mapupuwersang manghingi palagi ng tagubilin tungkol sa ano ang susunod na dapat gawin pag nagkaproblema. Magrereklamo ka “bakit hindi sila mag-isip naman” kung, sa katotohanan, sa huling beses na ginamit nila ang sarili nilang solusyon nang wala ang iyong permiso, nagalit ka. Ang ganoong work environment ay nakahahadlang sa kakayahan ng koponan mong magtrabaho nang mabuti.
Set Goals o Gumawa ng Layunin
Saan papasok ngayon ang commander’s intent? Sasabihin mo kung ano at kung BAKIT nila kailangan gawin ang isang bagay, at dahil dito makakahanap sila ng mas-mainam na paraan para tapusin ang kailangang gawin.
Sa halimbawa sa itaas, bakit nga naman nila kailangan magdeliver ng sales presentation? Dahil kailangan kumita ng isang milyon sa sales.
Ngayong alam na natin kung bakit, pwede silang makahanap ng alternatibo. Balikan natin ang mga problema. Nasira at tumigil ang tren o wala sa opisina ang kliente? Bakit hindi nila subukang gumawa ng online video conference o magbigay sila ng sales presentation sa ibang tao sa kumpanya tulad ng isang mas-mataas na executive o miyembro ng board? Kailangan ba talagang iyung ispesipikong klienteng iyon ang pipilitin mong bentahan? Paano naman ang presyong hinihingi mo? Naisip mo ba ang IBANG posibleng kliente para sa sales deals? Ibang tao na pwedeng mas makabubuti para sa iyong kumpanya?
Ang posibilidad ay dadami para sa iyong team kung sinabi mo kung ano at bakit nila kailangang gawin ang ibang bagay kumpara sa kung paano nila gagawin ito. Kailangan din naman gumawa ng limits ng mga dapat at hindi nila dapat gawin (hal. maging bastos o walang galang) at kailangan din nila ng training, pero sa kabuoan dapat matuto kang gumawa ng goals o malaking layunin para sa iyong koponan kaysa sa pagbibigay lamang ng ispesipikong tuntunin sa kung paano nila dapat gawin ang trabaho nila.
Gagana rin ito para sa iyong gawain sa buhay
Heto ang isang bonus na aral. Bakit mo ginagawa ang mga ginagawa mo ngayon? Bakit mo pinili ang kursong kinuha mo noong college? Bakit mo pinili ang trabaho o career mo ngayon? Bakit mo gustong maging manager o executive? Bakit mo ginustong magnegosyo? Bakit mo ginustong ipagpatuloy ang negosyo ng pamilya mo?
Para ba sa sweldo? Sa pera? Reputasyon? Katanyagan? Dahil ba pinilit ka ng mga magulang mo?
Kung nalaman mo ang dahilan kung bakit ginagawa mo ang lahat ng gawain mo ngayon, makakahanap ka rin ng mga alternatibo na makapagbibigay ng mas kaparehong resulta. Mga MAS-MABUTING alternatibo.
Tandaan, hindi lang sa sweldo mo ngayon pwedeng kumita ng pera. Pwede kang pumasok sa career na mas gusto mo, magtrabaho sa mas magandang kumpanya, magnegosyo, magtayo ng rental properties o paupahan, magtrade ng investments, at marami pang iba. Ang reputasyon o katanyagan sa isang kaakit-akit na job title? Pressure mula sa iyong pamilya o mga kaibigan? Kapag naintindihan mo na na hindi mo kailangang bumigay sa mga kagustuhan nila, malaya mong magagawa ang pangarap mo. Magkakaroon ka ng lakas ng loob o self-confidence at pride sa paggawa ng mga pinapangarap mong gawin at mabuhay sa paraang nakakapagpasaya para sa iyo.
Kung gusto mong maging mas-mabuting leader at gumaling sa pagbibigay ng trabaho sa koponan mo, dapat alalahanin mo ang aral na ito:
Kaysa sabihin mo sa mga tao kung paano nila dapat gawin ang trabaho, sabihin mo kung ano ang kailangang gawin at BAKIT. Dahil doon, makakahanap sila ng mas-mabuting solusyon at alternatibo sa mga bagay na gusto mong tapusin.
Dito na muna tayo magtatapos. Sana nag-enjoy ka sa article na ito! Kung gusto mong matuto pa ng iba, tignan mo lang ang iba naming articles sa link na ito!